"Esha huwag ka ng magtampo sa amin ng Daddy mo, pumayag lang naman kami dahil alam naming mapagkakatiwalaan si Grey," saad ng Mommy niya sa kanya. Pag uwi kasi niya kanin hindi niya pinansin ang mga magulang, nagtatampo siya sa mga ito, para naman kasing ang dali siyang ipagkatiwala kay Grey ng ganun-ganon na lang. Buti na nga lang at walang ginawang masama sa kanya si Grey, oh sadyang wala talagang balak gawin sa kanya si Grey, dahil nga pangit siya at hindi interesado sa kanya si Grey. "Hindi ba gentleman man naman si Grey?' Tanong sa kanya ng ina. "Mommy naman eh, what if masama pala siyang tao?" Tanong niya sa ina. "Anak, kilala namin si Grey, kilala namin ang mga magulang niya, kaya ganon na lang ang lakas ng loob namin na ipagkatiwala ka sa kanya,' tugon ng ina. Humugot na lang