Episode 1

1558 Words
Chapter 1 ANGELA “Woh! Amoy ko na ang simoy ng hangin sa Maynila!’’ sigaw ko habang nakasakay sa Ranger Rover black car na sumundo sa amin ni Kuya sa Maynila International Airport. Sobrang natuwa ako dahil sa wakas ay nakauwi na kami sa bansa kung saan kami ipinanganak ni Kuya Lander. Limang taong gulang pa lang ako noon nang ipinadala kami ni Daddy sa Amerika dahil sa pagkamatay ni Mommy. Hindi ko na nga alam kung bakit sa Amerika pa kami nanirahan ni Kuya ng matagal. Eh, puwede naman yata kaming lumaki rito sa Pilipinas kasama ni Daddy. Sa tuwing tinatanong ko si Kuya kung bakit kailangan sa Amerika pa kami tumira ang sagot niya lang palagi sa akin ay maganda ang buhay sa Amerika at hindi magulo. Syempre, paniwalang-paniwala naman ako dahil Kuya ko siya, eh! At iniidolo ko. “Angela, puwede bang ipasok mo ang ulo mo sa loob ng sasakyan?’’ puna sa akin ni Kuya Lander. ‘’Kuya naman ang kj mo!’’ simangot kong sagot sa kaniya. ‘’Kj ka riyan! Kapag nahagip ng sasakyan ang ulo mo bitbitin mo talaga ‘yan pauwi sa Tagaytay!’’ masungit niyang sabi sa akin. ‘’Hmmpp! Gusto ko lang naman amuyin ang simoy ng hangin sa Maynila,’’ sagot ko sa kaniya. ‘’Hintayin mong makarating tayo sa Tagaytay at wala akong pakialam kung singhutin mo lahat ng hangin doon. Wag na matigas ang ulo!’’ banta niya na sa akin. Kapag gano’n na ang boses ni Kuya takot na ako dahil pinipingot niya ako sa tainga. Siguro magiging matandang lalake itong Kuya ko. Ang sungit kasi! Nakasimangot kong pinauklo ang ulo ko sa may bintana at ipinasok saka isinara ang bintana ng sasakyan. Kasalukuyan kaming nagba-byahe at hindi ko alam kung saang lupalop na kami ng Maynila. Basta sinundo lang kami ni One Eye ng itim na sasakyan. Nilagay ko na lang ang earphone ko sa aking tainga at nakinig ng musika. Hanggang sa makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa Tagaytay kung tawagin nila. Pagbaba ko ng sasakyan sobrang namangha ako sa lugar. Ang lamig ng simoy ng hangin kahit matindi ang sikat ng araw. At nakikita ang view sa ibaba at dagat sa malayo. Pagpasok pa lang namin sa mataas na bakod ay may nakaabang ng swimming pool at tanaw ang mga bundok at ang syudad. Malayo kami sa pamahay. At ang lago rin ng mga bulaklak na papasok sa entrance ng bahay. Agad kaming sinalubong ni Daddy. ‘’Kumusta ang biyahe ninyo mga anak?’’ Agad kong sinalubong ng yakap si Daddy at pinaulanan ng halik ang magkabila niyang pisngi at noo. Matanda na si Daddy ngunit matikas pa rin kung tingnan. ‘’Ayos lang kami, Dad,’’ wika ni Kuya sabay yakap ng saglit kay Daddy. ‘’Daddy, nagustuhan ko ang lugar na ito. Kahit matingkad ang init ng araw pero ang lamig pa rin ng hangin. Saka ang lawak ng lupain, sa atin ba iyan, Dad?’’ tanong ko kay Daddy habang papasok kami sa loob ng bahay na may tatlong palapag. ‘’Yes, Iha. Ang mga dinaanan ninyo kanina na bakanting mga lupa ay sa’yo iyan nakapangalan. At ang malaking bahay na ito ay regalo ko sa graduation mo. Alam kong mahilig ka mananim ng mga halaman, kaya nga Agriculture ang kinuha mo. Manang-mana ka talaga sa ina mo,’’ ani Daddy at naupo kami sa living room. Sobrang natuwa ako sa ibinalita ni Daddy sa akin. ‘’Talaga, Daddy, akin ang lugar na ito? Paano si Kuya?’’ tanong ko kay Daddy at tumingin kay Kuya. ‘’May sarili rin akong bahay sa bandang Alfonso. At mayroon akong condo sa Makati. Balak ko rin magpatayo ng private Hospital dito sa Pilipinas,’’ seryosong wika ni Kuya. ‘’Hala, Daddy! Gusto ko magkaroon ng condo unit sa condominium ni Kuya sa Makati,’’ malambing na sabi ko kay Daddy. ‘’Magulo sa Maynila, kaya dito ka nababagay. Isa pa ayaw mo ng magulong lugar, ‘di ba? Kaya, nga rito ka binilhan ni Daddy ng property para magamit mo,’’ masungit na wika ni Kuya Lander sa akin. ‘’Kuya, nagto-tour din kaya ako. Okay, sana kung mayroon din akong bahay sa Makati o saan man sa Maynila,’’ reklamo ko. ‘’Marami namang hotel sa Maynila kung gusto mo pumunta roon. At wala ng bakanti sa condominium ko dahil akupado na iyon ng iba!’' Napanguso na lamang ako sa sinabi ni Kuya at uminom na lang ako ng Juice. Sabagay marami namang hotel roon at pag-iisipan ko kung ano ang puwede itanim sa lupain na binigay ni Daddy sa akin. ‘’Basta, Anak. Kapag dito ka sa Pilipinas ang dalhin mong pangalan Angel Monroe,’’ wika ni Daddy sa akin. ‘’At huwag ka basta-basta magtiwala sa mga tao rito o makakausap mo.’’ Nagtataka man ako kung bakit kailangan kong gawin iyon ay minabuti kong tumango na lang. ‘’Maya-maya ay aalis na kami ng Kuya mo. Ipapaiwan ko si Manang Biday rito para siya ang makasama mo rito,’’ bilin ni Daddy sa akin. ‘’Sino si Manang Biday?’’ tanong ko sa kaniya. ‘’Malayong kamag-anak ng Mommy ninyo. Matandang dalaga na iyon at mapagkatiwalaan iyon,’’ sagot ni Daddy. ‘’Okay, saan pala ang silid ko, Dad?’’ tanong ko sa kaniya. “Bahala ka kung saan gusto mo na magiging silid mo. Kapag gusto mo mamasyal at kumuha ng larawan sa paligid ito ang susi ng sasakyan na gagamitin mo,’’ sabay abot ni Daddy sa akin ng susi ng sasakyan. ‘’Thank you talaga, Daddy. You are the best Daddy in the universe,’’ papuri kong sabi kay Daddy at niyakap siya ng mahigpit. Simula noong nasa Amerika kami ni Kuya ay hindi ako binibigo ng dalawang lalake na mahalaga sa buhay ko. Lahat ng gusto ko ibinibigay nila. Nang umalis na sina Daddy at Kuya umidlip muna ako at ang pinili kong silid ay sa pangatlong palapag. Nagustuhan ko kasi roon dahil may malawak na balcony at may sariling swimming pool na tanaw ang kalupaan na ibinigay sa akin ni Daddy. Naisipan ko na gawin iyon strawberry farm para mabilis mabinta. Madali lang naman gumawa ng mga organic na pataba. At puwede rin ako magtanim ng letus at ibinta sa mall. Pagsapit ng alas tries ng hapon bumaba ako para maghanap ng view sa paligid na puwedeng litratuhan. Nasalubong ko si Manang Biday sa may living room at nagba-vacuum. ‘’Good afternoon, Manang Biday. Ako nga pala si Angela,’’ ngiti kong wika sa kaniya. ‘’Angel ang pangalan mo rito, Iha. Iyan ang bilin ng Daddy mo. Kaya, kapag may nagtanong ng pangalan mo ay sabihin mong ikaw si Angel Monroe,’’ koreksyon niya sa pangalan ko. Oo nga pala. Kung nagtataka kayo kung bakit tagalog ang salita namin kahit sa Amerika kami lumaki dahil hindi namin kinalimutan ang salitang Filipino at kahit nasa ibang bansa kami at kapag kami na ni Kuya ang mag-uusap ay Wikang Filipino ang ginagamit namin. Marunong din naman ako sa wikang English, espanyol, Korea at Japanes. ‘’Manang Biday, bakit kailangan palitan ang pangalan ko rito? Eh ang nasa ID ko ay Angela Diez!’’ tanong ko kay Manang. ‘’Sundin mo na lang ang bilin sa’yo ng Daddy mo. Oh, ito pala ang bago mong ID. Ibigay ko raw ito sa’yo sabi ng Daddy mo,’’ aniya sabay abot sa akin ng id na gagamitin ko rito sa Pilipinas. Inabot ko na lang iyon at inilagay sa wallet ko. Bago pa maghapon ay nagpaalam ako kay Manang Biday na maglibot sa lupain na pagmamay-ari ko na. Sinakyan ko ang vmw na ibinigay ni Daddy sa akin at naglibot na ako sa lupain. Sobrang ganda ng lupa at tiyak na tataba ang mga pananim rito. Kaya, naisip ko na gumawa ng organic na pampataba sa mga halaman at ihalo sa lupa para maganda ang mga pananim na tutubo rito. Maganda rin gumawa ng firing dito dahil walang katao-tao at walang pamamahay. Kung mayroon man ay sa ibaba pa at malayo rito. Naisipan ko mamasyal sa pinakasintro ng Tagaytay at kumuha ng mga larawan roon. Excited akong sumakay sa aking kotse at nagtungo sa lugar na tanaw rito sa aking lupain. Madali ko lang rin natunton ang lugar na gamit ang google map na siya kong guid na nasa aking cellphone. Nag-parking muna ako bago bumaba. Pagbaba ko patakbo akong nagtungo sa gilid ng lugar na tanaw ang dagat at kabundukan saka ang Bulcang Taas na sumabog kamakailan lang. Nabalitaan ko kasi ito sa America at pinalabas sa news doon. Kinuhanan ko ng litarato ang magandang views. Iniikot ko ang aking camera na Sony A7 5.6 lens at kumuha ng mga larawan. Ngunit nakuha ang atensyon ko ang isang lalake na naka-black jacket at nakapantalon din na black na naka Geniun sherling line sneaker. Naka-side view ito at may kausap sa cellphone. Kahit hindi ko pa nakita ang buo niyang mukha ay masasabi kong gwapo ito. May tangkad na kung hindi ako magkakamali ay 6 footer o lagpas pa roon. Kinuhanan ko siya ng larawan sa magandang anggulo. Ngunit bigla na lamang siyang napatingin sa akin at nakuhanan ko ang guwapo niyang mukha. Ngunit nakakunot ang kaniyang noo na nakatingin sa akin. Huli na ang lahat na iiwas ko ang Camera dahil nahuli niya na ako na sa kaniya ako naka-focus. Kinabahan ako nang lumapit siya at biglang hinawakan ang aking kamay para kunin ang camera ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD