ONE YEAR LATER
Tuluyang gumaling si Carlos at ako ay nanatiling komatos pa rin at kasalukuyan na akong nasa bahay. Dahil ito ang gusto ni Carlos para araw-araw niya akong maalagaan.
Sa sarili naming bahay kami dumiretso, isa ito sa nabuo ng aming mga pangarap at pagmamahalan ni Carlos. Pera naming dalawa ang ginagastos para mapatapos namin ito.
Kahit komatos man ako ay hindi ako hinihiwalay ni Carlos ng kuwarto, kahit papaano ay magkasama pa rin kami at patuloy niya akong inalagaan. Pinupunasan bago siya matulog kinakausap kahit hindi ako sumasagot. Nakabuka ang aking mga mata nakakarinig ngunit buong katawan ko ay hindi gumagalaw.
"Asawa ko, gumising ka na sobra na kitang na-miss. Lalo na 'yung pag-aasikaso mo sa akin, 'yung yakap at paglalambing mo na-miss ko iyon." Maluha-luhang sabi ni Carlos habang pinupunasan niya ako.
"Miss na rin kita, Carlos. Sana hindi ka magsasawang alagaan ako. Mahal na mahal kita," bulong ng isip ko sabay patak ng aking mga luha.
Gustuhin ko man na bumalik sa dati pero ang katawan ko ay ayaw pa ring gumagana. Mahirap sa isang tulad ko ang ganito, subalit umaasa ako na babalik rin sa normal ang lahat ... .
Kinabukasan ay maagang gumising si Carlos, para painumin ako ng gatas bago siya papasok sa trabaho. Alam kong nahihirapan na ang aking asawa sa mga gastusin. Buti na lang ay may tiyahin ako sa ibang bansa at isa siya sa tumulong sa aming gastusin.
Kapag umaga ang aking biyenan ang kasama ko sa bahay at inalagaan niya ako. Minsa ang ina ko naman ang nagbabantay sa akin
"Angela, sana gumaling ka na naaawa na ako sa aking anak, sobra na siyang nasasaktan at nalulungkot sa iyong kalagayan," sambit ng aking biyenang babae.
"Lumalaban ako, Mama. Pero ayaw ng aking katawan. Gusto ko ng mabalik sa dati. Pagod na rin ako sa aking kalagayan," tugon ko sa aking sarili.
Kinagabihan ay dumating ang aking asawa galing sa trabaho at alam kong pagod ito. Pero ito siya, inasikaso pa rin niya ako.
"Angel, I decide na kukuha ng isang private-caregiver para mag-alaga sa iyo. Kasi hindi na kaya ng aking katawan, napapagod na akong masyado. Bukas darating siya dito sa bahay," sabi ng aking asawa.
Nagulat ako sa kaniyang sinasabi at nasaktan ng konti, dahil napapagod na pala siya sa akin.
"Paano kung hindi niya ako maalagaan tulad ng pag-aalaga mo sa akin, Carlos? Paano kung sasaktan niya ako?"
Hanggang tanong na lang ako sa aking sarili at bahagyang pumatak ang aking mga luha.
KINABUKASAN nang hapon ay maagang dumating si Carlos at kasama niya ang sinabing private-caregiver at hinarap niya ito sa akin.
"Asawa ko, nandito na ang mag-aalaga sa iyo araw-araw siya si, Liza." Pagpakilala ni Carlos sa akin.
Medyo nakaramdam ako ng konting paninibugho sa babae, dahil maganda ito at seksi. Ang hindi ko lang gusto ay kapag tumitingin siya sa aking asawa dahil mayroong kasamang pang-aakit.
Pagkatapos itinuro ni Carlos, ang mga importanteng bagay na dapat niyang gawin sa akin ay hinatid na siya sa kabilang kuwarto. Para iyon ang pansamantala niyang magiging kuwarto.
Ang masakit sa akin dahil ang kuwartong 'yon ay inilaan namin para sana sa magiging panganay naming anak. Pero pakiramdam ko ay hindi na matutupad ang aming mga pangarap nang 'yon. Ngunit kahit ganoon paman ay umaasa pa rin ako na muling babalik ang aking buhay sa normal.
"I know you love me Lord. Please— give me a second chances para tuluyan akong gumaling. Ikaw lang Lord, ang nakakakilala at nakakaintindi sa aking kalagayan. Alam kong may dahilan ka kung bakit nangyari ito sa akin ngayon. Ngunit umaasa ako na gagaling pa ako," pipi kong dasal kasabay sa pagpatak ng aking mga luha.
"Asawa ko, aalis na ako, ha. I love you so much..." sabi ni Carlos, sabay halik sa aking labi.
"I love you too, Carlos," pipi kong tugon at nakadilat ang aking mga mata.
"Liza, ikaw na ang bahala sa asawa ko. Huwag mong kalimutan na i-monitor ang mga bilin ko.
"Yes, sir. Huwag po kayong mag-alala natatandaan ko po ang lahat," nakangiting tugon ni Liza.
"Mabuti. Sige, aalis na ako."
Nang makaalis si Carlos ay nagsimula namang naglikot ang mga mata ni Liza sa loob ng aming kuwarto.
"Ay! Ang ganda mo dito, ma'am. Pero sayang dahil nagiging inutil ka," sambit ni Liza, habang kinuha niya ang frame. Na ang nasa larawan ay ang sa kasal namin ni Carlos.
"Ibaba mo 'yan! Baka mabasag mo pa!" sigaw ng aking isip.
"Ang guwapo talaga ni, Sir Carlos." At hinaplos niya ang mukha ng aking asawa. "Hayyys... sana mapansin niya ako..." dagdag pa ni Liza.
"Sabi ko na nga ba. Pinagnanasaan mo ang aking asawa pero hindi ka papansinin ni Carlos, dahil mahal niya ako,"
sabi ng aking isip at nakaramdam ako ng pagkainis sa aking sarili, sapagkat wala man lang akong magawa.
Walang ibang inatupag si Liza, kung 'di ang nakaupo lang habang abala sa kaniyang phone. Ni hindi man lang niya tiningnan kung umiihi ba ako, kung may laman pa ba ang aking dextrose.
At maya-maya pa ay tumayo si Lisa. "Ma'am, maiwan muna kita dahil nagugutom ako. Pero babalik rin ako agad kaya relaks ka lang dito, okay?" Sabay tapik-tapik niya sa aking hita.
"Saan ka ba napulot ni Carlos?! Wala kang silbi na private-caregiver— Abusado!" galit kong sabi sa aking isip.
"Dios ko, huwag naman po sanang matukso ang aking asawa sa babaeng ito. Baka hindi ko na po kakayanin."I whispered.
Bumalik si Liza na may dalang pagkain niya.
"Ang bastos nito! Dito pa sa kuwarto kumakain." I said to myself.
Habang kumakain si Liza ay busy rin ito sa kaniyang phone. At maya-maya pa ay biglang nag-ring ang phone ni Liza at dali-dali niyang nilunok ang pagkain na nasa kaniyang bibig.
"Hello, Sir?" sagot niya sa kabilang linya at alam ko na ang aking asawa ang tumawag sa kaniya.
"Yes, sir. Okay naman po si, ma'am."
"Opo, sir. Pinalitan ko na siya ng pampers." Pagsisinungaling ni Liza.
"Ang kapal ng mukha ng babaeng ito!"
Sobra akong nainis sa kaniyang mga sagot sa aking asawa.
"Okay, sir. bye..." aniya at nakangiti ito.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Carlos ay dali-dali siyang kumuha ng pampers at agad lumapit sa akin. Basta-basta na lang niya akong pinalitan ni hindi man lang nagpapaalam sa akin at hindi man lang niya pununsan ng basang tuwalya.
Nang matapos na siya ay muli itong umupo at ipinagpatuloy ang kaniyang pagsubo while dotdot sa kaniyang phone.