KABANATA 4

1504 Words
ELORA / ZELIA P.O.V Pag uwi ko sa bahay ay parang may bisita dahil may magandang kotse na nakaparada sa harapan ng bahay hindi lang isa kung hindi dalawa. Parang siga akong naglakad papasok mg bahay. "Oii, musta ang buhay?" Tanong ko pa sa isang maid na nasa sala na mukhang nagpupunas ng table. "Okay lang po Madam, nasa kusina po silang lahat du'n lang kayo dumeritso." Aba hindi naman ako nagtanong kung sino ang nasa kusina pero hayaan na nga. Natatawa parin ako sa ginawa ko kanina kay Baby Damulag. Ninakawan ko ng halik sa lips bago ako lumabas ng kotse niya at kumaripas ng takbo papasok ng gate dito sa bahay. Kaya siguro maganda ang mood ko hahaha. "What's up everyone!" Pasigaw na bungad ko sa pwertahan ng kusina. Napatigil ako dahil may dalawang lalaki na naka upo doon at may dalawang babae rin kasama na duon ang dalawang matandang babae at lalaki na mga magulang ng katawan na ito. "Opsss! Sarryy my bisita pala," nakataas ang dalawang kamay ko sa kanila at akmang tatalikuran sila upang umalis ng tawagin ako ng mama ko daw. "Zelia, saan ka pupunta? umupo kana dito at kumain nandito rin ang mga kuya mo." Kung ganon kuya ko ang mga 'to? e kung ganon kaano ano ko ang mga babaing katabi nila? Sister ko rin ba? "Ahem.." seryuso kong tikim at umupo sa bakanting silya at may naka prepare naring plato duon. Sakto magagandang pagkain ang nakahain at mukhang masasarap. "Anong ganap?" Tanong ko sa kanina at nag simulang kumuha ng pagkain. "Ano na namang katangahan ang ginawa mo? At binalak mong tumalon sa rooftop?" Napatingin ako sa nagsalita at isa iyon sa kapatid ko raw. Mukhang suya ang panganay dahil sa hitsura niya na mature tingnan. "Hehehe, trip ko lang iyon hindi naman ako na tigok," pinansakan ko ng kanin ang bibig ko pagkatapos kong sabihin iyon. "Seriously?" Tanong ng isa. "Ang gaganda ng kasama niyo ah," pag-iiba ko ng topic para maiwasan ang pangyayaring iyon dahil hindi ko naman alam kong bakit nanduon ang katawan na ito. "Anak magiging sister in law muna sila." "Ohh!" Nanlalaking mata kong sabi dahil kung ganon girlfriend pala sila ng mga ugok na ito. Mukhang hindi maganda ang relasyon ng babaitang katawan na ito sa mga kuya niya. "Respect our girl Zelia, at huwga mong ipakita ang pagiging walang galang at brat mo sa kanila." Napataas naman ang kilay ko sa isang kuya ko dahil sa sinabi niya. Binitawan ko ang hawak kong utensils at nag cross arms na sumandal sa upuan. "Weee? bakit gold ba sila?" Bigla na lang lumabas iyon sa bibig ko at nakita ko ang paghigpit ng hawak ng isa sa tinidor niya. Tiningnan niya ako ng nakakamatay na tingin pero hindi ko iniwas ang mga mata ko. Dapat siya ang umiwas dahil hindi ako kailan man natatalo sa pakikipag titigan kung ganon lang pala. "Hindi ba at sinabi ko na sayo na tigilan mo ang pagiging walang galang mo sa'min? Kaya ka napapariwa dahil sa pag-uugali mo kaya walang nakakatagal sayo." Napangisi na lang ako. Hindi naman ako nasaktan dahil hindi naman ako ang totoong kapatid nila eh. Katawan lang pero hindi ang puso at isipan kaya pala balak magpakamatay ng babaing sunga na ito dahil sa kanila eh. "Zack stop that she's your sister.." Pigil ng babae sa kuya ko kung ganon Zack ang pangalan ng isang ito. Napailing iling na lang ako dahil boses palang ng babaing ito alam ko ng peke. "Zack and Cody, huwag niyo ng simulan ang kapatid niyo hindi na naman kayo matatapos sa pagbabangayan niyan." Napatingin ako kay mama ng sabihin iyon. Hay nako bet k pa naman makipag bardagulan. Zack and Cody hindi na masamang pangalan. Tiningnan ko ang babae ng isang kuya ko daw na si Cody. Mukhang matino ang isang ito hindi katulad ng naunang nagsalita kanina na nagpapanggap na angel. "Ano pala mga pangalan niyo?" Tanong ko sa dalawang babae dahil mukhang wala silang balak ipakilala ang sarili nila sa'kin. "I'm Andrea," Malumanay ang boses niya ng sabihin iyon. Ibigsabihin lang nito matino talaga ito at wala akong napansin na kakaiba sa kanya. Pwedi ko ng maging sister in law ang isang ito. "I'm Violet," nako naman kaya pala nasa loob ang kulo...kulay pala. "Kailangan mo ng magpalit ng pangalan, ang pangit imagine nasali ka sa rainbow." Walang kwenta kong sabi rito. "Ahmmm...bakit naman kong nasa rainbow ako?" Parang tanga niyang tanong sa'kin. "Wala lang, ayaw ko lang ng rainbow..." sagot ko rito. Gusto ko lang ipaalam sa kanya na hindi ko siya bet. Pero mukhang hindi niya na gets ang sinabi ko dahil ngumiti ito sa'kin bago nagsalita na kinangiwi ko ng wala sa oras. "Kung ganon mula ngayon magugustuhan mo na ang rainbow." Parang nawalan na ako ng gana na kumain pa dahil sa ka slowan niya. "Paano bayan mga pre! Aalis na ako kailangan ko ng mag beauty rest!" Sumaludo ako sa kanila bago tumayo at tinalikuran sila. Wala silang sense na kausap lahat hay nako. Pasayaw sayaw akong lumabas ng kusina at nakita kong lahat ng maid ay nawewerduhan sa'kin. Nag wiwink lang ako sa kanila habang kumukimbot na pasayaw hanggang sa pag-akyat ko ng hagdanan. "Mahal ko kayong lahat!" Buong lakas kong sigaw ng nasa tuktok na ako ng hagdanan. Nakita ko kung paano nagulat ang ibang maid at muntikan ng mahulog ang vase. "Bwaahhh!" Natatawang tawa ko at nagderi-deritso na sa kwarto ko. Masaya talaga ang buhay na uto dahil mukhang hindi na ako magnanakaw ulit sa quiapo. Magbubuhay tarantado muna ako sa katawan na ito hehehe. Tinapon ko ang bag ko sa study table at hinubad ang uniform ko. Panty at bra na lang ako ngayon. Wala akong paki maganda naman ang katawan na ito kaya okay lang ibandara. Tsaka sinigurado ko na naka lock ang pintuan bago ako sumampa sa kama at kinuha ang cellphone. Pag open ko ng cellphone ay naka login lahat ng account ng babaing ito. Pumunta ako sa f*******: dahil mas bet ko pa iyon kaysa i********:. "Oh, ang pangit ng profile niya diko bet," sabi ko. Nag back ako at pumunta sa camera. Tumayo ako pumunta sa malaking salamin. "Diko bet ang angle," sabi ko at umupo na lang sa kama. Kitang kita ang buong katawan sa salamin. Nag pose ako ng nakaka akit at kumuha ng maraming picture. Sigurado ko rin na may ibat ibang pose ako para pagpipilian ko ng gagawin kong profile. Nang matapos ako ay agad akong sumampa ulit sa kamay at bumalik sa f*******:. Naghanap ako sa gallery na pweding gawing profile at ng makakita ako ay iyon ang pinindot ko. After that nag isip ako ng magandang caption. "Feeling a little dangerous tonight. Wanna play?" Caption ko palang parang nangaakit ng mga lalaki. Pinindot ko ang upload at ilang seconds lang ay agad na na-upload iyon. Nag scroll down lang ako sa news feed at maraming post akong nakita. May mga pamilyar din sa'kin na galing sa university. Nagulat ako ng sunod sunod na notification ang natanggap ko. Dahil sa curiosity ay binuksan ko iyon. Pinindot ko ang pinaka una at mga comments ang bumungad sa'kin. "Aww! I wanna play with you!" ~ From Jaden "So hot babe!" ~ From Emran. At marami pang iba na puro kamanyakan lang. Pero isa lang ang nakapukaw ng attention ko. "Oh, you're feeling dangerous? That's cute. But tonight, you only play with one kind of fire, and it looks like me. ;) So tell me, what kind of game did you have in mind, baby?" ~ From Black Bear. Hindi ko alam pero kinilig ang atay ko sa comments niya. Pinindot ko ang profile niya at pamilyar sa'kin ang cover photo niya. Isang Teddy bear hindi ko lang alam saan ko nakita iyon. Nag scroll ako sa news feed niya at walang post na kahit isa. Ang boring naman nito. Umalis ako sa profile niya at hinayaan ang mga comments nila. Bumalik ako sa news feed ko pero hindi ko natuloy ang pag scroll ng biglang may tumawag walang nakalagay na name do'n. Sinagot ko iyon at hindi nagsalita. "Hello," nagliwanag bigla ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Baby Damulag ko. "Baby damulag! ikaw ba iyan? napatawag ka?" Tanong ko at tuminihaya pahiga habang nasa tenga ko ang cellphone. "Wala lang gusto ko lang marinig ang boses mo..." sa boses palang niya na pang bata alam kong nakanguso na ito ngayon. "Nakanguso ka na naman no? Gusto mo kiss ulit kita?" Gusto ko na tumawa dahil naalala ko na naman ang ginawa ko kanina. "Paano mo magagawa? hindi tayo magkatabi," innocente ang boses niya ng sabihin iyon. "Nako napaka innocenti talaga ng baby damulag ko! Dapat ako lang mag kiss sayo ah? wala ng iba!" Para akong nang-aangkin na kung ano sa isang bagay na hindi ko naman pag-aari. Pero hayaan na ngayon lang ako na obsessed tapos sa isang innocenting lalaki pa. "Opo sayo lang." Napangiti ako dahil sa naging sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD