CHAPTER 2
ANGELA
‘’Ibibigay mo ba sa akin ang camera mo o kakasuhan kita?’’
tanong sa aking ng guwapong lalake, ngunit masungit naman.
‘’Bakit mo naman kukunin ang camera ko? Magnanakaw ka, ano? O
‘di kaya holdaper? Kapag hindi mo binitiwan ang camera ko sisigaw ako!’’ banta
ko sa kaniya ngunit lalo lang gumalaw ang kaniyang panga.
Napangiwi ako nang lalo niyang higpitan ang paghawak sa aking
pulsuhan.
“Mukha ba akong holdaper, Miss? Kinukuhanan mo ako ng larawan
na walang pahintulot sa akin, puwede kitang kasuhan ng Anti-Photo and Video
Voyeurism. Kaya akin na ang camera mo kung ayaw mong mabulok sa kulungan!’’
‘’Huwag mo ako daanin sa kaguwapuhan mo dahil alam ko na ang
mga criminal ngayon at mga holdaper ay nagpupustura ng maayos para
makapangbiktima sila! Kaya, bitawan mo nga ako! Ikaw ang kakasuhan ko ng
harassment kapag ayaw mo akong bitawan!’’ banta ko rin sa kaniya.
Nakikipagmatigasan ako dahil sabi ni Kuya ang mga holdaper daw ngayon ay
nakaporma na akala mo ay mayaman, ‘yon pala ay masamang tao na pala.
Binitiwan niya ang aking kamay at may kinuha siya sa kaniyang
wallet. Ipinakita niya sa akin ang id niya at nagsalita siya, ’’Abugado ako,
kaya burahin mo ngayon ang kuha ko riyan sa camera mo kung ayaw mong
makulong!’’ wika niya sa akin.
Tumawa ako ng pagak sa sinabi niya. Tiningnan ko ang id niya
at nakasulat roon ang buo niyang pangalan. Attorney Darius Escobar ang
nakasulat roon.
‘’Abugado ka? Baka abogago kamo? Sa panahon ngayon marami ng
pekeng id! Malay ko ba at baka pinagawa-gawa mo lang ‘yan!’’ irap kong sabi sa
kaniya.
‘’Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, Miss! Buburahin mo ba o
ikaw ang buburahin ko sa mundo?’’ galit niyang banta sa akin.
‘’Hindi rin ako nakikipagbiruan sa’yo Mister Abogago! Sayang
lang ang ilang minuto ko sa’yo! Alis nga riyan! Huwag kang paharang-harang sa
dinadaanan ko dahil isa akong photographer at wala kang pakialam kung kukuha
man ako ng litrato rito sa paligid!’’ masungit kong wika sa kaniya at
humakbang. Nilampasan ko siya at sinagi ko pa ang kaniyang balikat!
‘’Gusto mo talaga mabura sa mundo, ha! Maghintay ka!’’
narinig kong wika niya at paglingon ko sa kaniya ay may kausap na siya sa
cellphone.
‘’Bogart, iligpit niyo ang babaeng nakaitim ang damit at
naka-miniskirt na kulay puti may bitbit na camera!’’ aniya sa kausap niya.
Mukhang seryoso siya sa kaniyang sinasabi.
Sa inis ko ay humakbang ulit ako papalapit sa kaniya at
dinuro-duro siya. ‘’Hoy! Hindi mo ako madala-dala riyan sa pananakot mo sa
akin, ha! Antipatiko!’’ wika ko sabay tadyak sa kaniyang paa.
‘’Aray! s**t! Kakasuhan talaga kitang babae ka!’’ sigaw niya
sa akin.
‘’Sige, kasuhan mo dahil kakasuhan din kita ng attempted
murder at illegal- illegal, ah basta!’’ wika ko ng hindi ko na alam ang susunod
kong sasabihin.
Maya pa ay may isang itim na sasakyan ang huminto sa aming
harapan.
‘’Babe, anong nangyari, sa’yo?’’ tanong ng isang magandang
babae sa kaniya.
Nakangiwi siyang hinahawakan ang kaniyang binti na sinipa ko.
Hinimas ng babae ang kaniyang likuran.
‘’Boss, ito ba ang ipapaligpit mo?’’ tanong ng isang lalake
na ang laki ng katawan. Daig pa nito ang isang wrestling.
‘’Babe, hayaan mo na lang siya, please?’’ pakiusap ng babae
sa kaniya at tumingin ito sa akin.
‘’Miss, umalis ka na. Hindi mo alam kung sino ang binabangga
mo,’’ mahinahong wika sa akin ng babae.
‘’Alam ko kung sino siya! Isang abogago na pumapatol sa
babae! Kumukuha lang ako rito ng larawan gusto niyang agawin ang kamera ko?’’
nakasimangot kong sabi sa babae.
‘’Bogart, kunin mo ang kamera at burahin ang larawan ko kung
hindi ang babaeng iyan ang mabubura sa mundo,’’ wika ng abugagi sa lalake na
malaki ang katawan,’’
‘’Please, huwag mo siyang saktan,’’ paalala ng babae sa
lalake na tinatawag nilang Bogart.
Lumapit ito sa akin, kaya napaatras ako. Ngunit agad na
nahawakan nito ang aking kamay at inikot niya, kaya nasaktan ako, kaya nakuha
niya sa akin ang camera ko. Napaigik ako sa sakit dahil parang mababalian ako
ng buto sa pag-ikot ng Bogart sa aking kamay.
Ilang saglit pa binura niya na ang kuha ng lalake sa aking
camera at binitiwan niya ako ng patulak, kaya napaupo ako sa damuhan. Buti na
lang at sa damuhan ako napaupo kung sa semento marahil ay nagasgasan na ako.
‘’Bogart na kulangutin! Mabulunan ka sana!’’ sigaw ko nang
tinalikuran nila ako at pumasok na sila sa itim na sasakyan. Ang abogago naman
kasama ang kaniyang nobya, este abogado pala ay sumakay na rin sa pulang sport
car.
Mabuti na lang at walang tao sa lugar na iyon. Kaya, tumayo
na lamang ako at nagpagpag ng aking puwitan.
Napasimangot ako nang tingnan ko ang aking camera at wala na
roon ang mga larawan na kinuha ko na nakatayo ang lalaki. Ang ganda pa naman
sana gawing collection iyon.
Nagtungo na lamang ako sa aking sasakyan at umuwi sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Manang Biday.
‘’Kumusta ang paglilibot mo sa lupain mo, Iha?’’ tanong niya
sa akin.
‘’Maganda sana kaso may isang antipatiko na sumira ng araw
ko. Siya nga pala Manang pakihanda ng swimming pool sa itaas at gusto ko
magbabad roon,’’ wika ko sa kaniya.
‘’Sige, Iha. Limang minuto lang,’’ aniya at tumalikod na.
Naglibot muna ako sa mga bulaklak na naroon sa paligid ng
bahay. Ang ganda nila pagmasdan, kaya kinuhanan ko sila ng mga larawan.
Nang magsawa na akong maglibot sa mga bulaklak ay umakyat na
ako sa pangatlong palapag at nagpalit ng swimsuit. Nagbabad ako sa swimming
pool at lumangoy ng paroon at parito.
Ang ganda talaga ng lugar na ito.
Kinaumagahan naman ay natanghali na ako ng gising. Pagbaba ko nakahanda na ang aking pagkain sa mesa. Kumain na muna ako bago ako
magbubukas ng laptop para tingnan kung ano ang puwede kong gawin sa lupain na
ibinigay sa akin ni Daddy.
Nang matapos na akong kumain ay nagpuwesto ako sa labas ng
bahay dahil masarap ang simoy ng hanging roob. Bukod pa roon ay nakaka-relax
pagmasdan ang mga iba’t ibang uri ng bulaklak.
Habang nakaupo ako at nagre-research sa internet ay pumasok
sa gate si Manang na may dalang mga plastic.
‘’Good morning, Manang Biday,’’ bati ko sa kaniya.
‘’Good morning, Iha. Napaano ‘yang kamay mo?’’ tanong niya sa
akin nang mapansin ang bakat sa aking pulsuhan.
‘’Naipit ako sa manobela ng sasakyan ko. Kaya, heto
nabakatan,’’ pagsisinungaling ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang aking kamay at sinuri. Hindi siya naniwala
sa aking sinabi.
‘’Sino ang may gawa nito, Angel?’’ matigas niyang tanong sa
akin.
“Wala ito, Manang. Napag-tripan lang ako ng lasing kahapon,’’
muli kong pagsinungaling sa kaniya.
‘’Dahil sa nangyari hindi ka na puwede umalis mag-isa.
Sabihin ko sa Daddy mo na magpadala siya ng body guard para makasama mo sa mga
lakad mo,’’ wika nito sa akin.
‘’Manang, pakiusap huwag na, please? Huwag muna ito sabihin
kina Daddy at Kuya. Mag-iingat na lang ako sa susunod, please?’’ wika ko sa
kaniya.
Malalim siyang nagbuntonghininga bago siya sumagot sa akin.
‘’Oh, sige. Pagbibigyan kita sa ngayon, pero kapag maulit pa ito pasensyahan
tayo.’’
Tumango-tango ako at napatingin ako sa dala niya. ‘’Saan ka
galing, Manang? Bakit may tupperware ka tas ‘la naman laman?’’ tanong ko sa kaniya.
‘’May pinagdalhan lang ako ng pagkain. Sige na ipagpatuloy mo
na ang ginagawa mo. Siya nga pala ano ang gusto mong meryenda?’’ tanong niya sa
akin.
‘’Busog pa ako, Manang. Kakain ko lang,’’ sagot ko sa kaniya.
Tumalikod na lamang siya at pinagpatloy ko naman ang aking
ginagawa.
May mga idea na pumasok sa aking isipan. Puwede kong gawin na
tourist spot ang kalahati ng lupa at ang kalahati ay taniman ng strawberry at
ibang prutas. Tapos habang nagto-tour ang mga turista ay puwede sila mamitas ng
mga prutas. Palagyan ko rin ng resort para sa mga celebrity o mga mayayamang
tao na puwede magpahinga roon. At lalagyan ko ng masahista para mas lalo silang
ma-relax. At least sa taas ng bundok ay mayroong ganoong bagay na puwede
makapag-relax. Dagdagan pa ng mga tanawin na makikita nila.
Tinawagan ko si Kuya upang magpatulong sa kaniya.
‘’Ano ba ang alam ko riyan sa resort mo na gusto mong
ipatayo? Eh, alam ko lang ang mag-opera ng lamang loob ng tao,’’ sagot niya sa
akin sa kabilang linya.
‘’Eh, Kuya, marami ka naman kakilala na architect, ’di ba?
Kaya hanapan mo ako para masimulan ko na ang pagpapagawa ng resort dito sa
Angel’s Farm and Resort,’’ wika ko kay Kuya Lander.
‘’Ayos, Ah! May pangalan na kaagad ang resort at farm na
gusto mong ipagawa. Sige, sabihin ko sa Architect na kilala ko. Kumusta ang
unang gabi mo riyan sa bahay mo? Hindi ka ba naninibago?’’ tanong niya sa akin.
Isa rin namang architect si Kuya subalit más gusto niya pa rin maging doctor.
‘’Hindi naman, Kuya. Maganda nga rito dahil malamig ang simoy
ng hangin. Sige, na tawagan mo ako kapag nahanapan mo na ako, ha? Package deal
mo na ‘yong may engineer na at mga trabahador para hindi sumakit ang ulo ko,’’
lambing ko sa kaniya.
‘’Okay, okay. Ako na ang bahala. Sige na at may operahan pa
ako,’’ aniya at pinatayan na ako ng cellphone. Excited na akong mapatayo ang
bago kong resort.
Habang nagri-research pa ako ng ibang idea sa resort at farm
ay nag-ring ang Instaface ko na app na doon ay puwede tumawag at magtsikahan ng
mga kaibigan mo o kamag-anak.
Sinagot ko ang video call ni Alvira Bianco o Vira kung
tawagin ko. Ang matalik kong kaibigan sa Amerika na isa rin Filipino. Hindi nga
lang kami magka-klase dahil fine arts naman ang kinuha niyang kurso.
‘’Hello, Angela! Kumusta ang Pilipinas, ha?’’ tanong niya sa
akin na malawak ang ngiti sa labi.
‘’Heto at unang araw ko pa lang dito kahapon ay may abogagong
guwapo na akong nakita,’’ ngiti kong sagot sa kaniya.
‘’Aba, at sino na naman ang Abogagong iyon, huh?’’ panunukso
niyang tanong sa akin.
‘’Nakalimutan ko kung ano ang pangalan no’n,’’ ngiti kong
wika sa kaniya.
‘’Hay, nako! Makalimutin ka talaga kahit kalian! By the way
tumawag ako dahil gusto kong ibalita sa’yo na uuwi rin ako ng Pilipinas dahil
may magandang trabaho ang naghihintay sa akin diyan,’’ aniya.
‘’Wow! E ‘di, palagi na tayong magkita rito,’’ wika ko sa
kaniya.
‘’Oo, naman! Hayan mo pag-uwi ko riyan ako ang magto-tour
sa’yo sa Pilipinas,’’ aniya na malawak ang pagkangiti sa akin.
Taon-taon kasi ay nagbabakasyon siya rito sa Pilipinas. Hindi
katulad namin ni Kuya na roon na talaga kami lumaki sa Amerika.
Pagkatapos naming mag-usap ni Alvira nagpahanda naman ako kay
Manang ng meryenda dahil nagugutom na ako. Ngunit ang ipinagtataka ko ay
pangtatluhang meryenda ang ginawa niya at pagkatapos niya akong bigyan ay
lumalabas siya sa gate na dala ang pagkain na inihanda niya. Hindi ko na lamang
iyon pinansin dahil baka trip niya lang kumain sa labas. Ipinagpatuloy ko na
lamang ang pagri-research sa internet at kumukuha ako ng ibang idea roon
tungkol sa resort at farm na aking ipapatayo. At least maraming tao ang
matutulungan ko kapag napatayo na ang resort dahil mabibigyan ko na sila ng
trabaho.