Episode 5

2133 Words
Chapter 5 Darius Saglit lang akong lumabas sa paboritong tambayan ko upang kumuha ng cellphone sa aking penthouse sa itaas ng hotel na pagmamay-ari ko. Saubalit sa pagbalik ko may babae na akong nakita na palutang-lutang sa swimming pool na exclusive lang para sa akin at sa mga bisita ko. Ang kapal din ng babaeng ito dahil pati ang alak at pagkain ko kinuha niya. Subalit pag-ahon niya agad ko nakilala ang mukha niya. Siya ang babae na kumukuha sa akin ng larawan sa Tagaytay. “Ikaw?’’ gulat kong tanong sa kaniya. Ang malditang babae tinaasan ako ng kilay at mukhang lasing na ito. “Ako nga? B-bakit, kilala mo ba ako? Saka bakit ba tinataasan mo ako ng boses, ha? Ikaw ba ang may-ari ng hotel na ito? Para mo malaman nagbabayad din ako ng pera para mag-enjoy rito. Bakit akala mo ikaw lang ang may pera?’’ pang-uuyam niyang tanong sa akin. Tatawagan ko sana si Bogart para ipadespatsa ang babaeng ito. Subalit nagkaroon ako ng kaunting interest sa kaniya. Para kasi ang sarap niyang paglaruan. Hindi ako nagpakilala na ako ang may-ari ng hotel na ito. HInayaan ko siya kung ano ang iisipin niya. “Well, ikaw lang naman ang babaeng muntik ko ng ipapatay sa tauhan ko dahil sa pagkuha mo ng litrato sa akin na walang pahintulot,’’ saad ko sa kaniya. “Ah, ikaw ‘yong abugagong nagpabura ng mga kuha kong larawan. Sa mukha mong ‘yang hindi ka naman halatang killer. Siguro marami ang na-hold up mo ano? Kaya nakapasok ka sa mga ganito ka high class na lugar. Siguro may balak kang kutungan ang mga taong narito, ano?’’ pang-iinsulto niyang tanong sa akin habang pinasingkit niya ang kaniyang mga mata. Napapailing na lang ako sa takbo ng utak ng babaeng ito. “Mukha ba akong holdaper, Miss? O baka type mo lang ako, kaya kahit saan ako sinusundan mo ako? Stalker ka, ano?’’ balik kong tanong sa kaniya. Tumawa siya ng malakas, kaya muntik na sana siya mabuwal. Napahawak siya sa aking braso at nasubsob ang kaniyang mukha sa aking dibdib. “Ouch, ano ‘tong dibdib mo pader? Ang tigas naman!’’ aniya habang pinipindot-pindot ang aking dibdib. Hinawakan ko siya sa kaniyang braso at inilayo sa aking dibdib. May kung anong kuryente kasi biglang dumaloy sa aking katawan sa pagdikit niya ng kaniyang katawan sa akin. “Gusto mo mag-injoy, ‘di ba? Sige, samahan mo akong uminom dito,’’ yaya ko sa kaniya. “Tssttt… lumabas ka kaya rito dahil ako ang nauna sa’yo rito. Ayaw ko na may kasama rito at ayaw ko makipagkuwentuhan sa’yo. Mamaya hihingiin mo ang number ko tapos ibibigay ko naman. Tapos magte-textmate tayo yayain mo ako mag-date, pagkatapos kukunin mo ang loob ko. So, kung nakuha mo na ang loob ko papaibigin mo ako. Tapos kapag umibig na ako sa’yo yayain mo ako sa hotel, syempre papayag na ako noon dahil mahal na kita. Pagdating natin sa hotel hahalikan mo ako, syempre matatangay ako at kapag natangay ako isusuko ko ang kipay ko. Pagkatapos mong kunin ang virginity ko sunod-sunod mo na akong gagamitin hanggang sa mabuntis ako. At kapag nabuntis na ako iiwanan mo ako at ng magiging anak natin. Pagkatapos ano na lang ang mukhang iharap ko kina Daddy at Kuya? Kaya, ayaw kong samahan mo akong uminom rito. Lumabas ka na rito, dali!’’ Napaawang na lang ang labi ko sa mga sinabi niya na minsan hindi pumasok sa isipan ko. Ibang klase rin mag-isip ang babaeng itong. Ang masaklap pa pinagtulakan niya pa ako palabas sa pagmamay-ari kong lugar. Bumalik ang huwisyo ko nang nasa labas na ako ng silid na paborito kong tambayan. Kumibot pa ang labi ng babae habang nakawak ito sa glass door. “Tsupeee!” pagtataboy pa ng bruhang babae sa akin. Isinarado niya ang glass door saka tumalikod. Paikis-ikis siyang bumalik sa swimming pool at naupo sa gilid. Napapailing na lamang ako sa kabaliwan ng guest naming ito. Tinawagan ko si Harold ang manager ng hotel. “Boss, may iutos po ba kayo?’’ tanong ni Harold sa akin. “Harold, may naligaw na guest sa silid ko rito sa swimming pool. Magpadala ka rito ng staff at pakibantayan mo sa kanila dahil baka malunod ito sa swimming pool. Baka magdulot pa ng malaking gulo sa hotel,’’ utos ko kay Harold. “Sige, Boss. Kami na po ang bahala sa kaniya.” Pinatay ko na ang aking cellphone at umakyat na lang sa aking pent house. Nawalan na tuloy ako ng gana mag-swimming dahil sa babaeng iyon. Kumuha na lang ako ng maiinom sa fridge at nanuod ng football sa telebesyon. Mag-isa lang ako sa penthouse ko. Nasa pictorial kasi si Lara, kaya hindi ko siya kasama. May meeting din akong dinaluhan kanina. Makalipas pa ang ilang oras nababagot ako sa loob ng penthouse. Nagbihis na lamang ako ng polo na kulay puti at naka-short ng pang-summer short. Lumabas ako sa penthouse at naglakad-lakad sa gilid ng dagat. Maliwanag ang araw, kaya marami ang mga taong namamasyal. Habang naglalakad ako may nakita akong dalawang lalake na parang may binabastos silang babae. Lumapit ako sa kinaroroonan nila. “Ano ba? Layuan niyo nga, ako?” pagpupumiglas ng babae sa isang lalake na humahawak sa kaniyang kamay. Nakasuot siya ng swimsuit, kaya sinong manyak ang hindi siya gustong pagnasaan at ganitong oras pa ng gabi? Napapailing ako nang makilala ko kung sino ang babae. Siya ‘yong guest na pumasok sa private swimming pool ko. Napaisip ako kung paano siya napunta rito? Eh, pinaasikaso ko ito kay Harold. “Bitawan mo nga ako! Manyak!’’ sabi pa ng bruha sa dalawang lalake at pinagsasampal niya ang mga ito. “’Yan ang gusto ko palaban,’’ malakas na tawa ng isang lalake. “Hahaha… Ang ganda ng katawan, Pare. Solve na solve tayo nito,’’ bungisngis din ng isang lalake. “Bitiwan niyo siya kung ayaw niyong lumutang sa dagat,’’ pagbabanta ko sa mga lalake na humahawak sa kamay ng babae. “At bakit sino ka? Ah, siguro ikaw ang boyfriend ng babaeng ito. Ang sexy kasi ng girlfriend mo. Pahiram muna kahit isang putok lang,’’ sabi pa ng lalake na may tattoo sa kanang bahagi ng kaniyang braso. “Ah, gusto mong makaputok? Sige, pagbibigyan kita, pero ang utak mo ang paputukan ko!’’ sabi ko at walang alinlangan kong kinuha ang C1ST revolver ko at itinutok ito sa sintido ng lalake. Walang alinlangan kong kinalabit iyon. Humandusay siya at tumakbo naman ang kasamahan niya. Hinila ko ang babae at lumayo kami sa lugar na iyon. Wala namang nakahalata dahil hindi naman matao sa parting iyon. “P-pinatay mo?’’ nanginginig na tanong ng babae na parang ngayon lang bumalik sa kaniyang huwisyo. “Ano ang gusto mo pagsawaan ka nila riyan sa tabi-tabi? Naroon ka na sa swimming pool kung bakit napunta ka pa rito!’’ sermon ko sa kaniya habang hawak ang kamay niya. “M-mamatay tao ka? A-ano kasi, may mga dumating na staff kanina sa pool. Ayaw ko na may kasama roon, kaya umalis na ako. Gusto ko sana maglakad-lakad sa tabi ng dagat kaso mga manyakis naman ang nakasalubong ko,’’ ang wika niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakikialam ako sa babaeng ito. Subalit isa lang ang dahilan dahil ayaw ko makakita ng babae na binabastos ng mga lalake dahil naalala ko ang nangyari kay Mommy. Hindi ko na sinagot ang una niyang tanong sa akin. “Anong number ng room mo? Ihahatid na kita roon para safe ka,’’ tanong ko sa kaniya nang makarating kami sa exit ng swimming pool. Sa tabi ng exit may entrance doon na ako lang ang puwedeng dumaan. Doon kami pumasok ng babae sa private pool ko ang tagos niyon. “Gusto ko rito sa swimming pool. Ang ganda kasi dahil sa harap ng karagatan. Totoong baril ba iyong hawak mo kanina? Patay na ba ‘yong lalake na iyon?’’ sunod-sunod niyang tanong sa akin. “Nawalan lang iyon ng malay. Laruan lang ang baril na iyon, kaya huwag mo na isipin iyon,’’ ang pagsisinungaling ko na lang sa kaniya. Naupo siya sa pool bed saka sumandal. “Don’t disturb me, I want to sleep,’’ lasing niyang saad sa akin. Hinayaan ko na lang siya na matulog roon. Ilang sandali pa nakatanggap ako ng tawag mula sa manager ni Lara. “Good evening Miss Sandoval, do you need anything?” tanong ko sa kabilang linya. “Mr. Escobar, itatanong ko lang sana kung nagkita kayo ni Lara. Umalis po kasi siya kanina. May tumawag kasi sa kaniya ang sabi naaksidente ka raw. Hanggang ngayon hindi pa siya nakabalik, eh. Hindi rin namin siya matawagan nakapatay ang cellphone niya,’’ ang wika ng manager ni Lara sa akin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa aking narinig. “F*ck! Wala bang sumama sa kaniya kahit isa sa mga staff ninyo? Narito lang ako sa Maynila at hindi ako naaksidente,’’ nagtatagisang ang ngipin ko na wika sa manager ni Lara. “Wala po, eh! Busy po kasi kami kanina sa pagpi-pictorial nang makatanggap siya ng tawag. Tinatawagan niya ang cellphone mo kanina subalit hindi ka raw sumasagot, kaya pinuntahan niya ang lugar kung saan sinabi ng tumawag sa kaniya. “Sa anong lugar daw siya pumunta?’’ tanong ko sa Manager. “Wala po siyang binanggit kung anong lugar,’’ sagot ng Manager. Napakuyom ako ng aking kamao dahil masama ang kutob ko huwag lang sana may mangyaring masama kay Lara dahil oras na pinagtripan nila si Lara hindi ako magdadalawang isip na patayin sila kung sino man ang tumawag na iyon kay Lara. Iniwan ko ang babae at tinawagan si Bogart. Ilang sandali pa nag-ring ang number niya. “Saan ka ngayon?’’ agad kong tanong kay Bogart sa kabilang linya. Nagtungo ako sa parking kung saan naka-park ang sasakyan ko. “Nandito ako sa Casino, Boss,’’ sagot ni Bogart sa akin. “Tawagan mo si Daddy, sabihin mo na gamitin ang lahat niyang koneksyon upang mahanap si Lara,” saad ko kay Bogart. “Sige, Boss!” Pinatay ko na ang cellphone saka sumakay sa aking bulletproof car na Mercedes Benz. Nag-drive ako patungo sa at g kinaroroonan ng pictorial ni Lara. Hindi mawala-wala ang kaba ng aking dibdib. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Dalawang oras ang binyahe ko bago ako nakarating sa hotel na tinutuluyan ni Lara at mga kasamahan nito. Tinawagan ko si Miss Sandoval ang Manager ni Lara. “Miss, Sandoval nasa lobby ako ng hotel,’’ wika ko sa kabilang linya. “Wait a minute, Mr Escobar. Baba na ako,’’ aniya. Hinintay ko na lang siya sa lobby. Dalawang minuto lang ang lumipas nakita kong lumabas si Miss Sandoval sa elevator. “Wala pa rin ba kayong balita kay Lara? Hindi ba siya tumawag sa inyo? O wala ba kayong napansin na taong umaaligid sa kaniya o kahinahinala ang kilos?’’ sunod-sunod na tanong ko kay Miss Sandoval. “Wala naman po, Sir. Kanina lang talaga na may tumawag sa kaniya at sinabing naaksidente ka. Hanggang ngayon hindi pa siya nakabalik at hindi na makontak ang number niya,’’ saad ni Miss Sandoval. Sinubukan ko ulit na tawagan ang number ni Lara subalit out of coverage area pa rin ito. Pagkatapos kong makausap si Miss Sandoval tumawag naman si Daddy sa akin nang pabalik na ako sa aking sasakyan. “Hello, Dad,’’ sagot ko sa tawag ni Daddy habang binubuksan ko na ang pintuan ng sasakyan. “Anong nangyari kay Lara? Totoo bang nawawala siya?” nag-alalang tanong ni Daddy sa akin. “Ilang oras na siyang nawawala, Dad. Kaya, kung maari sana gamitin mo lahat ng koneksyon mo para makita ko kaagad si Lara,’’ sumamo kong sabi kay Daddy. “Huwag ka mag-alala. Pinapakilos ko na ang mga tauhan ko. Mananagot kung sino man ang mananakit sa nobya mo. Sige, huwag ka mag-alala ako na ang bahala,’’ turan ni Daddy sa akin. “Salamat Dad. Kumusta ang sugat mo? Hindi kaya nasundan kami ng Syclon, Dad? Baka nakita nila kami ni Lara na pumunta riyan?’’ ang sabi ko kay Daddy. “Malalaman din natin, anak. Ipagpalagay mo muna ang kalooban mo. Baka sumama lang si Lara sa mga kaibigan niya. Wala pa naman 24 hours siyang nawawala, ‘di ba?’’ wika ni Daddy sa akin. “Kinakabahan ako, Dad. Tawagan mo na lang ako kapag may balita ka, Dad. May pupuntahan lang ako,’’ paalam ko kay Daddy. Dali-dali kong binuhay ang makina ng sasakyan at pinatakbo. Bumalik ako sa Maynila at tumuloy sa private pool ko kung saan iniwan ko ang babae. Baka isa siya na pinadala ng mga kalaban ni Daddy at binabantayan nito ang bawat galaw ko. Baka isa siyang spy. Oras talaga na may kinalaman ang babaeng iyon sa pagkawala ni Lara, isa-isa ko talaga tanggalan ng koko ang mga daliri niya sa paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD