“BE kind to her, Trick. Sinabi sa akin ng Papa mo ang sitwasyon at nakakaawa naman pala talaga siya. Kung ako rin ang Papa mo, dadalhin ko rin siya sa Manila at tutulungan sa abot ng makakaya ko. She just wants a job while trying to pursue her dream. Ang sabi ng Papa mo, kapag naman kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa at manirahan na mag-isa, aalis na rin naman siya sa bahay natin. So, we just have to be kind to her until that time comes.” Nahilot ni Trick ang sentido kasi biglang sumakit ang ulo niya. Pumikit siya para hindi makita ang nakikiusap at helpless na mga mata ng kanyang ina. Ang nakakafrustrate, hindi na siya nagulat na bigla itong sumulpot sa opisina niya para kausapin siya tungkol kay Anika. After all, iniwan niya ito kahapon na kausap ang Papa niya. So malamang nakum