Sa bawat labas ni Esha na suot ang pinagpipilian nitong white dress para sa engagement party nila mamaya, napapaangat siya mula sa kinauupuan at napapatulala sa ganda ng kanyang fiancée. Wala pa itong ano mang make up pero lumulutang na ang ganda nito, isama pa na nakasalamin pa rin ito at may braces, damit lang talaga ang iniba kay Esha, pero ang laki na ng pinagbago nito. Iba talaga ang nagagawa ng damit sa isang babae, o sadyang nakikita na niya ngayon ang ganda ni Esha, na hindi niya nakita noong una sila nitong magharap, dahil na rin sa iisa lang ang nasa isip niya, at iyon ay kung paano makatakas sa fixed marriage nila para makabalik na siya sa Europe at magawa muli ang dati niyang ginagawa. "What do you think Kuya?" Tanong sa kanya ni Georgina nang sulyapan siya ng kapatid. Kapapa