Chapter 26 Angela Mabilis lumipas ang mga araw at buwan. Tatlong buwan na akong nanatili sa lugar na ito. Tatlong buwan na rin ako na pagmamay-ari ni Darius. Subalit dalawang linggo na siya hindi nakabalik sa lugar na ito. Kaya, habang wala siya tumutulong ako sa mga gawain dito sa hacienda at sa farm niya. Minsan hindi ko na kilala ang sarili ko dahil nakakalimutan ko na ang dating ako. Walang araw at gabi na hindi ko maisip si Kuya at Daddy. Saka si Aunte Reta, kumusta na kaya sila ni Manang Biday? Ipinagpatuloy kaya ni Manang ang pagpapagamot sa kaniya? Nagwawalis ako sa kusina nang binuksan ni Manang ang telebesyon. Sakto naman na pagbukas niya may breaking news. Breaking news: “Isang kilalang negosyante na si Lucio Diez, ang nahahanarap ngayon sa malaking problema. Matapos mamata