bc

Married with Mr. Trouble Maker

book_age16+
1.4K
FOLLOW
4.9K
READ
killer
gangster
drama
comedy
twisted
sweet
serious
mystery
bold
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Walang kwenta ang buhay kung hindi kita kayang ipaglaban. ‘Yan ang laging pinapakita ni Cindy sa asawa nitong si Sean Sanchez. Payapa at tahimik ang dating buhay ni Cindy malayo sa dati niyang buhay. Lumalayo siya sa kahit sino o anong pwedeng gumulo ulit sa buhay niya. Kabilang na doon si Sean. Ngunit kahit anong layo niya, mas nananalo pa rin ang tawag ng puso. Tawag ng pusong nagmamahal, na gagawin ang lahat para sa taong mahal niya. Kahit na ang ibig sabihin nito ay bumalik sa dating buhay na iniiwasan niya.

chap-preview
Free preview
ONE
CINDY POINT OF VIEW "Goal!" sigaw ko habang pumapalakpak. "Sabi na at dito lang kita makikita!" Napatingin ako kay Ella, best friend ko. Nginitian ko siya dahil sa itsura niyang hindi maipinta. Palapit na siya sa akin dala ang bag kong naiwan kanina sa classroom. Mukhang asar siya at pinaningkitan pa ko ng tingin bago ibaba ang bag ko sa bench. "Tapos na 'yung klase mo?" pabiro kong tanong. "Oo, at kung maitatanong mo. May recitation ulit bukas at kapag absent ka ulit, siguradong bagsak ka na sa law natin." "Hindi naman ako natawag, 'di ba?" "Hay, ewan ko sa'yo," mataray niyang sagot habang nauupo sa tabi ko. "Hindi ka na naman pumasok para lang sumilay sa kanya. Talagang kina-career mo yatang maging number one niyang tagahanga." "Best, hindi ko naman gustong hindi pumasok kanina. Sadyang tumakas lang ako sa recitation dahil hindi ako nakapag-review. I'm sure naman kasi na kapag natawag ako, mapapatayo lang ako at papagalitan sa harapan." "Eh, paano kung tinawag ka kanina? Edi nganga?" sarkastiko niyang balik at natawa naman ako sa itsura ng mukha niya. Nandito kasi ako ngayon sa harapan ng soccer field. Sumisilay kay Paulo Martinez, crush ko since highschool. Lagi akong palihim na nanunood ng mga play at meetings nila. Binalak ko na ngang mag-apply na soccer ball para lang makasama siya lagi. "Napansin kana ba niya?" Sinulyapan niya ko ng tingin bago ibaling ang tingin sa soccer team. "Hindi pa," nakangiti kong sagot. "Alam mo namang mas gusto kong hindi niya ko mapansin kasi baka mangisay ako dito." "Eh, ba't nandito ka pa?" "Syempre para makasilay lang." "Hanga na talaga ko sa'yo." "Thank you," pabiro kong sagot. "Lagi ka na lang sumisilay sa kanya." "Minsan lang naman." "Minsan ba 'yung araw-araw?" "Nagkakataon lang!" Tinapik ko siya. Alam niyo, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Tuwing makikita ko si Paulo ay laging sumasaya 'tong puso ko at nabubuo niya ang araw ko. Gwapo, mabait at magaling sa lahat ng sports. Hindi siya gano'n ka-perfect, sakto lang siya para sa akin. Dati nga parehas kaming bumagsak sa accounting subject. Nagkatabi kami sa likurang pwesto pero ni minsan hindi ko siya nakausap. I want to but I can't. Laging bumibilis ang t***k ng puso ko. Kung alam niyo lang ang pakiramdam no'n. Katabi ko siya pero hindi ako makapagsalita kahit simpleng 'hi' lang. Hindi man lang kami naging close sa halos isang semester naming pagkakatabi. "Ayan na 'yung prince charming mo." Tinapik ako ni Ella at ngumuso paturo sa soccer field. Parang huminto nang panandalian ang puso ko at bumagal ang takbo ng paligid. Na-gets ko agad ang mostra niya kaya dahan-dahan kong nilingon 'yon. It's him at papalapit na siya ngayon sa amin ni Ella. Ako ang una niyang tinawag habang kumakaway kaya lalong huminto ang mundo ko. Pakiramdam ko nanginginig na ang kalamnan ko at gusto ko nang masuka sa kaba. "Kanina pa kayo diyan?" nakangiting tanong niya. "Siya lang!" Tinuro ako ni Ella. "Dapat pala galingan ko." Ngumiti siya at mas lalo pang lumalapit. Napahawak na ko sa dibdib ko. Ganito naman ako palagi tuwing nandiyan siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako masanay sa presensya niya. Bawat yapak niya sa lupa ay rinig na rinig ko. Para siyang naka-slow motion sa mga mata ko na nakangiti at may liwanag na nanggagaling sa likuran niya. "Hindi ko na kaya." Lumipat ako ng tingin kay Ella. Tumayo agad ako at mabilis na tumakbo papalayo sa kanilang lahat. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero hindi ko talaga kaya. Huminto lang ako sa pagtakbo nang marating ko ang likuran ng school, kung saan wala ng tao. Naiinis na ko sa ganitong pakiramdam. Lagi ko na lang siyang tinatakbuhan tuwing lalapit siya sa akin. Napakapanira nitong puso ko at nakikisali pa 'tong mga paa ko. "Argghh!" sigaw ko sabay sipa sa basurahan sa inis. Umiwas naman si Ella nang matumba 'yon at hingal na hingal na huminto sa harapan ko. "Relax ka lang! Ang bilis mo!" "Lagi na lang kasi!" kunsumido kong sigaw at tumawa naman si Ella. "Bakit kasi lagi kang tumatakbo?" "Ewan ko ba sa mga paa na 'to. Ang sarap putulin tapos isasama ko na rin 'tong puso ko," sagot ko kasabay ng pagturo sa dibdib ko. "Relax," nakatawa niyang payo. "Paano kong magre-relax kung lagi na lang akong ganito? Tuwing lalapit na lang siya sa akin ay tumatakbo ko. Gusto kong kahit isang beses lang makapagsalita ako kahit 'hi' lang," naghi-hysterical kong saad. "Si Paulo lang 'yon. Hindi mo kailangang kabahan nang ganyan." "Alam ko at. . .you know what? Masisiraan na yata ako ng bait." Tinakpan ko ang mukha ko at tumalungko sandali. Hinang-hina talaga ako sa ginawa ko na naman kanina. "Sa tagal nating kaklase siya dapat nga ay sanay ka na." "Tingin mo ba nagalit siya kanina? Tinakbuhan ko na naman siya." Umayos agad ako at mas lalong lumapit kay Ella. Ngumiti siya bago sumagot, "hindi naman siguro." Tapik niya sa likod ko. "Malay mo sanay na siya sa'yo. Lagi ka naman kasing tumatakbo kapag lalapitan ka niya." "Ahhhh!! Ella naman, e!" May isa pa kaming klase bago matapos ang araw na 'to and guess what? Kaklase ko doon si Paulo. Sa nangyari ulit kanina, hindi ko siya kayang tingnan. Naiilang na talaga ko dahil sa mga ginagawa ko sa kanya. Kahit gusto ko naman siyang kausapin, I'm sure na walang lalabas sa bibig ko. Kakainin lang ako ng kaba. Nakikita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagtingin-tingin niya sa akin. Kaya napapalunok na lang ako at pilit na nakikinig kahit wala akong maintindihan sa tinuturo. Pagkatapos ng klase, mabilis akong tumakbo palabas ng room at kabadong tumingin-tingin sa paligid. "Cindy? Uuwi ka na?" Humarang siya sa harapan ko na ikinahinto ko. Ang tangkad niya kaya kailangan ko pang tumingala para magtama ang mga mata namin. Natataranta na naman ako at napapalunok habang tinitignan siyang nakangiti sa harapan ko. "Ah, eh, ano.." Ayaw na namang makisama ng dila ko. "Sabay na tayo?" tanong niya. "Tara na," aya niya at bigla na lang akong inakbayan para magkapantay kami sa paglakad. Tinanggal niya rin 'yon agad at ngumiti na para bang may gustong sabihin. Sumunod na lang ako habang nakayuko lang at nakikiramdam. Napakalakas ng kabog nitong dibdib ko. Tapos ngiti pa siya ng ngiti sa akin kapag sumusulyap. Para niya kong tino-torture sa pagngiti niyang 'yon. Sabay ang paglakad namin kaya kung minsan nagkakabungguan ang mga kamay namin. Gusto kong hawakan ang kamay niya pero ginigising ko ang sarili ko sa kakapalan ng mukha ko. Baka matakot pa siya at tumakbo palayo. "Bakit ka tumakbo kanina?" tanong niya na ikinatingin ko ulit sa kanya. "May galit ka ba sa akin?" dugtong niya pa at lumakad paatras sa harapan ko. "W-wala, ah!" mabilis kong sagot dahil sa pagtitig niya sa mga mata ko. "Wala? Pero lagi kang tumatakbo tuwing magkikita tayo. Hindi naman ako zombie o kaya multo para takbuhan." Mahina siyang tumawa at huminto sa harapan ko. Yumuko siya at pinagtapat ang mga mukha namin. Napalunok ako sa pagtitig niya at sa mga ngiti niyang napakaganda. "Sabihin mo, bakit ka laging tumatakbo?" "H-ha?" Ang lakas ng t***k ng puso ko. Parang gusto nitong lumabas at lumundag papunta sa kanya. "W-wala naman. Ga-gano'n lang talaga ko," garalgal kong sagot at mabilis na umiwas ng tingin. Gusto kong umamin sa kanya pero hindi pa kaya ng puso ko. "Hmm, okay," malumanay niyang sagot. Bumalik siya sa paglalakad nang maayos at hindi na ulit nagsalita pa. Ilang minuto rin kaming naglakad nang tahimik hanggang sa magpaalam na siya. Sumakay siya sa bus at kumaway lang nang nakatalikod. I think hindi siya natuwa sa sinagot ko kanina. "Bukas, umuwi ka nang maaga," hirit ni Mama nang makayari akong kumain. Mabilis ko silang binalikan ng tingin dahil sa sinabi niya. Kanina pa sila nagbubulungan na parang may pinag-uusapan silang kahina-hinala. "Narinig mo ba ko?" Tumango na lang ako habang pinaniningkitan sila ng mga mata. Tumayo na ko at dahan-dahang lumakad palabas ng kusina habang pinagmamasdan silang dalawa. Nag-uusap pa rin sila at may ngiti pang kasama. Magugunaw na ba ang mundo? Never pa silang nag-usap nang ganyan katagal. Hindi magkasundo ang parents ko. Lagi silang nag-aaway, nagsasakitan at binalak na rin nila dating maghiwalay. Kaya mas ginusto kong tumira dati sa bahay ni Lolo dahil ayoko sa kanilang dalawa. But now, they are acting strange. Pabulong silang mag-usap at kung minsan ay nagdidikit pa. "Ma, maaga pasok ko bukas. Matutulog na ko." Huling silip ko sa kanilang dalawa. Tumango naman siya habang si Papa naman ay nakangiti pa sa akin. Maganda rin ang mood niya. May mali talaga. Napapaisip talaga ako kung ano bang meron bukas. Hindi naman nila anniversary at lalong-lalo na wala akong kilalang may birthday. "Hay, bahala na nga sila," usal ko kasabay ng paglundag sa kama. At least, hindi sila nagbabangayan ngayong araw. Siguro nga may pag-asa pa silang dalawa. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para makapaglibang. Syempre stalk-stalk din kapag may time. Pumunta agad ako sa ig para tingnan kung may bagong post si Paulo. At hindi ako nagkamali, may bago siyang post na nakatalikod at nakaturo sa numero niya sa likuran. From: Best Best, may problema. Tawag ka. Ang ganda ng view ko sa picture ni Paulo tapos biglang sumingit itong text ni Ella. Napakunot ako ng nuo dahil sa laman ng text niya kaya tinawagan ko siya agad. "Ano? Bakit? Hindi pwede!" gulat kong sigaw kay Ella sa kabilang linya. "Pumayag ka ba?!" "Relax lang. Hindi pa naman ako pumapayag," sagot niya at noon lang ako nakahinga nang maluwag. Sumaldak ulit ako sa kama at pinakinggan pa ang mga sinasabi niya. Inaagaw nila sa akin si Ella sa gagawing thesis. Paano na lang ang grades ko? Si Ella na nga lang ang inaasahan ko para makapasa sa thesis na 'yan at maka-graduate. "Kausapin na lang natin bukas si Sir Fing," suggest niya kaya napatango-tango ako na parang sira kahit walang nakakakita. Na-stress akong bigla. Kinabukasan, mabilis akong tumakbo para makasabay si Ella. Naabutan ko siyang pababa pa lang ng kotse kaya nakahinga ko nang maluwag at hingal na nagpahinga bago lumakad palapit. "Ang aga-aga pawis ka na," bati niya. "Salamat po." Baling naman niya kay Manong Ed, driver nila. "Sana all, ganyan kayaman." "Mayaman din naman kayo. Ayaw mo lang ng may naghahatid sa'yo." "Grabe, nagsana all lang ako ang dami mo ng sinabi." "Dapat kasi bumili ka na lang ng sariling kotse mo para hindi ka na napapagod." Bumalik siya ng tingin sa akin. "Enjoy akong maglakad." Umirap ako at tumawa naman siya habang kumakapit na sa braso ko. Gustong-gusto niya talaga kapag natatalo niya ko sa mga ganyang usapan. Alam niya kasing matagal na kong inaalok nila Mama ng sasakyan pero hindi ko tinatanggap. Ayoko kasi dahil gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko na ang sarili ko at kaya kong mabuhay nang walang luho. Okay na sa akin na pinapa-aral nila ko. "Lalim ng iniisip, ah. Si Paulo ba ulit 'yan?" Ngumisi siya. Na-excite tuloy akong magkwento. Habang naglalakad kami, I told her what happened yesterday. Kinikilig pa ko habang sinasabi sa kanya 'yon pero binatukan niya kong bigla. Napanganga ko sa gulat. "Sira ka," singhal niya. "Kailan ka pa natutong mangbatok?" gulat kong tanong habang hawak pa rin ang batok ko. "Ay, sorry. Nabigla lang ako." Muli siyang ngumiti at nag-peace sign agad. "Last mo na 'yon. Kung hindi, gaganti na ko sa susunod," banta ko. Total opposite kaming dalawa ni Ella dahil kung ako palaban, siya naman ay parang anghel na napadpad dito sa lupa kaya madalas kaming pinagtitinginan. Siguro ay nagtataka sila kung paano ko napagtitiisan ni Ella. Maraming nakikipagkaibigan sa kanya pero lagi siyang nakabuntot sa akin. "Ikaw naman kasi *paghinto niya habang humaharang sa harapan ko.* Why didn't you just admit it yesterday? Para at least next time hindi ka na tatakbo." "Nasisiraan ka na ba? Kung umamin ako sa kanya kahapon, hindi na talaga ko tatakbo kasi wala na kong mukhang ipapakita sa kanya." "Malay mo gusto ka rin niya." Nag-face palm siya at mas lalo pa kong kinulit. "Malay lang 'yon. Walang kasiguraduhan," sagot ko at huminto na nang makarating kami sa tapat ng faculty. Dahan-dahan akong sumilip at sinuyod ang paligid. "Wala pa si Sir Fing," bulong ko. "Alam mo, best? Umamin ka na." Pangungulit niya pa rin. Hindi ko na siya pinansin at tinalikuran na para magtungo sa classroom pero hindi siya tumigil. Ang kulit. "Nandiyan na pala si Ella," bungad sa amin ni Alessandra, block president namin. Nilampasan nila ko at inakay si Ella papunta sa pwesto nila kanina. Napataas tuloy ako ng kilay habang nauupo na sa pwesto ko. "Ah, hindi pa. Kakausapin namin mamaya si Sir Fing." Mabilis na pagtanggi sa kanila ni Ella. "Bakit pa? Ayaw mo ba kaming maka-group sa thesis?" "Ahm, hindi naman sa gano'n," ilang niyang sagot habang pasimple kong kinakambatan na tulungan siya. "Kung gano'n dapat tayo na ang magka-group. 'Wag mo nang sabihin kay Sir Fing." "Kami na nga ang groupmates. Bakit kasi pinipilit niyo pa siya?" sabat ko at bigla namang tumayo si Jacky na parang naghahamon kaya tumayo rin ako. "Ano?" Mayabang kong lapit. Nagpamulsa ko at nakipagtarayan ng tingin sa kanya. Wala akong inaatrasan kaya hindi niya ko matatakot. Baka mamaya ingudngod ko pa siya tapos iiyak-iyak siya. "Bakit sila nag-aaway?" rinig kong tanong ni Paulo kaya napatingin agad ako sa pwesto niya. Nakasuot pa rin siya ng jersey at ang hot niyang tingnan. Bakit ngayon pa siya dumating? Kung kailan naman handa na kong pumatol kay Jacky. Mabilis tuloy akong lumayo at tumabi kay Ella na nagpipigil ng tawa niya. "Wala ka pala, e." Mayabang na smirk ni Jacky sa akin. Nakakairita! "Pinag-aawayan niyo si Ella para sa thesis?" Lumakad siya sa gitna namin at ang bango niya kahit mukhang galing siya sa training. "'Yan kasing si Cindy, akala niya yata ay pagmamay-ari niya si Ella," sagot ni Jacky at inirapan ako. "Huwag ka nga! Gusto mo lang namang maka-group si Ella para makapasa ka sa thesis!" Mataray kong irap din sa kanya. "Ah, talaga? Eh, ano pa lang tawag sa'yo?" "Huwag na kayong mag-away. Sabi ni Sir Fing kahapon, kami raw ni Ella ang magiging magka-group," saway niya sa aming dalawa at hinila na si Ella palayo. "Sabi ni Sir?" Tiningala siya ni Ella at tumango naman siya habang nakangiti pa rin. Ang gwapo niya talaga. "Pero si Cindy." Tumuro siya sa pwesto ko habang bumabaling kaya umiwas agad ako ng tingin. Malumanay akong naupo sa pwesto ko at nagkunyaring walang naririnig. "Kakausapin namin siya mamaya ni Cindy," dugtong ni Ella. Tumango lang si Paulo at ngumiti kaya na-starstruck na naman ako. "Hinawakan ka niya," manghang-manghang bulong ko nang maupo na siya sa tabi ko. "At nainggit ka naman," biro niya at nginisihan ako. Nang dumating na si Sir Fing para magturo. Hindi na ko naka-imik pa tungkol sa thesis. Paano pa ko iimik? Kung si Ella nga, kanina pa nagpapapansin pero wala. Para siyang walang naririnig. Ang init talaga ng dugo sa akin niyang si Sir Fing. Ilang beses niya na kong pinapagalitan sa harapan ng klase. Kesyo mali raw ang grammar, spelling o kaya ang sagot ko. Wala naman akong maisip na dahilan para pag-initan niya ko nang ganyan. "Ayos ka lang? Hayaan mo na. Wala pa naman daw fixed group," panimula ni Ella para pagaanin ang loob ko. "Teka? Si Paulo, oh!" Pag-iba niya agad ng usapan nang hindi ako sumagot at bumusangot lang. "Dali na tara na kay Paulo." Pangungulit niya. Gusto ko pa sanang mag-drama pero alam niya talaga ang kahinaan ko. Lumingon agad ako doon at napangiti. "Malay mo naman kasi matalino rin ang masamahan mo sa thesis. Kaya 'wag ka nang bumusangot diyan. Hindi lang naman ako ang matalino sa loob ng classroom." "Oo na," mahinang sagot ko habang nagbababa ng bag sa damuhan. "Isipin mo na lang, may posibilidad na magka-group kayo ni Paulo." "Asa pa ko." Tinawanan niya ko sa sagot ko at naupo na rin sa nilatag niyang panyo sa damuhan. Puno na kasi ang bench sa paligid kaya dito kami sa damuhan pumwesto. "Sa tingin mo, anong gusto niya sa babae?" napaisip kong tanong. "Dancer? Hindi ba lahat ng ex-girlfriend niya puro magagaling sumayaw?" "Totoo?" "Siguro." "Hindi ako marunong sumayaw." Nag-aalala kong hawak sa braso niya at tumawa naman siya. "Tawa ka ng tawa palibhasa maraming nanliligaw sa'yo." "Best, lagi mong idina-down ang sarili mo. Ang ganda mo kaya at may nanliligaw din naman sa'yo, ah. Kaso lang puro ka si Paulo, si Paulo.. Walang katapusang si Paulo." "Tsk." Ngumuso lang ako at muling bumalik ng tingin kay Paulo. Hindi ako naniniwalang maganda ko dahil kung totoo ang sinasabi niya, edi sana matagal na kong napansin ni Paulo. Kaso nakakarami na siya ng girlfriend pero heto pa rin ako at nganga. "Best." Parang niyanig ang mundo ko at mahigpit na napahawak kay Ella. "Sino naman 'yong kwago na 'yon?!" Napatayo ako sa gulat dahil sa malanding nagpupunas ng pawis ni Paulo. "Kwago talaga, best?" Tumawa siya at pinalo pa ko sa braso. "Cheerleader natin 'yan." "Cheerleader? Bakit ang landi niya sa baby ko? Sila ba? Gawain ba 'yan ng cheerleader ngayon?" tuloy-tuloy kong reklamo. "Hindi ko alam. Hindi ko naman nabalitaan na may girlfriend na ulit siya." Lalong bumigat ang pakiramdam ko habang pinapanood silang dalawa na naglalandian sa soccer field. "Ayos ka lang?" Hindi na ko sumagot at tumalikod na para makaalis. Bakit ba ganito? Pakiramdam ko ang malas-malas ko ngayong araw. "Mas maganda ba sa akin 'yong kwago na 'yon?" Inis kong baling kay Ella na hingal na hingal. Nagmostra siya sa akin ng 'wait lang' kaya nag-crossed arms na muna ko. "Mag-aral na kaya akong sumayaw?" "Just be yourself. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo." "Just be yourself. Eh, hindi niya nga ako mapansin," nagmumuryot kong usal. "Nandiyan na pala si Manong Ed. Paano? Bukas na lang? 'Wag kang mag-alala at hindi ka naman sure na sila talaga!" Huling tawa niya bago tumakbo papuntang kotse. Napa-pout na lang ako habang nagpapatuloy na sa paglakad. Hindi pa rin ako sanay hanggang ngayon. Nakakalimang girlfriend na yata si Paulo simula highschool kami, pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong mapansin niya. Kung hindi lang siguro ko tumatakbo tuwing lalapit siya. Kung may lakas lang siguro ko ng loob. "Bilisan niyo!" "Aray! Wala ka bang mata?!" sigaw ko. Muntik na kong matumba at hindi man lang siya lumingon sa akin. Grabe! Hay! Grabe talaga! Badtrip na nga ako tapos may mangbubungo pa sa akin? At hindi pa marunong mag-sorry! "Sige, tumakbo ka lang! Yari ka sa akin! Alam ko lahat ng pasikot-sikot dito, lahat ng lalabasan at papasukan! May blue print kaya ako ng bayan na 'to! Hige, takbo lang! Yari ka talaga sa akin!" asar kong sigaw. Sinimulan kong ibaba ang leggings ko na natatakpan ng palda at sunod kong inalis ang ID ko. "Yari ka ngayon. Maling babae ang binunggo mo," bulong ko sa hangin bago tumakbo nang mabilis. Napaihip ako sa bangs ko habang sinusundan siya. Kapag nahuli ko talaga siya. Yari talaga siya sa akin. Makikita niya ang bagsik ko. CINDY'S MOTHER POINT OF VIEW "Pasensya na kayo sa anak namin. Medyo marami lang sigurong ginawa sa school nila," mahinahon kong sabi habang tumitingin sa orasan. Asan na ba 'yong batang 'yon? "Itext mo na," bulong sa akin ni Edgar, asawa ko. "Sa tingin mo ba hindi ko pa nagawa? Kanina pa siya hindi nagre-reply," naiinis kong bulong sa kanya. "Nakakahiya na sa kanila." "Bakit hindi ikaw ang sumubok? Tawagan mo at baka sumagot sa'yo." Hindi kami magkasundo ni Edgar sa lahat ng bagay. Kaya hindi ko rin masisisi si Cindy kung bakit lagi niyang gusto sa labas ng bahay. Pero alam na alam niyang may mahalagang okasyon ngayon pero wala pa rin siya! "It's fine. Wala pa rin naman ang anak namin."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
178.4K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.6K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

Dangerous Spy

read
310.2K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.2K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook