Chapter 5 -Ang tunay na pagkatao-

1601 Words
Julian's POV Nagsimula na kaming maglakad. Kumuha ako ng isang malaking sanga ng kahoy at ginawa ko itong tungkod. Kung masasamang loob ang mga ito, kahit nahihirapan akong maglakad ay pipilitin kong maipagtanggol ang pamilyang ito. Hindi ko hahayaan na masasaktan nila si Nimfa. "Duon ang trap na sinasabi ng anak ko, duon kasi ang trap na mabibitin ka ng patiwarik kapag natapakan mo ang lubid na natatakpan ng mga dahon." ani ni Mang Delfin. Nakita niyang nahihirapan ako sa paglalakad kaya inalalayan niya ako pero alerto pa rin ako dahil hindi ko hahayaang may mangyari sa kanila. Malayo pa man ay naririnig na namin ang boses ng mga taong sinasabi ni Nimfa kaya mas lalo akong nagmamadali sa paglalakad dahil nakakasiguro ako na boses 'yon ng mga kaibigan ko. "Julian! Julian!" malakas na tawag nila sa pangalan ko kaya napatingin sa akin sila Mang Delfin at sinabi ko sa kanila na mga kaibigan ko ang tinutukoy ni Nimfa. "Marcus! Hugo nandito ako!" malakas kong sigaw. Narinig ko ang pagsagot nila kaya halos takbuhin ko na ang kinaroroonan ng boses nila. Bigla na lamang silang naglitawan sa harapan namin at ng makita nila ang mga kasama ko ay agad nilang itinutok ang kanilang mga armas sa mga ito. "Gago! Ibaba ninyo ang mga 'yan dahil sila ang tumulong sa akin mga ungas!" inis kong ani sa kanila. Mabilis naman nilang ibinaba ang kanilang mga armas at ipinakilala ko sila sa mag-asawa. Nakarinig kami ng ilang yabag at kaluskos sa malagong bahagi ng kagubatan kaya lahat kami ay itinutok namin ang aming mga armas sa lugar na 'yon ng biglang lumitaw sa harapan namin si nimfa kaya mabilis kong naiharang ang katawan ko upang protektahan sana siya pero bigla niya akong itinulak ng malakas na ikinabagsak ko sa lupa. "Sinabi ng huwag kang didikit sa akin dahil mamatay ako!" sigaw niya sa akin at nakikita ko sa mga mata ng mga kaibigan ko ang pagkalito. "Nimfa! Hindi mo dapat ginaganyan si Julian dahil sariwa pa ang sugat niya. Pagpasensyahan na ninyo ang anak namin, mamaya ko na lang ipapaliwanag kung bakit siya ganyan." ani ni Mang Delfin habang tinutulungan niya akong tumayo. Nilapitan agad ako ng mga kaibigan ko at tinignan ang sugat ko, mabilis na isinakbit ni Hugo at Marcus ang magkabilang braso ko sa kanilang balikat at inalalayan akong maglakad. "Saan ho ba ang tinutuluyan ninyo? May dala kaming mga gamot panglinis ng sugat niya at antibiotic para sa kanya. Kahapon pa namin siya hinahanap dito sa kagubatan. Kayo ba ang naglagay ng trap duon? Nahuli ang paa ni Josh kaya para siyang bibitayin ng patiwarik kanina pero buti na lang kaya niyang pakawalan ang sarili niya. "Sino ba kayo? Bakit kayo nandito sa lugar namin ha?" galit na ani ni Nimfa. Sinabi ko kay Nimfa na sila ang tinutukoy kong mga kaibigan. Nakabalik kami sa kubo, naihiga nila ako ng maayos sa papag at mabilis na lumapit si Lyka sa akin at nilinis agad ang sugat ko, sinigurado din niya na maayos ang tahi ng aking sugat. Napatingin ako sa nakatayong si Nimfa na binelatan pa ako at may sumilay na ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang sinusungitan ang kagwapuhan ko. Napatingin naman si Lyka kay Nimfa at muling ibinalik ang tingin sa akin sabay taas ng kilay niya sa akin. Huminga ako ng malalim at muli kong ibinalik ang aking tingin kay Nimfa na lumabas ng kubo. "Nimfa huwag kang lalayo." wika ko pero sinigawan lang niya ako at huwag ko daw siyang pakialaman. "Mang Delfin, sila po ang tinutukoy ko sa inyo na mga kaibigan ko. At 'yang nakatayong maangas na 'yan ay si Marcus Devon Dux, ang..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Mang Delfin. "Ang apo ng leader ng The Venum Organization." ani niya na ikinagulat naming lahat at napatingin kaming lahat sa kanilang mag-asawa. Bigla na lamang itinutok ng mga kaibigan ko ang kanilang mga armas sa mag-asawa at hindi man lamang ako agad makapagsalita dahil maging ako ay nabigla sa aking narinig. Paano niyang nalaman ang tungkol sa organisasyon namin? Sino ba talaga ang mga taong ito? Bakit nila kilala ang lolo nila Marcus? "Mga salbahe kayo! Huwag ninyong sasaktan si nanay at tatay!" sumisigaw na ani ni Nimfa na mabilis na tumayo sa harapan ng kaniyang mga magulang upang iharang ang kaniyang katawan. "Sino kayo? Bakit ninyo kilala ang lolo ko at bakit alam ninyo ang tungkol sa organisasyon namin?" sigaw ni Marcus na hindi inaalis ang pagkakatutok ng kanyang baril sa mag-asawa. Itinaas ni Mang Delfin ang dalawa niyang kamay at sinabi niya na may kukuhanin lamang siya sa kanyang bag na nasa ilalim ng papag na hinihigaan ko, ipinaalam din niya na ang papag ay puno ng armas pero hindi 'yon ang kukuhanin niya kung hindi ang kaniyang pitaka. Hindi naman inaalis ng mga kaibigan ko ang pagkakatutok ng baril sa kanila kahit kanina ko pa sinasabi sa kanila na ibaba nila ang kanilang mga armas. Pero kilala ko sila, hindi nila hahayaang maisahan sila kaya alam kong hindi nila basta-basta ibababa ang kanilang mga armas. Kinuha niya ang bag at sa harapan namin ay kinuha niya ang isang pitaka na nasa bulsa nito at iniabot niya ito kay Mrcus. Mabilis namang kinuha ni Marcus ang pitaka at binuklat niya agad ito at napakunot ang noo niya ng makita niya ang nilalaman nito. "Ikaw si Delfin Marquez na dating kanang kamay ni lolo? Hindi ba at patay ka na?" gulat niyang ani. Napatingin ako kay Mang Delfin, kaya pala pamilyar sa akin ang pangalan niya dahil naririnig ko na pala ito nuon pa. Binalewala ko lang naman kasi dahil napakaraming Delfin Marquez. "Kinailangan kong umalis at magpanggap na patay upang iligtas ang inaanak namin ng asawa ko si, Nimfa Folliet. Nalaman ko na sinugod ang mansion ng kaibigan kong matalik na si Alfonso Folliet pero huli na ng makarating kami ng asawa ko sa mansion nila. Patay na ang ina niya habang si Alfonso naman ay inabutan pa naming buhay pero binawian din agad ng buhay makalipas lang ng ilang minuto, at si Nimfa naman ay nailigtas namin ng tinangka itong barilin nuong tatlong taong gulang pa lamang siya. Napatay namin ng asawa ko ang mga tauhan ng tiyuhin ni Alfonso pero tinugis kami ng ilang nagdatingang mga tauhan kaya alam nila na hanggang ngayon ay buhay na buhay si Nimfa. Nagawa namin silang matakasan at simula nga nuon ay nagtago na kami upang protektahan si Nimfa. Si Nimfa ang nag-iisa at tanging tagapagmana ng lahat ng kayaman ng mga Folliet pero kinamkam ito ng tiyuhin ni Alfonso at pinapatay pa sila sa mga tauhan niya. Ang tiyuhin ni Alfonso ay hindi tunay na Folliet dahil ampon lamang siya, at dahil mnagkaroon ng anak ang kaibigan ko ay gumawa na sila ng aksyon upang mapunta sa kanila ang lahat ng ari-arian ng mga Folliet. Si Nimfa Amaya Folliet ang nag-iisang natitirang tunay na Folliet. May katibayan kami, buksan mo ang hidden pocket ng pitaka ko at makikita mo diyan ang birth certificate ni Nimfa na may bahid pa ng dugo ng kanyang mga magulang. Hawak nila ang birth certificate kasama ang isang liham na kalakip din diyan na sinasabing si Alejandro Folliet ay hindi isang tunay na Folliet. Nakalagay din sa liham na kailangan kong ilayo at itago ang anak nila upang hindi siya matagpuan ng mga hayop na 'yon." mahabang kwento ni Mang Delfin na ikinagulat namin. "What? Totoo ba 'yang mga sinasabi mo?" gulat na ani ni Marcus. Nilapitan ni marcus si Nimfa at hinawakan niya ito sa mukha at pinakatitigan. Nakaramdam naman ako ng galit sa kanyang ginawa lalo pa at hindi naman siya itinulak palayo ni Nimfa. "f**k you! Don't touch my girl!" malakas kong sigaw na ikinagulat nila at napatingin sa akin. "I mean... Don't toucgh her." mahina niyang wika na hindi na kami tinitignan. Narinig ko ang paghugot ni Marcus ng malalim na buntong hininga at napapailing ito na naupo sa kawayang upuan. "Kailangan ninyong sumama sa amin pabalik ng Manila. May naghihintay na helicopter sa atin sa itaas ng bundok. Sigurado akong matutuwa si lolo sa oras na makita niyang buhay na buhay ka. Ako si Marcus Devon Dux, ang bagong pinuno ng organisasyon. Siya naman si Hugo Haegan Dux, my righ-hand man. Ang pinsan ko." wika ni Marcus. nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng mag-asawa ngunit panandalian lamang iyon at muling nagsalita si Mang Delfin. "Magtitiwala kami sa inyo, at sana nga sa pag-alis namin ng lugar na ito ay hindi namin pagsisisihan na nagtiwala kami sa inyo." wika ni Mang Delfin na ikinangiti ko. "Sa mukha pa lang ni Julian, dapat na kayong magtiwala dahil mukhang tumibok na ang puso ng isang Howard. Sigurado ako na hindi niya hahayaang mapasama ang anak-anakan ninyo." wika ni Marcus na ikinatawa ng mga kaibigan ko. Napatingin naman ako kay Nimfa na tila ba walang pakialam sa lahat ng nangyayari at ng mapalingon siya sa akin ay bigla niya akong binato ng isang bayabas sa mukha. "Fuuuck ang sakit!" malakas kong ani habang sapo ko ang mukha ko na tinamaan ng hilaw na bayabas. Malakas na tawanan naman ang maririnig sa kanilang lahat habang ako naman ay nakasibangot na pero hindi ko namang magawang magalit kay Nimfa. "Huwag ka na ulit lalapit sa akin dahil sumpa ka!" sigaw niya na ikinatawa nilang lahat. Alam namin na nagtataka sila sa inikilios ni Nimfa kaya ipinaliwanag namin sa kanila na no read no write si Nimfa at hindi pa siya nakakahalubilo ng ibang tao, ngayon pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD