CHAPTER 04

3093 Words
SEAN POV "Akala mo kung sino siyang mabait kapag kaharap si Paulo. Tsk."  Napapailing na lang ako habang tinitignan silang dalawa. Kanina pa siyang umaga ganyan. Tuwang tuwa masyado. Eh, mas gwapo pa nga ako sa crush niya. "May kilala ka bang Sean na kalilipat lang dito?" Napaharap ako sa nagsalita nang hawakan niya ko sa balikat. "Ano?" Mayabang niyang taas ng kilay sabay tulak sa 'kin. Ako na naman ang hanap nila? Kakasawa. "Kilala mo ba?" tanong ng isa kaya napabaling ako sa kanya. Napakalaki niya at sobrang daming tatoo sa katawan kaya napalunok agad ako. "W-wala," nauutal kong sagot. "Talaga ba? Bakit natatakot ka?"  "Syempre ang laki niya kaya," sagot ko habang lumalayo sa kanilang tatlo. Anak ng tipaklong naman! Ano na naman bang nagawa ko? "Hoy, ikaw sangoku! Kapag nalaman namin na nagsisinungaling ka..."  "Grey ang buhok ko. Paano bang sangoku? Style 'to, brad." Mayabang kong pagputol sa sinasabi niya. Napahinto lang ako nang manlisik ang mga mata nila sa 'kin. Patay kang bata ka. May dumating pang dalawa na hingal na hingal kaya napahakbang na ko paatras. Nagbubulungan sila habang sumusulyap sulyap sa 'kin. Alam na ba nila? Tatakbo na ba ko? "Teka!" biglang sigaw ng malaking lalaki sa 'kin kaya naman napahinto ako sa pag-atras. "Bakit parang nagmamadali ka? Kinakausap ka pa namin, 'di ba?" Tumawa sila. "Hindi mo pala kilala, ha." "Patay ka na ngayon." Minostrahan niya pa ko ng gilit sa leeg kaya napalaki ko ng mata. Ni hindi ko nga sila kilala. Humakbang sila papunta sa 'kin kaya mabilis akong tumalikod sabay takbo nang mabilis. "Hoy! Tigil!"  "Sundan niyo!" "Malas! Malas! Malas!" inis kong sigaw habang mas binibilisan pa ang pagtakbo.  Paano ba sila nakapasok dito sa loob ng school? Lintek naman. Hindi na talaga matitino ang buhay ko hangga't hindi ako nakakalayo rito. CINDY POV "Absent si Sean pero kanina lang nandito siya." "Hayaan mo siya." Bumaling ako kay Ella na kanina pa linga nang linga. "Malaki na 'yon, kaya niya na ang sarili niya." "Nakakapagtaka lang," bulong niya pa. "Hindi kaya naligaw siya ng room?" "Bakit ba alalang alala ka? Matalino ka mo siya. Hindi 'yon maliligaw, okay?" "Luh, ang taray-taray mo pagdating kay Sean. Wala namang ginagawang masama si Sean sa'yo, e."  Hindi na ko sumagot at umirap na lang. Nakita ko siya kanina pero mas pinili kong huwag nang sumali sa gulo. I'm done with things like that. Isa pa, problema niya na 'yon dahil mahilig siya sa gulo. Pinilit ko na lang mag-concentrate sa mga klase at hindi na muna siya inisip. Kaso natapos ang buong araw at hindi na talaga siya pumasok. Hindi tuloy ako mapakali. Masamang d**o naman siya dapat lang na buhay pa siya hanggang ngayon.  "Mauna na ko," paalam ko kay Ella. Lintek na lalaki iyan. Nakonsensya pa ko dahil hindi ko siya tinulungan kanina. Heto tuloy ako ngayon, kailangan ko pa siyang hanapin kung saan-saan. Ang sakit niya sa bangs. Halos gabi na kong nakauwi at hindi ko siya nakita. Baka kung saan na lang siya tinapon. "Ayan ka na pala anak, si Sean?" bati sa 'kin ni Mama kaya napakagat ako ng labi. "Malay ko po." Ngumiti lang ako sabay akyat nang mabilis sa itaas. Hindi ko siya matignan sa mata dahil nakokonsensiya ko. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko sabay lock ng pintuan. "f**k!" sigaw ko habang nakatingin sa likuran ng pintuan ko.  "Tulong..." Nanghihina niyang sabi habang nakalahad pa ang kamay sa 'kin. Bigla siyang bumagsak kaya sinalo ko siya agad na ikinayakap niya sa 'kin. Ang bigat niya, dapat pala hinayaan ko na lang siyang bumagsak. Pinilit kong abutin ang switch ng ilaw ko para mabuksan pero ang bigat niya. "Sean! Ano na namang ginawa mo? Napakadami mong dugo!" Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa itsura niya. Hindi siya sumagot kaya mabilis ko siyang hiniga sa kama ko at pinaypayan. "Buhay ka pa ba?" Sinundot ko ang pisngi niya. Nakita kong nahimasmasan na siya kaya mabilis akong tumakbo para kumuha ng first aid kit. Pagbalik ko sa kwarto, nakaupo na siya at kung ano-ano ang ginagawa sa sugat niya. "Huwag!" Pagbawal ko sa kanya. Pinalo ko agad ang kamay niya dahil pinunasan niya 'yon ng maruming damit. Hindi talaga nag-iisip. "Masakit na nga ang katawan ko. Namamalo ka pa," he complained. "Alam mo bang marumi iyan?! Dito ka para magamot na kita." Masungit kong saway sa kanya. "Aray! Dahan-dahan naman!" angal niya ulit kaya mas lalo ko pang diniinan sa sugat niya. "Nananadya ka ba?!" "Ano ba kasing nangyari?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Don't tell anyone." Hindi niya sinagot ang tanong ko at bigla na lang nagseryoso. Nailang tuloy ako sa tingin niya dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Kaya mabilis na lang akong bumaling sa sugat niya at tumango. "Sigurado kasing ipapadala na nila ako sa ibang bansa kapag nalaman nila ito." "Edi mas maganda pala. Hindi na nila itutuloy ang kasal natin." Nakangisi kong sabi sa kanya habang nag-iisip ako ng kalayaan. "Tumigil ka nga. Isasama ka nila sa 'kin papuntang ibang bansa. Isa pa, buo na ang desisyon nila na ipakasal tayo dahil usapan na 'yon nila lola at lolo mo." "Kaasar na usapan 'yan," bulong ko. "Alam mo hindi rin naman kita gusto kaya huwag kang mag-inarte."  Napangiti ako nang mapait sa sinabi niya. Hindi ko alam pero biglang kumulo ang dugo ko. Sa inis ko, binuhos ko 'tong alcohol sa sugat niya kaya naman napatayo siya habang aray nang aray. "Bahala ka na nga diyan. Bwisit!" sigaw ko sa kanya. "Bakit ba bigla ka na lang nagagalit?"  "Eh, kasi nakakagalit 'yang pagmumukha mo." Umirap ako. "Hay, napaka-moody mo." Umupo siya ulit sa kama. "Dali na." Utos niya pa sa 'kin habang pinapakita ang sugat niya. Bwisit. Anong akala niya sa 'kin katulong niya? "Maggamot kang mag-isa."  "Okay, tatawagan ko na lang si Ella at papupuntahin dito." Pananakot niya pa sabay labas ng cellphone kaya kinuha ko agad 'yon at ibinato sa isang gilid. "Kapag ginawa mo 'yon tutuluyan na kita!" Gigil na gigil kong sigaw sabay kuha ng bulak at alcohol sa sahig. Ngingiti ngiti pa siya na parang nanalo siya sa lotto. "Hay, grabe ang daming gustong pumatay sa 'kin." "Bakit ba kasi hindi ka pa nila tinuluyan?" Inis kong bulong. Tumawa lang siya nang tumawa. Parang may sira ang ulo. Pagkayari ko siyang gamutin, hinila ko siya agad at pilit na pinalabas ng kwarto ko. Sa susunod talaga hindi na ko magiging mabait sa kanya. "Cindy?" Rinig kong katok ni Mama. Nanlaki tuloy ang mga mata ko habang mabilis na nililinis ang kwarto ko. "Oh? Bakit parang taranta ka diyan?" bati niya habang pumapasok. Napatingin naman ako sa panyo na puro dugo kaya sinipa ko 'yon papunta sa ilalim ng kama. "Bakit, ma?" Pilit akong ngumiti. "Wala naman. Parang may narinig kasi ko kanina rito kaya pumanik ako." Tumingin tingin pa siya sa paligid kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak kong gamit sa likuran ko. "Sige na, ma. Matutulog na po ako."  Lumabas naman siya agad kaya nakahinga ko nang maluwag. Ni-lock ko agad ang pintuan ko at sumaldak sa kama. Bwisit na Sean 'yon! Ipapahamak pa ko nang wala sa oras! Pero mabuti na lang at buhay pa siya. Nawala tuloy ang kaba ko sa dibdib. Kung kailan payapa na ang buhay ko ngayon pa siya dumating. Napapikit na lang ako nang madiin habang nakukunsumi. Ilang sandali pa, nagising ako sa katok ni Sean. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko. Pinagbuksan ko siya at muling bumalik sa kama. "Tara na," bulong niya habang pumapasok ng kwarto ko. Ano na naman bang trip niya?! "Ano ba ang aga-aga pa?!" angal ko sabay talukbong ng kumot. "Tara na! Bumangon ka na diyan!" Pagpilit niya habang hinahatak din ang kumot ko kaya nakipag matigasan ako.  "Aray!" Inis kong sigaw nang bumagsak ako. "Sorry." Nag-peace sign siya pero nag-aabot na sa 'kin ng tuwalya. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago kunin 'yon at padabog akong pumasok sa loob ng CR. "Alam mo bang nakakainis ka?" panimula ko habang pinaghahainan niya ko ng pagkain. "Alam ko." Ngiti niya pa na nakakaasar. "Ang aga-aga pa, kita mo?" Tumuro ako sa bintana. "Wala pa ngang araw!" dugtong kong reklamo. "Ayaw mo ba no'n tayo ang best in attendance?" Ngumiti lang siya habang nilalagyan ako ng ulam sa plato ko. "Ewan ko sa'yo." I give up! Wala akong mapapala sa pakikipag-usap sa kanya. "Makikita kasi nila mama't papa mo 'tong mga sugat ko. Tignan mo," paliwanag niya bigla habang nilalapit pa sa 'kin ang mukha niya. "Pasalamat ka at mabait ako." Asar ko lang na sagot habang nilalayo ko ang mukha niya sa 'kin. "Mabait ka pa sa lagay mo na 'yan?" bulong niya kaya tinignan ko ulit siya nang masama. "Sungit." Napangiti na lang ako sa reaction niya. Pinanood ko lang din siya habang nililinis niya lahat ng ginamit namin. Talagang wala siyang tinitirang ebidensiya. Pagkatapos niya, lumabas na kami ng bahay. Ang lamig, dapat pala nagdala ko ng jacket. Pero hindi ko maiwasang mangiti habang naglalakad. Ngayon lang ulit ako nalabas ng ganito kaaga. Nakasindi pa ang mga ilaw sa poste at wala pang katao tao. "Alam mo ba ang masarap gawin kapag ganitong papasikat ang araw?" Nakangisi kong tanong sa kanya. "Ano?" Harap niya sa 'kin kaya mas lalo ko siyang nginisihan. "Halika, dali." Mabilis ko siyang hinila papatakbo. Napahinto lang ako nang madaan kami sa petshop. Nandoon pa rin siya. "Bakit bigla kang tumigil?" Bumitaw siya sa pagkapit ko sabay sulyap sa mukha ko kaya napabalik ako sa ulirat. "Cindy? Ayos ka lang?" tanong na naman niya kaya hinila ko na lang siya ulit at hindi ko na siya sinagot.  Bumitaw lang ako nang makarating kami sa park. Tuwang tuwa akong napayakap sa hangin habang nilalanghap 'yon. Ang sarap sa pakiramdam. "Malamig na hangin, maaliwalas na panahon at jackpot pa tayo kasi wala pang ganong tao rito." Nakangisi kong harap sa kanya. "Anong gagawin natin dito?" Nagtataka niyang tanong. "Magki-kiss ba tayo?" dagdag niya pa kaya naman agad ko siyang tinadyakan. "Napakamanyak mo talaga!" sigaw ko sa kanya. "Aray! Nagbibiro lang naman ako." Parang bata niyang sagot sa 'kin kaya naman natawa ko sa kanya. "Tara na nga. Ang arte mo." Pagseseryoso ko. Agad kong hinanap ang rentahan ng bike kaya tinakbuhan ko na siya. "Oh, tig-isa tayo. Ako na ang nagbayad. Hiyang hiya naman ako sa'yo." Kunyaring pagtataray ko pero nakatitig lang siya sa 'kin ngayon. "Bilisan mo at nangangawit na ko, oh!" Pilit kong inaabot ang bike pero tulala lang ang loko. "Mukhang tumama 'yang ulo mo kahapon. Oh, teka!" Napasigaw ako nang hilahin niya kong palapit sa kanya. "A-ano bang problema mo?" Nauutal kong tanong nang maglapit ang mga mukha namin. Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil sa biglaang lakas ng t***k nitong puso ko. "Ang sweet niyo naman. Dapat ito na lang ang rentahan niyo," bati sa 'min ng ale kaya agad ko siyang tinulak palayo. "H-hindi na po. Okay na po samin 'to." Naiilang na sagot ko sa ale habang nakatingin sa bike.  "Sige po 'yan na lang. Halika dali." Bigla namang hatak niya sa kamay ko kaya agad ko 'yong tinanggal. Mamaya lokohin niya pa ko dahil nanlalamig ang kamay ko ngayon. "Sakay na," aya niya sa 'kin habang pinapasakay ako sa likuran. "Ayoko ngang umangkas sa'yo," angal ko habang tumitingin sa malayo. Bakit parang kinikilig ako sa ngiti niya? Hayysst... Ayoko ng ganito. Lalayo na sana ko nang bigla niyang hatakin ang dalawang kamay ko papalapit sa kanya. Agad tuloy akong napasaldak sa likuran ng bike. Nginitian niya na naman ako at nagsimula na siyang magpadyak. "Teka!" sigaw kong pagpapatigil sa kanya. "Muntik na kong mahulog," reklamo ko habang tumitigil siya.  "Yumakap ka kasi." Seryoso niyang sabi sa 'kin habang nakalingon. Aaminin ko gwapo si loko kapag hindi siya mukhang aanga anga. Mukha siya ngayong prince charming na aalalayan ka at—Teka? Ano ba itong sinasabi ko? "Bakit ba ayaw mo pang yumakap? Sayang ang oras. Binabayaran natin 'yan dito," angal niya sa 'kin sabay haltak sa magkabila kong kamay at iniyakap 'yon sa bewang niya. Nagpatuloy na siya sa pagba-bike kaya naman hindi na ko umangal at tumingin na lang sa paligid. "Kaganda naman dito." Hangang hanga niyang sabi habang nakangiti. Oo, alam kong hindi kita ang pagngiti niya pero nararamdaman ko 'yon. Mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo. Kaya naman bigla kaming natawa nang hindi namin mapansin ang isang bato na ikinasaldak namin. "Kaganda mo pala kapag tumatawa ka." Bigla akong napahinto sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Agad akong tumayo at nagseryoso. Pero pagkatalikod ko sa kanya hindi ko maiwasang mangiti sa sinabi niya. Napabilis niya rin ang t***k ng puso ko. Sumulyap ulit ako sa kanya at nakangiti lang siya habang itinatayo ang bike.  "Tara na, sumakay ka na ulit at pabalik na tayo."  "Ayoko na. Hindi ka naman magaling na driver," biro ko sa kanya habang naglalakad pabalik. "Talaga ba? Okay lang. Napatawa naman kita."  "Eh, ano naman?" Kunyaring masungit kong sagot sa kanya. "Ayos na sa 'kin 'yon," sagot niya habang ngumingiti. Napatitig tuloy ako sa mukha niya. Parang nag-slow motion noong ngumiti siya sa 'kin. Katulad ng nangyayari kapag tinitignan ko si Paulo. "Ibang klase," bulong ko sa hangin sabay hawak sa dibdib ko. "Bakit ka huminto? Bahala ka kapag na late tayo ikaw ang may kasalanan." Nakangiti pa rin siya habang nililingon ako mula sa likuran. "Hindi pwede 'to."  "Ano na?" Nagpamewang na siya kaya mabilis kong ginising ang sarili ko. "May masakit ba sa'yo?"  "Wala, tara na." Umiling na lang ako habang binibilisan ang paglakad.  Buong araw nakatulala lang ako. Hindi ko alam kung bakit paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang paglabas namin kanina. 'Yong feeling na para bang gusto ko ulit gumising nang maaga bukas. "Nakakainis! Hindi ko aakalain na may nililigawan na pala si Paulo! Akala ko pa naman gusto niya ko!"  May narinig akong humiyaw kaya nagulat pa ko. Kahit nasa loob ako ng cubicle nabobosesan ko siya.  "Ikaw naman kasi! Alam mong marami kang kaagaw hindi mo pa sinunggaban agad!" "Nagpakipot pa." "Syempre! Akala ko sa 'kin na siya, e!" "Girl, maraming namamatay sa maling akala." Tuloy-tuloy nilang usapan habang pinagtatawanan siya. Pagkalabas nila ng CR, naiwang mag-isa 'yong babae na iyon. Nang gigigil siya at hiyaw nang hiyaw. Nakakainis nakakabingi siya! Pero teka? Ibig sabihin hindi sila ni Paulo? So, sino iyong nililigawan niya? Napahawak ako sa dibdib ko habang lumalabas ng cubicle. Diretso lang ang tingin ko sa salamin habang hindi makapaniwala. Tinignan niya ko kaya nagkatinginan pa kaming dalawa sa reflection ng salamin. Umiiyak siya na para bang niloko siya ni Paulo. "Huwag kang umiyak. Hindi naman naging kayo." Pag-comfort ko sa kanya pero inirapan niya pa ko at padabog na lumabas.  Anong mali sa sinabi ko? Ako nga crush ko rin si Paulo pero hindi naman ako gano'n. Nakalimang girlfriend na nga siya tapos ngayon mukhang magkakaroon na naman ng bago. Nakakapanikip lang ng dibdib pero kaya ko ito. "Sanay ka naman na, Cindy." Pinilit kong ngumiti sa harapan ng salamin. Pagkatapos kong magwilig-wilig. Lumabas na rin ako at dumiretso sa locker. "Best? Nandiyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahagilap!" Palo ni Ella sa braso ko kaya binusangutan ko siya agad. Sinabi ko sa kanya ang mga narinig ko at pati siya ay napatigil. "Ahm? Best?" Pilit niyang salita kaya hinarap ko siya agad. "Okay lang naman ako. Sanay na kong lagi siyang may nililigawan." Pout ko. "Ano kasi-" "Cindy!" Tapik sa 'kin ni Sean. Napahawak tuloy ako sa braso ko at tinignan siya nang masama. "Bakit ba?" Nagtitimpi kong tanong. Pasalamat siya at nandito si Ella kung hindi! Makikita niya! Makikita niya talaga! "Sir Fing told me that you will be my partner for the research." "Ano?!" sigaw ko habang hindi makapaniwala. "Bakit ikaw?!" Turo ko pa sa kanya. "Best? Mamaya na lang. May pupuntahan pa ko," paalam ni Ella kaya tumango na lang agad ako. "Lumapit ka rito." Minostrahan ko siya sabay ngiti. Nang makalapit na siya, mabilis ko siyang ginantihan ng tapik sa braso. Mas nilakasan ko pa iyon para madala siya. "Close ba tayo para tapikin mo ko?" "Isusumbong na talaga kita kay Tita!" Pananakot niya pa habang hawak-hawak ang braso niya. "Edi magsumbong ka! Pero sinasabi ko lang sa'yo." Dinuro ko siya. "Oras na malaman nila iyon. Hindi ka na sisikatan ng araw." Ngumisi ako habang nakatingin pa rin nang masama sa kanya. "Joke lang 'yon! Hindi ka na mabiro!"  Kiniliti niya pa ko kaya tinulak ko siya habang gulat na gulat.  "Sorry, titigil na." "Hindi tayo close, okay?" Nilakihan ko siya ng mata sabay sara ng locker ko. "So what's our plan? May title ka na bang naisip?" "Pwede ba huwag ngayon? Kakasabi lang sa'yo na mag-partner tayo tapos guguluhin mo agad itong utak ko." Umirap ako sabay lakad na papunta sa next class. "Ibig sabihin wala pa?" Pangungulit niya pa kaya napatigil ako sa paglakad.  "Ganito na lang. Bakit hindi ikaw ang mag-isip? Balita ko naman na matalino ka raw." Nginisihan ko siya habang inuuto.  "Actually, that's true." Mayabang niya pang sabi kaya napanganga na lang ako. "Pero since mag-partner tayo dapat tumulong ka rin sa pag-iisip." "Fine." Walang magawang sagot ko. "Okay, see you later partner." Ngumisi siya na parang may ibang kahulugan iyon. "Pamwisit talaga siya," bulong ko habang pinapanood siyang lumakad palayo. Lahat na lang ng madaanan niyang babae kinakawayan niya. Akala mo tumatakbo sa election ang lintek. Halos wala pa siyang isang linggo rito pero ang dami na niyang kilala. Samantalang ako, si Ella lang ang naging ka-close ko simula una. "Ibang klase talaga siya." Bakit kasi ang ganda niyang ngumiti?  Pumapasok na naman tuloy sa isip ko 'yong nangyari sa park kanina kaya mabilis akong napailing iling. Umalis na ko ng tingin sa kanya at pumasok na lang sa classroom. "Hi." Nilingon ko agad si Paulo nang magsalita siya sa tabi ko. Halos mahulog ako sa bangkuan dahil sa pagtabi niya. "Hi," ilang kong sagot at ngumiti lang siya habang naglalabas na ng libro.  Hindi ko na naman maiwasang tignan siya. Asar. May nililigawan na siya kaya dapat mag-move on ka na, Cindy. Huwag kang tumulad sa cheerleader na iyon na iniiyakan si Paulo. Matatag ka, Girl. You can do it. You can do it. "May extra pen ka?" tanong niya pero ang bilis ko namang binigay ang ballpen ko. Pasaway. "Thanks." Nginitian ko na lang siya at bumalik na ng tingin sa harapan. Sulat siya ng sulat kahit hindi naman mahahalaga ang nakasulat sa white board.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD