Chapter 32 Darius Handa ko na sana muli angkinin ang katawan ni Angela sa araw na ito. Subalit bigla ko na lang naalala ang sinabi ni Bogart na hindi si Lucio ang gumahasa at pumatay sa aking kasintahan na si Lara kundi siya. Bigla kong binitiwan ang mga labi ni Angela at umatras sa kaniya. Nagtataka siyang tumingin sa akin. Hindi dahil sa ayaw ko siya angkinin kundi ayaw kong pagsamantalahan ang kahinaan niya na kahit ang totoo sabik din ako sa katawan niya. “Bakit tumigil ka?’’ nagtataka niyang tanong. “Mali ito, nasa bingit tayo ng kamatayan kagabi at hindi dapat ako matangay sa tawag ng laman. Sige na, maligo ka na sa batis para hindi ka magkasakit,’’ utos ko sa kaniya. Alam ko nadismaya ko siya, kaya padabog siyang umayos ng tayo at inirapan ako bago ito tumalikod. Gustuhin ko