Sumama siya kay Angelo kagabi dahil hindi niya alam kung ano ang tamang gagawin. Naguguluhan siya sa mga kinikilos ni Grey sa kanya. Dahil na rin sa kalituhan ng kanyang isip sumama na lang siya bigla kay Angelo. Sa hotel sa kabilang bayan sila nagpalipas ng gabi ni Angelo. Hindi siya pumayag na iisang silid lang ang kunin nila. Kaya tig isang silid nito. Buong gabi naman siyang hindi nakatulog dahil iniisip kung tama ba ang kanyang ginawa. Dahil na rin sa tuliro siya at wala pa sa tamang pag-iisip nakapag text siya sa Mommy niya na huwag na siyang hanapin ng mga ito. Kaya tiyak na alalang-alala na ang mga ito sa kanya kung nasaan siya. Tawag ng tawag sa kanya ang Mommy at Daddy niya, pati na si Grey, pero ni isa wala siyang sinagot. Ayaw niyang makipag usap muna, magulo pa ang isip niy