bc

The Wealthy Tarantado [SPG]

book_age18+
789
FOLLOW
8.8K
READ
billionaire
dark
HE
age gap
powerful
mafia
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Isang laki sa squater area, tarantado, tambay at halos kilala ang mga drug addict sa lugar nila.Laging naninigarilyo, maraming tattoo sa katawan at halos gawalan ng lalaki ang kanyang mga galaw.Snatcher sa quiapo, scammer at halos ata ng masamang gawain nagawa na niya maliban sa humithit ng ipinagbabawal na gamot.'yan ang mundong ginagalawan ni Elora Avalon, sa pangalan palang malalaman mong may hindi magandang gagawin.Dahil sa pagiging snatcher niya sa quiapo naka-encounter siya ng mga police. Ginawang tumakas ngunit police ang mismong naka-sawi ng kanyang buhay.Hindi siguro ganon kasama ang panginoon ng magising si Elora sa ibang katawan, katawan ng pangatlong anak ng mga Cojuangco. Si Zelia Lorelei Cojuangco ang pinaka maarte at brat na babae sa pamilyang Cojuangko.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
ELORA AVALON P.O.V "Hoy! Tigil!" Hindi ako tumigil sa pagtakbo ng marinig ang boses ng isang polis sa likod ko. Kanina pa nila ako hinahabol dahil sa pitakang ninakaw ko. Tumawa lang ako dahil nag eenjoy ako sa pagtakbo at pag talon dahil sa raming tao dito sa quiapo. "Tabi!" Sigaw ko at tinulak ang isang lalaking haharang-harang sa daanan ko. "Putangina!" Narinig kong sigaw nila sa likod dahil marami akong nabangga. Hindi ko sila pinansin at agad na lumiko sa isang eskinita at tumalon sa mataas na pader. Hingal na hingal akong napasandal sa pader dahil sa pagtakbo. Nasa ganong position ako ng makarinig ako ng isang putok at parang lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ng maramdaman ko ang balang tumagos sa likod ko. Nabitawan ko ang pitakang ninakaw ko kanina. Napadaos-dos ako paluhod at parang unti-unting nawawala ang hininga ko. Tagos na tagos sa tiyan ko ang bala na nanggaling sa likod ng pader na sinasandalan ko. Bumagsak ako at nanatiling dilat ang mga mata ko na nakatingin sa isang basurahan. Kasabay nun ang pagdating ng mga polis na humahabol sa'kin. Hindi ko na magalaw ang buong katawan ko at naging blanko ang utak ko. "Putangina! Riger! Bakit ka nag paputok!" Naramdaman ko ang humawak sa'kin at sinipat kung humihinga paba ako pero kasabay nun ang pagkawala na ng hininga ko. "Patay na," deklara niya. Kasabay ng pandidilim ng paningin ko ng biglang lumiwanag ulit at para akong nalula dahil sa isang mataas na building ako. "ANAK! BABA NA DIYAN! HALIKA KANA IBIBIGAY KO NA ANG GUSTO MO!" Napatingin ako sa sumigaw at doon nakita ko ang maraming tao isang matandang lalaki at babae na umiiyak hababg nakatingin sa'kin. Tiningnan ko ang kinaroroonan ko. Nasa isang rooftop kami habang nakatayo ako sa tuktok na oara bang tatalon ako. Anong ginagawa ko rito. Sinipat ko ang katawan ko at nakasuot ako ng pink dress na kinangiwi ko kasabay nun ang pagsipat ko sa mga braso ko. Subrang kinis at wala na ang mga tattoo ko sa katawan. "Diyos ko! Anong nangyayari sa anak ko!" Sigaw ng matandang babae ng bigla kung punitin ang dress na suot ko at lumantad ang makinis na tiyan ko. Gusto ko lang siguraduhin. At tama ako wala na doon ang mga tattoo ko sa tiyan. Hinawakan ko ang ulo ko at hinigit ko ang buhok ko dahil akala ko ay wig lang dahil sa taas nito. "Aray!" Angil ko ng makaramdam ako ng sakit. Para akong tanga sa harapan nila ngayon. "Zelia anak! baba kana!" Napatingin ako sa kanila ng marinig ang pangalan na iyon, kailan pa naging Zelia ang pangalan ko? "Ako ba?" Tanong ko sa kanila habang nakaturo ang hintuturo ko sa sarili ko. "Teka nga!" Nakapamewang kong sabi sa kanila at parang hindi natatakot na isang pagkakamali lang ay pwedi na akong mahulog. Pero hindi naman ako takot diyan wala akong takot sa height. "Kailan pa naging Zelia ang pangalan ko aber?" Tanong ko sa kanila. "Come on! Zelia Lorelei Cojuangco! Bumaba ka na diyan hindi magandang biro ang pagtalon sa mataas na gusaling iyan!!" Nakita kong napahilot sa nuo ang matandang lalaki na para bang sakit sa ulo ang ginagawa ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito at bakit nabago ang pangalan ko at pakiramdan ko nga hindi ko katawan 'to eh. Akmang baba ako ng biglang natalisod ang isang paa ko. "My God!!!" Sigaw nilanglahat na kinatawa ko. "Masyado kayong nerviyuso!" Sigaw ko at agad na napigilan ang sarili ko sa pagkahulo bago tumalon pababa sa kanila. "Kumalam bigla ang sikmura ko, kailangan ko ng makakain!" Sigaw ko sa kanina. Agad akong nilapitan ng matandang babae at niyakap ako. "Zelia anak! huwag mo ng uulitin iyon! hindi na kita pipilitin sa mga ayaw mo, hindi na kita ipapakasal." Nangunot bigla ang nuo ko. Ipapakasal pala niya ang katawan na ito kaya pala gusto ng tumalon at magpakamatay. "Nako madam! kaya pala gustong magpakamatay ng anak niyo eh!" siga kong sagot rito. Pero agad kong binawi ang sinabi ko ng nagtataka itung nakatingin sa'kin. "Ako pala, tara ba gutom na ako!" Masaya kong sigaw sa inakbayan ito pati na ang matandang lalaki kanina. Na ngayon ay hindi makapagsalita at parang naguguluhan sa mga kilos ko. ~~~~~~ "Ang sarap naman ng mga ito!" Punong puno ang bibig ko ng sabihin iyon dahil ngayon lang ako nakakain ng ganitung pagkain. Ang sasarap. "Kain kayo," Aya ko sa dalawang matanda na nasaharapan ko nakanganga sila sa'kin dahil sa uri ng pagkain ko. "Anak, hindi naman kita ginugutom hindi ba? bakit parang hindi ka nakakain ng isang buwan sa uri ng pagkain mo?" "Ma, Sadyang namiss ko lang kumain nito," siga kong sagot rito at nilantakan ang legs ng fried chicken. "Kailangan ko ng umalis may meeting pa ako, bantayan mo yang brat mong anak baka kung ano na naman ang gawin," sumaludo ko sa Daddy ng katawan na ito ng umalis na siya. Nakangiwi pa siyang nakatingin sa'kin na para bang naninibago sa'kin. "Ma! Kain na!" Nilagyan ko ng fried chicken ang bibig niyang nakanganga na agad naman niyang niluwa at tiningnan ako ng nandidiri. "God! Kailangan na ata kitang dalhin sa mental dahil sa nangyayari sayo!" Napahilot siya sa kanyang nuo ng sabihin iyon. Tawa-tawa lang akong nagpatuloy sa pagkain. "Bakit ang daming maid palang nakahelera dito?" Takang tanong ko dahil sa mga maid na nakahelera sa gilid. Nasa isang mansion kasi ako ngayon. "Hey! kayong lahat saluhan niyo kami sa pagkain!" Sabi ko sa kanila pero sabay sabay silang yumuko at hindi sinunod ang sinabi ko. "Bakit tela bumait ka anak? hindi mo naman ugaling pasaluhin ang mga maid ah?" "Hahahha, trip ko lang silang pasaluhin," sagot ko na lang dahil hindi ko naman alam ang pag-uugali ng babaing ito. "Hali na kayo!" Muntikan na silang mapatalon dahil sa sigaw ko sa kanila. "Uupo kayo o hindi?" Ginawa kong nakakatakot ang boses ko para sundin nila ako at hindi nga ako nagkamali, sinunod nila ang utos ko at nakita ko ang pagkataranta nilang lahat ng pagkuha ng plato. Bakit tela takot na takot ang mga ito sa pinagsasabi ko. "Kumalma nga kayo! hindi naman ako nangangain ng tao!" Sabi ko sa kanila at kinagat ang isang longganisa sa harapan nila. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo!" Sigaw ni Mama at umalis. "Kainan na!" Wala silang nagawa kung hindi ang kumain dahil sa utos ko. "So bakit tela takot na takot kayo sa'kin?" Casual na tanong ko sa kanila dahil tela ang tahimik ng hapagkainan. "Sagutin niyo ako pagnagsasalita ako!" Kunwaring inis kong sabi sa kanila at binagsak ang tinidor na naglikha ng ingay. "Madam!" Sigaw ng isa at napatayo. Agad naman akong napatampal sa nuo ko dahil sa nerbiyos ng isang 'to. "Umupo ka nga diyan dai! mura man kag baki sa imong gihimo!" Nakapagsalita pa ako ng bisaya dahil sa ginawa ng isang 'to. "Po?" Nagtatakang tanong nilang lahat tela hindi nila alam ang lenguwahing sinabi ko. "Wala ang sabi ko umupo ka na," mahinahon kong sabi sa kanya. "Sagutin niyo ang tanong ko kanina." Sabi ko sa kanila at isa isa silang tiningnan. "Ahmm...." napataas ang kilang ko ng parang pinipigilan ng isa ang magsalita. "Nagsasalita kayo o papansakan ko ng manok ang mga bibig niyo ng buong araw!" Sigaw ko sa kanila. Mababa lang kasi ang pasensiya ko pero hindi ako kailan man nanakit ng tao. Tarantado lang ako pero may prinsipyo ako. "Ayan po! lagi kayong nasigaw at nanakit kung ano ano ang binabato mo po sa'min," lalong tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nila. Ganon ba ka brat at maldita ang katawan na ito para tratuhin niya ang mga kawawang maids na ito? napailing iling na lang ako dahil sa napuntahan kong katawan. Sa dami ng katawan sa mundo bakit sa isang ito pa ako napadpad. "Mayaman ba ako?" Tanong ko sa kanila. Para naman silang tanga na sabay sabay na tumango. "Yes!" Sigaw ko at napasuntok suntok pa sa hangin dahil sa narinig. Kung ganon hindi pala ako malas. Swerte at bigtime pa nga ang nasungkit kong katawan. "Kung ganon! simula ngayon friends na tayong lahat!" Masaya kong sigaw sa kanila at nginitian sila ng malawak. "Kain na kayo! dahil masaya ang araw ko ngayon at sa mga susunod pang araw," wala silang nagawa kung hindi ang kumain sa mga pagkain na nakahain sa lamesa. Magana at masaya akong kumain kasabay nilang lahat ako lang ang dumadaldal sa kanila dahil ang tahimik nila. "Be comfortable with me guys! Mabait na ako ngayon." Sabi ko pa sa kanila at tanging tango lang ang tugon nila sa'kin. "Huwag kayong mag alala, tutulungan ko pa kayong mag hugas ng mga plato," sabi ko pa sa kanila. "Nako po! huwag na po madam! kaya na namin!" sabay sabay nilang sabi at tinaas pa nila ang kanilang mga kamay na tela pinipigilan ako. "Ako na lang ang maglilinis ng mesa," sabi ko pero laging angal ang nakukuha ko sa kanila. Bakit naman nila ako pipigilan sa gawaing bahay? Hayys nako. "Ganito ba pag mayaman? Buhay prinsesa?" Napapailing na tanong ko sa kanila.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook