Chapter 6
Angela
Nagising ako na may mga matang nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ang nakatingin sa aking mukha.
“Ikaw? A-anong ginagawa mo rito sa silid ko, ha? P-paano ka nakapasok dito sa silid ko?’’ gulat na tanong ko sa lalake. Natataranta akong naupo sa pool bed. Tumaas ang kabila niyang kilay habang pinagmamasdan ako.
“Silid mo? Hindi mo alam kung ano ang nangyari kagabi?’’ seryoso niyang tanong sa akin.
Bahagya ako nag-isip ang natatandaan ko lang ay pumasok ako sa private pool na ito. “A-anong ibig mong sabihin? Pinagsamantalahan mo ako habang lasing ako? Walang hiya ka manyak!’’ sigaw ko saka mabilis na dumapo ang palad ko sa kaniyang mukha.
“f**k!” napamura siya nang masampal ko siya sa kaniyang pisngi. Nakapang-swimsuit pa rin ako ng suot.
“Ikaw pa talaga itong may ganang manakit samantalang tinulungan na kita kagabi dahil muntik ka ng pagsawaan ng mga lasing sa tabi ng dagat. Pasalamat ka dahil hinayaan kitang matulog dito kahit hindi puwede ang mga stranger dito sa private pool kong ito. Kaso kabilang ka sa guest ng hotel na ito, kaya hinayaan kita rito na mag-relax,’’ galit niyang wika. Makikita sa mukha niya ang pagkainis sa akin.
Napasapo na lang ako ng aking noo nang maalala ko na lumabas ako rito at naglakad sa tabi ng dagat pagkatapos akong sabihan ng mga staff na bawal ako rito tumambay. Nag-inarte na lang ako na masakit ang aking ulo upang mapagtakpan ang kahihiyan na ginawa ko.
“Magbihis ka dahil may mahalaga akong katanungan sa’yo,’’ malamig niyang sabi saka inihagis ang roba sa aking mukha.
Nakasimangot kong isinuot ang roba at hinagilap ko ang aking bag dahil naroon ang camera ko. “Ano ang itatanong mo sa akin na mahalaga?’’ taas kilay kong tanong sa kaniya matapos kong isuklob sa aking katawan ang roba.
“Saang organization ka galing? Ano ang pangalan mo? At ano ang kailangan mo sa akin?” Napaismid ako at lalo ako napataas ng kilay sa mga tanong niyang iyon.
“Excuse me? Anong organization ang pinagsasabi mo? Ano ang akala mo sa akin sindikato o protector ng mga illegal na gawain? Sa ganda kong ‘to itatanong mo kong anong organization ako? Haler, okay ka lang, Attorney?’’ naiinis kong tanong sa kaniya. “Saka wala akong kailangan sa’yo. Nandito lang ako upang mamasyal subalit kahit saan ako naroon ka rin. O baka naman nagpapanggap ka lang para perahan ako. Para mo malaman wala kang mahuhuthot na pera sa akin,’’ mataray kong sabi sa kaniya.
“Tigil-tigilan mo ako riyan sa bunganga mo. Kagabi ka pa nanlalait sa akin. Hindi mo ba alam na kaya kitang ipaligpit ngayon at baka makita ka na lang na palutang-lutang sa dagat habang inaagnas? Iyon kong lulutang ka pa at hindi papakin ng mga pating,’’ pananakot niyang wika sa sakin.
Medyo nakaramdam ako ng takot sa pananalita niyang iyon. “Alam mo, gwapo ka sana, eh! Kaso ang yabang mo. Sayang at type ko pa naman sana ang mukha mo. Pero, never mind na lang dahil hindi na kita type,’’ matabil na dila kong sabi sa kaniya.
Nakita ko ang paggalaw ng panga niya na parang lalo lang nainis sa sinabi ko. Hindi ko inaasahan na hatakin niya ako sa aking braso.
“Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, Miss. Sino ang nag-utos sa’yo para manmanan ako, ha? Sa anong oraganisasyon ka galing?’’ muli niyang tanong.
Napangiwi ako sa sakit ng aking braso ng pisilin niya ito ng malakas. “Aray, ano ba? Wala akong organization. Ano ang akala mo sa akin mafia, myembro ng gang? BItawan mo ako kung hindi ididimanda kita!” mariin kong sabi sa kaniya.
Pabalibag niyang binitiwan ang aking braso. Napapangiwi na lang ako sa sakit sa higpit ng paghawak niya kanina.
“Lumabas ka na bago pa mandilim ang mga mata ko sa’yo. Hindi ako magdadalawang isip na patulan ka, labas!’’ sigaw niya.
Nataranta ako na kinuha ang aking bag sa itaas ng lamesa. Nagulat ako sa pagsigaw niyang iyon hindi na ako umimik pa dahil nakita ko sa mga mata niya na parang hindi siya nagbibiro. Agad na akong lumabas sa pool na iyon at nagtungo sa aking silid sa 17th floor.
Sino kaya ang lalaking iyon? At anong organisasyon ang sinasabi niya? Nababaliw na sigro ang lalaking iyon. Pagdating ko sa aking silid nag-shower na lang muna ako saka nagbihis ng damit na binili ko kahapon sa mall. Nag-check out na ako sa hotel saka sumakay sa aking kotse.
Alas-kuatro na ng madaling araw, kaya kahit gusto ko pa sana matulog ay minabuti ko na lang na umuwi ng maaga sa Tagaytay. Napakagat labi na lang ako nang tingnan ko ang aking cellphone. May ilang miscalled ito ni Manang Biday at ni Kuya Lander. Hindi ko na napansin ang tawag nila kagabi.
Habang sa kahabayaan na ako ng kalsada sa Paranaque tumunog ang cellphone ko. Si Daddy ang tumawag, kaya nilagay ko ang earphone sa aking tainga saka sinagot ang tawag ni Daddy.
“Saan ka bang bata ka, ha? Sabi ni Manang, hindi ka raw umuwi. Tinatawagan ka ni Kuya mo hindi ka sumasagot. Alam mo bang pinag-alala mo kami?’’ sermon ni Daddy ang agad na bumungad sa akin sa kabilang linya.
“I’m sorry, Dad. Nag-injoy kasi ako sa pamamasyal dito Cavite. Hindi ko napansin na tumatawag kayo. Nandito na ako sa Paranaque, uuwi na ako sa Tagaytay,’’ ang wika ko na lang kay Daddy.
“Kung gusto mong dumaan dito sa Alyala, dumaan ka. Nang sa ganoon makita mo ang bahay natin dito,’’ sabi niya sa akin.
“Sige, sabihin mo na lang ang complet address ng bahay,’’ sang-ayon ko sa aking ama.
Nang ibinigay na ni Daddy ang address niya sa Alyala, pinuntahan ko iyon. Pagdating ko roon mahigpit ang security guard na siyang naka-duty papasok sa loob ng subdivision. Hindi basta-basta ang mga bahay na nakatayo roon. Malulula ka sa ganda ng desensyo at sa laki ng mga bahay.
Tinawagan pa ng guardia si Daddy para ma-confirm na kung kilala niya ako. Wala kasing akong card na hinahawakan bilang identity na dito ako nakatira sa loob ng subdivision.
Nang ma-confirm ng guard na anak ako ni Lucio Diez, tudo hingi ito ng paumanhin.
“Pasensya na po talaga Ma’am, kung hindi agad kita pinapasok. Sumusunod lang kasi ako sa rules ng subdivision.” Ang paghingi ng paumanhin ng guwardya sa akin.
“Okay lang, Guard. Alam ko na ginagawa mo lang ang trabaho mo. Thank you,’’ pasalamat ko at nag-drive na ako sa loob ng subdivision.
Hinanap ko ang number ng bahay ni Daddy at hindi naman ako nahirapan na mahanap iyon. Sa labas pa lang nakikita ko na ang silver na kulay ng gate at puro puti na bahay na may accent ito ng kulay black. Napaawang ang mga labi ko nang bumukas ng kusa ang gate. Pinasok ko na ang sasakyan ko at pumarada sa parking area.
Pagbaba ko sa aking sasakyan tanaw ko si Daddy habang nakasandal ito sa bukana ng kaniyang mansion. May bitbit itong tasa at hinihintay ako.
“Dad!’’ patakbo akong nagtungo sa aking ama at yumakap. “Ang ganda ng bahay mo rito, Dad. Dito na lang kaya ako tumira?’’ pagbibiro ko pang sabi kay Daddy.
“Walang problema, Iha. Minsan wala naman tao ang bahay na ito kundi ang mga kasambahay ko lang. Naisip ko kasi na mas magugustuhan mo roon sa Tagaytay, kaya doon kita binilhan ng properties mo. Kumusta ang pamamalagi mo sa Pilipinas, Iha? Hindi ka ba naninibago sa klima rito?” tanong ni Papa sa akin.
“Okay lang, Dad. Malamig kasi roon sa Tagaytay. Kung alam ko lang na maganda ang bahay mo rito hindi na sana ako nag-check in sa hotel. Naiinis kasi ako kay Kuya dahil hindi niya pa rin ginagawa ang skitch ko para sa resort na ipapatayo ko sa Tagaypay,’’ sumbong ko kay Daddy. Inakbayan ako ni Daddy at nagtungo kami s kaniyang cooffe nook.
“Magtimpla ka ng gatas or hot chocolate kung gusto mo. Saan ka ba galing at ganitong oras ka nagbyahe pauwi?’’ tanong ni Daddy sa akin.
Kumuha ako ng powder chocolate saka tinimpla. “Namasyal lang ako, Dad. Hindi ko alam kung anong lugar ang napuntahan ko kagabi, pero may panganalan na Cavite. Nag-stay ako roon sa isang resort na may hotel,’’ sabi ko kay Daddy habang hinahalo ko ang powder milk at tubig sa cup.
Naupo ako sa bar counter saka uminom ng hot chocolate. May sandwich na nakapatong roon sa bar counter, kaya iyon ang ipinares ko sa hot chocolate.
“Pagpasensyahan mo na ang Kuya mo dahil alam mo naman na mahal niya ang trabaho niya. Mamaya ka na bumalik sa Tagytay. Isasama kita mamaya sa orphanages para makita mo ang mga batang tinutulungan ng kompanya natin,’’ turan ni Daddy sa akin.
Sumandal lang siya sa bar counter habang umiinom ng kape.
“Talaga, Dad? Sige at para naman makita ko ang proyekto ninyo ni Kuya,’’ natutuwa kong tugon sa aking ama.
Sumapit ang alas-siete ng umaga nagtungo kami sa orphanage ni Daddy. Mahigit isang libong mga bata ang nangangailang ng kalinga ng mga magulang ang naroon. Ang iba ay inabanduna ng mga magulang. Ang iba naman inaabuso ng mga magulang. Ang iba sanggol pa iniiwan na sa basurahan. Nahabag ako sa mga batang naroon. Mabuti na lang naisipan nila Daddy na magpatayo ng orphanage para sa mga batang pinagkaitan ng mga magulang.
Mahirap pa naman na walang magulang. Palibhasa kasi maagang namatay si Mommy. Hindi ko nga nakita ang labi ni Mommy noong namatay siya. Masyado pa akong bata noon basta ang natatandaan ko noon ilang sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Mas higit na kailang ng mga batang ito ang pagmamahal ng kanilang mga magulang sana. Kaso may mga magulang din talaga sigurong pabaya sa kanilang mga anak.