KABANATA 5

1602 Words
ELORA / ZELIA P.O.V Masaya akong naglalakad sa loob ng campus at maraming mga students ngayon. Busy sila sa pag-iisip kung anong activity ang sasalihan nila dahil sa darating na intrams. Ako pa chill chill lang dahil wala naman akong talent eh. Talent ko lang angmagnakaw. Kung hindi lang mayaman ang katawan na ito matagal ko ng ninakawan ang mga studyante rito na ang yayaman. Fashion palang nila sa mga gamit mukhang pang gold na ang mamahal. Kanina ko pa hinahanap ang baby damulag ko. Hindi siya pumasok kanina sa first period. Kaya miss ko na agad siya. First period lang kasi klase namin dahil kailangan naming paghandaan ang darating na intrams next week. Kung hindi ba naman tanga ang dean ng school na ito ngayon pa nag announce ng biglaan patungkol sa intrams. Sa paglalakad ko nakasalubong ko ang mga kontrabida sa buhay ko. Ang mga babaing bumuhos ng drinks sa baby damulag ko noong nakaraan. Nakapamulsa akong tumigil sa harapan nila dahil hinarangan nila ang dadaanan ko. "Bakit ata bumabadoy na ang mga suot mo?" Nakataas na kilay sa sabi ng isa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Naka civilian lang kasi ako dahil trip ko. Hindi naman ako hinarangan ng guard kanina kaya nagkibit balikat lang ako papasok kanina sa gate. "Ano naman pakialam niyo? Bakit may ambag kayo sa buhay ko?" Tanong ko sa kanila. "Hindi ba magaling ka kumanta? bakit hindi mo ngayon patunayan sa intrams?" Agad nangunot ang nuo ko. Paano ako naging magaling kumanta e parang inipit na kambing ang boses ko pag kumanta ako. Naaalala ko pa nuong nasa quiapo ako pag nagkaraoke napapatakip ng tenga ang mga nadoon pag kumanta ako. Akmang sasagot ako ng hilahin nila akong tatlo sa kabilang daanan. Hindi na ako pumalag dahil lalo lang akong maaasar sa kanila. Hinayaan ko lang silang dalhin ako sa kung saan nila ako gustong dalhin. "Dito, pipila ka rito," binitawan nila ako sa mataas na pila ng mga studyante. "Anong gagawin ko rito?" Inis kong sabi sa kanila. May mga saltik talaga ang mga ito. Bwesit! "Magpapalista ka sa rito bilang mag aaudition sa kakanta next week sa intrams." Napakamot ako ng nuo dahil sa kabaliwan nila. "Sino nagsabi sa inyo na may sasalihan ako?" Nag cross arms ako sa harapan nila with matching taas ng kilay. "Kami!" Sabay sabay nilang sagot sa'kin. Tinalikuran ko sila at humarap na lang sa mga nakapila. Bored na bored akong nakatayo roon. Hayaan na wala naman akong balak na mag cooperate sa pesting intrams na ito. Ang plano ko lang naman sa week ng intrams mag stroll-stroll lang naman. Naka ilang minuto siguro kaming bakatayo ruon ng ako na ang susunod nakita kong tiniklop na ng nag o-organize sa pilang ito ang kanyang Notebook mukhang aalis narin. "Teka! Mag aaply itung kasama namin!" Pigil na sabi babaing ito. Ang isa sa mga humila sa'kin sa pila na ito. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang mga pangalan ng bruhang mga ito. "Miss puno na ang listahan," Malumanay na sagot nito at umirap pa na kinainit lalo ng ulo ko. Ang tagal naming pumila rito tapoa ganito pa talaga aba! hindi pwedi iyon. "BLAG!" Napapitlag ito ng ihampas ko ang dalawang palad ko sa lamesa. Huminga ako ng malalim bago nag salita. "Pre! Makinig ka! Ilang minuto na kaming nakatayo rito at putangina ayaw na ayaw ko pa naman ang nakatayo ng matagal!" Simula ko at pinanlakihan ito ng mga mata nakita ko ang pagbalatay ng takot sa mukha nito. "Alam mo bang wala pa akong kain? Namumulikat na ang mga paa ko sa kakatayo rito. Tapos hinahanap ko pa ang baby damulag ko tapos dadagdag ka pa!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Napapikit na lang ito dah sa sigaw ko. Mabuti na lang hindi ako tarsik laway dahil kung hindi pupunuin ko talaga ng laway ang mukha niya. Ang pangit pa naman niya. "Ililista mo ako o makakatikim ka ng isangsapak sa nag iisang babaing anak ng mga Cujuango?" Pagbabanta ko agad naman ito tumango tango. "Opo. Ililista ka na po namin." Nakita ko kung paano niya ilagay duon ang apeliydo ko. Tumalikod na ako sa kanya at hinarap ang tatlong babaitang ito. Nakita kong hindi maipinta ang mukha nila at nakangiwi sa'kin mukhang nagulat sila dahil sa ginawa ko. "O ayan, naka lista na ako. Dapat makita ko rin diyan ang mga pangalan niyo dahil kung hindi ililibing ko kayo ng buhay." Sabay sabay silang tumangong tatlo na parang masunuring tuta. Bilagpasan ko na sila at naglakad palayo roon. "Nasaan na ba ang baby damulag ko, pag hindi ko nakita ang isang iyon hindi na buo ang araw ko at hindi na talaga ako magiging good mood pa!" Nakanguso kong sabi habang naglalakad. Sinisipa ko ang mga kunting bato na naaapakan ko. Dinala ako ng mga paa ko sa Field ng school. May nag so-soccer at subrang lawak ng field. Agad akong tumako at naupo sa ibaba ng puno na masisilungan ako sa mataas ng sikat ng araw. Total wala pa naman ang baby damulag ko manonood na lang muna ako ng soccers. "Putangina! Ang tanga naman subrang hina ng sipa niya!" Inis kong sigaw para akong tanga rito pero wala akong pakialam dahil nawiwili ako sa panonood. Pero hindi ko talaga maiwasan ang mainis dahil may mga babaing players pero ang tatanga kung sumipa paano sila nasali sa ganitung laro. Ayon nakita ko pa ang isang babae na sumipa ng bula papunta sa net ng kalaban pero tanga natalisod ba naman tapos kunwaring nasaktan. Hindi naman masakit ang pagkakatumba niya. Ang tanga naman. Tiningnan ko ang coach na pumito para huminto muna ang laro dahil sa kaaetehan ng babaing iyon. Inis kong binunot ang grass sa inuupuan ko dahil pansamantalang natigil ang laro dahil sa nangyari. "Pag ako nag laro nako baka lumipad pahimpapawid ang bola at hindi na nila mahabol pa." Inis kong sabi sa sarili ko. Kung basihan lang ang lakas ng sipa sa bola para maabut ang net ng kalaban pasok ako kayang kaya kong paliparin ang bola pati katawan ko sa ere. Dahil sa inis ay tumayo na lang ako at umalis roon. Mas maganda siguro kung matulog na lang sa garden. Wala namang sense kausap ang mga tao sa university na ito. Habang naglalakad sa campus para makarating sa garden ng may nakakuha ng attention ko. May nagkukumpulan sa isang building. Tiningnan ko ang taas ng building kung saan may naka sulat na education building. "Ano naman ang mayroon du'n?" Tanong ko sa sarili ko. Dahil sa curiosity ay naglakad ako palapit roon. Papalapit palang ako ay nakita ko ang isang Teddy bear na lumipad sa gilid. Mukhang wala silang pakialam du'n. Nilapitan ko ang teddy bear at pinulot. Pinagmasdan ko ito hanggang sa nag flash back sa utak ko kung sino ang nagmamay-ari ng teddy bear. Humigpit ang hawak ko du'n at masamang tiningnan ang mga taong pinapanood ang nangyayari. "TABI! TUMABI KAYO!" Buong lakas kong sigaw sa kanila. Galit na galit ang boses ko at parang may sumapi sa'kin na kung ano dahil parang papatay na ako. Nakita ko kung paano nahawi ang daanan na parang binigay nila ako ng daan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Nakahiga ito sa lupa at duguan ang ilong. Punit ang suot niya damit. Biglang nag init ang ulo ko at tiningnan ang may gawa nu'n. There I saw them. Sila ang yung mga mukhang gangster kahapon. "Ano sa tingin niyo ang ginawa niyo sa pag-aari ko?" Nakita ko kung paano suminghap ang nakapaligid sa'min at ang gulat na mukha ng mga lalaking nang bully sa baby damulag ko. Naglakad ako palapit sa baby damulag ki at lumuhod sa harapan niya. Nilabas ko ang panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ang dugo sa ilong niya. Nakita ko kung paano nangilid ang luha sa mga mata niya at unti na lang ay iiyak ito. "Baby..." malambing kong tawag sa kanya. Nakanguso naman itong tumingin sa'kin habang may namumuong luha sa mga mata niya. At tumulo na nga ang mga iyon. "Tell me...anong ginawa nila sayo?" Malambing kong tanong rito at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya gamit ang hinalalaki ko. "I-inaway nila ako...sinuntok nila ako sa ilong..." parang batang iyak nito sa'kin. "Here, hug this teddy bear for a while." Binigay ko sa kanya ang teddy bear na hawak ko kanina. Pagkatapos ay tumayo at hinarap ang mga estudyanting nakiki-susyo. "Umalis na kayo rito. Wala ng dapat pang panoorin dito. At make sure na walang mag u-upload ng kinuha niyong vedio dahil sa oras na may mag upload sisiguraduhin kong buong angkan niyo ang huhuntingin ko." Pagbabanta ko sa kanila. Puno ng auturidad ang boses ko ng sabihin iyon. Nakita ko kung paano nag sialisan ang mag ito. Hanggang sa kami na lang ang natira dito si Baby damulag at ang mga feeling gangster na nanakit sa baby damulag ko. "Huwag niyong sagarin ang pasensiya ko, umalis na kayo at huwag niyo na ulit pagbubuhatan ng kamay ang lalaking ito. Dahil AKIN SIYA AT AYAW NA AYAW KONG MAY NANANAKIT NG PAG-AARI KO." Malamig kong sabi sa kanila at tinalikuran sila. Agad ako lumapit kay baby damulag at tinulungan itung makatayo. "Let's go, gagamutin ko ang ilong mo okay?" Sabi ko at inalalayan itung mag lakad. Subukan lang nila ulit na saktan ang baby kong ito makikita nila ng maaga si satanas. "Bakit hindi ka pumasok sa first period kanina?" Tanong ko habang nakahawak sa bewang niya bilang supporta. Para na akong nakayakap sa kanya habang naglalakad kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD