CHAPTER 34 ANGELA Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko habang nakatingin kay Darius na papalayo. Nang hindi na siya maabot ng aking paningin ay unti-unti akong humakbang patungo sa kinaroroonan nila Daddy at Kuya. Malungkot na nakatunghay sina Daddy, at Kuya, sa puntod na inakala nila na ako ang nakalibing. “Dad,” mahina kong tawag sa aking ama nang makalapit na ako. Hindi man lang nila napansin ang paglapit ko dahil nakatuon ang pansin nila sa puntod na iyon kung saan nakasulat ang buo kong pangalan. Halos napaawang ang mga labi ni Kuya at Daddy na tumitingin sa akin. “Da-Da-Dad! M-multo!” sigaw ni Kuya na matakutin sa multo. “T-takbo, Dad!’’ sigaw ba ng baliw kong kapatid sa aming ama. “A-Angela? Patawarin mo kami anak! Manahimik nawa sana ang iyong kaluluwa,’’ nang