Chapter-7

1709 Words
"Nag-usap ba kayo ng maayos ni Esha?" Tanong sa kanya ng ama nang matapos nilang magtungo sa bahay nina Esha eh pinasunod naman siya nito sa bahay ng mga ito. Dahil na rin malaki ang mawawala sa kanya sa bawat pag saway niya sa ama eh sumunod siya kahit labag sa kalooban niya. Balak na kasi niyang magtungo sa Bar na pagmamay-ari ng kanyang ama na pinapa handle nito sa kanya. Natawagan na rin kasi niya ang kaibigang si JB para magkita sila nito roon at syempre uminom at mag take out ng babaing game makipaglaro sa kanya. "Yes po, Papa," tugon niya. "Eh bakit biglahg sumama ang pakiramdam ni Esha at hindi na nagawang bumaba pa kanina?" Usisa nito. Sa tono palang ng pananalita ng kanyang Papa may nais na naman itong iparating sa kanya. "Gab, huwag mo naman ganyan kausapin ang anak mo," saway ng Mama niya sa kanyang Papa. Mabuti pa ang kanyang Mama hindi siya nito pinipilit na mag-asawa na. Hindi siya nito pinipilit na pakasalan ang babaing hindi pa naman niya lubusan kilala. Ewan ba niya sa kanyang Papa kung bakit atat na atat na itong ipakasal sila ng boring na babaing iyon. Hindi lang boring, ang weird, weird pa. "Baka kasi kung ano ang sinabi ng anak mo kaya hindi na nagawang bumaba pa ni Esha kanina," saad ng ama.. "Bahala nga kayong mag ama diyan,' saad ng ina at iniwan na sila nito sa sala. Umakyat na sa may hagdan ang kanyang Mama, na marahil nainis na rin sa mga sinasabi ng kanyang Papa. "Sinasabi ko sa iyo, Grey, maging mabuti ka kay Esha, siya ang magsasalba sa patapon mo nang buhay," saad ng ama sa kanya at lumakad ito patungo sa may mini bar. Sumunod naman siya sa ama. "Wala na po ba kayong ibang makitang babae na pwede niyong ipareha sa akin ah Papa?" Tanong niya at humila na rin ng alak at kopita para sa kanya. "Ano pa ba ang inaayawan mo kay Esha? Mabait ang batang iyon, hindi sakit ng ulo ng kanyang mga magulang, malayong-malayo sa iyo Grey," tugon ng ama sa kanya. "Iyon na nga po Papa. Malayong-malayo po ang ugali namin sa isat-isa," tugon niya sabay iling ng ulo. "Kung dahil sa physical na anyo ni Esha, kaya hindi mo siya nais pakasalan, mag isip-isip ka Grey. Nakatago lang ang ganda ng batang iyon. Pag naayusan at nabihisan ng tama, matatalo pa niya ang mga babaing tinitikman-tikman mo lang," litanya ng ama sa kanya. Hindi siya agad nakakibo sa ama. Physical appearance naman kasi talaga ang naka turn off sa kanya kay Esha. Kung sana maganda ito, sexy at hindi makalumang babae eh baka wala silang pinag-uusapan mag ama ngayon. Baka kahit bukas eh papayag siyang magpakasal. "Hindi lang ang panlabas ang dapat mong tinitignan sa babaing makakasama mo pang habang buhay, Grey,' saad ng ama. Lumabi lang siya sa ama at lumagok sa kopitang hawak. "Dapat mo ring suriin kung mabuting babae ba siya, kung hindi ba siya magdadala ng kahihiyan sa iyo, lalo na sa apelidong dala mo. Wala namang problema kung galing lang siya sa middle claas na pamilya o mahirap lang. Hindi sa ganoon tumitingin ang mga lalaking Saavedra. Mas tinitignan nating mga lalaking Saavedra kung malinis na babae ba siya at hindi ka lolokohin," litanya ng ama sa kanya. Tumango-tango na lang siya ama. Wala naman kasi siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Dalawa lang kasi ang mahalaga sa kanya, at iyon ay ang mukha at katawan. Kung wala ang dalawang iyon, paano na lang siya gaganahan. "Anyway, Grey. Ikaw na ang mag set up ng engagement party niyo ni Esha. I surprise mo siya para naman matuwa siya sa iyo," saad ng ama. "Engagement party?"Kunot noong tanong niya sa ama. "Yes, kailangan may pa party ka once na mag propose ka sa kay Esha," tugon ng ama. "Bakit kailangan pa ng ganon eh matagal naman na kaming engaged dahil nga pinagkasundo niyo na kame," he said. "Dapat ka pa ring mag propose sa kanya at bigyan siya ng mamahaling engagement ring," saad ng ama. Napahugot na lang siya ng malalim na paghinga at hindi na kumibo pa sa ama. Baka kasi may masabi pa siya at magalit ang ama sa kanya. Wala naman din siyang magagawa kundi ang sumunod sa gusto ng ama. Hindi na rin siya nagtagal at nagpaalam na siya sa kanyang mga magulang. Bago pa siya tuluyang nakaalis pinaalala pa ng ama ang engagement party na ihahanda raw niya para kay Esha. Para namang ang ganda-ganda ng Esha na iyon para gastusan pa niya ng malaki para sa party at mamahaling engagement ring. Well, kung hindi naman niya gagawin iyon eh baka naman tuluyan na siyang maghirap dahil itatapon na siya ng kanyang Papa. Sa G. Saavedra Bar siya nagtungo naroon na nga ang kaibigan niyang si JB at sinisimulan na nitong uminom. "Pare," sabay tapik niya sa balikat ng kaibigan na nagulat pa sa pagdating niya. "Akala ko hindi ka na sisipot eh," JB said at tinapik rin siya nito sa balikat nang sulyapan siya. "Pwede ba namang hindi eh kailangan ko nga ng makakausap,' tugon niya at naupo sa tabi ng kaibigan saka sumensya sa bartender na naroon para bigyan siya ng hard drink. "Eh, ano ba iyong sasabihin mo?' Tanong ni JB sa kanya. Wala pa siyang napag sasabihin sa mga malapit sa kanya tungkol sa pamimilit ng kanyang Papa na magpakasal na. At si JB ang nais niyang pagsabihan para naman mapayuan siya ng kaibigan kung ano ang dapat niyang gawin. "About sa babaing pakakasalan ko," tugon niya na hindi man sinusulyapan ang kaibigan at tumungga ng alak. "Pakakasalan? ikakasal ka na?" Gulat na tanong ng kaibigan sa kanya. Hindi lang naman ito ang nagulat, pati naman siya nagulat din sa nangyayari sa kanyang buhay. "Oo," tugon niya. "Sino namang sira ulong magpapakasal sa iyo?" Natatawang tanong ng kaibigan sa kanya. Masamang tingin ang pinukol niya rito. Agad naman itong nag alis ng ngiti sa labi at sumeryoso ang mukha. "I mean, sino ang maswerteng babae?" Tanong nito sa kanya ng maayos. "Isang babaing napili ni Papa para sa akin," tugon niya at muling binalik sa kopita ang atensyon. "Oh.....," tanging nasabi nito. Mukhang nag-iingat na ito sa sinasagot sa kanya. "Kailan ang kasal?" Tanong nito. "Malapit na. Minamadali na ni Papa eh," tugon niya. "Paano na iyan?" JB asked at tama namang may magandang babaing dumaan sa harapan nila. Kapwa nila sinundan ng tingin ang magandang babae na nagpapa cute rin naman sa kanya. Ganitong tipo ng babae ang gusto niya, maganda at sexy kung manamit, labas ang kaluluwa agad. Iyung unang tingin palang alam na niyang wild sa kama at mag e-enjoy siya. Hindi katulad ni Esha na ewan niya kung hindi magsisisigaw pag nakakita ito ng hubad na lalake. Kanina nga lang nang lapitan niya ito at hawakan nagtititili na ito at pilit kumakawala sa kanya na para bang iyon ang unang pagkakataon na may lalaking nakahawak rito ng ganon. Hindi na siya magtataka kung siya palang ang lalaking nakalapit rito ng husto. Ganoon pa man hindi naman siya immune sa karisma ni Esha kahit kakarampot lang ang s*x appeal meron ito. Nagawa naman kasi nitong gisingin ang kanyang pagkalalake kanina. Mabango kasi ito at nagustuhan niya nag amoy ng dalaga. Birhen na birhen ang amoy nito. Kaya walang duda na birhen pa si Esha. Iyon lang naman ang gusto niya kay Esha, ang pagiging birhen nito na walang duda. Iyon nga lang asahan na niyang mabo-boring siya sa kama kasama si Esha. "Gusto mo?' JB asked him nang makalampas na sa kanila ang babaing nagpapa cute. "Not bad for tonight fun," tugon niya sa kaibigan at ngumisi pa. "Iuwi mo na mamaya,' JB said. "Sure thing,' tugon niya at inubos ang laman ng kanyang kopita. "Pwede ka pa bang maglaro?' JB asked. "Oo naman," agad niyang tugon sabay hingi pa ng alak sa bartender na naroon. Kilala na siya ng mga staff sa bar, siya na kasi ang bagong boss ng mga ito. "Paano ang fiancée mo?" JB asked. "Hindi pa naman kami kasal, isa pa hindi naman niya malalaman pa,' balewalang tugon niya sa kaibigan. "Kung ikakasal ka na talaga, handa ka bang i give up ang ganitong lifestyle?' JB asked. Hindi siya nakakibo at bumuntong hininga muna saka muling inubos ang laman ang kanyang kopita. "Mawawala na sa iyo ang kalayaan mong mag uwi ng ibat-ibang babae gabi-gabi. Handa ka na bang matali sa isang babae ah Mr. Grey Saavedra?" Tanong pa sa kanya ng kaibigan. "Kung ako ang tatanungin, syempre hindi pa ko handa. I am only twenty-eight years old, hindi pa ko sawa sa buhay binata," tugon niya sa kaibigan. "Eh bakit hindi ka umayaw?" JB asked. "Ayokong maghirap pare, ayokong mawala sa akin ang buhay na meron ako ngayon. Ayokong mawala sa akin ang apelidong Saavedra," tugon niya sa kaibigan. "Hahayaan mo na lang na matali ka sa kasal na walang pag-ibig?' JB asked. "Ok lang sana kung walang pag-ibig lang. Kaya lang more than that eh,' iling ulong sabi niya. "What do you mean more than that, Grey?" "Esha is weird. Hindi siya katulad ng mga tipo kong babae. She is different pare.' "Anong weird at different?" Usisa ni JB. "She is a rich man daughter. But, hindi siya maganda, hindi rin siya sexy. Kung manamit siya parang nasa sinaunang panahon. Ang weird niya and also boring," paliwanag niya sa kaibigan. Napanganga naman si JB nang sulyapan niya ito. Marahil hindi makapaniwala na sa isang katulad lang ni Esha siya matatali. "Kung hindi ka naniniwala, pumunta ka sa engagement party namin next week. Para makita mo siya,' he also. "Hindi siya maganda katulad ng mga naikakama mo?" Parang hindi makapaniwalang tanong ni JB. "Yes, hindi siya katulad ng mga babaing nakakasama ko. Ang layo niya pare," iling ulong sabi niya. "Grabe naman," JB said.. "Grabe talaga pare. Pangit siya eh, swerte lang niya dahil mayaman ang mga magulang niya at nag-iisang anak lang siya, kaya gustong-gusto siya ni Papa para sa akin," he said. "Malas mo naman kung ganon pare. Lugi ka diyan," JB said. "Malas talaga," saad niya habang pailing-iling ng ulo. Luging-lugi naman talaga siya, dahil walang ganda si Esha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD