Julian's POV
Isang araw na ako dito at kahit papaano ay maayos naman ang kalagayan ko sa kanila. Mabait ang mag-asawang Marquez at maalaga. Lagi naman nila akong kinakausap at nilalapitan upang tanungin ng pangangailangan ko hindi katulad ni Nimfa na ayaw akong lapitan at napaka-ilap niya sa akin. Ang sabi niya ay sumpa daw ako at maaari siyang mamatay sa oras na madikit siya sa akin.
Nandito ako sa likod ng kubo nila, nakaupo ako sa isang nakahigang troso na sa tingin ko ay ang kahoy na sinisibak ni Mang Delfin upang gamiting panggatong nila sa kanilang kalan.
May hawak akong isang manipis na patpat at isinulat ko sa lupa ang pangalan ni Nimfa. Simpleng pangalan pero napakaganda naman katulad ng mukha niya na napakaganda kahit walang anumang kahit na anong pampaganda sa kanyang mukha.
Naramdaman ko na may isang bulto na nakatayo at nakasilip sa akin hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Inangat ko ang mukha ko at tinawag ko si Nimfa na tinitignan ang nakasulat sa lupa.
"Halika dito, huwag kang matakot sa akin dahil hindi kita sasaktan, huwag ka ding lumapit sa akin upang hindi ka mamatay." wika ko sa kanya na tila ba gusto kong matawa ng malakas dahil sa aking sinambit.
"Ano 'yang mga guhit na ginawa mo?" ani niya sa akin habang tinititigan niya ang pangalan niya na sinulat ko sa lupa. Napatitig ako sa mukha niya kung binibiro lang ba nya ako pero nakikita ko sa kanya ang pagkalito habang tinititigan ang nakasulat sa lupa.
"Hindi ka marunong bumasa?" gulat na gulat kong ani habang titig na titig ako sa kanya. Biglang naglikot ang kaniyang mga mata at hindi malaman ang kanyang gagawin. Bigla siyang tumakbo palayo sa akin at kahit anong tawag kong gawin sa kanya ay hindi man lamang niya ako nilingon. Maingat akong tumayo dahil sariwa pa ang mga sugat ko, hinanap ko si Mang Delfin o kaya ay ang kanyang ina upang tanungin ko sila ng tungkol sa kalagayan ni Nimfa. Hindi ako makapaniwala na maging ang sarili niyang pangalan ay hindi niya nababasa.
Inabutan ko si Mang Delfin na pinag-aapoy ang kanilang kalan na yari sa tatlong malaking bato. Napalingon siya sa akin at nginitian naman agad niya ako.
"Pwede ko ho ba kayong makausap tungkol kay Nimfa?" ani ko sa kanya na ikinatigil ng ginagawa niya at napatingin sa akin.
"Ano ang tungkol sa anak ko?" seryoso niyang ani na hindi na inaalis ang pagkakatitig sa akin.
Huminga ako ng malalim at naupo ako sa upuang yari sa kawayan dahil nahihirapan ako ng nakatayo. Tumingin ako sa paligid upang makasiguro ako na hindi maririnig ni Nimfa ang lahat ng pag-uusapan namin ng kanyang ama. nang hindi ko siya nakikita ay muli kong hinarap si Mang Delfin na nakatayo na sa harapan ko.
"Pwede ho ninyo akong pagkatiwalaan, ipinapangako ko ho sa inyo na tutulungan ko kayo. Kung may mga tao kayong pinagtataguan kaya kayo naririto sa kabundukan ay nakahanda akong tumulong sa inyo. Magtiwala ho sana kayo sa akin para sa kapakanan ng inyong anak." ani ko sa kaniya.
"Sa tingin mo Delfin ay siya na ang taong maaaring makatulong sa atin?" boses ng kanyang asawa na si Aling Celeste.
"Tumahimik ka Celeste, hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo. Hindi natin kilala ang taong ito kaya hindi tayo dapat magtiwala agad." wika ni mang Delfin.
"Magtiwala ho kayo sa akin, makakaasa po kayo na gagawin ko ang lahat upang matulungan ko kayo. Hindi ho ba kayo naaawa sa anak ninyo? Dalaga na siya pero kahit ang sarili niyang pangalan ay hindi niya mabasa. Nandito ho ako para matulungan ko kayo, ipinapangako ko sa inyo na walang pwedeng manakit sa inyo habang ako ang kasama ninyo." wika ko. Gusto kong magtiwala sila sa akin, gusto kong kuhanin ang loob nila upang magtiwala sila sa akin ng lubos.
Nagkatinginan silang mag-asawa, nilapitan siya ni Aling Celeste at yumakap ito sa kanyang braso.
"Hayaan mo at pag-uusapan namin ito ng aking asawa, kadarating mo pa lamang dito at hindi ka naman namin kilala pa. Sana ay maunawaan mo kami." wika niya at tumango lamang ako. At least ay susubukan nila na pagkatiwalaan ako kung sakali man. Napalingon kami ng marinig namin ang tinig ng kanilang anak na si Nimfa na nagmamadali at may malaking ngiti sa kaniyang labi.
Bigla akong napatayo at napa atras ng makita ko kung ano ang bagay na hawak ni Nimfa. halos matumba pa ako dahil sa pag-atras ko dahil sa takot ko sa hawak niya.
"Tatay nakahuli ako bayawak, masarap ngayon ang ating tanghalian at hapunan." ani niya habang hawak sa buntot ang bayawak at tinalian niya ang bibig nito.
"W-w-what? Tha'ts crocodile." ani ko habang patuloy lamang ako sa pag-atras. Ano ba namang klaseng babae ito at nagagawa niyang hawakan ang ganitong klase ng hayop at anong sinasabi niya na tanghalian at hapunan daw namin 'yon? Hell no!
Malakas na tawa naman ang maririnig mula kay Mang Delfin at sa asawa nito habang pinagmamasdan ako dahil nakikitaan nila ako ng takot. Sino ang hindi matatakot sa hawak ng anak nila? Buwaya kaya 'yun.
"Hijo, hindi 'yan buwaya, bayawak 'yan at kinakain talaga 'yan." ani ni mang Delfin pero tinanggihan ko sila. Lumakad naman si Nimfa palapit sa akin at bigla na lamang niyang idinaiti sa akin ang bayawak daw at inilapat ito sa dibdib ko kaya mabilis akong umatras at nagsisisgaw pa ako sa sobrang takot ko kaya bumagsak ako sa lupa.
Halos gumulong na sila sa lupa sa sobrang kakatawa nila samantalang ako ay patuloy ako sa pag-atras kahit nakasalampak na ako sa madumi at maalikabok na lupa.
"Nimfa ilayo mo sa akin 'yan! Ilayo mo sa akin 'yan! Malakas kong sigaw pero dahan-dahan pa rin siyang lumalapit na animo ay tinutukso ako.
"Hahawakan ko ulit ang mukha mo!" sigaw ko na nagpaatras sa kanya. Napalingon siya sa kanyang mga magulang at tinakbo niya ang mga ito at binitawan ang bayawak kaya nagsimula itong gumapang papalapit sa akin kaya nagsisisigaw ako ng malakas.
"Ilayo nyo sa akin 'yan! Tulungan nyo ako ilayo ninyo 'yan!" sigaw ko at bigla na lamang itong dinampot ng nanay ni Nimfa sa buntot at tumatawa itong nagpunta sa likod marahil ay upang patayin na ang buwaya.
Napatitig ako kay Nimfa na nagtatago sa likod ng kanyang ama na nakatitig lamang sa akin. Pilit akong tumatayo pero hindi ko magawa dahil nakakaramdam ako ng matinding kirot sa sugat ko. Napatingin ako sa tagiliran ko at nakita ko ang pagdurugo nito kaya mabilis akong inalalayan ni mang Delfin upang makatayo.
"Celeste mag-init ka ng tubig at malinis ang sugat ni Julian, nagdurugo at baka maimpeksyon pa. Lagyan mo ng alcohol ang tubig na mainit at lilinisin ko ang sugat niya." ani ni Mang Delfin at inalalayan na niya akong makapasok sa loob ng kubo. Napatingin ako kay Nimfa na todo naman ang iwas sa akin.
Napakaganda niya at gusto ko din siyang tulungan, gusto kong baguhin ang pamumuhay niya at gusto kong tulungan ang pamilya niya. sana ay makapg-usap sila ng maayos ng kanyang asawa at makapag-isip na magtiwala sa akin. Hindi ko naman sila pababayaan, tutulungan ko sila at sisiguraduhin ko na walang maaaring makapanakit sa kanila.
Gusto ko ring alagaan si Nimfa, gusto ko siyang alagaan at mahalin. Hindi ko maunawaan ang sarili ko pero iyon talaga ang nararamdaman ko.
"Nimfa ikuha mo ako ng damit na maaaring masuot ni Julian." ani ng kanyang ama at mabilis naman itong tumalima. Pagbalik niya ay wala na akong pang itaas at nakikita ko sa kanyang mga mata ang paghanga kaya napangiti ako. Nakatitig lamang ako sa magandang mukha ni Nimfa at hinagod ko ng tingin ang kabuuan niya, maging ang katawan niya ay napakaganda ng hubog.
"Dudukutin ko ang mata mo kapag hindi ka tumigil Julian." ani ni Mang Delfin na ikinagulat ko. Natawa ako ng mahina at napakamot pa ako sa aking batok.
Tumakbo naman palabas si Nimfa kaya sinundan ko na lamang siya ng tingin at lihim akong napapangiti. Mapapaamo din kita Nimfa, handa akong tulungan ka at protektahan sa lahat ng taong magnanais na saktan ka.
"Pag-isipan nyo ho sana ang sinabi ko bago pa man ako mahanap ng mga kaibigan ko. ito na ho ang pagkakataon ninyo upang mabago ang pamumuhay na nakasanayan ni Nimfa at ako din ho at ang mga kaibigan ko ang tutulong sa inyo sa kung ano man ho ang mga sikretong itinatago ninyo sa akin. Alam kong may dahilan kung bakit hindi ninyo pinag-aral si Nimfa at itinago ninyo siya dito sa kagubatan ng mahabang panahon. Magtiwala ho sana kayo sa akin. Ako ho si Julian Migz Howard at kahit kanino ninyo ipagtanong ang pangalan ko ay kilala ang pamilya namin na isa sa mga taong mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay." wika ko at napatigil siya sa kanyang ginagawang paglinis ng aking sugat.
"Hayaan mo at pag-uusapan namin ng asawa ko." wika niya at ngumiti na lamang ako sa kanya. sana nga ay magtiwala siya sa akin at sa mga kaibigan ko.