Chapter 4 -May kalaban-

1504 Words
Julian POV Naaamoy ko ang pagkaing niluluto ni Aling Celeste, adobong buwaya na kahit na anong gawin nila ay hinding-hindi ko kakainin. Hindi pa ako nababaliw para kumain ng ganoong uri ng pagkain. "Julian halika na dito at kakain na tayo." tawag sa akin ni Mang Delfin pero sa halip na lumapit ako ay tumakbo pa ako palayo at nagtungo ako ng kakahuyan kahit nahihirapan ako sa pagtakbo. Hindi ako kakain, hindi bale ng mamatay ako sa gutom pero hindi ko kakainin ang buwayang nakahain sa maliit nilang lamesa. Nakita ko mula sa malayo na papalapit sa kinaroroonan ko si Mang Delfin kaya sa taranta ko ay pumihit ako upang tumakbo sana pero dahil kumikirot pa ang sugat ko kaya inabutan na niya agad ako. Isinukbit niya ang aking braso sa kanyang balikat at inalalayan niya ako pabalik ng kubo. "Ayoko hong kumain, busog pa naman ho ako dahil sa kinain kong kamote kanina." wika ko. Hindi talaga ako kakain kahit tutukan niya ako ng itak sa ulo ko. Hindi niya ako pinapansin at patuloy lamang siya sa pag-alalay sa akin sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng lamesa. Inalalayan niya akong umupo sa tapat ni Nimfa na kumakain na ng buwaya. My god, hindi ko talaga kayang kumain ng buwaya. Tumakas na lang kaya ako? Mas mapapadali ang buhay ko nito dahil sa ipapakain nila sa akin. Inilapag ni Mang Delfin ang platong may takip sa aking harapan kaya napatingin ako sa kanya. "Ayan na, kumain ka na, kailangan mong kumain upang lumakas ka." wika niya pero iniusad ko lang ang plato palayo sa akin at umiling ako. Bigla sana itong kukuhanin ni Nimfa pero tinapik ng ama niya ang kamay niya. "Ang daya mo tatay, gusto ko din ng pritong manok." wika niya at nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niyang pritong manok kaya mabilis kong binawi ang plato at inalis ang takip. Isang malaking leg and thigh ng manok ang nakalagay sa plato ko at nilagang mais kaya tuwang-tuwa ako na mabilis na kinagat ang manok. "Hoy lalaki pahingi ako ng manok mo! Isang kagat lang kahit dun sa pwet lang!" wika niya kaya inilabas ko ang dila ko at halos yakapin ko na ang plato ko pero hindi ko binibigyan si Nimfa. Isang buto ng hita ng buwaya ang tumama sa mukha ko mula sa kanya na ikinagulat ko. Pinanlisikan niya ako ng kanyang mga mata kaya ang ginawa ko ay kumurot ako ng manok at binigay ko sa kanya. "Ang takaw mo Nimfa, may buwaya ka na gusto mo pa ang manok ko. Sayo na ang buwaya akin ang manok." wika ko at tuluyan ko ng niyakap ang plato ko. Kahapon pa kasi ako kumakain ng kamote at talbos ng kamote at may soup pa, 'yun nga lang nilagang talbos ng kamote pa rin. Natapos kaming kumain ay ngiting-ngiti ako habang si Nimfa naman ay hindi maalis ang masamang tingin sa akin. "Ang sama ng ugali mo, sana mamaya kainin ka ng buwaya. Huhuli ako ng isa at itatabi ko sa pagtulog mo." wika niya. Napatingin ako sa mga magulang niya at napalunok pa ako ng laway. "Umayos ka Nimfa, huwag mong takutin ang bisita natin." ani ng kanyang ama at ina. "Hindi ko siya tinatakot, mamayang gabi magkakaroon siya ng katabi. Ang swerte niya, nagawa mong patayin si Tuka para lang sa kanya, ang tagal ko kayang inalagaan si Tuka para ako ang mabusog tapos siya ang kumain. Kapal ng mukha mo lalake!" wika niya na galit na galit sa akin. "Tama na 'yan Nimfa!" awat sa kanya ng ama niya. Nginusuan niya ako at padabog siyang umalis at nagpunta ng kakahuyan. "Nanay manghuhuli lang po ako ng buwaya para mamayang gabi." wika niya at tuluyan ng umalis. Nakaramdam ako ng takot dahil mukhang tototohanin ni Nimfa ang banta niya sa akin. Mukhang ako yata ang aatakihin sa puso sa babaeng 'yon. Kailangan kong maging aware mamayang gabi, kung kinakailangang huwag akong matulog ay gagawin ko. Baka nga magising ako na may katabi na akong buwaya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng nanay ni Nimfa kaya napatingin ako sa kanya. Napakamot ako ng batok ko dahil alam kong nakikita nila na kinakabahan ako sa maaaring gawin ng anak nila sa akin. "Huwag kang mag-alala at mabait naman 'yang anak ko, itatali naman niya ang mga paa ng bayawak pati ang bibig nito bago niya itabi sa iyo." wika niya na ikinagulat ko at muntik pa akong malaglag sa upuan. "Celeste isa ka pa! Umayos nga kayo ng anak mo! Huwag mo silang pansinin Julian, hindi naman gagawin ng anak ko 'yon. Inalagaan kasi niya si Tuka para pag laki ay siya ang kakain pero kinatay ko para sa iyo. Nagtabi naman ako ng pang-ulam nating lahat mamaya, ginawa kong tinola at hindi pa nya alam. Matutuwa 'yon mamaya lalo pa at iluluto ko na ang natitira naming bigas mamayang gabi. Paborito nya kasi ang tinola at kanin kaya sigurado akong mawawala ang galit niya sa iyo mamayang gabi kapag nakita niya ang hapunan natin." wika ni Mang Delfin kaya nakahinga ako ng maluwag. Napatingin ako sa lugar kung saan siya tumakbo. "Hindi po ba delikado sa kanya na mag-isa lang siya duon?" tanong ko, nag-aalala din kasi ako sa kanya dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya sa loob ng kakahuyan. "Sanay na siya diyan at maraming traps ang lugar na 'yan kaya huwag kang basta-basta pupunta sa kung saan. Wala namang nakakasakit na traps, masasabit ka lang ng pabaliktad." wika niya kaya napatango na lamang ako. Napatingin ako sa aking orasang pambisig at humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung saan na nakarating sila Marcus pero alam ko naman na hanggang ngayon ay hindi sila tumitigil sa paghahanap sa akin, sana nga lang ay mapansin nila ang lugar na ito. Medyo mahirap matagpuan ang lugar na ito dahil napapalibutan ang kubong ito ng malalaking puno at malalagong mga sanga kaya hindi mo talaga iisipin na sa pinaka gitna nito ay may naninirahang pamilya. "Huwag kang mag-alala bukas ay maglalakad ako sa may kabundukan kung saan ka natagpuan ng mag-ina ko, sigurado ako na bumabalik-balik duon ang mga kaibigan mo. Alam kong hindi ka sanay sa ganitong pamumuhay kaya tutulungan ka namin na mahanap ang mga kaibigan mo." wika niya na ikinangiti ko. "Salamat ho pero sana ho ay pag-isipan ninyo ang sinabi ko sa inyo. Ipinapangako ko ho sa inyo na nakahanda akong tumulong at hindi ko ho hahayaan na may mangyari sa inyo lalong-lalo na kay Nimfa. Gusto ko hong mabago ang pamumuhay niya. Tignan ho ninyo siya, sabi ninyo ay twenty-two years old na siya, hahayaan n'yo ho ba na tumanda siya ng ganyan?" wika ko at tinapik niya ako sa balikat ko. "Kilala ko ang mga Howard, at batid ko rin na kilala nila kung sino ako. Alam ko na may mabuti kang puso pero ang ikinatatakot ko lang naman ay ang maaaring mangyari kay Nimfa sa oras na malaman nila ang kinaroroonan niya." wika niya sa akin na ikinanuot ng noo ko. Kung gayon ay tama ang hinala ko na may malaking lihim silang itinatago tungkol sa pagkatao ni Nimfa. "Mahal, sa tingin ko ay kailangan ng malaman ni Julian kung ano ang totoo, siya na ang pag-asa natin upang mabawi ni Nimfa ang lahat ng kanya." wika ni Aling Celeste na ikinagulat ko. "Mabawi ho ang alin?" ani ko at napangiti ng pilit sa akin si Mang Delfin. Nagulat kami sa humahangos na si Nimfa na umiiyak at kita sa mukha niya ang matinding takot na nararamdaman niya. "Tatay! Tatay may masasamang loob!" sigaw niya habang mabilis siyang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan namin. Napalingon ako sa kanya at napatayo agad ako dahil sa narinig namin. "Tatay! Tatay, Nanay! May tao po duon, nagsasalita ng ibang lengwahe. May sumabit pa nga po sa trap ninyo kaya nakatali na siya pabaligtad. Maraming lalaki tapos puro kamukha po niya na magandang lalaki. May dala po silang mga armas. Natatakot po ako." sigaw ni Nimfa sabay turo sa akin. Nakikita ko sa mukha niya ang matinding takot at pangamba kaya nagkatinginan kami ni Mang Delfin at mabilis niyang ibinalik sa akin ang dalawa kong baril habang siya naman ay may kinuha sa ilalim ng papag at pagbukas niya ng bag ay nagulat ako dahil sa dami ng armas na itinatago niya dito. "Humanda ka at baka kalaban ang mga nakita ng anak ko. Baka ang mga taong naghahanap sa amin ang nakita ni Nimfa." ani niya kaya kahit nahihirapan ako ay isinukbit ko ang baril ko sa aking likuran habang ang isa ay hawak ko. Si Aling Celeste naman ay mabilis na pinatago si Nimfa sa yungib daw na ngayon ko lamang narinig sa kanila at si Aling Celeste naman ay nagdala ng dalawang baril. Mukha ngang tama ang hinala ko na hindi basta-basta ang mag-asawang kasama ko dito. "Pupuntahan natin ang sinasabi ng anak ko." ani ni Mang Delfin at tinahak na namin ang magubat na daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD