Chapter 28 Angela Hindi ko alintana ang masakit na sikat ng araw. Patuloy lang ako sa ginagawa ko kahit wala pa akong kinain. Kahit nakaramdam na ako ng gutom tiniis ko iyon. Nang hindi ko na makayanan ang inis na nararamdaman ko ay pinagtataga ko ang damo ng gamit kong itak. Naiinis ako kung bakit ganito ang nangyari sa buhay ko. Nitong mga nakaraan parang umiiba ang mood ko. Mabilis ako mainis at palaging inaantok. ‘Yong gusto ko lagi akong natutulog. Palagi ko rin pinapapak ang gatas na nasa coffee nook. Mas gusto ko pang papakin iyon kaysa timplahin. Bumalik ang huwisyo ko ng marinig ko ang boses ng Berdugo. “Magpapakamatay ka ba at ayaw mong kumain? O gusto mo talagang bumilad diyan sa araw?’’ mapangutya niyang tanong sa akin. Ayaw kong patulan ang pasaring niya sa akin. Hindi k