SEAN POV
"Tita? Mahilig ba sa hayop si Cindy?" tanong ko sa kabilang linya habang nagpapahinga ko sa ilalim ng malaking puno sa loob ng campus namin.
"Medyo, bakit mo naman naitanong, hijo?"
"Ahm, kung sakali lang po, tita? Ano kayang gusto niyang alaga?"
Tumawa siya kaya nahiya na tuloy ako. "Hindi ko rin alam, hijo. Itanong mo na lang sa kanya para sure ka. Bakit balak mo bang bigyan si Cindy?"
"Ahm..." Napahimas ako ng batok habang nag-iisip ng isasagot. "Siguro po?"
"Maganda iyan at mukhang nagkakasundo na kayo."
"Hindi naman po sa ganoon."
"Hay, huwag ka nang mahiya. Gusto nga namin na magkagustuhan kayo agad. Lalo na't malapit na ang kasal niyo."
"Hindi po talaga, tita." Pinatay niya na agad ang tawag. Hindi naman talaga. Kakaiba lang kasi iyong tingin niya sa petshop kaninang madaling araw.
"Hello!" Biglang sulpot ni Ella pero hindi na ko nagulat. Lagi naman kasi siyang sumusulpot kung saan-saan para siyang kabute.
Tinanguan ko lang siya sabay ngiti. Teka? Bestfriend nga pala siya ni Cindy. I think she can help me with this. Kaso pala hindi niya pwedeng malaman. Baka mamaya totohanin ni Cindy ang pagpatay niya sa 'kin.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Nakangiti niyang tanong habang nakaturo. Mabilis tuloy akong napaayos.
"Ah, wala. Iniisip ko lang kasi babae ka, 'di ba?" Nag-aalangan kong tanong.
"Malamang mukha ba kong lalaki?" Sarcastic niyang sagot sa 'kin kaya naman napangisi ko sa kanya. Oo nga naman.
"Naninigurado lang," biro ko.
"Funny ka rin pala. Magkakasundo tayo." Tumawa siya at pinalo pa ko sa braso. Akala mo namang close na kaming dalawa.
"Itatanong ko lang sana kung anong karaniwan niyong gustong alagaan? Aso? Pusa?" Alangan kong tanong habang napapakamot ako ng ulo. Bigla namang nagbago ang mukha niya na para bang disappointed kaya napatigil ako. May nasabi ba kong mali?
"Ayos lang huwag mo nang sagutin." Tumawa na lang ako kunyari. Ang weird din niya.
"Bakit may nililigawan ka na ba?" seryoso niyang tanong.
"Wala, ah. Naisip ko lang kasing bigyan si Mom," maagap kong sagot sabay wagayway ng kamay. "Napaka-issue mo rin, ah."
"Haha! Sorry, akala ko kasi may nililigawan ka." Tumatawa niya ring sagot. "Gusto mo ba samahan kitang bumili?" tanong niya kaya napailing agad ako.
"Hindi na kailangan kaya ko naman." Baka mamaya mapatay pa ko ni Cindy.
"Todo tanggi ka naman. Sayang gusto ko pa naman sumama." Pagpapa-cute niya kaya napakamot ako sa ulo habang umaalis ng tingin. "Aso ang bilin mo. Kung ako kasi ang pagbibigyan mo iyon lang ang gusto ko. Makulit sila at malaro," dagdag niya kaya napatigil ako.
"Aso? Hay, ayoko pa naman sa mga aso. Pwede pa sana kung pusa," angal kong bulong. Napatingin naman siya sa 'kin kaya nagpasalamat na lang ako at umalis na. Pumunta agad ako sa pet shop na tinititigan ni Cindy kaninang madaling araw.
Ewan ko ba naman kung bakit naisipan ko pa kasing pumunta rito. Sabagay, thank you gift na lang sa kanya dahil hindi niya ko sinumbong.
"Alin naman kaya sa inyo ang gusto ni Cindy?" Naka-crossed arms kong tanong sa mga aso habang nagtatahulan sila. Buti kung sumagot sila sa 'kin. Tsk.
"Kilala mo pala si Cindy?" Nakangiting tanong sa 'kin ng bantay ng pet shop. Kagwapo niya ha pero mas gwapo ko sa kanya. Kulang pa siya ng mga sampong paligo bago niya ko mapantayan. Pwe.
"Bakit kilala mo siya?" masungit kong tanong habang umaalis ng tingin.
"Oo naman. Lagi siyang nandito dati." Tumatawa niyang sagot habang papalapit siya sa mga aso. LAGI? LAGI? 'Yong babae talaga na 'yon! Hay, ang dami niyang lalaki.
"Ano ka ba niya? Kaibiga—"
"Asawa," sagot ko agad. Napatigil naman siya habang napatitig sa 'kin.
"Asawa? Talaga ba? Hindi ko yata nabalitaan na nagpakasal na si Cindy? Ang bata niya pa, ah." Bwisit 'tong bantay na 'to. Aba! Hindi pa naniniwala!
"Ikakasal pa lang kami. Pero ganoon na rin naman iyon, right?" Mataray kong sagot sabay baling ng tingin sa kanya.
"Ah, oo nga naman." Nag-iisip niyang sagot kaya napataas pa ko ng kilay. Ni hindi ko man lang siya nasindak. "Ah, kilala na kita. Ikaw si Sean? Sean Sanchez? Tama ba?" Pumilantik siya sabay turo sa 'kin habang tuwang tuwa. Aba, buti naman kilala niya ko.
Tumango lang ako at bumalik na ng tingin sa mga aso. Konti na lang talaga at iisipin ko na, na hindi talaga hayop ang gusto ni Cindy dito sa petshop. Mali yata ako ng pagkaka-isip kanina. Gwapo siya at palatawa. Mukhang close pa rin sila dahil kilala niya ko.
"May napili ka na ba?" Lumapit pa siya sa 'kin na ikinakagat ko ng labi. "Kung si Cindy ang pagbibigyan mo. Etong si Momoy ang piliin mo."
"Mukhang close kayo para malaman mo ang gusto niya." Nagtitimpi kong ngiti sa kanya sabay baling doon sa aso.
"Sorry, Jack nga pala, pinsan ako ni Cindy." Binaba niya ang aso sabay lahad sa akin ng kamay. Napa 'ah' na lang tuloy ako habang natatawa. Pinsan naman pala, e.
"Nice meeting you." Inabot ko lang din saglit ang kamay ko at muling bumaling ng tingin doon sa asong sinasabi niya.
"Dati binili na iyan ni Cindy kaso ibinalik nilang dalawa ni Ella. Paano kasi gusto nila na magkamukha sila ng aso. Ang alam ko nagkatampuhan pa sila dahil gusto nila parehas si Momoy. Tuloy araw-araw na lang siyang binibisita dati ni Cindy dito. Kaya kahit medyo malaki na siya. Don't worry at hindi niya kakagatin si Cindy."
"Baka nga siya pa kagatin ni Cindy," bulong ko habang nangingiti.
"Ano iyon?" Bumaling siya sa akin kaya napatigil na ko at nagseryoso.
"Sige, siya na lang." Tinuro ko si Momoy.
Ang dami niya sa aking pinapirmahan. Samantalang aso lang naman ang aampunin ko tsaka binayaran ko naman.
Simula pa lang ayoko na sa aso na 'to. "Bakit ba kanina ka pa nakangiti? Dahil ba binili na kita?" Asar kong linga kay Momoy habang pabalik kaming dalawa sa school. Tumahol naman siya at sumunod lang sa akin.
"Hindi mo kasi naiintindihan. Paano si Cindy? Alam mo namang malaki na ang kasalanan ko sa kanya. I can't do this."
"So, busted na ko? Dahil lang ganito ang sitwasyon?"
"Huwag mo kong pahirapan."
"Matagal na kitang nililigawan. Ngayon ka pa ba susuko? Bakit hindi na lang natin sabihin sa kanya? Maiintindihan iyon ni Cindy. Sure ako."
Napahinto ako sa narinig ko. Si Ella iyon at Paulo, kaya mabilis akong nagtago sa isang gilid. Kinarga ko pa itong mabahong aso na ito dahil sa kanila. Teka? Bakit ba kasi ko magtatago? Ano naman kung makita nila ko, 'di ba?
"Let's try to talk to her. Wala namang mawawala." Mapait siyang nakangiti habang hawak-hawak ang kamay ni Ella.
"Hindi naman ganoon kadali iyon, Paulo. Bestfriend ko si Cindy at alam ng lahat na gustong gusto ka niya. Anong walang mawawala ang pinagsasasabi mo?"
"Eh, paano ko? Alam mong ikaw ang gusto ko! Matagal na!"
Napatahimik akong lalo sa mga sagutan nilang dalawa. Mabilis tuloy akong tumingin sa exit ng campus para tignan-tignan si Cindy. Mabuti naman at wala pa siya hanggang ngayon.
"Ano ba talaga? Pinayagan mo kong manligaw pero parang nagdadalawang isip ka na naman. Ayaw mo ba sa akin?"
Bakit ba ang kulit ng lalaki na 'to? Naiinis na ko sa kanya. Sigurado naman ako na kapag sinuntok ko iyan, tulog.
"Kinausap ko na si Cindy," sabi niya pa kaya nagulat din ako. Halos sabay kami ni Ella sa pagtingin sa kanya. Oh, s**t!
"Nasisiraan ka na ba?!" siyaw ni Ella habang tumatakbo nang mabilis. Napatahimik na lang din ako habang lumalabas na sa isang gilid. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa na naghahabulan palayo ng campus.
"Napagkatagal naman niya. Wala ng tao rito," inip na inip kong bulong habang naghihintay sa exit ng campus namin.
Cindy, saan ka na naman ba pumunta? Bwisit na Paulo iyon. Kapag may nangyaring masama kay Cindy, yari talaga siya sa akin. I will torture him until he cries in front of me.
"Hay, kawawa ka naman. Nagugutom ka na ba?" Hinipo ko si Momoy na kanina pa nakalabas ang dila. Nakakaasar na siya parang ang saya-saya niya pa. "Nakakaawa ka naman. Matagalan mo kaya ang bago mong amo? Masungit iyon, bawal ang ganyan sa kanya. Kaya naman tumino ka, ah." Nasisiraan na yata ako ng bait sa sobrang tagal ni Cindy. Pati aso kinakausap ko na. Hay.
"There she is." Kunyaring pa-cool akong tumayo sa exit sabay ngiti. Teka? Bakit parang galing siya sa pag-iyak? s**t, iyan na nga ba ang sinasabi ko, e. "Ayos ka lang?"
Mabilis akong lumapit sa kanya at mabilis din siyang nagpunas ng luha.
"Huwag muna ngayon, Sean. Huwag muna ngayon." Pagpapalayo niya habang tinatalikuran ako. Na-disappoint pa tuloy ako. Napangiti na lang ako nang mapait habang hinahabol siya.
"Teka? Ano gagawin ko naman sa kanya?" Walang ganang tanong ko habang pinapakita si Momoy.
"BARK! BARK!" Biglang tahol din ng aso at tinitignan din siya. Mukhang kilala niya talaga si Cindy, ah.
"Momoy!" Tumakbo siya pabalik sa 'ming dalawa ni Momoy. "Bakit na sa'yo si Momoy?" tanong niya habang yakap-yakap ang mabahong aso na iyon.
"Nagugutom kasi ko. Balak kong katayin mamaya pag-uwi ng bahay." Masungit kong sagot sabay lakad na. "Tara na nga, doggy." Umirap ako habang hinihila si Momoy.
"Ano?! Kakatayin?! Nasisiraan ka na ba?!" asar niyang sigaw kaya napangiti ako. Nagpatuloy lang ako sa paglakad habang siya naman ay sinusundan si Momoy. "Ikaw! Huwag na huwag mong kakatayin si Momoy ko!" Galit niyang sigaw habang inaagaw ang tali.
"Ano namang pakialam mo? Akin kaya 'to. Pwede kong gawin kahit ano sa kanya." Mayabang kong sabi sa kanya. "Saka isa pa, pagkatapos mo kong hindi pansinin kanina! Alam mo ba kung gaano ko katagal naghintay sa exit ng campus natin?"
"Sorry na." Bigla niyang hawak sa braso ko kaya tiningnan ko siya nang diretso.
"Sorry? Ngayon lang kitang narinig na nag-sorry sa 'kin, ah. Effective pala itong aso." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Pinagtri-tripan mo ba ko?"
"Teka? Ayan ka na naman nagsusungit ka na naman," sagot ko at bigla naman niya kong nginitian na parang nagpapa-cute kaya natawa kong lalo. "Oh, ayan na." Natatawa kong sabi habang binibigay si Momoy sa kanya.
"Para sa akin?" Natutuwa niyang yakap sa aso.
"Oo, para sa'yo bigay ko. Pwede mo naman siguro siyang alagaan para sa akin, 'di ba? At huwag mo na siyang ibabalik ulit doon sa petshop."
"Oo naman! Thank you."
Napatigil ako nang bigla niya na lang akong yakapin. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang lakas ng t***k nitong puso ko. Parang drum na pinapalo nang sobrang malakas.
"Maraming salamat talaga," bulong niya ulit habang nakayakap pa rin sa akin.
Nang umalis na siya sa pagkakayakap. Agad na siyang bumaling kay Momoy at nakipaglaro habang lumalakad. Hindi ko mapigilang mangiti sa kinikilos niya ngayon. Basta sinundan ko na lang silang dalawa pauwi ng bahay. Pero—
"Dapat hindi ko na lang binili ang aso na iyon," asar na bulong ko habang nag-iisa lang ako na nakaupo sa sala. Kitang kita ko mula sa malayo si Cindy na laro-laro si Momoy. Nakakaasar ang aso na iyon. I really hate dogs. Bakit kasi binili bili ko pa?
Akala ko pa naman kasi, kapag binili ko ang aso na iyon magiging ayos na kami. Pero hindi! Hindi niya man lang ako pinapansin mula noong dumating iyang aso na iyan sa bahay. Nakakainis!
Teka? Pakawalan ko kaya sa labas o kaya iligaw ko? Whahahahaha! Napakatalino mo talaga, Sean. Perfect plan.
"Bakit ganyan ang ngiti mo? Nababaliw ka na naman ba?" Masungit na bati niya sa 'kin.
"Ano na naman ba?" Napahinto ako sa pag-iisip dahil sa kanya.
"Oh! Hawakan mo muna si Momoy." Utos niya sa 'kin. Hindi ko sana kukunin ang tali kaso bigla niya na lang akong tinignan nang masama.
"Talo na naman ako," bulong ko sabay kuha ng tali. "Anong tinitingin tingin mo diyan? Gusto mo katayin kita?" asar kong tanong sa aso sabay laki ng mata ko.
Bigla tuloy umiyak kaya naman, "hoy! Ikaw? Anong ginagawa mo kay Momoy, ha?" sigaw ni Cindy mula sa kusina.
"Wala, 'no." Nagmaang maangan ako sabay titig ulit nang masama sa aso na iyon. Tumigil na siya sa pag-iyak at nahiga pa sa hita ko. "Close ba tayo?" Inalis ko siya agad.
"Momoy! Halika na, dali eto na food mo." Lapit niya sa aso.
"Ako ba wala?" Nakabusangot kong tanong sa kanya.
"Wala, kung nagugutom ka. Ayon lang ang kusina kumuha ka ng pagkain," angal niya sabay hipo sa aso.
"Hmmp! Dapat hindi ko na lang binili ang aso na iyan," bulong ko sabay tayo.
"Kahit wala rito si Momoy, hindi pa rin kita ikukuha ng pagkain mo, 'no!"
Ang sungit niya talaga pagdating sa 'kin. Nakikipag tarayan pa siya ngayon ng tingin. Edi okay, ako na naman ang talo. Kailan ba ko nanalo sa kanya. Eh, daig niya pa ang leon kung tumitig.
Kinabukasan, nagulat ako nang lumabas siya ng kwarto. Para siyang zombie na naglalakad at namamaga ang mga mata. Mukhang hindi siya nakatulog kakaisip doon sa lalaki na iyon. Tsk. Kasi naman tingin pa ng tingin sa ibang lalaki. Eh, ang gwapo-gwapo naman ng mapapangasawa niya.
"Oh!" Gulat kong hila sa bag niya. Muntik na siyang mahulog sa hagdanan pero wala lang sa kanya. "Nasisiraan ka na ba? Mag-iingat ka nga." Asar kong tingin sa mukha niya.
"Salamat," mahinang sabi niya at nagpatuloy lang sa pagbaba ng hagdanan.
"Gusto mo ba ng Ice cream?"
"Ice cream? Ang aga-aga." Pagmamasungit niya na naman.
"Ikaw lang itong inaalala tapos sinusungitan mo pa ko," asar kong bulong.
"Sinabi ko ba kasing alalahanin mo ko?" Umirap pa siya na ikinahinto ko sa paglakad. Grabe, mababaliw na talaga ako sa kanya. Pasalamat siya at ayoko nang bumalik sa america. Kung hindi lang talaga matagal ko na siyang inalisan.
Napansin ko naman agad si Ella na nakakaway kay Cindy kaya napairap na lang ako. Plastic ba siya? O wala lang siyang pakiramdam?
"Oh? Sabay kayong dalawa?" Nagtataka niya pang tanong habang nakaturo sa 'min. Pero hindi ako mahilig makipagplastikan kaya naman mabilis ko siyang nilampasan at hinila si Cindy na handa nang makipagplastikan.
"Teka lang?" Habol niya pa.
Kaya napatingin agad ako kay Cindy. Konti na lang at tutulo na naman ang luha niya kaya agad kong pinatigil si Ella.
"Huwag ka munang mang-abala. Gagawa pa kami ng thesis." Pagmamasungit ko.
"Ah, sige." Napahinto rin siya at mukhang pilit na tinitignan pa si Cindy na nakatalikod lang sa kanya. "Best, una na ko." Pagsubok niya.
Tignan mo 'tong babae na 'to. Haharap pa talaga siya kaya mabilis kong pinigilan 'yon sabay akbay sa kanya. Hindi ko na tinignan si Ella at nagpatuloy na lang sa paglakad.
"Umayos ka nga." Nai-stress kong utos kay Cindy pero umiyak lang siya nang mahina. Hinatak ko siya agad sa restroom at pinasok doon. Walang tao sa loob dahil sinilip ko muna 'yon.
"Umiyak ka lang diyan." Utos ko sa kanya habang nakabantay sa labas.
"Bawal." Masungit kong sabi sa mga babaeng papasok.
"Ikaw si Sean, 'di ba? Bakit nagbabantay ka diyan?" Usisa pa sa 'kin ng isa pero hindi ko siya pinansin. Tumayo lang ako hanggang sa umalis na rin sila. Marami pang nagtangka na pumasok pero hindi ko sila hinayaan. Pati nga mga prof namin binawal ko rin. Yari talaga sa 'kin ang Paulo na iyan kapag nagkita kami.
"Ayos ka na?" Masungit kong tingin kay Cindy nang makalabas siya ng pinto. "Hay, iayos mo naman na ang mukha mo."
"Hindi ko kaya, e." Parang bata niyang sagot habang umiiyak na naman kaya napa-face palm ako.
"Huwag na tayong pumasok."
Hinila ko siya palabas ulit ng school. Umaangal pa siya pero hindi ko na pinansin. Paano naman kami papasok kung ganyan ang mukha niya? Edi pinagmukha niya lang tanga ang sarili niya sa harap nina Ella at Paulo.
"Nasaan tayo?"
"Tignan mo 'yan. Kakaiyak mo, hindi mo na alam kung saan kita dinala." Nagpamewang ako habang nagtitimpi sa kinikilos niya. "Ayoko ng mga ganyang drama." Kunsumido kong bulong at nauna nang lumakad.
"Ngayon lang kasi ko napunta rito. Bakit ba sinusungitan mo ko? Salit na i-comfort mo ko, ganyan ka pa sa 'kin. Ang sama mo."
"Ano bang ginagawa ko?" Tinignan ko siya nang matalim.
"Nagsusungit."
"Bahala ka nga diyan. Babalik na lang ako ng school."
"Nakita mo na? Nagsusungit ka."
"Alright, nandito tayo ngayon sa gallery of robots. Kung makikita mo rito, maraming robot. Dito naman kung makikita mo." Hinila ko siya papunta sa isang malaking salamin. "Isang babae na iyak ng iyak dahil lang sa lalaki." Sarkastiko kong sabi sabay irap sa kanya.
"Tumatawa ka?" Mataray ko siyang tinignan.
"Hindi sa'yo bagay ang masungit. Kapangit mo!" sigaw niya pa kaya napanganga ko habang nagpapamewang.
"Ako? Pangit? Mas gwapo pa nga ako sa iniiyakan mo." Hindi makapaniwalang reklamo ko sa kanya sabay turo pa sa sarili ko.
"Teka? Paano mo pala nalaman lahat 'yan? Hindi naman ako nagsasabi sa'yo, ah!"
Napatigil din ako sa sinabi niya. Tinarayan niya na naman ako ng tingin habang pinaniningkitan ng mga mata. "Tara na lang," aya ko sa kanya. Nauna na kong maglakad at kunyari hindi ko siya nakikitang nakatingin sa 'kin nang matalim.
Umikot lang kami sandali at naupo na rin sa isang gilid. Ang likot-likot niyang kasama. Dinaig ko pang may kasamang maliit na bata na turo nang turo.
"Mahilig ka pala sa robot. Para kang bata." Pumilantik pa siya habang nakangisi. "Bakit ganyan kang makatingin?"
Napangiti ako habang tinitignan siyang mabuti. "Mas okay sila kesa sa tao. Hindi sila makikipag plastikan at makikinig lang sila sa lahat ng sasabihin mo."
"Eh, kasi nga robot sila."
"Exactly, that's why I like them."
"Ibig sabihin kinakausap mo 'yong mga robot mo sa kwarto?"
"Ha.Ha. Nakakatawa, Cindy."
"Why? Wala akong sinabing mali."
"Oo na lang." Tumayo na ko habang tinitignan ang orasan. "Humabol na tayo sa ibang klase pa natin. Nakalimutan kong ngayon ang submission ng title para sa thesis."
"Ano?! Bakit hindi mo inalala?!"
"Ako lang ba ang gagawa no'n?" Tinarayan ko rin siya.
"Bilisan mo na lang!" Hila niya pa sa 'kin habang madaling madali. "Patay ka sa 'kin kapag hindi tayo naka-graduate."
Napapailing na lang ako sa kanya habang nangingiti. Kanina iyak siya ng iyak. Ngayon naman nagagalit na siya sa 'kin.