"Ang daya mo ah hindi mo man ako inimvite nagpa party ka pala kagabi rito kasama ang soon to be bride mo," maktol ni JB sa kanya nang papuntahin ang kaibigan sa G. Saavedra Bar para naman may makausap siyang matino at may mapagsabihan sa kanyang mga plano para sa kanila ni Esha. "Hindi naman mag e-enjoy kaya hindi ko na sinabi sa iyo,' bored na tugon niya at uminom sa kopitang hawak. Pagkahatid niya kanina kay Esha sa Villa nila, agad na siyang umalis at hindi na nga siya pumasok pa sa loob, baka kasi kausapin pa siya ng parents ni Esha, at hindi siya makaalis agad. Isa pa wala naman silang dapat pang pag-usapan. Pinagpaalam niya ng maayos si Esha sa parents nito na sa penthouse na niya magpapalipas ng gabi ang dalaga. Hindi para maka score o pansamantalaan niya si Esha, para lalong map