Julians Pov
Nakarating kami ng Manila at dumiretso agad kami sa mansion ng ama ni Marcus. Duon na agad kami tumuloy sa halip na sa hacienda upang makausap nila ang lolo nila Marcus. Kailangang maipaalam namin sa kanya na ang kanyang dating righthand man na dalawang assassins na mag-asawa ay buhay pa.
Paglapag ng helicopter ay hindi tumitigil ng kakasigaw si Nimfa. Masyado niyang nagustuhan ang pagsakay ng helicopter at ayaw pa nga niyang bumaba. Buti na lamang at alam ni Mang Delfin kung paano nila mapapakalma si Nimfa kaya natahimik na rin ito.
Pagbaba namin ng helicopter ay sinalubong na agad kami ng aming mga tauhan. Si Nimfa ay hindi nagsasalita at para lamang itong natutulala habang pinagmamasdan niya ang kapaligiran lalong-lalo na at nasa rooftop kami, kaya kitang-kita niya ang kagandahan ng kapaligiran.
"Nanay, nasaan po tayo? Ito po ba 'yong lagi ninyong sinasabi na langit kay tatay sa gabi tapos umuungol ka?" ani ni Nimfa na ikinagulat nila Mang Delfin kaya mabilis na tinakpan ni Aling Celeste ang bibig ng anak-anakan niya. Malakas na tawa naman ang maririnig sa amin dahil hindi kami makapaniwala sa aming mga narinig.
Inalis naman ni Nimfa ang pagkakahawak ni Aling Celeste sa kanyang bibig at ipinag patuloy nito ang pagsasalita.
"Bakit iba ang mga puno nila dito? Pabilog lahat," wika pang muli nito na namamangha pa rin sa kagandahan ng kapaligiran.
Narinig naman namin ang humahangos na papalapit sa amin na lolo nila Marcus, at hinanap agad ng paningin niya ang taong tinutukoy ni Marcus sa kanya ng tinawagan siya nito kanina.
"Oh my god, totoo nga ang sinabi ng apo ko na buhay na buhay kayo!" gulat na gulat na ani ng lolo ni Marcus habang yakap na nito ang mag-asawa.
Iginiya sila sa loob ng bahay habang si Nimfa naman ay kasama namin nila Marcus na nagtungo ng garden. Gusto namin siyang masanay sa maraming bagay na hindi niya nakasanayan o nakalakihan. Nakikita namin sa kanyang mga mata ang pagkamangha sa lahat ng nakikita niya sa paligid.
Tinakbo niya ang fountain sa garden at nanlalalaki ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ito. Tumingin siya sa gawi namin at muling ibinalik ang tingin sa fountain. Nagulat kami ng bigla siyang naupo at sinilip ang ilalim ng fountain.
"Nasaan ang balon? Bakit walang balon dito?" ani niya kaya nagkatinginan kami nila Marcus.
"Anong balon ang hinahanap nya?" tanong ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko kay Nimfa.
"Walang balon 'yan Nimfa," ani ni Marcus kaya nilingon niya si Marcus at nilapitan.
"Bakit may tubig 'yung bato? Saan nanggagaling 'yung tubig sa bato kung walang balon?" ani niya sabay turo ng kanyang daliri sa fountain. Natawa naman si Marcus at pinaliwanag kay Nimfa kung bakit may tubig ang fountain pero sa kalokohang paliwanag.
"Kapag umuulan, napupuno ng tubig ang bilog na 'yan sa itaas tapos diyan lumalabas ang tubig na naipon sa ulan. May butas kasi 'yang mga bato na 'yan kaya duon tumutulo ang tubig." wika ni Marcus kaya hindi namin maiwasan ang hindi matawa. Alam ko naman na ginagawa 'yon ni Marcus dahil hindi pa mauunawaan ni Nimfa ang mga bagay na gawa ng teknolohiya.
Ngumuso naman si Nimfa at napatingin sa malaking infinity pool. Dahan-dahan siyang lumapit dito at makikita sa mukha niya ang sobrang pagkamangha.
"A-Ano 'to?" tanong niya kay Hugo ng nilapitan siya nito.
"Ang tawag diyan ay pool, swimming pool. Maliligo ka diyan kung marunong kang lumangoy. Alam mo ba ang ibig sabihin ng lumangoy?" ani ni Hugo at napatango naman si Nimfa pero hindi nito inaalis ang tingin niya sa pool.
"Marunong ka bang lumangoy?" tanong ni Hugo at muling tumango si Nimfa at nagmamadali itong umakyat sa hagdanan upang makarating sa pool.
Sinundan naman agad namin siya pero hindi kami lumalapit sa kanya. Hinahayaan lamang namin siyang pag-aralan ang lahat ng bagay na nakikita ng mga mata niya.
"Bakit ganyan ang kulay ng tubig?" tanong niya kaya napataas ang mga kilay ko na tumingin ako kay Marcus.
"Dahil 'yan sa kulay ng pool, 'yung tiles niya sa ilalim ay kulay blue kaya ganyan ang kulay niya, crystal clear 'yan dahil din sa chlorine na pumapatay ng bacteria sa tubig kaya nananatiling malinis ang tubig. 'Yun ang purpose ng chlorine sa pool pero hindi mo 'yan pwedeng inumin, okay?" wika ni Marcus.
"Hindi ko nauunawaan ang sinasabi mo," wika ni Nimfa sabay panunulis ng kanyang nguso.
"Well, ibig ko lang sabihin ay pwede kang maligo diyan pero hindi mo 'yan pwedeng inumin." simpleng sagot ni Marcus kaya tumingin sa amin si Nimfa at ngumiti.
Ang hindi namin inaasahan ay ang sumunod na pangyayari.
Biglang hinubad ni Nimfa ang suot niyang daster at tanging panty lang ang suot niya. Sa sobrang pagkagulat ko ay bigla kong tinakbo ang kinaroroonan niya at niyakap ko siya ng mahigpit habang sinisigawan ko at minumura ang mga kaibigan ko.
"Tang-na ninyo magsitalikod kayo!" malakas kong bulyaw sabay hablot ko sa daster niya at sapilitan ko itong isinuot sa kanya.
"Bitawan mo ako! Sumpa ka, mabilis tumitibok ang puso ko, bitawan mo ako!" sigaw sa akin ni Nimfa pero wala akong pakialam.
Nang maisuot ko sa kanya ang damit niya ay saka ko pa lamang siya binitawan. Bigla akong humarap sa mga kaibigan ko at isa-isa ko silang hinabol sa sobrang galit ko.
"Wala naman kaming kasalanan!" sigaw nila habang tumatawa sila ng malakas. Nakaramdam ako ng kirot sa sugat ko kaya napahinto ako. Bigla akong napaluhod sa lupa at napahawak ako sa aking tagiliran.
"Shiiit!" mura ko ng makita ko na dumudugo ang sugat ko. Mabilis naman akong nalapitan ng mga kaibigan ko at inalalayan nila akong tumayo.
"Dalhin natin sa loob at tawagan agad ang doktor," wika ni Marcus. Si Nimfa naman ay agad na nilapitan nila Lyka at inalalayan itong maglakad kasunod namin.
"Anong nangyayari?" gulat na tanong ng kanilang lolo ng makita nila na nagdurugo ang tagiliran ko.
"Dumugo ang sugat, tumakbo kasi." wika ni Hugo at maingat nila akong naihiga sa sofa.
"Tatawagan ko ang doktor," ani ng lolo nila
"Bakit ka ba kasi tumakbo? Alam mo naman na may sariwa kang sugat," ani ni Mang Delfin.
"Nagalit kasi siya tatay, parang ikaw kapag naliligo ako sa batis. Sinisigawan mo si nanay para puntahan ako tapos pagagalitan mo ako kapag bihis na ako." ani ni Nimfa.
"Naghubad ka?" gulat na gulat na ani ni Aling Celeste.
"Sa pool, kaya tinakbo siya ni Julian at binihisan. Sa harapan ng mga gutom na manyakis na mga 'yan siya naghubad kaya ayun nagalit si Julian at sinugod sila." wika naman ni Lyka.
"Niyakap niya ako tatay kaya muntik na naman akong mamatay dahil bumilis ulit t***k ng puso ko," wika ni Nimfa kaya napatingin sa akin ang mga kaibigan ko at may sumilay na mapanuyang ngiti sa kanilang mga labi.
"Kaya pala... In love sa iyo ang isang 'yan at hindi pa niya alam kung bakit tumitibok ang puso niya sa iyo. Oh my god! Can't wait to see kung paano siya magselos sa ibang babae." wika ni Marcus na may halong pang-aasar, pero hindi ko siya pinansin.
Hindi nagtagal ay dumating ang isang doktora at ineksamin ang sugat ko.
"Kailangan mo ng bed rest para maipahinga ang sugat mo, bibigyan din kita ng antibiotics para naman mawala ang pamamaga ng sugat mo at maiwasan ang impeksyon. Kapag may iba ka pang katanungan, don't hesitate to call me," ani niya at matamis na ngumiti sa akin na para bang inaakit ako.
"Will do," wika ko at ngumiti rin ako. Napatingin ako kay Nimfa at tinignan ko kung nagseselos ba siya pero para namang wala itong epekto sa kanya.
Tumayo ang doktora kaya napatingin sa amin si Nimfa. Mabilis kong kinuha ang kamay ni doktora at hinimas ko ito.
"Thank you," mapang-akit kong ani sabay sulyap ko kay Nimfa. Wala pa ring epekto kaya binitawan ko ang kamay ni doktora pero hindi bumitaw ang doktora sa kamay ko.
"You're welcome, basta kung kailangan mo ng tulong o kahit na ano ay tawagan mo lang ako," wika niya. Tumingin akong muli kay Nimfa ngunit nakapangalumbaba lang ito at iniikot ang paningin sa loob ng bahay.
Napakamot tuloy ako ng ulo kaya malakas na tawanan ang maririnig sa mga kaibigan ko.
Nagpaalam na ang doktora na hindi ko naman pinansin dahil nakatitig lamang ako kay Nimfa.
"Bakit ganito dito? Hindi ko nauunawaan," ani niya sabay tayo nito, pero hinila ng kanyang ina-inahan ang kamay niya at ibinalik sa pagkakaupo si Nimfa.
"Huwag kang masyadong malikot at baka makabasag ka," wika nito sa kanya.
"Mamaya ay iuuwi ko na kayo sa mansion ko at duon muna kayo maninirahan. Sisimulan nating turuan si Nimfa ng lahat ng dapat niyang matutunan." ani ko. Ngumiti lamang sa akin sila Mang Delfin at tumango. Si Nimfa naman ay panay lamang tingin sa paligid at makikita sa mga mata niya ang pagkamangha sa lahat ng bagay.
"Yung gasera nasa itaas nanay," ani niya kaya pati tuloy kaming magkakaibigan ay napatingin sa ceiling.
"Nasaan? Wala naman akong nakikita," ani ni Josh.
"Ayan oh, nagbibigay liwanag dito sa loob." wika niya sabay turo sa chandelier kaya natawa si Aling Celeste.
"Ah, oo. Diyan talaga namin nilalagay ang gasera para hindi mapaglaruan ng bata," wika ni Josh na sinakyan ang kainosentihan ni Nimfa.
Hindi ko alam kung gaano kahirap turuan ang isang katulad ni Nimfa, ngunit gagawin ko ang lahat mabago ko lang ang buhay niya. Gagawin ko ang lahat at sisiguraduhin ko na magkakaroon ng hustisya ang nangyari sa pamilya niya. Sisiguraduhin ko na mababawi niya ang lahat ng karapatan niya sa kayamanan ng mga Folliet.
Gagawin ko din ang lahat para ako lang ang mamahalin niya.