"Bastos!" Malakas niyang hiyaw at buong lakas na kumawala sa pagkakayakap sa kanya ni Grey. Nagawa naman niya kaya mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kandungan nito.
Inayos niya ang damit na. nagusot pati na ang kanyang buong na nagulo sa kalapastanganang ginawa ni Grey sa kanya. Isang malaking kabastusan na nga ang basta nito pagpasok sa loob ng kanyang silid. At lalo napakalaking kabastusan para sa kanya ang ginawa nitong paghawak sa kanya, pagyakap at pagpapaupo sa kandungan nito.
"Napakabastos mo!" Asik niya kay Grey na nakangisi pa at mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa nito sa kanya. Ginagawa siya nitong katuwaan.
"Ikaw na ang pinaka bastos na lalaking nakita ko!" Hiyaw niyang muli at umigkas ang kanyang kamay para gawaran ng malakas na sampal si Grey na sobra na kung bastusin siya nito.
Bago pa man dumapo ang kanyang kamay sa pisngi ni Grey nahuli nito ang kanyang palapulsuan at mahigpit na hinawakan iyon.
"Ano ba! Bitiwan mo ko!" Asik niya rito at sinubukang bawiin ang palapulsuan na mahigpit nitong hawak. Lalo namang hinawakan ng mahigpit iyon ni Grey at sobrang bilis ng pangyayari sa kanilang dalawa ni Grey.
Hinila siya ni Grey at bumagsak siya muli sa kandungan nito. Napatili siya at hindi sinasadyang napahawak siya sa malapad nitong balikat. Nanlaki ang kanyang mga mata nang sumunod na nangyari napahiga si Grey at dahil hawak siya nito at nasa kandungan siya nito mabilis siyang napasama nito sa paghiga. Nauntog pa ang kanyang ulo sa baba ni Grey.
Napaka inappropriate ng kanilang pwesto ngayon, nakahiga si Grey at nakaibabaw siya sa binata.
Nagtitili siya at sinubukang kumawala sa pagkakaibabaw niya sa binata. Nagulat naman siya nang yakapin siya ni Grey ng mahigpit at tila ayaw pakawalan.
"Grey ano ba!" Asik niya.
Hindi siya kumportable sa kanilang posisyon. Napaka awkward, isama pang may nararamdaman siyang matigas na kung ano sa may pantalon ni Grey na kumakayos sq may puson niya.
Old fashioned lang siya kung manamit pero hindi siya mangmang pagdating sa ibang bagay. Aware siya na ang nararamdaman niyang something na matigas eh arousal ni Grey. Meaning kahit anong panlalait nito sa kasuotan at itsura niya, nagagawa pa rin niyang gisingin ang pagkalalake nito, at hindi nito made-deny iyon dahil feel na feel niya ang matigas na something nito sa kanyang puson. Well, hindi na rin siguro siya dapat magtaka pa, dahil ang itsura palang ni Grey eh kahit poste papatulan nito pag nakita nitong nakapalda. Wala itong pinalalampas na babae.
"Get off!" Hiyaw pa rin niya rito.
Nang tumingala para tignan ito nakita niyang nakangiti ito na para bang enjoy na enjoy pa ito sa sitwasyon nila ngayon.
"I know you like it, Esha," saad pa nito na may malisya sa ngiti.
"Get off!" Tili niya at sinubukang kumawala rito, iyon nga lang mas lalong nadidikit ang kanyang katawan sa katawan ni Grey, at sa nakikita niyang ngisi sa labi nito eh enjoy na enjoy ito sa nangyayari sa kanila.
"This is your first time, na ganito kalapit sa isang lalake, right?" Tanong sa kanya ni Grey.
"Of course not!" Agad niyang tugon rito para inisin ito at huwag masyadong mataas ang tingin nito sa sarili nito. Isa pa hindi naman ito ang unang lalaking nakahawak at nakalapit sa kanya ng ganito. Nariyan si Angelo ang kanyang ex boyfriend. Although wala namang nangyari sa kanila ni Angelo, hindi sila lumagpas ng dating nobyo sa dapat.
"Liar," Grey said at nagulat siya nang ilapit nito ang labi nito sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na linayo ang mukha rito, para hindi magpang abot ang kanilang mga labi. Nasamyo niya ang mabangong hininga ni Grey, mainit-init pa nga iyon. Napalunok siya dahil may something na init o kiliti na gumapang sa kanyang buong katawan particular sa kanyang p********e.
"I am not a liar!' Mariing saad niya. Hindi naman talaga siya magsisinungaling.
"Don't worry, I'm not gonna kiss you, Esha,' saad nito at ito na mismo ang umiwas sa kanya.
Nagulat siya nang sa isang iglap naikot na siya ni Grey. Siya na ang nasa ilalim na kanina lang ay nasa ibabaw siya nito.
Napatili siya at akmang aalis sa nang mahawakan ni Grey ang dalawa niyang kamay at tinaas iyon sa ibabaw ng kanyang ulo. Nagpumiglas siya hindi niya gusto ang ganitong awkward na posisyon nila ni Grey.
Kahit si Angelo ang una niyang pag-ibig hindi naman sila umabot sa ganito ni Angelo. Yes, naghalikan sila, pero hanggang halik lang naman at hindi na nasundan pa ng kung anong intimate scene.
"Grey bitiwan mo ko!" Hiyaw niya habang taas, baba ang kanyang dibdib na umaabot na sa malapad nitong dibdib. Hindi niya gusto ang ganitong nadidikit ang katawan niya sa katawan ng isang lalake. Pakiramdam niya dumudungis siya. Lalo na kung katulad ni Grey ang lalake na walang pagpapaalaga sa isang babae.
"Listen to me, Esha," Grey said. Umiiwas naman siya ng tingin rito. Ayaw rin kasi niyang nagtatama ang kanilang mga mata. Magaganda ang pares ng mga mata ni Grey at sa tuwing titingin siya sa mga mata nito, may kakaiba siyang nakikita roon na hindi niya gusto.
"Say it, Grey, and let me go!" Matapang niyang saad.
"You hate it, right? Hindi mo gusto ang ganitong eksena. Hindi mo ito gusto dahil hindi mo pa na e-experience. At ito ang mangyayari sa atin once na pumayag kang magpakasal sa akin," Grey said to her. Kumunot ang kanyang noo.
"We will have s*x as soon as we get married. Madudungisan ko ang iyong sagradong katawan, lalo na ang iyong p********e,' Grey said.
Lalo pa ngang lumalim ang kunot sa kanyang noo nang marinig ang mga sinasabi nito na para bang sinauna nga siyang tao at hindi sa panahon nito. Grabe nga pala ka judgemental ang isang Grey Saavedra.
"Kung ayaw mong madungisan ang iyong katawan ngayon palang umayaw ka na sa gustong mangyari ng ating mga magulang. Sabihin mong hindi mo kayang magpakasal. Wala kang balak mag-asawa,' litanya pa sa kanya ni Grey.
Nasa ganoong posisyon pa rin sila at hawak pa rin nito ang kanyang dalawang mga kamay habang naghihintay ito ng sagot mula sa kanya.
"Matatanda na tayo Esha, tayo na dapat ang magdesisyon para sa atin. At ayoko pang matali kanino man. At ikaw for sure wala kang balak mag asawa. Mas pipiliin mo marahil ang tumandang mag-isa o di kaya ang pumasok na lang sa kumbento kesa sa mag asawa ka ng lalaking pinagkasundo lang sa iyo at hindi mo naman pinili,' mahabang litanya pa rin nito sa kanya.
"Ikaw ang tutol sa kasalang ito, Grey, hindi ako, kaya ikaw dapat ang gumawa ng paraan para hindi ito matuloy,' she said.
Nakita niyang umigting ang panga ni Grey. Mukhang napikon sa kanyang sinagot. Gwapo ito kung gwapo at malakas ang dating. Sadyang mayabang at mataas lang ang tiwala nito sa sarili. Akala yata nito pag ginusto o sinabi nito eh mangyayari. Pwes hindi siya magiging sunod-sunuran sa lalaking ito. Masyadong maliit ang tingin nito sa kanya. Dapat lang na ipakita niya rito kung sino talaga siya.
"Pareho nating hindi gusto na matali sa kasal na walang pagmamahal sa isat-isa Esha. Hindi mo ko mamahalin dahil magka iba tayo. Ganoon rin ako, Esha, hindi kitang kayang mahalin dahil malayo ka sa babaing pinapangarap kong maging asawa, maging ina ng aking magiging mga anak at babaing pagbibigyan ko ng aking apelido," mahabang litanya na naman nito. Ang dami nitong sinasabi, puro naman sablay at puro panlalait sa kanya.
"Hindi magbabago ang desisyon ko Grey. Ikaw ang gumawa ng paraan kung tutol ka sa kasalang ito!" Mariin at determinadong sabi niya rito.
Pinakatitigan naman siya ni Grey, sinalubong niya ang malalim nitong tingin sa kanya.
"You will regret this, Esha," Grey said.
Bago pa man siya makasagot walang ingat na nitong binitiwan ang kanyang mga kamay at umalis ito mula sa pagkakaibabaw sa kanya.
Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at sinundan ng tingin si Grey na papalapit na sa pintuan ng kanyang silid. Hindi na rin nagtagal lumabas na ito na hindi man siya nililingon at nagpapaalam sa kanya.
"Bastos talaga!" Inis niyang bulong sa sarili at bumaba na rin sa kama. Inis siyang lumakad patungo sa may salamin para tignan ang kanyang sarili. Inayos niya ang kanyang damit at buhok.
Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya pangit. Sadyang bastos lang si Grey at ayaw nito sa kanya. Nakakadismaya at nakakalungkot dahil ang lalaking napili ng kanyang mga magulang ay masama ang ugali at bastos. Mukhang hindi kinilatis ng mabuti ng kanyang mga magulang si Grey Saavedra.