Chapter-8

1413 Words
"Gusto mo bang samahan kita mamili ng damit mo sa engagement party niyo ni Grey?" Tanong sa kanya ng Mommy niya nang puntahan siya ng ina sa loob ng kanyang silid. Sa susunod na araw na ang malaking engagement party nila ni Grey Saavedra ay gaganapin daw iyon sa San Sebastian kung saan ang talagang bayan ng mga Saavedra although mas nag stay si Grey sa Europe dahil mas gusto daw nito ang manirahan sa Europe. Kung siya lang kahit simpleng engagement party lang pwede na. Much better nga kung wala na lang din, ayaw naman talaga niya sa kahit anong party. Sa tuwing may party nga sa company ng Daddy niya ayas niyang unattended sadyang kailangan lang dahil nag-iisang anak lang siya ng mga magulang niya. Ganoon rin pag may pa party ang Mommy niya sa bahay nila, halos ayaw niyang lumabas ng silid niya. Alam naman kasi niyang kakatyawan lang siya ng mga pa sosyal at mayayamang kailangan ng Mommy niya. Hindi kasi siya makasabay sa magarbong ayos ng mga ito. Masaya na siya sa simpleng ayos lang niya. Ayaw din niyang maghanda pa para sa engagement party nila ni Grey, alam naman niyang ayaw sa kanya ni Grey. Inuutusan nga siyang mag back out ni Grey sa kanilang kasal, dahik hindi iyon magawa ni Grey sa takot nitong mawalan ng mana at karapatan bilang Saavedra. Masasakit na salita nga ang natanggap niya sa kanyang fiance daw. Lalo na pagdating sa kanyang appearance. Parang ang pangit, pangit niya sa harapan ni Grey. Ganoon pa man hindi siya nagpa apekto. Sanay na siya sa mga masasakit na salita galing sa ibang tao dahil lang sa kanyang itsura at mananamit. As long as kilala niya ang kanyang sarili, wala siyang dapat alalahanin. Isa pa masaya naman siya. Iyon ang mahalaga ang masaya siya. "Huwag na po Mommy, ako na lang po," tanggi niya sa ina. Tiyak kasi na ipipili siya ng ina ng modernong damit iyong halos labas na ang kaluluwa para marahil maakit sa kanya si Grey. Hindi naman na niya kailangan iyon. Bahala na si Grey kung maaakit ito sa kanya o hindi. Tutal pinagkasundo lang naman sila at pareho silang walang damdamin sa isat-isa, kaya hindi na niya problema kung maghanap ng iba si Grey, dahil hindi nito gusto ang style niya. Para sa kanya ang kasal na ito eh isang laro lamang, darating din ang araw na paghihiwalay sila ni Grey at makakahanap pa rin siya ng lalaking tatanggapin siya kung sino siya. Katulad ni Angelo. Si Angelo ang una niyang pag-ibig, at kung sila ni Angelo sa dulo magkikita at magkikita pa rin sila. Go with the flow na lang siya sa gusto ng kanyang mga magulang. Para naman hindi sabihin ng mga ito na isa siyang malaking kahihiyan sa pamilya Lagazon. "Esha, anak engagement party mo kasi iyon, dapat ikaw ang pinaka maganda sa gabing iyon. Maraming dadalo na mga kaibigan at kapamilya natin pati na sa mga Saavedra," litanya ng ina. Alam naman niyang nag-aalala lang ang ina na baka mapahiya siya pag nagmukha siyang manang, madre o sinaunang nilalang sa araw mismo ng kanyang engagement party. Ganoon pa man wala siyang balak baguhin ang sarili niya para lang magustuhan ng Grey Saavedra na iyon. Nagpapakatotoo lamang siya. "Mommy, this is me, wala pong mali sa pananamit ko. Kanya-kanyang style naman po iyan," she said. Madalas naman ang ganitong scenario sa kanila ng Mommy niya. Pinipilit kasi siya ng ina na maging katulad nito at ng kanyang mga kaedaran na sosyal at sophisticated. Pero hindi talaga ganon ang style niya. "I didn't say na may mali sa pananamit mi anak," saad ng ina at lumapit sa kanya. Hinaplos ang kanyang mukha. "You are so beautiful, Esha, but, like what I always say, natatakpan ang ganda mo sa style ng pananamit mo, pati na sa salamin mo at braces," her Mom said. "This is me, Mom," she said. "I know, honey, I know, and I love who you are,' tugon sa kanya ng ina at niyakap siya nito. "Thanks, Mom,' pasalamat naman niya rito. Pinagpaslamat niyang hindi na napilit pa ang Mommy niya na samahan siya nito mag mall, kaya naman mag-isa lang siyang umalis ng kanilang bahay patungo sa mall. Mahilig din naman siyang mag mall at sa mga books store siya tumatambay at coffee shop, lagi siyang bumibili ng ibat-ibang libro na pwede niyang paglibangan. Ang pagbabasa ng libro ang isa sa pinaka libangan niya, natutuwa at the same time na re-relax siya sa tuwing nagbabasa. Sa pagpili ng dami na isusuot sa engagement party niya ay hindi naman siya natagalan. Isang puting dress ang napili niya na tamang-tama sa style na gusto niya. Walang makikitang balat. Bumili na rin siya ng bagong sapatos na babagay sa dress niya. Matapos makapamili ng kanyang kailangan, dumaan na siya sa coffee shop para mag meryenda naman katulad ng lagi niyang ginagawa tuwing nasa mall. Papasok na siya sa coffee shop nang makasalubong niya si Angelo. Kapwa sila natigilan ni Angelo nang magtama ang kanilang mga mata. Matagal na silang hindi nagkikita ni Angelo at nag-uusap ang huling balita niya sa lalake na galing lang sa social media nito eh nagtungo ito sa America para sa master degree nito. At mukhang nakabalik na ito ngayon ng San Ignacio. "Esha," si Angleo ang unang bumasag sa kanilang katahimikan. "Hi," alanganing bati naman niya. "Esha, ikaw nga,' saad pa nito at ngumiti. Gwapo pa rin si Angelo kahit matagal-tagal na silang hindi nagkikita. Wala itong pinagbago. "Kumusta ka na?" Pangungumusta nito sa kanya. "I am ok. Ikaw?" Balik tanong niya. "I am ok. I am great. And I am happy na makita ka, Esha," may ngiting saad ni Angelo. Tumango-tango naman siya rito. "Coffee?" Angelo asked her. "Sure,' agad niyang tugon. "Great," Angelo said at niyaya na siyang pumasok sa loob ng coffee shop. Wala naman sigurong masama kung sumama siyang magkape kay Angelo. Although engaged na siya kay Grey Saavedra. Wala naman silang gagawing masama ni Angelo, dati naman silang magkakilala mag ex nga lang. Isa pa hi di naman sigurado magseselos si Grey pag nalaman nitong nagkape siya kasama ang ex boyfriend niya. Masyadong confident si Grey sa sarili nito, mataas ang tingin nito sa sarili at gwapong-gwapo sa sarili kaya hindi ito magseselos kay Angelo. Gwapo din naman si Angelo hindi nalalayo kay Grey, sadyang mas gwapo at malakas lang ang dating ni Grey. "How's life?" Tanong ni Angelo sa kanya nang mailapag na sa mesa ang order nilang kape at pastries. "Doing good," tugon niya. "Good to hear, Esha,' tugon nito. Nagkwentuhan sila ni Angelo sa mga nangyari sa kani-kanilang buhay. Nabanggit sa kanya ni Angelo na for good na daw ito sa San Ignacio at ito na raw ang magpapatakbo sa negosyo ng pamilya nito. Wala naman siyang maikwento about sa kanyang sarili, dahil mula ng maghiwalay sila eh halos sa bahaly lang naman siya at bukod sa pagdagdag ng kanyabg edad taon-taon eh wala ng nangyari pa sa kanya. "Mag-isa ka lang mag mall, wala pa ka bang boyfriend?' Angelo asked. Hindi niya agad nasagot ang tanong nito. Hindi naman kasi niya alam ang isasagot. Wala siyang boyfriend, pero ma e-engagaed na siya sa lalaking ayaw niya. "Esha, I am single until now. Naging busy kasi ako sa pag-aaral para makakuha ng master degree. And now I got my master degree, I guess pwede na ko at handa na kong pumasok sa relasyon. And I am happy, Esha dahil nagkita tayo muli," mahabang litanya sa kanya ni Angelo. Ngumiti naman siya kahit alanganin rito. "Maybe may second chance pa sa atin, kaya tayo pinagtagpo ulit," dagdag pa nito. Napalunok siya. Alam niyang sa ngayon walang second chance sa kanila ni Angelo. Nakatali na siya ngayon kay Grey, but, who knows sa future eh pakawalan din siya ni Grey. Hindi naman malabong mangyari iyon. Hindi siya gusto ni Grey. Hindi rin niya gusto si Grey. Pareho lang sila ni Grey na sumusunod sa kanilang mga magulang. "Angelo kase," simula niya. Gusto niyang maging honest kay Angelo. Tumingin naman si Angelo sa mga mata niya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "I am getting married,' she said. Nakita niya ang pagkagulat sa gwapong mukha ni Angelo. "Ikakasal ka na?" Paninigurado pa nito. "Yes, Angelo," malungkot niyang tugon rito. "So, it's mean I am late," Angelo said to her. Malungkot siyang tumango sa dating kasintahan. Kung sana hindi sila naghiwalay nito, baka sila sana ang ikakasal ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD