CHAPTER 06

3392 Words
CINDY POV FLASHBACK "Hi, busy ka ba?" Napatigil ako sa paglalakad nang humarang si Paulo sa daan ko. Hindi ko tuloy mapigilang mangiti nang sobra.  "Hindi naman," sagot ko habang lalong lumalapit sa kanya. "Mukhang maganda araw mo ngayon, ah." Ngumiti siya na parang kinakabahan kaya napakunot ako ng nuo. Syempre kinausap niya ba naman ako. Edi sobrang saya ko. "May itatanong lang sana ko sa'yo." Nahihiya niyang bulong sa 'kin habang namumula.  My eyes widened. Magtatapat ba siya? Bakit namumula siya? "Anong sasabihin mo?" Kinikilig kong tanong sa kanya habang magkaharap kaming dalawa. Ramdam ko ang tensyon sa mga mata niya kaya naman lalo akong kinabahan. "Kasi gusto kong ligawan—" "Ano?" Nabitin kong tanong. Tumingin siya ulit sa 'kin at hinawakan pa ko sa magkabilang balikat. Habang nakatulala ako sa mga mata niya. Hindi ko mapigilang tanungin ang mundo kung totoo ba 'tong nangyayari. "Gusto kong ligawan si Ella," mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko. Para kong nanghina dahil doon sa sinabi niya. "Ano?" Pagpapaulit ko. "Gusto kong ligawan si Ella pero ayaw niya kasi kaibigan ka raw niya." Tuloy-tuloy niyang paliwanag. "Alam kong maiintindihan mo naman ito, 'di ba?" Napanganga ko habang sinasabi niya 'yon. Bakit parang ako pa ang masama? Ayoko ng ganito kaya pinilit kong ngumiti. Huminga ko nang malalim at muling nagsalita. "Sinabi niya 'yon? Haha! Ano ka ba? Ayos lang sa 'kin kung gusto niyo ang isa't isa." Nanginginig ang mga kamay ko habang sinasabi 'yon sa kanya. Feeling ko nagunaw ang mundo ko pero sino ba ko para humadlang sa kanila, 'di ba? "Hayaan mo, kakausapin ko si Ella. Ako ang bahala sa'yo." Lakas loob kong tapik sa kanya na parang wala lang. "Salamat." Ngiti niya sa 'kin. Sa ngiti niya na 'to ngayon lalo akong nasasaktan. END OF FLASHBACK "Bakit ako magagalit? Wala naman akong karapatan." Napapikit na lang ako habang tumutulo ang luha. "Cindy?" Biglang pasok ni Sean sa kwarto ko. Umayos agad ako at nagpunas ng luha. "Umiiyak ka na naman ba?" Kunot nuo niya pang tanong. "Hindi, ah!" Palusot ko pero hindi tumalab. Nagpamewang siya sa harapan ko at lalo pa kong tinitigan nang matalim. Napabuntong hininga na lang ako. "Oo na." "Para kang timang," bulong niya habang umaalis ng tingin sa 'kin. Napatayo agad ako dahil do'n. "Sa 'kin ang tapang-tapang mo. Eh, kung sa kanya mo 'yan ipakita. Tutal naman iyak ka ng iyak dahil lang sa lalaki na 'yon." "Kung nandito ka para pagalitan ako. Lumabas ka na lang." "Sama ka? May bibilin ako sa labas," aya niyang bigla. "Kung gusto mo lang naman kesa umiiyak ka lang diyan." "Bakit parang bumabait ka sa 'kin?" Napangiti ako habang sumusunod sa paglabas ng kwarto.  Bumaling siya ng tingin sa 'kin at ngumisi pa. "Ikaw lang naman ang masungit." "Hindi ako masungit! Epal ka lang kasi!"  "OH! Tignan mo nga!" Balik niya agad sa sinabi ko. Napailing na lang ako habang natatawa sa kanya. Wala sila Mama ngayon dahil may business meeting sila kaya naiwan tuloy mag-isa si Momoy sa bahay. Ayaw naman nitong isama. "Ah! Alam ko na ang bibilin ko. Bibilan ko ng dog food si Momoy." "Momoy na naman," bulong niya. "Ano ba ang minumuryot mo diyan?!" Linga ko sa kanya habang nakabusangot siya at nakasama sa 'kin ng tingin. "Hay, ewan ko sa'yo." Walang magawang irap ko na lang sa kanya. "Oh?!" Gulat kong tingin sa nagpapa-free taste sa kabilang kalye. "Ikaw na muna ang bumili ng dog food. May titignan lang ako do'n." Mabilis kong paalam sa kanya. "Teka?! Bakit ako?! Kung iluto na lang natin 'yong aso na 'yon, edi nabusog pa tay—" "LUMUBAY KA, AH!" Balik ko ng tingin sa kanya mula sa malayo. Parang bata naman siyang nagpapadyak kaya napailing na lang ako at natawa sa kanya. "Kuha ka ng isa." Nakangiting bati sa 'kin ng ale. "Wow, ha! Kakain ka talaga dito tapos ako pinabibili mo ng dog food?" Sarcastic na lapit ni Sean kaya napangiwi ako.  "Malay ko bang gusto mo." Nginitian ko siya habang hinihila palapit. Nakatingin lang siya nang masama habang naka-crossed arms pa kaya inabutan ko na siya ng sausage. "Oh, para kang bata!"  "Ayoko, sa'yo na lang." Nagtampo pa siya. Naku, kaarte. "Bahala ka." Ngisi ko sa kanya at kinain 'yon agad. "Ay, talagang!" Tingin niya pa ulit sa 'kin. "Sabi mo, ayaw mo." "Ewan ko talaga sa'yo!" Umirap siya at naglakad nang palayo. Baliw talaga 'yon. Tsk. "Ate, isa po nito." Mabilis kong turo habang bumibili. "Saka kukuha pa po ako ng isa." Pagpapaalam ko sabay kuha ng isa pang sausage. Tumakbo agad ako pagkabayad at hinabol siya. Ang sungit-sungit. "Hoy! Eto na." Hinawakan ko siya sa braso sabay abot ng sausage. "Ayoko na. Kainin mo na rin 'yan." "Luh? Ang landi mo ngayon." "Ano? Ako, malandi?" Turo niya sa sarili niya habang tumitigil sa paglakad. "Oo." Walang alinlangan kong sagot. Bigla naman siyang nag-smirk habang unti unting nagseseryoso ng mukha. "Alam mo bang ang weird mo?" 'Di makapaniwalang tanong ko sa kanya sabay subo ng huling sausage. Tinalikuran ko siya agad nang mag-react na naman siya dahil sa ginawa ko. "Talagang kinain mo pa 'yon!" Angal niya pang habol. Natatawa ko sa kanya para siyang baliw. "Bibili talaga ko ng marami niyan at hindi kita bibigyan!" Pagmumuryot niya kaya agad kong tinaas ang binili kong sausage. "Eh, ano naman? Mauubos din 'yan." Irap niya pa. "Oh? Gusto ko rin no'n!"  "Kita mo? Hindi kita bibigyan." Mayabang niyang sabi kaya tinignan ko siya nang masama. "Baliw! Ayon ang sinasabi ko." Turo ko agad sa kanya sabay hila. Napaawang ako ng labi habang pinagmamasdan ang mga pang pony at clip sa buhok. "Ang gaganda," bulong ko habang nagsusukat. "Maganda ba?" Baling ko sa kanya. "Hindi." Masungit na naman niyang sagot kaya inirapan ko agad siya at bumalik ng tingin sa salamin.  "Ang killjoy mo." Pagpaparinig ko. "Eto ang bagay sa'yo." Tinaas niya ang isang kulay pink na pang pony. Maraming glitters at may mga stars pang design.  "Ano ko, bata? Ayoko niyan." "Ayaw mo na agad? Hindi mo pa nga nasusukat." Seryoso niyang sabi sa 'kin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang pumunta siya sa likuran at hinawakan ang buhok ko.  "Ako na." Naiilang kong agaw ng buhok ko sa kanya. Tumingin siya sa 'kin mula sa reflection namin sa maliit na salamin at ngumiti. "Ako na," bulong niya. Hindi niyo lang alam kung gaano niya napabilis ang t***k ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pagpusod niya sa 'kin. Kalma lang self si Sean lang 'yan. "Ang gwapo niya, oh!" "Guys! Dali bili tayo do'n!" Rinig kong kinikilig na sabi ng mga babae sa isang gilid. Nainis tuloy ako at tinignan sila nang masama mula sa reflection ko sa salamin. "Ayan! Kita mo na? Bagay sa'yo." Ngumiti siya at nagpamewang habang nakatitig sa 'kin. "Paano ka natutong mag-pony?" Hanga kong tingin sa salamin. "Bagay pala sa'yo kapag naka-pony ka. Hindi 'yong lagi kang nakalugay." Dapat iirapan ko na siya ngayon sa sinabi niya pero bakit hindi ko magawa. Pakiramdam ko natuwa pa ko sa sinabi niya. "Miss?" tawag niya bigla sa nagtitinda kaya natauhan na ko. Bakit ba ko napapatitig na lang bigla sa kanya? "Magkano 'to lahat?" Turo niya sa isang kumpol na pang pony kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Bibilin ko lahat 'yan pati 'tong suot niya. Isama mo na rin 'tong mga clip." Tuloy-tuloy niyang sabi kaya napanganga ko habang pabalik balik ng tingin sa kanya at doon sa mga tinda ng babae. "Salamat po." Tuwang tuwa niya tuloy na sabi habang yumuyuko pa. "Binili mo lahat ng tinda niya." Gulat kong bulong habang naglalakad na kami palayo. "Oo, para sa'yo." Seryoso niya lang na sabi habang naglalakad. Pa-fall ang hanep. "Saka akina nga 'yang bibit mo para wala kang dala." Inagaw niya sa 'kin ang dala ko bago pa ko makapag reklamo sa kanya. Self huwag kang kiligin. "Woah? Bakit parang kainit, 'no?" Ilang kong bulong habang nagpapaypay ng kamay ko. Sinulyapan ko naman siya pero nag-smirk lang siya. Bwisit ang gwapo. "Ano bang bibilin mo?" tanong ko habang lumilinga linga sa paligid. "Gumilid ka nga. Dito ka sa kabila." Seryoso na naman niyang utos habang pinapalipat ako. 'Di ko maiwasang mangiti sa kanya. "Kapag naglalakad tayo sa kalsada. Diyan ang puwesto mo," dagdag niya. Bakit ang sweet niya? Kinikilabutan na ko sa mga ginagawa niya. "Huwag kang tumitig sa 'kin, tumingin ka sa daan." Sulyap niya kaya napaalis agad ako ng tingin. "Asa ka namang tinititigan kita." Pagbawi ko sa sinabi niya. "Dito tayo." Hila niya sa 'kin kaya napatingin agad ako sa kamay niya. "Book store," bulong ko. "Oo, bakit? Hindi ka ba mahilig magbasa?" "Mahilig ka?" Gulat kong tanong na ikinatawa niya. Hindi na siya sumagot sa 'kin at pumasok na agad do'n. Ang cool niyang tignan habang lumalakad. Seryoso pa siyang namimili ng libro kaya napapanganga pa ko kung minsan. Nababaliw na yata ako. "Hi! Nagkita ulit tayo." Malanding bati sa kanya ng babaeng naka maiksing palda. Libro ba talaga ang gusto niya rito? Buset siya. "Hello, ikaw pala ang sinasabi niya." Lapit pa ng dalawa. Nagpamewang na lang ako mula sa kabilang dulo habang pinapanuod sila. Ang lalandi, ah. Sarap isawsaw sa mantikang kumukulo. "Ang sungit mo naman." "Alam mo ba? Ito ang bagong labas ngayon na libro."  Aba, mukhang matibay naman pala siya. Hindi niya pa rin pinapansin 'yong mga babae hanggang ngayon at naka diretso lang ang tingin sa mga libro. "Honey! Nahanap ko na!" Baling niya sa 'kin habang pinapakita ang isang libro sa kamay niya. Sa sobrang gulat ko, nanlaki talaga ang mga mata ko. Umirap irap pa sila sa 'kin dahil sa kanya. "Tara na." Akbay sa 'kin ni Sean kaya napasunod na lang ako. "Honey?" 'Di makapaniwalang bulong ko sa kanya habang nakaawang pa rin ang mga labi ko. "Bakit? Ano bang gusto mo? Baby?" Tawa niya habang nagbabayad sa cashier. "Baliw," bulong ko habang naiiling sa kanya. Pagkatapos naming bumili doon, pumunta pa kami sa supermarket. Ewan ko ba naman sa lalaki na 'to. Parang mas babae pa siya kaysa sa 'kin. "Bakit ba ang dami mong binibili?" angal ko sa kanya. Paano naman wala na kong energy at ang sakit-sakit na ng mga paa ko. "Gusto mong sumakay dito?" Baling niya pa sa 'kin habang nakaturo sa cart. "Kung pwede lang, e! Edi napalabas tayo rito..." Papahina kong sagot sa kanya. Ngumisi naman siya at bigla na lang akong binuhat kaya napabalikwas pa ko. "Dito ka lang naman." Lagay niya sa 'kin sa harapan niya habang naka apak ako sa cart. "Hindi ka nila mapapansin diyan. Maliit ka naman, e." Pang-aasar niya kaya tinignan ko siya nang masama. "SINONG MALIIT?"  "Nagagalit ka na naman." Tumawa siya. "Bakit? Aba! Ilang inches lang naman ang nilaki mo sa 'kin," reklamo ko. "Oo na, kumapit ka na lang." Hinawakan niya ang kamay ko na dahilan ng pagtigil ko. Mabilis na lang akong bumaling sa harapan nang yumakap siya sa 'kin mula sa likuran. Ang lakas na naman ng t***k. Gusto ko nang umalis sa pwesto naming dalawa at para makatakbo na ko. Hindi ako makahinga. Tumigil siya sa isang hilera kaya parang napatigil din ang t***k ng puso ko.  "Gusto mo ba nito?" Pagbitaw niya ng isang kamay habang umaabot ng chocolate. Pinakita niya sa harapan ko 'yong toblerone na may rose na design sa lalagyanan at pilit akong tinignan mula sa likuran ko. "Ano?" ulit niyang tanong.  Sobrang lapit niya sa 'kin kaya hindi ako makatingin sa kanya. Tumango na lang ako habang kinukuha 'yon sa kamay niya. "Bakit parang naiilang ka?" "H-hindi, ah. Napapagod lang ako." "Talaga lang, ha?" Pang-aasar niya pa habang lalong dumidikit sa 'kin. Okay naman siyang kasama kaso lang ang dami laging tumitingin sa kanya. Para siyang alien na ngayon lang nadiskubre ng mga tao. Tingin sila ng tingin tapos kala mo mga kinukuryente. Ang sarap ipalamon sa mga tigre. "Ayos ka lang?" bati niya sa 'kin habang naglalakad na kami pauwi. Tinignan ko siya agad at inusisa ang mukha niya. Singkit ang mga mata niya, matangos ang ilong, kulay rosas ang labi, matangkad at maputi. "Nakatitig ka na naman sa 'kin," angal niya. "Inaalam ko lang kung bakit ka nila pinagtitinginan." Nag-crossed arms ako. "Paano naman kasi.. Nagpakulay ka pa ng gray tapos ganyan ang itsura mo. Sa tingin ko, pinagkamalan ka nilang idol." Paniningkit ko sa kanya. "Cindy, huwag mo na kasing i-deny na gwapo ko." Mayabang niya namang sabi kaya napanganga pa ko. "Swerte ka kasi ako ang mapapangasawa mo," dagdag niya pa habang nilalapag sa sala ang mga pinamili namin. "Ang yabang mo talaga, hano?" "Totoo lang ang sinasabi ko." Baling niya pa sa 'kin.  Umirap na lang ako habang natatawa sa mga sinasabi niya. Bigla namang tumahol si Momoy habang tumatakbo palapit sa amin kaya napahinto ako. "Nakalimutan nating bumili ng dog food!" sigaw ko agad. "Bakit hindi mo pinaalala? Ang dami no'n sa supermarket!" Balik niya sa 'kin. "Nakalimutan nga, 'di ba?!"  "Bukas ka na lang bumili. Papayatin mo muna si Momoy." Ngumisi siya. "Maaga pa naman. Bibili na muna ko." "Anong maaga pa? Alas-singko na." Hinila niya ang damit ko kaya tinignan ko siya nang masama. "Sorry." Ilang niya pang sabi nang malilis 'yon. "Manyak ka ba?" Asar kong ayos ng damit ko. "Grabe! 'Di ko naman sinasadya saka wala naman akong nakita!" Namumula niyang sigaw habang tumitingin pa sa ibang direksyon. "Last mo na 'yon. Isa pa at tatanggalan na kita ng kamay." Pananakot ko habang lumalabas na ng bahay. "Hintayin mo naman kasi ko. Sasamahan ka na nga, e." Habol ni Sean kaya mas binilisan ko pa ang paglakad. "Saan ka ba bibili?" Hinihingal niyang tanong kaya napangisi ko. "Kabagal mo pala." Mayabang ko pang sabi at tinalikuran siya. "Pinagtri-tripan mo ba ko?" angal niya na lalo kong kinatuwa. "Bilisan mo at maggagabi na!" sigaw ko. SEAN POV Sinamahan ko na nga tapos iniwan na naman ako. Ibang klase talaga siya. "Bilisan mo!" sigaw niya pang utos sa 'kin habang tumatawid. "Kung k*****y na lang kasi 'yon edi san-" "Naririnig pa kita!" hiyaw niya na naman. "HAY!" Inis kong angal sabay sipa sa bato. Nakakainis talaga 'yong aso na 'yon. Hindi niya man lang ako bigyan ng kahit konting atensyon. "Puro na lang momoy momoy momoy! Oh? Magkasama na naman sila? Bakit ang sweet nilang dalawa? Sila na agad?" bulong ko nang mahagip ng mata ko sina Ella at Paulo na nasa coffee shop. Yari na naman. "Hoy, ikaw! Sabi ko sa'yo bumili ka na ng dog food! Napagkatagal tagal mong kumilos!" biglang sigaw ni Cindy sa 'kin kaya naman napa atras ako sa gulat. "Ano bang problema mo?" Nagtataka niyang tanong. Lilingon pa siya sa coffee shop kaya hinila ko agad siya papunta sa 'kin. "Ano bang problema mo?! m******s!" angal niya sabay tulak sa 'kin. "Halika na. Walang dog food dito." Hila ko agad sa kanya palayo. "Anong wala?! Pet shop 'yon?!" "Hindi masarap ang dog food nila," sagot ko. "Bakit nalasahan mo na ba?" Natatawa niya pang tanong. Ayos nang magmukhang tanga ngayon kesa umiyak ka. "Oo, gusto mong tikman?" sagot ko sabay lapit sa kanya ng mukha ko.  "Huwag ka ngang bigla biglang lumalapit sa 'kin." Pagtulak niya mismo sa mukha ko. "Teka?! Namumula ka ba?" Gulat kong titig sa kanya kaya natawa ko. "Kinikilig ka ba sa 'kin?" dugtong ko pa habang inuusisa ang mukha niya. "Tumigil ka nga! Hindi ka pa ba lalakad diyan? Baka nami-miss na ko ni Momoy."  "Momoy ka ng momoy. Mamaya magkapalit na kayo ng mukha." Inis kong irap at pumasok na ng pet shop para bumili ng dog food. "Oh? Bakit 'di ka pa luma—" Napatigil ako nang makita ko siyang nakatayo lang at nakatingin sa kabilang kalasada. Kung saan naglalakad sina Ella at Paulo, nagtatawanan sila at magkahawak kamay. s**t, ang sakit no'n. Dapat pala hinila ko na siya agad. Lumandi pa kasi ko. "Cindy..." Mahinang tawag ko sa kanya habang hinawakan ko ang kamay niya. "Tara na," aya ko sa kanya sabay hila. Lumakad din naman siya. Mas minabuti kong mauna na sa paglalakad at hindi muna lumingon sa kanya. Basta hawak ko ang kamay niya. Alam kong umiiyak siya. Ano naman ang pwede kong gawin? Magagalit lang ulit siya sa 'kin. Hay. "Teka? Kala ko ba uuwi na tayo?" angal niya habang hinila ko siya papasok ng fast food. "Meryenda muna tayo," aya ko sa kanya sabay ngiti.  "Gusto ko nang umuwi. Okay lang naman ako." "Tss, okay ka ng okay diyan. Eh, parang hindi ka naman talaga okay." Sapilitan ko siyang pinaupo sa isang pwesto. Ako na ang umorder para sa 'ming dalawa. Hindi ako mapakali sa itsura niyang 'yon.  Inilapag ko ang fries at sundae sabay ngiti sa kanya. "Ang dami naman niyan." Nagpupunas luha niyang angal sa 'kin. "Hay, lagi ka na lang umaangal. Alam mo sabi kasi nila kapag umiiyak ang babae. Ang kailangan lang niyan ay pagkain. Kaya ayan! Taaadaa! Maraming fries at sundae. Ayos ba?" Nakangisi kong sabi. "Sira ka." Bigla niyang tawa sa 'kin kaya naman nginitian ko lang siya. "Cindy, anong hayop ang laging ayos lang?" Pagbibiro ko sa kanya. "Ako ba ang tinutukoy mo?" Sinamaan niya ko ng tingin. "Bakit hayop ka ba?" angal ko rin pabalik sa kanya. "Ano?"  "Edi! Ox! HAHA!" sigaw ko sabay thumbs up. "Hindi nakakatuwa." Seryoso niyang sabi. "Grabe ka naman! Pinapatawa ka na nga diyan, e," angal ko sa kanya sabay kurot ng pisngi niya. "Aray!" sigaw niya kaya naman agad kong binitawan ang pisngi niya. Namumula. Lagot na naman ako. "Ang sakit! Sa waley ang joke mo, e."  "O'sige eto pa. Anong hayop ang hindi sigurado?" "Edi, Baka. Ano ba 'yan waley talaga." "Bakit kasi inuunahan mo ko?!" "Eh, sa alam ko ang joke na 'yon, e." "Eto pa! Ahem. Anong hayop ang laging nauuntog?" "Wah! Bago 'yan, ah. Sige, ano?" "Edi, DOGGG! HAHAHA!" Tuwang tuwa kong sigaw sa kanya habang pumapalakpak. "Aaiisst! Kumain ka na nga lang. Nakakahiya." Pagbawal niya sa 'kin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Nakakainis ka." Parang bata kong bulong sa kanya. Maya maya pa, nakita kong umaliwalas na ang mukha niya kaya napangiti ako. "Salamat." Mahinang sabi niya habang nakangiti. "Buti naman at ngumiti ka man lang." "Alam mo kahit waley ang mga jokes mo. Salamat pa rin kasi pinipilit mo kong patawanin." Tuloy-tuloy niyang sabi kaya napataas pa ko ng kilay. "Ikaw!" Hindi ko napigilang sigaw kaya napatingin ako sa paligid. Napatingin tuloy silang lahat. "Aiist! Okay na sana at nagpasalamat ka. Pero masyado mong minamaliit ang mga jokes ko!" Inis kong sabi habang umiirap sa kanya. Padabog akong kumain ng sundae at inis na nilapag ang lalagyan sa lamesa. "Sige eto, anong hayop ang laging napuputol?" asar kong bulong sa kanya habang bumabawi. "Pffft! Haha! Tumigil ka na nga. Okay na ko. Itago mo na lang 'yang joke mo." Tawa niya. "Sige na kasi last na 'to!" "Okay, sige. Ano?" "Edi CAT!" sigaw ko sabay tawa sa kanya. Kaso hindi siya natawa at nag-crossed arms pa habang naka seryoso ang mukha. "Last na yan," sabi niya kaya napa-pout ako. Ang sungit. Siya na nga lang 'tong pinapatawa. Saka isa pa! Kung hindi niya lang alam dahil sa mga jokes ko madaming babae ang humahabol sa 'kin. Tapos ginaganito niya lang ako? Huh! Grabe hindi ako makapaniwala. Nakakatuwa naman ang mga jokes ko, 'di ba? "Bakit bigla kang tumahimik diyan?" Nakangisi niyang tanong sa 'kin habang papalabas kami ng fast food. Tinignan ko lang siya nang seryoso habang binubuksan ko ang pintuan. "Bakit ba?" Nagtataka niyang tanong sa 'kin habang magkasalubong na ang kanyang kilay. Kaya naman natawa ako. Bukas na ang pinto at malawak na ang tatakbuhan ko. Pwede na... Nginisihan ko siya sabay tanong "Cindy, anong hayop ang pinakapangit sa lahat?"  "Ano?" tanong niya habang nakatayo lang. "Edi, IKAW! HAHA!" sigaw ko sabay takbo nang mabilis. "Hoy! Ikaw hayop ka! Humanda ka sa 'kin! Papatayin talaga kita!" Asar na asar niyang sigaw sa 'kin. Kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo. "Cindy! Anong hayop ang mukhang mongoloid?!!!!" sigaw ko ulit mula sa malayo nang magpahinga siya sa sobrang hingal sa pagtakbo. "Ano?!" Galit niyang tanong sa 'kin. "Edi I-COW! HAHAHA!" sigaw ko ulit sa kanya sabay peace sign. Agad niya ulit akong hinabol kaya naman tumakbo ko nang tumakbo. Nakakatawa siya. Balik ulit sa normal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD