Episode 7

2075 Words
Chapter 7 Darius Tatlong araw na wala akong balita kay Lara. Tatlong gabi rin na halos wala rin akong tulog sa pag-imbistiga kung nasaan siiya. Kasalukuyan nasa mansion ako sa Green Ville. Kaharap ang aking laptop at lahat din ng mga daan na may cctv isa-isa kong tiningnan. Ang nakuha lang na cctv ang paglabas ni Lara sa hotel saka sumakay ito sa taxi. Ang problema lang masyadong malayo ang camera, kaya kahit ang plate number ng taxi ay hindi makita. Ilang araw ko na hindi nakakausap ang girlfriend ko. Tinitingnan ko lahat ng anggolo na puwede mangyari. Lahat ng mga kakilala at kamag-anak ni Lara pinatawagan ko na subalit wala ni isa sa kanila ang may alam kung nasaan na si Lara. Halos nahihilo na ako sa sobrang puyat subalit ayaw kong sumuko. Kailangan kong makitang buhay ang girlfriend ko. Kung kinidnap man siya dapat tumawag na ang kumidnap sa kaniya at humingi ng ransom money. Napasandal ako sa aking swivel chair at ipinikit ang aking mga mata hindi ko namalayan nakaidlip ako. “Babe,’’ malamyos na tinig ang aking narinig. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si Lara nakatalikod. Nakasuot siya ng puting damit. Ang kaniyang suot na damit unti-unti naging kulay dugo. “Babe, ano ang nangyari sa’yo, ha?” tanong ko sa kaniya. Gusto ko siyang lapitan subalit hindi na naman ako makaalis sa kinatatayuan ko. Gusto ko siyang mayakap at damayan subalit hindi ko siya maabot. Nanatili lang siyang nakatalikod sa akin habang humihikbi. “Babe, lumapit ka sa akin. Sabihin mo sa akin kung sino ang nanakit sa’yo. Ituro mo siya sa akin at papatayin ko siya!’’ wika ko sa umiiyak kong kasintahan. Subalit nakita ko na may isang lalaking humila sa kaniya at bigla silang nawala. Ang boses na lang ni Lara ang naririnig ko. “Babe, tulungan mo ako!’’ sigaw ni Lara na umiiyak. Narinig ko ang tawa ng lalake habang ginagahasa niya si Lara. “Hayop ka! Papatayin kita!’’ umaalingawngaw kong sigaw. Narinig ko na lang ang isang putok ng baril. Kung hindi ako nagkakamali ang balang iyon tumama kay Lara, dahil hindi ko na narinig ang boses niya. Gusto ko kumilos at puntahan ang kinaroroonan niya subalit hindi ako makakilos. “Babe!” Bigla na lang ako nagising sa isang masamang panaginip parang butil ng mais ang pawis ko na bumangon. Napakuyom ako ng aking kamao ng maalala ang masamang panaginip na iyon. Kahit panaginip lang iyon subalit ang pakiramdam ko parang totoo. Uminom ako ng dalawang basong tubig para mahimasmasan habang umiinom ako ng tubig tumunog naman ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag ni Bogart. “Anong balita, Bogart? May balita na ba tungkol kay Lara?’’ “Pumunta po kayo rito sa lumang bodega sa Magallanes, Boss!’’ sagot ni Bogart sa akin. Hindi na ako nagsalita at pinatayan ko na ng cellphone si Bogart. Dali-dali akong nagbihis at pumunta sa sinabing lugar ni Bogart. Pagdating ko sa lugar na iyon bumungad sa akin ang iilang tao kasama ang mga tauhan ni Daddy. Naroon na rin ang kilala kong imbistigador na si P04 Padilla. May kulay dilaw sa paligid na tanging mga nag-iimbistiga lang ang puwedeng pumasok. Agad akong lumapit sa kinaroroonan ng boundary line. “Bogart anong nangyayari?’’ tanong ko sa aking tauhan ng makalapit na ako. “Boss, natagpuan na patay si Ma’am Lara, at ayon sa sitwasyon niya mukhang ginahasa pa ito.” Nanginig ang mga kalamnan ko sa sinabing iyon ni Bogart sa akin. Walang alinlangan na pumasok ako sa boundery line. Walang sino man ang puwedeng makapagpigil sa akin. Napaluhod na lamang ako nang makitang nakahandusay si Lara sa sahig ng lumang bodega na wala ng saplot at buhay. “Lara!’’ napasigaw ako at napakuyom ng aking mga kamao. “Magbabayad ang sino man gumawa nito sa’yo!’’ Napahagulhol na ako sa iyak. Sobrang sakit na makita ang mahal mo na wala ng buhay. “Attorney Escobar, ayon po sa imbistigasyon ginahasa ang girlfriend ninyo saka siya pinatay,’’ wika ni PO4 Padilla. Napasuntok ako sa lupa dahil dalawang beses sa buhay ko na ginahasa ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko at pinatay. Una si Mommy, walang sawa siyang binaboy ng mga tauhan ng Agila na iyon. Sila ang mga organisasyon na Asintado at pinamumunuan ni Agila. “Mayroon ba kayong nakuhang impormasyon kung sino ang prime suspect sa gumawa nito sa girlfriend ko P04?’’ nagpupuyos kong tanong sa galit sa imbistigador. “Mayroon na kaming prime suspect, matagal na itong organisasyon. Subalit kailangan pa ng malalim na imbistigasyon,” ang wika ng pulis sa akin. “Anong organisasyon ito PO4?” tanong ko. “May nakasulat sa mga hita ng biktima na Asintado gamit ang isang knife. Subalit hindi gawain iyon ng Asintado. Hindi nila ipapahiya ang organisasyon nila. Ang pakiramdam ko isang tao lang ang gumawa nito at galit sa Asintado,’’ wika ni PO4 sa akin. Halos wala na akong narinig sa mga sinabi ni PO4 dahil buo na sa isipan ko na ang gumawa nito ang Asintado na siya rin nagpagahasa kay Mommy at pumatay. Magbabayad silang lahat sa ginawa nilang ito kay Lara. Pagkatapos ng imbistigasyon inasikaso ng purenarya ang labi ni Lara. Halos wala ako sa katinuan habang nasa labas ako ng Morge. “Boss, ano ang plano mo?’’ tanong ni Bogart sa akin. “Uubusin ko lahat ng Asintado. Pagbabayaran nila ang ginawa nilang ito,” determinado kong sabi kay Bogart. Ibinurol ang labi ni Lara sa isang Chapel. Dumating ang mga magulang niya at mga malalapit na kamag-anak sa araw ng burol niya. Hindi ako lumalapit sa kabaong niya. Nasa malayo ako habang tinatanaw ko lang kung sino ang mga bisita na dumating. Nang araw din iyon dumating si Daddy. “Condolence, Son.” Boses ni Daddy ang nagpabalik sa aking huwisyo. Tinapik nito ang balikat ko at niyakap ako. “Dad, pagkatapos ng libing ni Lara may hihingiin ako sa’yo. Pagbabayarin ko ang gumawa nito sa kaniya,’’ nagtatagisang mga bagang kong wika sa aking ama. “Anything, Son. Ibibigay ko ang gusto mo.” Sa huling lamay ni Lara saka lang ako lumapit sa kabaong niya. Suot ng itim ko na lether jacket at nakasalamin na kulay itim rin na nakatunghay ako sa minamahal kong babae. Maganda ang pagka-make up sa kaniya dahil parang buhay na buhay tingnan ang mukha niya. Umagos ang mga luha sa aking mga mata at pumatak iyon sa salamin ng kabaong niya. “Pinapangako ko sa’yo. Magbabayad ang sino man may gawa nito sa’yo. Uubusin ko silang lahat para mapaghigantian ko lang kayo ni Mommy,’’ saad ko sa wala ng buhay kong nobya. Puno ng sama ng loob na tumalikod ako sa kabaong ni Lara. Sakay ng aking motor bike umuwi ako sa mansion at humarap sa laptop. Ako na mismo ang naghanap ng iba pang impormasyon tungkol sa Asintado. Subalit kahit isa wala akong makuhang impormasyon. Si Daddy lang ang puwede kong tanungin tungkol sa Asintado. Habang nasa harapan ako ng aking laptop tumunog ang aking cellphone. Agad ko naman sinagot ang tawag na iyon. “Boss, may mahalaga akong impormasyon na sasabihin sa’yo. Saan ka? Magkita tayo,’’ si Bogart sa kabilang linya. “Narito ako sa mansion. Magkita tayo sa casino,’’ tugon ko kay Bogart. Pagkatapos namin mag-usap ni Bogart nagtungo kami sa Casino De Esco na pagmamay-ari rin ng ama ko. Pagdating ko roon agad kong nakita si Bogart nakaupo sa cafeteria. May bitbit itong invelop. “Anong mahalagang impormasyon ang sasabihin mo sa akin, Bogart?’’ tanong ko at naupo sa tapat ni Bogart. “Boss, buksan mo,’’ sabay abot ni Bogart ng invelop sa akin. Binuksan ko iyon at nakita ko ang larawan ng babae na naging guest namin sa hotel na pagmamay-ari ko. “Ano ang tungkol sa babaeng ito?’’ tanong ko kay Bogart. “Anak siya ng leader ng mafia na si Agila; na siyang pinuno ng Asintado.” Nalamukos ko ang larawan ng magandang babaeng iyon at masakit na tumingin kay Bogart. “Dalhin mo ng buhay sa akin ang babaeng iyan. Dalhin mo siya sa Hacienda ko sa Masbate na binili ko para kay Lara. Ikulong niyo siya roon. Huwag niyo siyang galawin at hintayin niyo na dumating ako. Tatapusin ko lang ang libing ni Lara, makikita ng Agila na iyon kung paano ako gumanti sa lahat ng ginawa niya. Uubusin ko ang lahi niya at wala akong ititira kahit isa,’’ sabi ko sa aking kanang kamay na si Bogart. “Masusunod, Boss. Kagagaling lang pala ng babaeng iyan sa Amerika, Boss. Kasama ang lalake niyang kapatid,” saad pa ni Bogart sa akin. “Siguraduhin mong makuha mo ang babaeng iyan at dalhin mo sa aking Hacienda. Makikita ng Agila na iyon kung sino ang binangga niya. Pagsisihan niyang binuhay niya pa ako noon,’’ nakakuyom na kamao kong sabi kay Bogart. “Pababagsakin natin ang Agila na ‘yan, Boss. Narito lang ako sa likuran mo kahit anong ipautos mo sa akin gagawin ko,’’ saad ni Bogart sa akin. “Salamat, Bogart. Maasahan talaga kita,’’ pasalamat ko kay Bogart at tinapik ang kaniyang balikat. “Umalis ka na at asikasuhin mo ang inuutos ko sa’yo,’’ dugtong ko pang sabi kay Bogart. Tumayo ito at umalis na. Naiwan ako nag-order na lang muna ko ng coffee. Habang nakaupo ako sa pinakasulok ng cafeteria at nakasuot ng itim na salamin hindi maiwasan na pumatak ang mga luha ko. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng pinangarap ko at iniingatan. Kung pinilit ko lang sana siya na magkaroon ng sariling body guard hindi siguro ito nangyari sa kaniya. Gusto niya lang kasi simpleng buhay at ayaw niyang may bumubuntot sa kaniya. Isa pa tiwala naman ako dahil nariyan si Miss Sandoval. Matagal na rin nanahimik ang organisasyon ni Agila. Sinimulan niyang wasakin ang buhay ko, kaya dudurugin ko siya. Sisimulan ko sa mga anak niya. Isusunod ko ang mga tauhan niya na inutasan niyang babuyin ang ina ko. Hindi ko makakalimutan ang pangalan na binanggit sa akin ni Daddy noon. Lucio Diez; ang Agila kung tawagin nila. Ito na siguro ang tamang panahon na hinihintay ko. Ang singilin siya sa lahat ng ginawa niya sa pamilya ko. Kinabukasan inilibing si Lara. Umuwi na ang lahat ng nakilibing subalit nagpaiwan ako sa puntod niya. Nakaluhod ako sa lupa na pinaglibingan niya. “Ipaghihiganti ko ang gumawa nito sa’yo, Babe. Hindi ako titigil hanggang hindi ko mawasak ang buhay ng taong gumawa nito sa’yo,’’ wika ko sa puntod ni Lara. Napakumos ako ng lupa sa aking kamao. Halos buong araw akong nanatili sa puntod ni Lara. Nang maghapon na napagdesisyonan ko na umuwi sa mansion. Pagdating ko sa mansion naghihintay na si Daddy sa akin. “Ano ang plano mo, Son?’’ seryosong tanong ni Daddy sa akin. “Pababagsakin ko ang pamilya Diez. Uubusin ko ang lahi ni Lucio. Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya mapapabagsak, Dad. Gusto ko siyang makita na nagmamakaawa sa akin. Ipaghiganti ko ang nangyari kay Mommy at Lara. Tinatanggap ko na ang alok mo na ako na ang mangunguna sa Cobra,’’ walang alinlangan kong sabi sa aking ama. Kapag tinanggap ko kasi ang mamuno sa organisasyon na pinatayo ng aking Lolo at sinundan ng aking ama mas madali kong mapabagsak ang pamilya Diez. Ang Lolo ko isang Italian at ang Lola ko ang Filipino. Lahat ng pagmamay-ari ni Lucio aagawin ko. Ipapatikim ko sa kaniya ang impyerno na dapat niyang kalalagyan. “Mabuti naman kung ganoon, Anak. Matutuwa ang Ninong Fernando mo kapag nalaman niya na ikaw na ang mamumuno ng Cobra,’’ natutuwang wika ni Daddy. Alam ko na may mga illegal na gawain ang organisasyon ni Daddy. Subalit marami rin natutulungan na mga tao ang organisasyon nila ni Ninong. Marami silang natutulungan na mga kabataan na muntik ng masira nang dahil sa druga. Isa ang organisasyon ni Daddy na tumutulong sa gobyerno upang masugpo ang illegal na gamot sa bansa at sa ibang bansa. Kaya, hindi rin maiwasan na malalaking sindikato ang gustong pabagsakin ang Cobra. Isa na riyan ang Agila na mula noon mortal ng karibal ng aking pamilya. Ang Ninong Fernando ang humahawak ng CBS sa ibang bansa. At si Daddy naman dito sa Pilipinas. Supplier din sila ng mga baril dito sa bansa. May mga illegal din silang activity na ginagawa noon tulad ng pagpasok sa banko at pagpapadala ng mga babae sa ibang bansa. Subalit hindi na nila iyon ipinagpatuloy simula noong nawala si Mommy sa buhay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD