bc

Dare to love ME

book_age18+
7.7K
FOLLOW
62.4K
READ
mafia
secrets
like
intro-logo
Blurb

R18+

Nimfa Marquez.

Ang dalagang lumaki sa kagubatan ng Palawan. Ang dalagang ni minsan ay hindi nakatapak sa syudad at hindi nakaranas makisalamuha sa ibang tao. Ang dalagang hindi nakatuntong sa paaralan, hindi marunong sumulat at magbasa at maging ang kaniyang pangalan ay hindi niya magawang maisulat.

Julian Migz Howard.

Dahil sa isang labanan na nangyari sa kagubatan ng Palawan ay makikilala ni Julian ang dalagang si Nimfa na sa unang pagkikita pa lamang nila ay napukaw na agad ang puso ng binata.

Paano paaamuhin ni Julian ang dalagang takot lumapit sa kanya?

Ano ang gagawin ni Julian upang mabago niya ang nakasanayang pamumuhay ng dalaga?

Mapaibig kaya ni Julian ang mailap na dalaga?

Alamin natin kung ano ang magiging kapalaran ni Nimfa sa pagdating ni Julian sa buhay niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Ang lalaking Sugatan-
-Ang Simula- Ilang malalakas na putok ng mga baril ang maririnig sa kagubatan ng Palawan. Hindi naman kalayuan sa lugar ng kaguluhan ay nakatayo ang isang maliit na kubo kung saan naninirahan si Nimfa kasama ang kaniyang ina na si Aling Celeste at ang kanyang ama na si Delfin. "Tatay may mga bandido po yata hindi kalayuan dito. Baka po makita nila tayo tulad nuon na muntikan na akong mapahamak." ani ni Nimfa na takot na takot. "Pumunta kayo ng nanay mo sa maliit na yungib, inayos ko na 'yon kaya wala ng makakapansin na yungib ang lugar na 'yon." ani ng kanyang ama. Mabilis namang pinuntahan ni Nimfa ang kanyang ina upang dalhin sa yungib na sinasabi ng kanyang ama. Hindi naman nagtagal ay nasa loob na sila ng yungib, iniharang agad niya ang isang malaking pintuan na ang nakapalibot dito ang malalaking sanga na punong-puno ng dahon kaya kapag nakaharang na ito sa bukana ng yungib ay mukha lamang itong parte ng isang maliit na bundok. Matagal ng nangyari pero hindi makakalimutan ni Nimfa na muntikan na siyang malapastangan ng ilang bandido na nagawi sa lugar nila, kaya nga sila mas tumaas pa ng lugar ay upang makaiwas sa mga bandidong naliligaw sa lugar nila. Mabuti na lamang at may kaalaman ang kaniyang ama at ina sa pakikipaglaban kaya nailigtas siya nuon. Si Nimfa ay dalawampo't dalawang taong gulang na pero hindi siya nakatuntong ng paaralan. Hindi rin siya nakakasalamuha ng ibang tao at tanging ang kaniyang ina at ama lamang ang taong nakakasama niya. Maging ang pangalan niya ay hindi niya alam isulat o basahin. Habang nagtatago sila ng kanyang ina ay may narinig silang ilang ungol hindi kalayuan kaya nanginig sa takot si Nimfa at hindi malaman ang kaniyang gagawin. "Nanay may tao po sa labas ng yungib." bulong niya pero tinakpan ng kanyang ina ang kanyang bibig upang hindi siya makagawa ng kahit na anong ingay. Muli nilang narinig ang ungol ng isang lalaki na tila ba nahihirapan itong huminga kaya pinapunta ni Celeste ang kanyang anak sa pinakasulok ng yungib upang tignan niya kung ano ang nangyayari sa labas ng yungib. Ganoon na lamang ang gulat ni Celeste ng makita niya ang isang gwapong lalaki na may matipunong pangangatawan at maputing balat na nakahandusay sa lupa at duguan. Mabilis niyang itinulak ang nakaharang sa lagusan ng yungib at hinila niya ang lalaki papasok sa loob ng yungib at muli niyang isinara ang lagusan. "Nimfa tulungan mo ako." ani ng kanyang ina kaya mabilis namang lumapit si Nimfa sa kanyang ina ngunit makikita sa kanyang mukha ang matinding takot sa lalaking wala ng malay. Napatitig si Nimfa sa mukha ng lalake dahil ngayon lamang siya nakakita ng makisig at gwapong nilalang sa buong buhay niya maliban sa kanyang ama. "Nimfa huwag kang tumayo diyan at tulungan mo akong dalhin siya duon sa higaan." ani ng kanyang ina kaya para siyang natauhan at mabilis na kumilos at hinatak nila ang katawan ng lalake hanggang sa makarating sila ng papag. Habang ginagamot ni Celeste ang sugat ng lalake ay may naulinigan silang ilang boses na nagkakaingay sa labas ng yungib kaya bigla silang natahimik at iniwasang gumawa ng kahit na anong ingay, pinatay din nila ang gasera kaya tuluyang nagdilim ang paligid. "Shiiiit! Nasaan si Julian? Fuuuck! Bilisan ninyo hanapin ninyo si Julian!" sigaw ng isang lalaki kaya napatingin silang mag-ina sa lalaking nakahiga sa papag. Lalabasin na sana ni Celeste ang mga tao sa labas ng yungib na naghahanap sa lalaking nagngangalang Julian ng makarinig sila ng malalakas na putukan ng baril kaya muli siyang napaatras at hindi na nagtangka pang lumabas. "Kill them all!" sigaw ng isang lalaki kaya mas naging desidido si Celeste na manatili na lamang sila sa loob ng yungib. LUMIPAS ang ilang oras at natahimik na ang buong kapaligiran, isa mang ingay sa labas ay wala na silang naririnig. Nakita nila ang pag galaw ng pintuang nakaharang sa lagusan ng yungib kaya napaatras silang dalawa at nakaramdam ng takot. "Celeste, ako 'to." nakahinga sila ng maluwag ng marinig nila ang tinig ni Delfin pero napatingin sila sa lalaking wala pa ring malay na nakahiga sa papag. "Sino ang lalaking 'yan?" gulat na gulat na ani ni Delfin sa kanyang asawa at anak. "Hindi namin kilala, tinulungan lamang namin siya dahil may tumutugis sa kanya at may tama siya ng bala sa kanang balikat at sa kaliwang tagiliran. Sa tingin ko ay importanteng tao ito, buksan mo ang gasera upang malaman mo ang tinutukoy ko." ani ni Celeste. Sinindihan naman ni Delfin ang gasera at itinapat ito sa mukha ng lalaking wala pa ring malay tao at nagkatinginan silang mag-asawa ng makita niya ang mukha ng lalaki at napahugot siya ng malalim na hininga. "Mukhang malaking tao nga ito. Ano kaya ang ginagawa niya dito sa kagubatan at sino ang mga taong tumutugis sa kaniya?" ani ni Delfin. Ipinaliwanag sa kanya ni Celeste na may mga tao kanina sa labas na naghahanap sa lalaking nagngangalang Julian at sa tingin niya ay ang lalaking hinahanap nilang Julian ay ang lalaking sugatan na kasama nila ngayon. Sinabi niya rin sa kanyang asawa na sa tono pa lang ng pananalita ng lalaki ay mukhang katulad ito ng lalaking walang malay na may lahing banyaga. "Delfin, hindi kaya..." wika ni Celeste na agad na pinutol ang sasabihin ng kanyang asawa at napatingin pa siya sa kanyang anak na si Nimfa na hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa mukha ng lalaki. "Tumahimik ka Celeste, imposible ang sinasabi mo, wala silang makukuhang pagkakakilanlan sa kanya." wika ni Delfin sa mahinang boses kaya napatango na lamang si Celeste at napatingin sa kaniyang anak na namamangha pa rin sa kagwapuhan ng lalaking walang malay. Umalis muli si Delfin upang magmatyag sa labas at upang makasiguro na wala na ang mga taong nakikipaglaban. Pagbalik niya ng yungib ay pinagtulungan nila ang lalaki hanggang sa makarating sila ng kubo nila at maingat nila itong naihiga sa mas maayos na higaan. Mabilis namang nag-init ng tubig si Celeste habang si Nimfa naman ay kumuha ng malinis na damit ng kanyang ama sa silid nito. "Tatay okay na po ba ito?" ani ni Nimfa sa kanyang ama ng iniabot niya ang damit. Maingat na naalis ni Delfin ang bala ng baril sa katawan ng lalaki at nagpapasalamat siya at hindi ito napuruhan. Tinahi niya ang sugat gamit lamang ang karayom na pinakuluan niya at ibinabad sa kaunting alcohol at pagkatapos ay binalutan nila ng malinis na telang puti ang sugat sa balikat at sa tagiliran ng lalaki. Kinuha naman ni Delfin sa kamay ng kanyang anak ang damit na hawak nito at pinalabas ni Delfin ang kaniyang anak, at pinagtulungan nilang mag-asawa ang pagpapalit ng damit sa lalaki at natawa pa si Celeste ng makitang sakto lang sa lalaki ang lumang t-shirt ng kanyang asawa. "Parang ikaw lang nuon. Sa sobrang kagwapuhan at kakisigan mo habang suot mo ang ganyang klaseng damit ay na-inlove agad ako sa iyo." bulong niya sa kanyang asawa kaya hinalikan agad ni Delfin si Celeste sa labi nito. Pagkatapos gamutin ng mag-asawa ang sugat ng lalaki ay nagluto naman si Celeste ng nilagang talbos ng kamote. Si Nimfa naman ay inilatag sa dahon ng saging ang mga naluto na niyang nilagang kamote at nilagang mais. "Sana ay magising na ang lalakeng 'yon upang malaman natin kung bakit nandirito sila sa kagubatan at sino ang mga nakalaban nila duon." wika ni Delfin habang pinagsasaluhan nila ang hapunang nakalatag sa malinis na dahon ng saging. Ganito ang payak nilang pamumuhay, tatlong beses silang kumakain sa loob ng isang araw. Ilang karne lamang ang natitikman pa ni Nimfa sa buong buhay niya, ang bayawak o kaya naman kung minsan at nakakatikim siya ng manok sa tuwing nagkakatay ang kaniyang ama ng manok. Magkakaroon lamang sila ng bigas kapag bumaba ang kaniyang ama ng bundok upang magbenta ng mga kamoteng kahoy upang maipangbili ng dalawang kilong bigas at ilang delata na maaari nilang itabi para sa pang-araw-araw nilang pagkain ngunit nangyayari lamang ito isang beses sa loob ng isang taon. Magandang dalaga si Nimfa, simple man ang pamumuhay nila ay hindi naman maipagkakaila ang taglay nitong kagandahan kaya matinding pag-iingat ang ginagawa ng kaniyang mga magulang upang hindi mapahamak ang dalaga. Kung anuman ang sikretong itinatago ng mga magulang ni Nimfa ay wala siyang kaalam-alam tungkol dito at kahit malaman niya ay imposibleng maunawaan niya dahil hindi ito nakapag-aral at maging ang pangalan niya ay hindi niya magawang maisulat. Simpleng pamumuhay pero sa likod naman nito ay isang malaking lihim na ayaw mabunyag ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang kailan nila ito itatago gayung dalawampo't dalawang taon na ang dalaga? Ang lalaking sugatan na ba ang susi upang magtiwalang muli si Delfin at ang kaniyang asawa? Ang lalaking sugatan na ba ang magpapabago sa buhay ng dalaga? Hindi nila alam dahil hindi nila kilala ang taong nasa loob ngayon ng kanilang munting pamamahay. Muling humugot ng malalim na buntong hininga si Delfin habang nakatitig siya sa kaniyang anak na masayang kumakain ng nilagang kamote.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
50.8K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
70.8K
bc

Lustful Nights with my Step-Brother

read
30.4K
bc

THE OBSESSION OF TITO VLADIMIR [SPG]

read
160.2K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
28.6K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Luhod, Kagawad (SPG)

read
94.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook