Chapter 27 Angela Bilang kaparusahan sa aking pagtakas tinutuhanan ni Darius na iwanan ako sa kuweba. Iginapos niya ang aking mga kamay sa puno na naroon. Kahit anong pakiusap ko sa kaniya na huwag ako igapos rito ay wala siyang pakialam. “Subukan mong tumakas, Angela. huli ko na itong babala sa’yo, kapag inulit mo pa ang ginawa mo sa harapan mo mismo ko papatayin ang Kuya at Daddy mo, try me!’’ hamon pa nito sa akin na hindi nagbibiro nang matapos niya akong igapos. Alam ko na hindi siya nagbibiro at tutuhanin niya talaga kung ano ang banta niya sa akin. “Wala naman akong kasalanan sa’yo, pero bakit ako ang pinaparusahan mo? Ako ba ang pumatay sa nobya mo? At saan ang ebedinsiya mo na si Daddy nga ang pumatay sa nobya mo?” mga tanong ko sa kaniya habang umaagos ang mga luha ko. “An