"Ihatid mo ko sa Villa!" Asik na utos sa kanya ni Esha nang makasakay na sila nito sa kotse niya. "No, Esha, bukas na ng gabi ang engagement party natin, at ayokong makagawa kapa ng eksena!" Mariing tugon niya rito at masamang tingin ang pinukol niya sa dalaga na ganon rin ang tingin na pinupukol sa kanya. Mabuti na lang at sinabi sa kanya ni Angelo kung nasaan ang mga ito, kaya agad niyang nasundan ang mga ito bago pa man nakabiyahe ang mga ito patungong San Ignacio. Kung nagkataon mas mahihirapan siya kung sa San Ignacio niya hahanapin ang dalawa, wala siyang koneskyon sa lugar iyon, isama pang hindi niya kabisado ang lugar at tiyak na mapapa ikot siya ng dalawa. Hindi niya nagustuhan ang ginawang ito ni Esha na basta na lang ito umalis at sumama pa sa ex-boyfriend nito. Ano na lang a