Chapter-33

2101 Words

Kinabukasan ito na ang araw ng kanilang engagement party ni Grey, mukhang matutuloy naman at hindi na yata ito gagawa pa ng paraan para mawala siya sa landas nito. Pag gising niya tinawagan niya si Georgina para sana magpasama rito bumili ng maisusuot niya sa mamayang gabi. Kailangan na siguro niyang mag ayos kahit papano, kahit mamayang gabi lang maging ibang tao siya. Hindi man kasing ganda ng mga babaing nakakasama ni Grey, at least gawin niya ito para sa sarili niya. Makakaharap niya ang lahat ng Saavedra mamayang gabi. Makikilala niya isa-isa ang mga pinsan ni Grey at asawa ng mga pinsan nito. Alam niyang angkan ng magaganda at gwapo ang mga Saavedra, baka naman magulat ang lahat pag siya lang ang naiiba. Isa pa iyon naman talaga ang problema ni Grey ang itsura niya, kinahihiya siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD