Kinahapona ay dumating ang aking asawa at agad dumiretso sa paghalik sa aking labi. "I miss you Ange— I love you..." sambit ni Carlos sa akin.
"I love you too, Carlos." At tumitig ako sa kaniyang mga mata. "Miss na miss na rin kita," dagdag ko at pumatak na naman ang aking mga luha at nakita iyon ni Carlos.
"Ange, may masakit ba sa 'yo?" Pag-alala niya sa akin at dali-daling pinunasan ang aking mga luha. "Mahal na mahal kita Ange. Mahal na mahal," luhaang sabi ni Carlos at niyakap niya ako ng napakahigpit.
"Mahal na mahal na mahal rin kita, Carlos. Alam kong nahihirapan ka sa aking kalagayan ngayon. Alam kong pagod ka na pero sana habaan mo pa ng konti ang pagtitiis mo, Carlos. Dahil ako ay pinilit ko pa ring lumaban kahit nahihirapan na sa aking kalagayan. Sana huwag kang matukso sa iba," tugon ko kay Carlos, ngunit sarili ko lang ang nakakarinig.
"Uhmm... Liza, puwede ka ng lumabas at maraming salamat sa pag-aalaga mo sa aking asawa."
"Anong alaga? Hindi niya ako inalagaan, Carlos!" bulyaw ng aking isip.
"Walang anuman po, sir. Sige po..." tugon ni Liza.
At bago pa man ito lumabas ay nag-iwan pa ito ng nakakapang-akit na ngiti. Ngunit hindi naman ito pinansin ni Carlos.
"Good night, Ange!" sabi ni Carlos at himiga na ito.
"Good night too, Carlos."
MAAGANG nagising si Carlos para asikasuhin ako. Pinunasan niya ang aking buong katawan at pagkatapos ay pinalitan niya ako ng diaper at damit.
"Salamat, Carlos. Dahil hindi ka napapagod sa pag-asikaso sa akin. Sana,makapaghintay ka pa sa aking paggaling. Pinipilit ko ang aking sarili na gumaling na para sa 'yo. Para masuklian ko ang pag-aalaga mo sa 'kin. Mahal na mahal kita asawa ko." sabi ko sa kaniya ngunit hindi niya narinig.
"Uhmm... ayan mabango na ang asawa ko!" masiglang sabi ni Carlos, sabay halik sa aking labi.
"Miss na miss na kita Ange, sana gumaling ka na. Dahil nahihirapan rin ako kapag nakikita kita sa kalagayan mong ganyan. Sana ako na lang ang nasa kalagayan mo ngayon, Ange. Sana ako na lang," pahayag ni Carlos na bumabaha ang kaniyang mga luha.
"Carlos, mabuti nang ako ang nagkaganito dahil baka hindi ko kakayanin kung ikaw ang makikita ko sa ganitong kalagayan," tugon ko sabay patak ng aking mga luha.
"Aalis na ako, Ange. Pangako, uuwi ako ng maaga mamaya. I love you, asawa ko." At humalik siya sa aking labi.
Bago paman siya lumabas sa aming kuwarto ay tinawag muna niya si Liza, at patakbo naman itong lumapit.
"Liza, ang asawa ko ay alagaan mong mabuti, ha. Pakainin mo sa tamang oras," bilin ni Carlos sa kaniya.
"Opo, sir. Huwag po kayong mag-alala at ako na po ang bahala kay, ma'am," nakangiting sagot niya.
"Salamat! Sige, alis na ako."
"Mag-iingat po kayo, sir," paalala ni Liza at ako naman ay nakaramdam ng selos. Dahil sa kaniyang pang-aakit sa aking asawa.
Hanggang sa makaalis na si Carlos at si Liza naman ay umupo sa maliit na sala at nanood ng telebisyon.
"Haist! Nakakabagot naman dito, ano kaya ang magandang gawin?" tanong ni Liza sa, kaniyang sarili at tumayo ito sabay nagtungo sa aking kabinet.
Malaya siyang naghahalungkat sa aking mga kagamitan. "Ay... wow! Ang ganda naman nito," aniya sabay kuha niya sa aking damit at kaniya itong isinuot. Nag-selfie siya sa harap ng malaking salamin at nag-ikot-ikot pa ito.
"Ambisyosang babaeng 'to! Hubarin mo 'yang damit ko!" Ngunit useless ang aking galit at sigaw dahil hindi rin niya ako naririnig.
"Hi, guys... look and my pasyente. O 'di ba ang ganda namin?"
Ang lukarit ay nagawa pang mag-video at isinali ako sa kaniyang pagiging feelingera.
Biglang tumunog ang kaniyang phone at dali-dali niya itong tiningnan.
"Oh—My—God! Tumawag ang aking asaw," sabi ni Liza at agad sinagot.
"Hello, sir?"
"Okay naman po, sir."
"Yes, sir."
"Okay po, sir."
"Byeeee..." At kinansela na ni Carlos ang tawag.
"Love you... muaaah..." aniya kahit wala, na siyang kausap.
"Hayop ka talaga babae ka!" bulyaw ko.
Lumabas si Liza sa kuwarto banda alas-onse at bumalik ito ay ala-una. Dapat sana ay alas-diyes pa lang ay napalitan na ako ng diaper at sunod ay ala-una naman.
Tiniis ko ang init ng diaper dahil puno na ito sa ihi at may dumi pa. Wala akong magagawa hindi ako makapag reklamo kaya tiniis ko ang lahat.
"Haist! Ang baho mo naman! Tumagilid ka nga! Bwisit! Bibigyan pa ako ng malaking trabaho!" galit niyang sabi at kung makasigaw sa akin ay parang hindi niya amo.
Biglang lumaki ang aking mga mata dahil sa aking pagkagulat nang bigla niyang sapakin ang aking hita.
"Tagilid! Bwisit!" bulyaw na naman niya sa akin.
Nabigla ako sa kaniyang ginagawang pananakit. Pero ano ang aking magagawa? Wala akong kalaban-laban kaya idinaan ko na lang sa pagluha.
"Humanda ka sa akin kapag gagaling ako dahil gagawin ko rin ito sa mukha mo!" pipi kong banta sa kaniya.
Kinahapunan ay dumating ang aking asawa. Nang matanaw ni Liza na papasok na si Carlos ay dali-dali niyang hinawakan ang aking binti at bahagya niyang minamasahe.
"Good! Salamat, Liza," puri ng aking asawa.
"Ay! Dumating na pala kayo, sir?" Pagpapanggap niyang sabi.
"Salamat sa pag-aasikaso mo sa aking asawa, Liza." nakangiting sabi ng aking asawa.
"Welcome, sir. Ginagawa ko lang ang aking obligasyon," aniya.
"Sige na, magpahinga ka na at salamat," sabi niya sa babae.
"Okay,sir. Hmm... baka may kailangan pa kayo, sir..." aniya na may kasamang papansin.
"Wala na, Liza," tugon ng aking asawa.
Nang makalabas si Liza ay agad isinara ni Carlos ang pito. "Ange, flowers for you," sabi ni Carlos sabay pakita niya sa akin ng tatlong rosas at ipinatong niya ito sa aking dibdib.
Sabay bukas niya sa kaniyang phone at ipinatugtog ang paborito naming kanta.
"Tomorrow morning if you wake up
And the sun does not appear
I... I will be here
If in the dark we lose sight of love
Hold my hand and have no fear
'Cause I... I will be here"
Napaluha ako sa ginawa ni Carlos, dahil hindi pa rin niya nakalimutan ang mga bagay na lagi niyang ginagawa sa akin noon.
"Alam mo, Ange? Kahit kailan ay hindi nawawala ang pagmamahal ko sa 'yo. Kahit minsan nakaramdam ako ng init sa aking katawan ay pilit ko itong pinigilan. Sapagkat ayaw kong magkasala sa 'yo."
"I will be here
And you can cry on my shoulder
When the mirror tells us we're older
I will hold you
And I will be here
To watch you grow in beauty
And tell you all the things you are to me
I will be here, hmmm
I will be true to the promise I have made
To you and to the One who gave you to me
And just as sure as seasons are made for change
Our lifetimes are made for years
So I... I will be here
We'll be together
I will be here.
"Sana gumaling ka na asawa ko, para muli nating magawa ang mga masasayang araw." bulong ni Carlos sabay punas niya sa kaniyang mga luha.