Prologue
Prologue
Isang putok ng baril ang tumama sa dibdib ng asawa ni Lucio Diez. "Honey!'' sigaw ni Lucio nang makitang duguan ang kaniyang asawa.
Gumanti siya ng putok sa kalaban at nag-cover. "Honey, lumaban ka,'' aniya habang nasa kandungan ang duguang asawa.
''Supremo, hali ka na at maaabutan na tayo ng kalaban,'' yaya sa kaniya ng kaniyang kanang kamay na si One Eye kung tawagin ito ng myembro Asintado na pinamumunuan ni Lucio Diez na tinatawag nilang Supremo.
"One eye, hindi ko puwedeng iwanan si Flor dito. Mauna ka na at iligtas mo ang mga anak ko,'' utos ni Supremo kay One Eye.
''Hindi kita puwedeng iwanan, Supremo. Naroon na sina Putol at Pugot para iligtas ang mga anak ninyo,'' sagot ni One Eye kay Supremo at nagpakawala ito ng sunod-sunod na putok sa mga kalaban. Siya ang nag-cover kay Supremo para hindi makapaputok ang kalaban.
''Honey, iwan mo na ako. Hindi na ako magtatagal. Iligtas mo ang dalawa nating anak. Sige na umalis na kayo bago kayo maabutan ng mga Escobar,'' mahinang sabi ni Flor at dumura na ito ng dugo.
Isang mainit na halik ang iginawad ni Lucio sa kaniyang asawa bago ito nalagutan ng hininga. Masakit man sa kaniya ay wala na siyang magagawa kundi ang iwanan ito na walang buhay.
Tumakbo sila ni One Eye at umalis sa kanilang bahay. Dumaan sila sa basement at lumusot sa may ilog. Nagtungo sila sa isang hide out nila at nauna na ang mga anak niya roon.
Habang sa panig naman ng mga Escobar ay naabutan ni Frederico ang asawa ni Lucio na wala ng buhay at naliligo sa sarili nitong dugo.
Napakuyom ang kamao ni Frederico sa kahinatnan ng babaeng iniibig niya noon. Niligawan niya si Flor ngunit si Lucio ang naibigan nito. Mula pa noon ay karibal niya na si Lucio sa ano mang uri ng negosyo pati na sa pag-ibig.
Ang dalawang clan na ito ang hindi magkakasundo dahil ang tingin nila sa isa't isa mataas at walang makakatalo sa kanila.
"Papatayin ko lahat ng mga lahi mo, Agila!'' galit na sigaw ni Frederico sa harap ng labi ni Flor at binuhat ang wala ng buhay na katawan ng babae na kaniyang iniibig mula noon. Kilala sa tawag na Agila si Lucio dahil sa galaw at kilos nito.
Nagsimula ang away ng dalawang Clan nang trinaidor ng Ama ni Lucio ang Ama ni Frederico at nagpatayo ito ng sari-sarili nilang Clan. Kung dati ay magkasosyo ang dalawang pamilya sa mga negosyo at illegal gambling, ngayon naman ay mortal na itong magkaaway. Ngunit ayon sa iba ay hindi ang pamilya Diez ang pumatay sa Lolo ng pamilya Escobar. Ngunit walang nakakaalam ng tunay na katotohanan dahil parehong patay na ang pinagkaugatan ng gulo.
Lalong tumindi ang labanan ng dalawang pamilya nang sagutin ni Flor si Lucio at biguin si Frederico.
Bitbit ni Frederico ang labi ni Flor at binigyan niya ito ng magandang libangan. Inilibing niya ng maayos ang sinisinta niyang si Flor.
''Don Frede, nariyan po ang asawa ninyo,'' wika ng kaniyang kanang kamay na si Panday.
''Papasukin mo,'' utos ni Don Fred sa kaniyang kanang kamay na si Panday. Don Frederico, kung tawagin siya ng kaniyang sinasakupan. At kung tawagin naman siya ng kalaban ay si Phyton.
Pinapasok ni Panday si Reta; ang asawa ni Don Frederico.
''So, Totoo nga na dinala mo rito ang labi ng babaeng iyan! Frederico, hanggang ngayon ba mahal mo pa rin ang babaeng iyan?'' tanong ni Reta kay Don Frederico.
''Masakit ang ulo ko, Reta. Puwede ba alagaan mo na lang ang anak natin at huwag ka ng magdaldal rito?'' inis na taboy ni Don Frederico sa kaniyang asawa.
''Hanggang kailan mo tutugisin ang pamilya Diez, Don Frederico? Iwanan mo na lang ang gawain mo at sumama ka na lang sa akin sa probinsya. Magsimula tayong muli kasama ang anak natin,'' iyak na pakiusap ni Reta kay Frederico.
''Hanggang walang matitira sa kanila. Hanggang maubos ang lahi nila,'' wika ni Don Frederico sabay hithit ng sigarelyo.
''Paano kami, Frederico? Gusto mo bang lumaki si Darius sa ganitong uri ng pamilya? Itigil mo na ang mga illegal mong gawain,'' pangungumbinsi ni Reta sa kaniyang asawa.
''Sa illegal na gawain ko kayo binubuhay at diyan ko rin kinukuha ang binibili ng luho mo! At diyan ko rin kinukuha ang pinapaaral ko sa anak natin! Hindi ko iiwanan ang mga tauhan ko nang dahil sa gusto mo! Kung gusto mo umalis ka at iwanan mo ang anak ko!'' determinadong wika ni Don Frederico sa kaniyang asawa. Buo ang kaniyang loob na hindi niya ipagpapalit ang tungkulin niya sa Clan dahil lang sa asawa niya.
''Wala ka talagang puso kahit kailan! Sana hindi mo pagsisihan ang lahat ng ito, Frederico!'' iyak na wika ni Reta at tumakbo na ito palabas ng hide out ni Don Frederico.
Samantalang sa pamilya Diez naman ay nagtataka si Lander at Angela kung bakit puno ng dugo ang damit ng kanilang ama.
''Daddy, saan si Mommy? Bakit ang dami mong dugo?'' malungkot na tanong ni Lander sa kaniyang ama, labing apat na taong gulang pa lamang siya at ang kaniyang bunsong kapatid na si Angela ay limang taong gulang pa lamang.
''Daddy, saan Mommy ko?'' tanong ni Angela sa kanilang ama.
Niyakap ni Lucio ang kaniyang mga anak at humagulgol ito. Batid na ni Lander kung ano ang nangyari sa ina nila dahil labing apat na taon na siya.
''Mga anak, pinatay siya ng pamilya Escobar. Patawarin ninyo ako kung hindi ko nailigtas ang Mommy ninyo,'' iyak na wika ni Lucio sa kaniyang mga anak.
Napakuyom ng kamao si Lander at kinamumuhian niya ang pamilya Escobar. At paglaki niya ay gusto niyang ipaghiganti ang kamatayan ng kaniyang Ina. Sino mang Escobar na makikilala niya ay hindi makakaligtas sa mga kamay niya.
''Lander, alagaan mo ang kapatid mo. Ipapadala ko kayo sa Amerika at doon kayo mag-aral para makaiwas kayo sa mga kalaban,'' wika ni Lucio sa panganay niyang anak.
''Ipaghihiganti ko si Mommy paglaki ko, Dad. Magsisisi sila kung bakit nila pinatay si Mommy!'' nanggigil na wika ni Lander sa kaniyang ama.
''Anak, mag-aral ka ng mabuti sa Amerika. Paglaki mo pababagsakin natin ang pamilya Escobar at ang kanilang groupo. Lahat ng negosyo nila pababagsakin natin,'' wika ni Lucio sa kaniyang anak na lalake.
''Aalagaan ko si Angela, Dad. Pangako ko po iyan sa inyo ni Mommy,'' iyak na sagot ni Lander sa kaniyang ama.
Pinatulog ni Lucio ang dalawa niyang anak at tinipon ang kaniyang mga tauhan.
''Ano ang balita sa labi ng asawa ko?'' tanong ni Lucio sa kaniyang mga tauhan.
''Supremo, nakita ko na binuhat ni Phyton ang asawa mo. Sinundan ko sila ng palihim at dinala niya ito at inilibing niya ito ng maayos sa private cemetery niya,'' wika ni Tadyak sa kaniya.
"Alamin niyo kung sino ang pamilya ni Phyton na malapit sa kaniya at kunin niyo ng buhay at iharap sa akin!'' utos ni Supremo sa kaniyang mga tauhan.
"Supremo, dalawang mahalagang tao ang dala namin. Ang asawa ni Phyton at isang anak. Nasa Hide out po natin sa Rizal ko dinala ang mag-ina. Ano po ang gagawin namin?'' tanong ni Pandak na kasama ni Padyak.
''Good! One eye, ikaw na muna ang bahala at ang mga tauhan mo rito. Bantayan ninyo ang dalawa kong anak. Putol, Pugot,Tadyak, at Pandak, dalhin ninyo ako sa mag-ina ni Phyton,'' utos ni Supremo sa mga tauhan niya na tapat sa kaniya.
Dinala ni Tadyak si Supremo at kasamahan nito sa Ampolo Rizal kung saan naroon ang mag-ina ni Frederico.
Pagdating sa hide out nila sa Ampolo ay nakita ni Lucio ang dalawang mag-ina ni Frederico na nakatali ang kamay sa likuran at may sungal ang mga labi nito para hindi sila makalikha ng ingay.
Ngunit kahit magsigaw pa ay walang makakarinig sa kanila dahil nasa gitna sila ng kabundukan at walang pamamahay roon.
Minahan iyon ng mga ginto na pag-aari ni Lucio Diez. Tinanggalan ng busal ni Tadyak ang asawa ni Frederico na si Reta.
"Parang awa niyo na pakawalan niyo kami. Wala kaming kasalanan sa inyo!'' pakiusap ni Reta sa mga taong nasa harap niya.
''Kayo, wala. Pero ang asawa mo malaki!'' galit na tutok ng baril ni Lucio sa anak ni Reta at Frederico.
Umiiyak lang ang bata at takot na takot.
''Parang awa mo na, huwag ang anak ko. Pakawalan niyo na siya ako na lang ang papatayin ninyo. Kung ano man ang nagawa ng asawa ko pakiusap ako na lang ang magbabayad. Pakawalan niyo lang ang anak ko,'' iyak na wika ni Reta kay Lucio.
Ngunit sa pagkawala ng asawa ni Lucio ay lalong naging bakal ang puso niya. Gusto niya iparamdam kay Frederico ng triple ang sakit na nararamdaman niya sa pagkamatay ng asawa niya.
"Supremo, ano ang gagawin namin sa mag-inang ito?'' tanong ni Putol sa kaniya.
''Gahasain niyo at video-han at ipadala kay Phyton. Nang sa gano'n kung ano ang kaniyang kinuha sa akin ay higit pa roon ang kukunin ko sa kaniya!'' galit na utos ni Lucio sa mga tauhan niya. Wala siyang nararamdamang awa at parang bakal ang kaniyang puso.
Natuwa ang mga tauhan niya dahil maganda at sexy ang asawa ni Frederico. Kaya, atat na silang pagnasaan ang babae.
''Paano itong anak, Supremo?'' tanong ni Pugot.
''Hayaan niyong masaksihan niya ang pambababoy niyo sa kaniyang ina. Nang sa gano'n mai-kuwento niya sa hayop niyang ama ang ginawa niyo sa asawa ng hayop na 'yon,'' wika ni Lucio sa mga tauhan niya.
''Huwag, please. Parang awa niyo na pakawalan niyo kami,'' atungal ng asawa ni Frederico.
Ngunit buo ang loob ni Lucio na pagsawaan ito ng kaniyang mga tauhan at ipakita kay Phyton ang paghihiganti niya sa kamatayan ng kaniyang asawa. Lumabas siya ng silid kung saan naroon ang mag-ina.
Tanging sigaw ng babae at ungol ng kaniyang mga tauhan ang kaniyang narinig. Nagbibingihan siya sa pagmamakaawa ng babae at pagsisigaw nito. Sinulit ng kaniyang mga tauhan ang pagnanasa sa babae ng buong magdamag habang nakatingin ang anak nito.
Kinaumagahan ay natapos na rin ang mga tauhan niya sa babae.
"Supremo, ano ang sunod naming gawin?'' tanong ni Tadyak nang lumabas sila sa silid.
''Buhay pa ba ang babae?'' tanong niya.
''Buhay pa naman, Supremo. Nakatulala at mukhang mababaliw na,'' wika ni Pugot.
''Ang bata?'' tipid niyang tanong.
''Tumigil na rin sa kaiiyak at pinagmamasdan ang walang saplot niyang ina. Papatayin ba namin, Supremo?'' tanong ni Pugot.
''Ihatid niyo ang bata kung saan ninyo siya kinuha, Pandak. At ang babae iiwan niyo sa isang lugar at hayaan na mabuhay,'' aniya at sumakay sa kaniyang sariling sasakyan. "Putol, Ihatid mo ako sa aking mga anak,'' utos ni Supremo sa kaniyang isang tauhan.
Agad naman na sinunod ni Putol ang utos ni Supremo at sina Pugot, Tadyak, at pandak ay sinunod ang bilin ni Supremo na iiwan ang babae sa kung saang lugar at ihatid ang bata kung saan nila ito nakuha.
Hindi makapagsalita ang bata na si Darius ng ibaba ng mga ito ang kaniyang ina dahil may busal siya at nakatali ang mga kamay. Labing tatlong taong gulang pa lang siya at nasaksihan niya ang pambababoy ng mga ito sa kaniyang ina. Hindi niya makakalimutan ang taong nag-utos na babuyin ang kaniyang ina.
Sa murang edad niya ay nais niyang patayin ang taong iyon kapag nasa tamang taong gulang na siya. Pagsisisihan ng mga ito ang binuhay pa siya. Isa-isa niyang tiningnan ng mabuti ang mga taong nambaboy sa kaniyang ina.
Ibinaba ang bata malapit sa bahay ng mga Escobar, at iniwananan ng cellphone. Nakita siya ng kaniyang yaya at agad nitong tinawagan si Frederico.
''Sir, si Darius natagpuan ko malapit sa bahay na nakatali at may busal ang kaniyang labi,'' wika ni Pasita ang yaya ni Darius.
''Punyeta! Okay, lang ba ang anak ko? Pasita, umalis na kayo ngayon din at dalhin mo si Darius sa Ilog-Ilog. Ang ina niya hindi mo ba nakita?'' nag-alalang tanong ni Frederico.
Nasabi na kasi sa kaniya ni Pasita na kinuha ni Reta si Darius at paglabas nito sa kanilang bahay ay may nagpaputok sa security guard at kinuha ng mga armadong tao ang mag-ina.
''Sir, wala po si Ma'am Reta. May cellpone po silang iniwan dito,'' wika ni Pasita sa kay Frederico.
''Itabi mo! Magkita na lang tayo sa hide out ko sa Pantalan para makasigurado ko na ligtas kayong makarating sa ilog-ilog,'' kabadong wika ni Frederico sa yaya ng kaniyang anak.
Sinunod ni Pasita ang utos ni Frederico. Agad nilang iniwan ang bahay na kanilang tinitirhan.
Sinubukan tanungin ni Pasita si Darius kung ano ang nangyari, ngunit tikom lamang ang bibig ng bata at ayaw itong magsalita at nakakuyom lang ang kamao nito.
Pagdating sa pantalan ay magkasunod lang si Pasita at Frederico dumating. Agad nitong niyakap ang nag-iisa niyang anak.
"Anak, mabuti at nakaligtas ka. Ang Mommy mo nasaan?" tanong ni Frederico.
"Papatayin ko sila. Papatyin ko silang lahat!" iyak na wika ni Darius sa kaniyang ama.
"Anak?" tanging nasambit ni Frederico at kumalas sa kaniyang anak.
"Uubusin ko sila, Dad. Uubusin ko ang lahi nila!" galit na wika ng bata sa kaniyang ama.
"Sir, ito po ang cellphone na iniwan nila sa bulsa ng damit ni Darius," sabay abot ni Pasita ng cellphone.
Kinuha iyon ni Frederico at ibinilin niya si Drius kay Pasita.
"Umalis na kayo. Naghihintay na ang helicopter sa inyo. Ihahatid kayo ng piloto ko sa hide out ko sa Ilog-Ilog. Pasita, ikaw muna ang bahala magbantay kay Darius. Mainit pa ang sitwasyon dito sa Maynila. Ayaw kong pati kayo ay madamay, kaya doon muna kayo habang hinahanap ko si Reta," wika ni Frederico at niyakap muna ng mahigpit ang anak bago ito tuluyang umalis na paulit-ulit na binabanggit ng bata na papatayin niya ang mga taong gumawa ng karahasan sa kanila.
Nang makaalis na sina Pasita ay pumasok sa sasakyan si Frederico at tiningnan ang cellphone. Pagbukas niya ay agad nakita niya ang video nang pambababoy sa asawa niya ng mga tauhan ni Lucio. Hindi makita ang mga mukha nito at half body lang ang nakikita. Naikuyom niya ang kaniyang kamao sa sinapit ng kaniyang asawa. Nakita niya na halos hindi na ito gumagalaw.
Hanggang sa may numerong tumatawag sa cellphone na iyon. Agad niya itong sinagot.
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa'yo, Phyton? Masakit ba tingnan na pinagsasawaan ng mga tauha ko ang pinakamamahal mong asawa sa harap ng iyong anak?" wika ni Lucio sa kabilang linya.
"Hayop ka, Agila! Pagsisisihan mo kung bakit ka pa nabuhay sa mundo! Lahat ng pamilya mo uubusin ko! Saan mo dinala ang asawa ko?" galit na tanong ni Frederico sa kaniyang mortal na kalaban.
"Pagsisihan mo rin ang pagpatay sa asawa ko, Phyton! Dinala ko ang asawa mo kung saan mo dinala ang asawa ko. Pasalamat ka at buhay pa ang anak mo," ani Lucio sa kabilang Linya.
Inakala ni Frederico na pinatay din ni Lucio ang asawa niya kaya mas lalong tumindi ang galit niya kay Lucio.
"Papatayin kita, Agila. Ibibitay ko ang ulo mo sa puntod ng asawa mo. Hindi ako ang bumaril sa asawa mo! At alam mo na hindi ko iyan magagawa!" wika ni Frederico kay Lucio.
"Kahit tauhan mo pa ang nakabaril sa asawa ko, ikaw pa rin ang punot dulo dahil hindi mo natanggap na natalo kita sa lahat ng bagay. Hindi mo matanggap na nakuha ko ang pamumuno ng White Vultures Racing Club na inaasam-asam mo! Kaya, gusto mo itong bawiin, kaya walang awa mong pinagbabaril kami!
"Huwag mo akong pagbibintangan dahil hindi lang ako ang kalaban mo at gusto makuha ang White Vultures. Nagkataon lang na dumaan kami sa lugar na iyon at sunod-sunod na putok ang narinig namin. Kaya huminto kami roon," paliwanag ni Frederico kay Lucio.
"Mga tauhan mo ang naroon, kaya huwag ka ng magsinungaling! Unahan na lang tayong magpabagsak sa isa't isa," wika ni Lucio at pinatay na ang Cellphone.
Napakuyom ng kamao si Frederico at humagugol ng iyak dahil sa pagkawala ng asawa niya. Minahal naman niya si Reta at kung nakinig lamang siya rito ay hindi pa siguro ito napahamak.
Habang si Lucio naman ay agad na pinadala ang kaniyang dalawang anak sa Amerika at sinundo na lang ito ng kanilang Tita na si Mryna.
Habang si Darius naman ay sa Italy lumaki at nag-aral. Pina-theraphy siya ng kaniyang ama para makalimutan nito ang masalimuot na nangyari sa kanila ng kaniyang ina. Naging abogado siya at umuwi ng Pilipinas. Nag-aral din siya sa paghawak ng baril at siya na ang humawak ng iba nilang negosyo na naipundar ng kaniyang ama. Sampong kaso rin ang nahawakan niya at naipanalo simula nang mag-abogasya siya. Mayroon din siyang sariling negosyo na pinapatakbo.
Mahabang panahon rin na natahimik ang dalawang pamilya at naghihintay lang ng pagkakataon kung kailan umatake muli.
Sina Lander naman at Angela ay sa Amerika na nagtapos. Si Lander ay isa ng ganap na doctor at archetic at may sarili na rin itong Hospital sa Amerika at balak din nito magpatayo ng Private Hospital sa Maynila.
Habang si Angela naman ay nakapagtapos sa kursong agriculture at tourism. Gusto niya maglibot sa buong mundo at malaya sa lahat niyang gagawin. Taon-taon ay nagbabakasyon ang kanilang ama sa Amerika para dalawin sila.
Ngunit ito pa rin ang leader ng Asintado Organization. Lumawak pa ang kapangyarihan nito nang sumanib ang ibang groupo sa kanila. May mga club din ito na kumalat sa parte ng Pilipinas. At may foundation din ito na pinoprotektahan ang mga bata na minamaltrato ng mga magulang.
Si Darius kahit isa na siyang ganap na abogado ay gusto niya pa rin gantihan ang taong naging dahilan ng pagwasak ng kanilang pamilya. Pinag-aralan niya ng mabuti kung paano mamuno bilang isang Mafia Lord. Dahil kapag ano man ang mangyari ay kaya niyang pamunuan ang Escobar Clan kagaya ng kaniyang iniidolong ama at makaganti na siya sa mga taong umabuso sa kaniyang ina. Ngunit bilang anak ng leader ng mafia ay handa siya maghintay ng tamang panahon kung kailan ito ibibigay ng kaniyang ama ang pamumuno sa Cobra Organization.