"Are you sure Kuya sasama kapa sa amin ni Esha na bumili ng damit niya para mamaya?" Narinig niyang tanong ni Georgina kay Grey habang pababa na siya ng hagdan. Napansin rin niyang bihis na si Grey hindi na ito hubad at nakatapis lang ng tuwalya. "Wala naman akong gagawin kaya sasamahan ko na lang kayo," narinig niyang tugon ni Grey at napasulyap ito sa kanya na nasa huliang baitang na ng hagdan. Nagtama pa ang kanilang mga mata, pagkatapos nalipat ang mga mata nito sa kasuotan niya. Hindi naman na siya nagbihis pa ok na ang suot niyang blouse at shorts. Lalo pang bumaba ang mga mata ni Grey sa may mga hita niya. Kanina pa niya napupuna na panay ang tingin ni Grey sa mga hita niya, marahil nasisilaw ito sa kaputihan ng mga iyon. Masyado na kasing maputi at makinis ang mga iyon, dahil na r