ELORA / ZELIA P.O.V
"Nahuli lang ako dahil masama ang pakiramdan ko kaninang umaga..." Nakanguso niyang sagot sa'kin habang ginagamit ko ito ng seryuso sa clinic. Suppose to be ang nurse ng clinic ang gagamot sa kanya pero bigla niya akong niyapos sa bewang kanina at halos ayaw na akong bitawan. Sinubsob pa niya sa leeg ko ang ulo niya at ayaw magpahawak sa nurse.
Kaya ang ending ako na lang ang gumamit sa kanya dahil mukhang ayaw talaga niya kanina. "Talaga may sakit kaba?" Agad kong sinipat ang nuo niya gamit ang likod ng palad ko at kinumpara iyon sa akin.
"Mukhang normal naman at wala kang sinat, okay ka lang ba?" Tanong ko rito ng matapos kong gamutin ang pasa niya sa labi at mawala na ang dugo sa ilong niya.
"Opo...okay na ako..." agad kong hinalikan ang nuo niya ng sumagot ito na parang bata. "Ang cute talaga ng baby damulag ko." Pinatakan ko ng halik ang dalawang pisngi niya at ang ilong niya bago ko siya ulit nakawan ng halik sa labi.
Nakangisi akong nakatingin sa kanya. Nakita kong nakatingin sa'kin ang innocenting mga mata niya at ang pagpula ng dalawang tenga niya.
"Halika na kain muna tayo, ginutom ako sa paghahanap sayo kanina." Hinawakan ko ito sa kamay at naglakad na kami palabas ng clinic. Hanggang ngayon marami paring mga students na pumipila sa mga gusto nilang pasukan na activities sa parating na intrams.
"Anong activity ang sasalihan mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. Ang cute ng pagkakahawak niya sa teddy bear niya habang hawak ko ang kamay niya nakanguso pa ito. Parang gustong gusto kong halikan ang mga labing iyon.
"Huwag kang ngumuso, baka may magka interest sa labi mo dapat ako lang ang magkaka interest diyan." Sabi ko rito. Nakita ko naman kung paano bumalik sa normal ang labi niya na kinangiti ko.
"Ano na anong sasalihan mo?" Tanong ko ulit.
"Wala akong alam na sasalihan." Mahinang sabi nito.
"Gusto mo ako pumili ng sasalihan mo?" Tanong ko rito habang naglalakad kami. We're heading to cafeteria.
Tumango tango naman ito. "Sali ka sa basketball, alam mo na nakaka turn on ang mga lalaking magaling sa basketball." Sabi ko rito. Napatigil ito sa paglalakad at nakita ko ang pag seryuso ng mukha niya at humarap sa'kin.
"Then I'll join the game this intrams." Napakamot ako ng ulo dahil sa kaseryusuhan niya.
"Okay..." sagot ko dahil sa pagtataka. Ang bilis naman nag bago ng mood ng isang ito.
Nakarating kami sa cafeteria at umupo sa dating pwesto namin. "Dating order ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito. Agad akong tumayo at pumunta sa counter.
AUGUSTUS OZAN P.O.V
Nagbago bigla ang expression ko at seryusong pinagmamasdan ang likod niya habang nasa counter ito. Hanggang ngayon hindi parin mawala wala ang kilig sa katawan ko. Siya lang ang babaing kayang magnakaw ng halik sa'kin.
Napansin kong nagiging possessive ito sa'kin na nagugustuhan ko naman. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang ugali niya na para bang ibang tao ang kaharap ko. Pero pabor sa'kin iyon dahil nakukuha ko na ang attention niya.
Hindi ko ugaling sumali sa intrams pero dahil sa sinabi niya kanina na nakaka turn on ang mga lalaking magaling sa basketball ay bigla akong naging interesado sa pagsali.
Hindi rin totoo na masama ang pakiramdan ko kaya hindi ako nakapasok ng school ang totoo niya ay galing ako sa companya at may inayos lang na gusot. At nang nakabalik ako ng university ay nakita ko siyang naglalakad kanina kaya sinadya ko na pagtripan ako ng grupo ng Lion na iyon na feeling gangster. Hindi ako nasaktan sa sapak ng isang iyon dahil ang inisip ko lang ay makukuha ko na naman ang attention ng babaing kinababaliwan ko. At hindi nga ako nagkamali dahil nakuha ko ang attention niya at bunos rin ang mga halik na pinatak niya sa mukha ko duon sa clinic.
Kung ganon lang din naman ang nakukuha ko ay baka araw araw akong mapabugbug sa mga iyon. Bumalik ako sa pagiging isip bata ng makita ko siyang papalapit habang hawak ang isang tray na may lamang pagkain.
"Here's your order baby damulag!" masaya niyang nilagay sa lamesa ang order namin. Napapangiti ako bigla dahil sa pagtawag niya sa'kin ng ganong endearment.
It's making my heart fluttered.
"Kain na, tapos gala tayo sa mall wala namang magagawa rito." Nakanguso ko siyang tinaguan ng sabihin niya iyon at maganang kumain. Lagi akong busog pag siya ang kasama kong kumain. Pagdating sa bahay ay hindi ako kakain hanggang kinabukasan dahil hinihintay ko siyang yayain ako ng breakfast sa umaga at lunch.
~~~~~
NASA MALL na kami ngayon. At papunta sa isang botique na puno ng mga panglalaking gamit. Nakita kong yuyuko ang mga sales lady ng makapasok kami pero agad akong suminyas sa kanila ng seryuso.
Agad silang naging normal at bumalik sa dati nilang gawi, ayaw kong malaman ni Zelia na pagmamay-ari ko ang buong mall. Being with her as a normal person is so amazing.
"Baby damulag, look mukhang bagay ito sayo." Kinuha niya ang isang t-shirt at pinantay iyon sa'kin. Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin.
"Kukunin ko ito," binigay niya iyon sa isang sale's lady, marami pang mga damit ang pinili niya. Ganitong brat woman lang ang kaya kung pag tiisan at e-spoiled lalo. Kaya kong ibigay sa kanya ang black card ko balang araw pag nasiguro kong akin na siya at wala na akong kahati pa sa kanya.
"Saan naman tayo?" hawak ko ang lahat ng paper bag na binili niya. Hindi naman mabigat dahil mukhang halos ay pabglalaking gamit ang binili na mukhang para sa'kin. Ang mga gamit na ito ang araw araw kong susuotin.
"Punta tayo sa accessories, bili tayo ng promise ring." Hindi ako pumalag ng sinabit niya sa braso ko ang kamay niya at nagsimulang maglakad papunta sa shop ng mga accessories.
Nilagay ko muna ang mga binili namin sa sofa na nakalagay sa loob ng shop. Dinala niya ako sa glass na punong puno ng mga singsing. Sa tingin mo anong maganda? Sinipat sipat niya ang mga nakalagay sa loob.
I saw the sales lady looking at me using her terrified eyes. Tahimik kong sininyasan na ilabas lahat ng mga singsing. Agad naman niyang nakuha ang signal ko. Tumango ito bago nagsalita.
"Ma'am marami pang mga magagandang rings, wait lang ilalabas ko lang." Nakita ko kung paano niya nilabas ang magagandang sing sing sa harapan ni Zelia.
"Wow, ang ganda pala ng service nila dito baby damulag." sabi niya sa'kin dahil sa ginawa ng sale's lady.
"Baka maganda ka lang kaya ka nila inasikaso..." Nakangusong sagot ko rito habang hawak ang teddy bear na laging dala dala ko.
"Ang cute mo talaga..." hinawakan niya muna ang ang dalawang pisngi ko at kinurot iyon. Hindi naman masakit. Bumaling ulit siya sa mga nilabas na singsing at masaya niyang pinagmamasdan ang mga iyon halos pang couple ang nilabas ng sale's lady.
"Ito mukang maganda," kinuha niya iyon sa lalagyan at kinuha ang panglalaking singsing. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko ay nilagay niya iyon sa palasingsingan ko.
"Okay ba?" Tumango ako rito bilang sagot. Pinagmasdan ko ang kamay ko. The ring suit very with my ring finger.
Akmang kukunin niya ang isa ng unahan ko siya. "Give me your hand baby..." dahan dahan niyang tinaas ang kamay niya. Nilagay ko iyon sa mga kamay niya. Subrang lambot ng mga iyon. Ipapangako ko na siya lang ang babaing mamahalin ko hanggang sa huli. I'll take the risk just to get her and be with here for the rest of my life.
"Akina ang kamay mo, I'll take a picture." Pinagdikit niya ang kamay naming dalawa at kinuha niya ang cellphone niya. Madami siyang kinuhang litrato bago masayang humarap sa sale's lady.
"Magkano ang dalawang ito?" Tanong niya.
"200 thousand po mom dahil iyan palang ang design na nilalabas ng company para sa promise ring."
"Kung ganon gusto kong huwag na kayong maglabas oa ulit ng design na katulad nito, gusto kaming dalawa lang ang meron nito." I found her cute while saying that one. She look possessive to her man. Nakita ko ang pilit na ngiti ng sale's lady.
I signal her to just say yes. "Opo ma'am walang problema." Sagot nito. Kahit ako hindi ko gustong may kapareho kami ng promise ring lalo na at siya ang pumili nu'n.
"Tara na!" Hinawakan niya ulit ang kamay ko ng matapos siyamg magbayad. "I think mapapagod ka kung lagi nating dala dala ang mga paper bags na iyan. Maglalaro pa tayo sa arcade." Sabi niya at napa-isip pa.
"Pwedi naman nating iwan rito balikan lang natin mamaya." Tango tangong sabi niya.
"Miss! pweding iwan muna namin ito rito? babalikan namin mamaya." Sabi niya sa sales lady. Tumango naman ang sale's lady bago kami umalis. Nakita ko ang pagyuko ng sale's lady ng makatalikod na kami.
"Tara practice tayo ng basketball sa arcade para naman maka apply kana para sa intrams. Ako ang magiging unang fan mo at gagawa pa ako ng banner na speacial para lang sayo." Sabi nito. Tiningnan ko ang kamay naming dalawa na magkahawak kamay. My hand fit in her hand perfectly.