Wedding Day
"Marriage is a most honorable estate, created and Instituted by God, signifying unto us the mystical union, which also exists between Christ and the Church; so too may this marriage be adorned by true and abiding love." Ito ang sabi ng pari sa harap ng dalawang taong nagmamahalan.
Hanggang sa dumating ang punto na ipinasuot na ang singsing.
"Angela, I give you this ring as a visible and constant symbol of my promise to be with you as long as I live." sabi ni Carlos at sinagot ko naman ito.
"Carlos, I give you this ring as a symbol of my love for you. Let it be a reminder that I am always by your side and that I will always be a faithful partner to you."
Sa mga sandaling iyon ay halos hindi ako makapaniwala na sa simbahan pala ang patutunguhan ng pagmamahalan na kay tagal naming iniingatan. Dahil almost five-years na kaming magkasintahan ni Carlos.
Hanggang sa sinabi ng pari ang mga salitang. "Bride and Groom, in so much as the two of you have agreed to live together in matrimony, have promised your love for each other by these vows, the giving of these rings and the joining of your hands, I now declare you to be husband and wife."
Naghiyawaan at nagpalakpakan ang mga bisita sa sobra nilang saya para sa amin na bagong kasal.
"NOW YOU CAN KISS YOUR WIFE!" Huling katagang binitawan ng pari.
"I love you so much, Angela." Carlos said.
"I love you too, Carlos!" I replied with tears in my eyes
NANG matapos ang aming kasal ay sumakay na kami sa koste para magtungo sa hotel kung saan nakahanda ang reception.
"Ang saya-saya ko, Carlos..." sabi ko sabay lingon sa aking asawa.
"Ako rin, Gela, walang mapagsidlan ang aking saya ngayon," tugon niya sabay halik sa aking kamay .
Habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada ay nagpatugtog si Carlos ng paboritong naming kanta. Ang 'Right Here Waiting'.
"Ang ganda talaga ng kanta talagang nakaka-in love," nakangiting kong sabi.
"Tama ka, Gela. Kaya tandaan mo palagi na mahal na mahal kita. At kahit kailan ay hindi kita ipagpapalit at ikaw lang talaga," madamdaming sabi ni Carlos sa'kin.
Hindi naman napansin na mayroong isang malaking trak ang nawalan ng prino, at nasa likuran namin ito. Dahil ang atensyon namin ay nasa harapan habang malaya naming pinakinggan ang kanta.
Isang malakas na pagsalpok mula sa likuran ng aming sasakyan.
"Oh my God— Carlos!" gulat na bulalas ko at napahawak ng mahikpit sa kamay ng aking asawa.
"Oh—God!" Nagpanik na rin si Carlos at pilit inapakan ang prino.
Panay ang silbato niya, dahil maraming sasakyan ang nasa aming harapan.
Pareho kaming nagsisigaw dahil dumiretso ang kotse sa isang malaking puno at naipit sa malaking trak na nasa aming likuran.
Nagpatuloy pa rin sa pagtugtog ang paborito naming kanta, kahit wala na kming malay.
"A... Angela. Angela!" sambit ni Carlos sa aking pangalan kahit nahihirapan ito.
Duguan ang kaniyang mukha at pilit pinunasan para makita niya ang aking kalagayan. Hinawakan niya ang aking mukha ngunit wala pa rin akong malay at punong-puno sa dugo ang aking mukha.
Ang akala ni Carlos ay patay na ako, kaya hindi na siya umaasa na mabuhay pa. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking palad at hinihintay na malagutan na rin siya ng hininga. Dahil sa maraming dugong nawala kay Carlos at sugat sa kaniyang katawan ay nawalan rin ito ng malay.
Naisugod kami sa hospital at parehong puno sa dugo ang aming mga suot. Maraming naawa sa aming kalagayan, sapagkat bagong kasal pa lang kami. Ngunit isang masaklap na trahedya ang sinapit namin.
Hindi na gumalaw ang buo kong katawan pero ang isip ko ay gumagana pa rin na pinilit na lumalaban mula sa kamatayan. Sapagkat hindi pa ako handang iwanan si Carlos. Marami pa kaming pangarap, marami pa kaming gustong gawin sa buhay, kaya lalaban ako mula sa kamatayan. Titiisin ko ang sobrang sakit ng aking katawan mabubuhay lamang ako.
"Mahal na mahal kita, Carlos," pipi kong sabi.
Critical ang kalagayan naming dalawa pero mas malubha ako. Sapagkat nag-aagaw buhay ako. Pakiramdam ko ay patay na ako, dahil nakikita ko ang aking katawan. At ang mga doktor na abala sa pag-aasikaso sa akin. Sobra akong naguluhan sa mga sandaling ito.
Sapagkat nakatayo ako na malinis at maputi ang aking gown. Subalit ang isa kong kamukha ay duguan ang buong gown.
Nakita ko rin si Carlos na may mga aparatong nakasabit sa kaniyang katawan at may oxygen sa kaniyang ilong.
"Lumaban ka, Carlos
Huwag mo akong iwanan alalahanin mong marami pa tayong pangarap," luhaan kong sabi.
"Angela... Angela, lumaban ka, anak!" Napalingon ako at nakita ang aking Mama na humahagulhol. Nilapitan ko ito at hinawakan ngunit nabigla ako dahil dumiretso ang aking kamay.
"Patay na ba ako? Hindi! Ayaw ko pang mamatay." Nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan.
"Doctor, mabubuhay pa ba ang anak namin?" luhaang tanong ng aking ama.
"Sa ngayon ay hindi ko kayo kayang sagutin. Dahil tanging ang pasyente lang ang nakakaalam kung hanggang kailan siya lalaban. Malaking pinsala ang natamo ng kaniyang ulo. Dahilan ng kaniyang pagka komatos." Paliwanag ng doctor.
"Dios ko! Ang anak ko!" Muling napahagulgol ang aking ina sa kaniyang nalalaman.
"Doctor, kumusta naman ang kalagayan ng kaniyang asawa?" tanong ng aking ama.
"Ligtas na siya sa panganib pero kailangan pa rin ng obserbasyon ang kaniyang isang tuhod. Dahil sobra itong namaga at dilikado na maputol ito."
"Dios ko! Bakit nangyari ito sa kanila?" tanong ng aking ina.
"Huwag kang mag-alala, Mama. Lalaban ako," sabi ko na ako lang ang nakarinig.
Patuloy sa paghagulgol ang aking ina at halos hindi matanggap ang nangyari sa amin.
"Ma, tama na. Baka magkasakit ka pa niyan. Pangako, mabubuhay ako para sa inyo ni Papa at lalo na sa aking asawa." sabi ko.
"Angela... Angela..." sambit ni Carlos sa mahinang boses.
Tumakbo ako papalapit sa kaniya. Nang marinig ko na tinatawag ni Carlos ang aking pangalan.
"Carlos," sambit ko sa aking asawa, at awang-awa ako sa kaniya.