Episode 3

2164 Words
Chapter 3 Darius Madilim ang paligid nasa hindi ako pamilyar na lugar habang naglalakad. Hinihingal na ako subalit walang katapusan ang paglakad ko. Isang babae ang aking nakita na naglalakad sa malayo. Pilit ko siyang hinahabol subalit bigla na lang siya kinuha ng mga kalalakihan. Nagtatawanan ang mga lalake habang isa-isa nilang sinasamantalahan ang kaawa-awang babae na umiiyak. Gusto ko siyang tulungan subalit hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Kahit anong pilit ko na abutin siya hindi ako makakilos. Tanging iyak lamang ng babae ang aking naririnig at tawanan ng mga demonyong lalake. “Anak, tulong!” sigaw ng babae habang unti-unti silang nawawala sa paningin ko. “Mommy!” ang tanging sigaw ko nang tuluyan na siyang naglaho. Pilit ko siyang hinabol subalit hindi ko na sila makita. “Babe, wake up! Babe, nanaginip ka,’’ boses ni Lara ang aking narinig. Bigla na lang dumilat ang mga mata ko habang hinihingal ako. “Uminom ka muna ng tubig, Babe. Pinagpapawisan ka,” saad ni Lara sabay abot sa akin ng isang boteng tubig na hindi puwedeng mawala sa tabi ko. At kahit sa bahay kailangan palaging may tubig sa tabi ko. Kinuha ko ang bote ng tubig saka ininom. Pakiramdam ko naglakbay ako sa pinakamalayong lugar. “Binabangungot ka na naman. Tingnan mo ang laki ng botel ng pawis mo,’’ wika ni Lara habang pinupunasan ng towel ang mga pawis ko. Kasalukuyang nasa byahe kami papunta sa ama ko sa Launion. Naroon kasi siya tumatambay at minsan lang siya pumupunta sa Maynila. “Malayo pa ba tayo sa Launion?’’ tanong ko kay Bogart na siyang nagmamaneho ng kotse. “Medyo sa kalagitnaan pa lang tayo ng byahe, Boss. Masama yata ang panaginip mo, Boss?’’ tanong ni Bogart habang nagmamaneho ito. Ginalagalaw ko ang aking leeg dahil medyo nangangalay ito marahil sa pagkasandal ko sa upuan. “Masama nga ang panaginip ko,’’ tipid kong sagot kay Bogart. “Okay, ka lang ba?’’ nag-aalala na tanong ni Lara sa akin. Tipid lang akong tumango sa kaniya subalit ang totoo isang panaginip na kailan man hindi ko makakalimutan. Bangungot sa aking nakaraan na hanggang ngayon dala-dala pa rin ng aking isipan at tumatak sa aking puso. Nakaraan na hanggang ngayon hindi ko pa rin malilimutan. Sa bawat pagpikit ng aking mga mata nakikita ko kung paano nila babuyin ang aking ina. Kung paano nila tinapon na parang basura at wala ng buhay. Bawat mukha na gumawa ng masama sa aking ina ay hindi ko makakalimutan. Lalo na ang lalaking nag-utos na babuyin ang aking ina. Napakuyom ako ng aking kamao dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin nakukuha ang hustisya sa nangyari sa aking ina. Ilang taon man ang lumipas subalit nakatatak na sa isipan at puso ko ang nangyari. “Boss, ano ang gagawin ko roon sa babae na nakabangga mo kanina?’’ tanong ni Bogart sa akin. Galing kami kanina sa Batanggas at dumaan kami sa Tagaytay para kumain. Subalit habang nakatambay ako sa gilid ng kainan habang nakatanaw sa bulkang taal may babaeng kumuha sa akin ng litrato. Ang taray pa na nito at siya pa ang matapang saka napagkamalan pa akong holdaper. “Babe, Bogart, pabayaan niyo na ang babaeng iyon. Nabura mo naman lahat ng nakuha niyang litrato kay Darius, ‘di ba?’’ pakiusap ni Lara sa amin ni Bogart. “Malay natin at isa iyon sa espiya ng mga kalaban. Alamin mo pa rin ang background ng babaeng iyon Bogart,’’ utos ko sa kanang kamay kong si Bogart. “Areglado, Boss!’’ tugon agad ni Bogart sa akin. “Babe, parang ordinaryong babae lang iyon? Bakit niyo pa pag-aksayahan ng panahon ang babaeng iyon?” naiinis na wika ni Lara sa akin. Alam ko na ayaw niya masangkot ako sa gulo. Saka nangako ako sa kaniya na hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira naming dalawa. Alam niya rin naman lahat ang mga nangyari sa buhay ko. “Okay, dahil ayaw mo palalampasin ko na lang ang babaeng iyon. Pero, kapag nagkrus ulit ang landas namin hindi ko na papalampasin ang babaeng iyon,’’ saad ko sa aking girlfriend na si Lara. Limang taon na rin kami ni Lara, subalit wala pa kaming balak magpakasal dahil gusto niya muna i-injoy ang career niya bilang isang modelo ng isang product dito sa Pilipinas. Maganda si Lara, mabait, mahaba ang pasensya, higit sa lahat maalaga at maunawain. ‘Yan ang mga katangian na gustong-gusto ko sa kaniya. Hindi lang naman kasi siya maganda lang subalit pati ang hugis ng kaniyang pangangatawan ay maganda rin. Ilan na ba ang pinapatay kong manliligaw niya? Lahat ng nakaraan ko alam ni Lara, wala akong inilihim sa kaniya. Alam niya rin na anak ako ng Mafia Lord at marami kaming mga koneksyon ng aking ama sa Maynila. Pasado na ng alas-nuebe ng gabi kami nakarating sa Launion. Saktong nagtitipon ang mga tauhan ni Daddy sa labas. “Anong nangyayari rito?’’ tanong ko sa mga tauhan ng aking ama. “Boss, mabuti dumating kayo. Tinambagan kami ng mga armadong groupo sa daan. Mabuti na lang at naitakas namin ang ama ninyo,’’ sagot ni Panday na kanang kamay ni Daddy. “Kumusta si Daddy? Nalaman niyo ba kung anong groupo ang humarang sa inyo?’’ tanong ko kay Panday. “Syclon Gang, Boss!’’ Napakuyom ang kamao ko sa binanggit na pangalan ni Panday. “Ano pa ang ginagawa ninyo? Alamin niyo ang mga ari-arian ng groupong iyon at pabagsakin,’’ utos ko sa mga tauhan ni Daddy. “Kalaban sila sa pasugalan ng Daddy ninyo, Boss. Mayroon silang pasugalan sa Maynila at malakas rin ang kapit nila dahil isang opisyal sa Maynila ay myembro nila,’’ ang saad ni Silyo sa akin. “Wala akong pakialam kung Presidente man ng Pilipinas ang myembro nila! Ang utos ko ang sundin ninyo. Pabagsakin niyo ang groupong iyon,” muli kong utos sa mga tauhan ni Daddy. “Nasaan si Daddy?’’ “Nasa silid niya, Boss. Ginagamot na siya ng doktor.” Pagkasabi ni Pako, hinila ko na si Lara pumasok sa bahay ni Daddy. “Bogart, magbantay kayo rito sa labas,’’ utos ko kay Bogart bago kami tuluyang pumasok ni Lara sa loob. Ang Syclon Gang, ang pagkaalam ko ay bago lang ito at hindi pa ganoon kaimpluwensya ang groupo nila. “Babe, baka mamaya ikaw na naman ang pag-iinitan ng mga taong gumawa nito sa ama mo?’’ kinakabahan at nag-aalalang wika ni Lara. “Hindi nila ako magagalaw, Babe. Hanggat hindi nila nalalaman na ako ang anak ni Frederico Escobar,’’ saad ko sa aking girlfriend. Kahit na nag-aalala pa rin siya minabuti niyang hindi na lang umimik. Nakarating kami sa silid ni Daddy at katatapos lang siya gamutin ng sarili niyang doktor. “Dad,” pag-aalala kong tawag sa aking ama habang nakahiga ito sa kaniyang kama. “Son, bakit pumunta ka rito?’’ kunot-noo niyang tanong sa akin. “Dad, ‘yan pa talaga ang itatanong mo? Mabuti sa balikat ka lang tinamaan ng baril,’’ saad ko kay Daddy at tumingin sa doktor. “Kumusta ang Daddy, Dok?” “Daplis lang naman ang sugat niya. Ginamot ko na iyan para iwas infection. Sige, maiwan ko na muna kayo at may pasyente pa na naghihintay sa akin,” paalam ng doktor sa amin. Pagkalabas ng doktor bumangon si Daddy. “Huwag ninyong sabihin na pumunta kayo rito dahil magpapakasal na kayo?’’ malawak na ngiting tanong ni Daddy sa amin ni Lara. Nagawa niya pang ngumiti kahit na may sugat siya. “Tito, hindi pa kami handa magpakasal ni Darius. Alam mo naman ang anak ninyo busy sa negosyo niya at sa profession niya,’’ nakangiting sabi ni Lara at humilig ito sa balikat ko. “Anong ako? Ikaw itong busy sa career mo. Ako anytime naman kitang papakasalan,’’ natatawa kong tugon kay Lara. “Nasa tamang gulang na rin kayo? Ano pa ang hinihintay ninyong dalawa? Magpakasal na kayo habang malakas pa ako nang sa ganoon mababantayan ko pa at makikita ang mga apo ko sa inyo,’’ saad ni Daddy sa amin habang nakaupo ito sa kaniyang kama. “Hay, nako, Dad! Sa simbahan rin ang tuloy namin ni Lara. Huwag ka mag-alala dahil kahit hindi pa kami kasal puwede ka na namin mamaya gawan ng apo,’’ nagbibiro kong turan kay Daddy. Siniko naman ako ni Lara at mukhang nahihiya ito sa sinabi ko dahil namula ang kaniyang pisngi. “Ikaw talaga pinapaasa mo si Tito,’’ nahihiyang sabi ni Lara sa akin. “Mabuti pa kumain na tayo. Siya nga pala, Iho. May mahalaga tayong pag-uusapan mamaya,” seryosong sabi ni Daddy sa akin. Tumango-tango lang ako sa sinabi niya. Nagtungo kami sa kusina upang kumain ng hapunan. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Naupo na kami ni Lara at si Daddy ay naupo na rin sa puwesto niya. “Kumusta ang mga negosyo mo anak?” tanong ni Daddy habang kumakain na kami. “Mataas ang income ng Hotel saka ng Mall ko Dad. Pinataasan ko na nga ang sahod ng mga impleyado. Wala naman akong problema sa negosyo ko,’’ sagot ko kay Daddy at sumubo na rin ng pagkain. “Mabuti naman kung ganoon. Kaya nga dapat magpakasal na kayo ni Lara. Sabik na ako na mabigyan niyo ng apo,’’ pangungulit pa rin ni Daddy sa amin. Bumaling ako kay Lara at matamis na ngumiti. “Paano ba iyan, Babe? Gusto na talaga ni Daddy na magkaroon tayo ng anak.” “Tatapusin ko lang ang kontrata ko sa modeling, saka pag-usapan na natin ang tungkol sa kasal natin,’’ ngiting matamis na sabi ni Lara sa akin. Ano mang oras handa ko naman pakasalan si Lara. Subalit may mga bagay na gusto ko munang unahin at alam ko naman na nag-i-injoy pa siya sa kaniyang career. Pagkatapos ng masaya namin hapunan na tatlo pumasok na si Lara sa silid na inihanda ni Manang Ason para sa amin. Nasa balkonahe kami ni Daddy, may mahalaga raw itong sasabihin sa akin. “Ano ang sasabihin mo sa akin, Dad?’’ tanong ko sa aking ama. “Gusto ko ikaw na ang humawak ng Cobra, Iho. Ano man ang mangyari sa akin gusto ko na nakahanda ka. Wala akong ibang anak kundi ikaw lang, kaya ikaw ang magpapatuloy sa Cobra,’’ seryosong sabi ni Daddy sa akin. “Dad, malakas ka pa naman para pamunuan ang Cobra’’ tanggi ko sa aking ama. Ang totoo matagal ko ng hinihintay na mapamunuan ang Cobra at ang Ecobar Clan, upang makaganti sa mga taong pumatay kay Mommy, subalit isinaalang-alang ko ngayon ang kaligtasan ni Lara. Ayaw ko madamay siya sa paghihiganti kong gagawin sa pamilya Diez. Gusto ko nasa ibang bansa si Lara, bago ako gumawa ng bagay na matagal ko ng gustong gawin. Uubusin ko ang myembro ng Asintado, pati ang lahi ng lalaking iyon na umutos para babuyin ang aking ina. “Subalit tumatanda na ako, Iho. At gusto ko habang malakas pa ako makikita ko kung paano mo pamunuan ang Cobra,’’ pagpupumilit na sabi ni Daddy. “Dad, I’m sorry, pero hindi pa ako handa na pamunuuan ang Cobra. I’m so sorry Dad,” paghingi ko ng paumanhin sa aking ama. Malalim siyang nagbuntonghininga saka tinapik ang balikat ko. “Huwag ka mag-alala, Son. I understand dahil nariyan si Lara.” “Thank you for understanding, Dad. Huwag ka mag-alala dahil tutulungan din naman kita. Hindi ako makaporma kapag nariyan si Lara. Mapapamunuan ko na siguro ang Cobra kapag doon na si Lara sa ibang bansa. Ayaw ko na gamitin siya ng mga kalaban na kahinaan ko kapag sakaling malaman nila na ako na ang Mafia Boss ng Cobra.” Tumango-tango lang si Daddy sa sinabi ko. Naiintindihan niya naman ang point ko dahil naranasan niya na rin ang mawalan ng minamahal sa buhay. Kinabukasan maaga kami bumalik ni Lara sa Maynila. May pictorial pa siyang gaganapin mamaya, kaya hinatid ko na siya sa hotel na tinutuluyan niya na pinapatuluyan sa kaniya ng beauty product na pinagmo-model-an niya. “Tawagan mo na lang ako kapag tapos na ang pictorial mo para mapasundo kita kay Bogart. May mahalaga pa akong meeting na dadaluhan mamaya,’’ sabi ko kay Lara nang makarating ang sasakyan ko sa tapat ng hotel. “Yes, Babe. May pictorial pa ako bukas sa Lagon. Kaya, baka after three day’s pa tayo magkikita ulit,’’ paglalambing na sabi ni Lara sa akin. Humalik na lang ako sa kaniyang labi at tumango. “Ingat ka, tawagan mo lang ako kapag may problema.” Bumaba na siya sa kotse at kumaway pa muna sa akin bago ito pumasok sa loob ng hotel. “Saan tayo tutuloy, Boss?’’ tanong ni Bogart sa akin habang nakahawak sa manobela. “Sa opisina tayo at may meeting pa ako sa kliyente ko. Saka alamin mo ang iba pang impormasyon sa Syclon Gang,’’ utos ko kay Bogart. Tumango-tango lang ito at inihatid niya na ako sa aking opisina. Sakto naman pagdating ko naroon na ang kliyente ko na ginahasa at pinatay ang kaniyang anak ng isang gobernador. Ako ang humahawak ngayon ng kaso ng kaniyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD