CHAPTER 9

1172 Words

WALANG nagsasalita sa kanila habang bumabiyahe. Ayos lang. Naging abala naman si Anika sa pagtingin sa labas ng bintana kaya hindi siya nailang kahit hindi nagsasalita si Trick. Namamangha siya sa nagtataasang mga gusali at magagandang kainan at tindahan na nadadaanan nila. Masyadong makabago kompara sa isla kung saan siya lumaki. Pero siyempre mas mahal pa rin niya ang karagatang kinalakihan niya kaysa sa sementadong daan at mga gusali sa siyudad.                Makalipas ang ilang minuto naramdaman niyang bumagal ang pagtakbo ng sasakyan hanggang kumambiyo ang binata para huminto sa parking space sa tapat ng isang malaki at magandang kainan na may pangalang Chef Derek’s. Pinatay nito ang makina at nang makita niyang tinanggal nito ang seatbelt kumilos rin siya para alisin ang seatbelt

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD