Chapter 33 ANGELA “Happy 23th birthday, Anak,’’ bati sa akin ng isang magandang babae sa aking harapan. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na kinaroroonan namin. Binigyan niya ako ng isang bulaklak na kulay puti. “Salamat, ang bango naman nitong bulaklak na bigay mo,’’ nakangiti kong wika sa kaniya saka inamoy ang isang bulaklak na ibinigay niya. “Bilisan mo na at umuwi ka na dahil hinihintay ka na ng Daddy at Kuya mo,’’ utos nito sa akin. Unti-unti siyang nawala sa paningin ko habang malawak ang mga ngiti sa kaniyang labi. Nang mawala siya sa paningin ko saka ko na-realize na siya si Mommy. “Mommy!” sigaw ko at bigla akong nagising sa panaginip kong iyon. “Mabuti po at gising ka na, Ma’am. Hinihintay ka na po ni Sir sa hapagkainan,’’ wika sa akin ng katulong na umasikaso sa akin kan