CHAPTER 07

3194 Words
CINDY POV "Mula sa aking bulsa agad kong hinugot ang isang baril at itinapat ito sa kanilang dalawa. Pinagtaksilan niyo ko at BOOM!"  Kanina ko pa siya tinatawanan sa harapan habang umaarte siya para sa play. Noong sinabi ni Ma'am Vanessa na siya na ang bida, todo tango agad. "Okay! Cut!" sigaw ni Ma'am Vanessa kay Sean kaya nagpalakpakan na ang lahat. "Ang gwapo talaga ni Sean." "Bagay talaga sa kanya ang leading man." "Ma'am Vanessa? Hindi ba parang medyo marahas ang play natin compare sa ibang department?" Nagtaas ako ng kamay. "Oo nga, kung Romeo and Juliet na lang kaya ang gawin natin?" sabat ni Ella sa sinabi ko kaya bigla akong napatahimik. Alam ko namang kanina pa siya nasa likuran ko. Hindi ko lang siya mapansin dahil kay Sean. Sulyap siya nang sulyap sa 'kin na para bang may katangahan akong gagawin lagi. Katulad ngayon, nakatitig na naman siya sa pwesto ko habang nakapamewang sa itaas ng stage. "Okay sige, palitan natin. Ella, tutal naman ikaw ang nakaisip. Pumunta ka na sa stage at Pauloooo!" Nilingon ni Ma'am si Paulo na nagpipintura ng props.  "Ako na nga ang bida, nakisali ka pa." Lumapit sa 'kin si Sean. Siya lang at ako ang hindi natutuwa sa nangyari. "Grabe, asan ang hustisya? Kanina ako ang tinitilian nila tapos ngayon siya na." Hindi ko na gano'ng mapakinggan lahat ng sinasabi ni Sean dahil nakatuon na lang ngayon ang atensyon ko sa itaas ng stage. Nagtatawanan silang dalawa habang may pinapaliwanag sa kanila si Ma'am Vanessa. I can't stop myself from running away. Nasasaktan ako.  Pinili ko na lang muna na maupo sa isang gilid malayo sa lahat. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa nangyari. Sa dinami rami ng mga naging girlfriend niya. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. I feel betrayed. "Tumayo ka nga diyan. Para kang sira." Tinaas ko ang tingin kay Sean na nakatayo na sa harap ko.  "Umalis ka muna." Pilit kong salita sa bawat paghikbi ko.  "Naiinis na ko sa lalaki na 'yan. Walang ginawa kundi paiyakin ka. Kahirap mo pa naman patahanin. Kailangan ko pang magmukhang tanga para lang mapatawa ka." "Bakit sinabi ko bang patahanin mo ko? Ang sabi ko nga sa'yo umalis ka na." Umiiyak kong tingin sa kanya. Hindi siya umalis at naupo pa sa tabi ko habang seryoso ang mukha. "Ayoko ngang umalis." Seryoso niya kong tinignan at umakbay pa kaya marahan akong napalayo sa kanya. "Huwag ka ngang maarte. Dito ka, dito ka umiyak sa balikat ko." Mahina niyang sabi habang hinihila ako palapit ulit sa kanya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Walang alinlangan na kong sumandal sa balikat niya at umiyak nang umiyak. "Sige lang, iiyak mo lang. Matatapos din 'yan," bulong niya sa 'kin. Lalo tuloy lumakas ang pag-iyak ko dahil sa pagtapik niya sa 'kin.  "Ano? Ayos ka na ba ngayon?" Seryoso niyang yuko habang tinitignan ang mukha ko. Napalayo kami pareho nang may marinig kaming naghahanap sa 'ming dalawa. Kaya inaya ko na siya at pinilit na umayos na mula sa pag-iyak. "Maghilamos ka muna sa CR bago tayo bumalik." Utos niya habang hinihila ko. "Bakit pa?"  "Gusto mong makita nila Ella 'yang mukha mo? Na ganyan?" Balik niya ng tingin sa 'kin kaya naman napabusangot na lang ako habang pumapasok sa CR. Pagkayari kong maghilamos, wala na siya sa labas ng CR kaya bumalik na lang akong mag-isa sa theater. Nakita ko siyang nakatingin sa 'kin mula sa malayo at may kausap ng kaklase namin. "Okay ka na?" Mahinang bigkas niya mula sa malayo. Kaya naman tumango na lang ako sa kanya at ngumiti. Habang tumatagal, gumagaan na ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi naman pala siya gano'n kasamang tao. Lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko ng kausap. "Sean, hindi kasi pwede si Paulo na gumanap bilang Romeo. Ikaw na lang daw sabi nila." Lumapit sa kanya si Ella habang may inaabot na papel. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero nasasaktan talaga ko tuwing makikita ko siya. Parang nagkaroon ako ng inggit na hindi dapat. Napapaisip ako kung ano ang mayroon kay Ella na wala ako. Lagi kaming napag kukumpara ng marami pero ni minsan hindi ko 'yon pinansin. Pero ngayon na alam kong sila na ni Paulo. Lalong bumababa ang tingin ko sa sarili ko. "Sige," sagot ni Sean na ikinagulat ko. Napatingin agad ako sa kanilang dalawa. "Ma'am Vanessa, okay daw po kay Sean!" sigaw ni Ella. "Good. So, Sean and Ella, bukas..."  "Ay, hindi po ba si Cindy ang gaganap na Juliet?" Bigla niyang sabat habang nakaturo pa sa pwesto ko. Tumingin tuloy silang lahat kaya napasandal ako sa kinauupuan ko. Baliw talaga.. "Cindy? Gusto mo bang gumanap na Juliet?" Baling ni Ma'am sa 'kin kaya naman mabilis akong umiling iling habang nakatingin sa 'kin si Ella. "Sabi mo kanina gusto mo, 'di ba?" dagdag pa ni Sean kaya pinandilatan ko siya ng mata. Ngumisi lang siya nang sobra kaya lalo akong nainis. "Okay lang na si Cindy?" Bumaling si Ma'am kay Ella na nakatingin lang sa 'kin. "A-ayos lang naman po." Ilang niya ring sagot. Dahil sa ginagawa ni Sean. Lalo tuloy kaming nailang sa isa't isa. Pakiramdam ko na-guilty ko sa ginawa ni Sean kanina kay Ella. Siya na dapat ang Juliet tapos tinuro pa ko ng bwisit na Sean na 'yon. Napahinto ako sa paglalakad habang pinagmamasdan si Ella na pasakay na sa kotse. Ang hirap naman ng ganito.  "Anong gusto mo melon o buko juice?" Harang ni Sean sa daan ko. "Ano?" tanong niya ulit. Ewan ko pero parang nataranta ko sa pagngiti niya sa 'kin ngayon. "Buko." Mahinang turo ko sa buko juice. "Kuya, isang buko nga saka ako melon." Nakangiti niyang sabi sa manong. "Teka nga. Akin na 'yang bag mo." Inabot niya ang bag ko at isinukbit 'yon sa kanya bago pa ko maka-angal. "Oh." Inabot niya sa 'kin ang buko juice at ngumiti pa. "Salamat." Balik ko ng ngiti sa kanya. "Anong salamat? Kukuha ko ng barya sa bag mo, 'no." Ngumisi siya. "Ano?! Akala ko ba libre mo?" Pagpigil ko sa kanya habang binubuksan niya ang bag ko. "Haha! Joke lang bayad na 'yan." Tuwang tuwa niyang sigaw sa 'kin pati tuloy si Manong natawa sa reaction ko. "Nakakainis ka talaga," bulong ko. "Teka, halika dali fishball tayo." Bigla na naman niyang hila sa 'kin. "Teka baka matapon 'tong buko juice ko," angal ko kay Sean habang hinihila niya ko. Hindi niya naman ako pinansin at dumuro na nang dumuro ng fishball. "Ang takaw."  Hindi ko mapigilang tignan siya mula ulo hanggang paa. Nakakatawa ang itsura niya para siyang bakla dahil sa shoulder bag ko. Pero ang sweet niyang boyfriend. Ang swerte siguro ng mga naging girlfriend niya. "Hoy! Eto na ang fishball mo. Bakit ba ganyan ka makatingin?" Bumaling siya sa 'kin habang punong puno pa ng fishball ang bibig. "Aaiist. Para kang bata," bulong ko na lang sabay kuha ng fishball. "Tumulo na!" Nanlaki ang mata ko sabay punas sa bibig niya ng panyo. "Woah." Mabilis siyang lumayo kaya napataas ako ng kilay. "Bakit?"  "Ako na, kaya ko." Kinuha niya ang panyo ko at nagsimula nang lumakad. Napakagat na lang ako ng labi nang ma-realized kung bakit gano'n ang reaction niya. Nakakahiya. Cindy, hindi kita nakilalang ganyan. "Mabuti at hindi ka sumasali sa gulo ngayon." Pag-open ko ng topic para mawala ang ilang niya. Kanina pa kasi siya tahimik. Napaka-arte niya naman. Pinunasan ko lang naman iyong labi niya. Hindi siya sumagot kaya napabaling agad ako ng tingin sa kanya. "Bakit?" Parang tanga niyang tanong kaya nainis ako. "May sinabi ka ba?" tanong niya pa ulit. "Ewan ko sa'yo." Umirap ako at hindi na nagsalita pa hanggang sa bahay. Ayokong saktan ang sarili ko pero hindi ko maiwasang tignan ang ig ni Paulo. Nakahiga lang ako habang nagi-scroll. May naka-post na picture nila ni Ella habang kumakain ng Ice cream. Mukhang ang saya-saya nila. @seansanchez: Hi, wifey! Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa message ni Sean. Napatayo agad ako habang tinitignang mabuti ang notification ko.  @seansanchez: Walang follow back? Ang damot, ah. Sira ulo talaga. @seansanchez: Ano bang number mo? Buksan mo nga 'tong pinto. Napatingin agad ako sa pintuan ko. Kumakatok siya pero bakit hindi ako makalakad? Nangyayari na naman. Nangyayari na naman! "Online ka lang naman pero ang bagal mong magbukas," reklamo niya pa habang pumapasok at naupo pa sa kama ko. "I-follow back mo na ko." "Bakit ba?" Kunyaring iritable kong tingin sa kanya. "Naka private ka kasi." "So what?" "Syempre titignan ko."  "Ayoko nga." Ngumisi ako at nahiga na sa kama. "Bakit ba ganyan kang makatingin? Kung wala kang magawa sa kwarto mo. Lumayas ka ng bahay. Hindi 'yong ginugulo mo ko rito." "Sige, nag-follow back naman na sa 'kin sina Ella at Paulo."  "Ano? Ang friendly mo, 'no?" Sarkastiko kong sabi sabay tingin sa kanya. Tumawa pa siya at bigla na lang nag-picture. "Hoy!" Tumayo ako. "'Di ba kapag naka-follow kayo sa isa't isa. Makikita na nila 'yong ipo-post mo?" Pang-aasar niya kaya lalo kong inagaw ang cellphone niya pero bwisit! Matangkad na nga siya tapos tumayo pa sa kama ko. "Makikita kaya nila 'tong ipo-post ko?" "Subukan mo!" "Okay." "SEAN!" "Yes?"  "Papatayin talaga kita." Nang gagalaiti ko ng sabi habang nakayukom na ang mga kamao ko. Tumatawa pa siya kaya lalo akong naasar. "Kahit kailan talaga napakabwisit mo!" "Follow mo ko. Hindi ko ipo-post." Nagtaas baba pa siya ng kilay. Talagang nang-iinis. "Fine!" Pagsuko ko. "Ayan na." Pinakita ko sa kanya ang pagpindot ko sa follow button na ikinahinto niya. Muli siyang ngumisi sa 'kin at bumalik na sa pagkakaupo sa kama ko. "Ang konti naman ng post mo." "Ikaw nga tatlo lang tapos nagrereklamo ka pa!" "Yiiee.. bakit mo tinitignan?" "Luh, parang sira ang bwisit." "Tatlo lang 'yan pero thousand na ang followers ko. Paano pa kung marami?"  "Ang yabang talaga," bulong ko habang bumabalik na lang sa paghiga.  Tama, tatlo nga lang ang post niya pero ang dami namang babae na nagco-comment. Napairap na lang ako sa ngiti niya sa 'kin ngayon. Sumandal siya sa isang gilid at bahagyang nahiga rin sa kama ko. "Ang dami mong babae." Napapailing na biro ko sa kanya. "Huwag kang mag-alala. Loyal naman ako."  Napahinto ako sa pag-scroll sa sinabi niya. Bahagya akong bumaling sa kanya at naabutan ko lang naman siyang abala rin sa pagpindot sa cellphone niya. Hindi siya nakatingin kaya lalo akong napatitig. Ang lakas niya talagang humirit. Nakakaasar. Bumaling ulit ako sa cellphone ko ng tumunog ulit 'yon. Hay, bakit ba titig ka ng titig kay Sean? Si Sean lang 'yon self. @seansanchez: Huwag kang tumitig ng ganyan. Hahalikan kita. Nabitawan ko agad 'yon. Ang lakas ng t***k. Masama na 'to. "Arrggh! Boring! Aalis na nga ako." Pag-iinat niya habang tumatayo. Hindi ako makapagsalita at pinagmasdan ko lang siya. "Number mo pala." Bumaling ulit siya sa 'kin kaya mabilis akong umalis ng tingin.  Kinuha niya ang phone ko at nag-dial. Pakiramdam ko, maiiyak na ko sa nararamdaman ko ngayon. Tinamaan na yata ako kay Sean. "Ayan, edi ngayon friends na tayo." Ngumiti siya habang ibinabalik ang cellphone ko. "Aalis na muna ko," paalam niya pa. Tumango tango lang ako sabay kuha agad ng cellphone ko. Kunyari busy na ko para hindi ko na kailangang magsalita pa. @ellagale: Best, usap tayo. Hindi ko na binuksan ang message niya. Hindi ko kasi alam kung kaya ko nang makipag-usap. Binaba ko na lang ang cellphone ko para pumunta sa kusina. "Sean?" tawag ko pero wala talagang tao. "Gabi na pero wala pa rin siya," dagdag kong bulong sa hangin habang lumilinga linga. Naisipan ko na lang na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain. Bawat kanto napapatingin ako dahil kay Sean. Hindi naman siguro siya sumali ulit sa gulo.  "I know you." Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa pagpasok sa convenience store.  "Cindy, right?" Napatingin ako sa lalaki na naka-hoodie at pants. Hindi ko siya kilala. "Tama ako. Ikaw nga si Cindy." Tumawa siya habang nakaturo pa sa 'kin. Hindi na ko kumibo at kumuha na lang ng sprite at iba pang pagkain. Sunod lang siya ng sunod kaya mas lalo kong binibilisan. "Hindi mo ba ko natatandaan?" Humarang siya. "Hindi kita kilala kaya excuse me lang." Mataray kong sagot pero hinila niya ko sa braso.  "Talaga? Ikaw ang gumawa nito tapos hindi mo ko kilala?" Tumawa siya habang pinapakita sa 'kin ang sugat niya sa braso. "Baka nagkakamali ka." Mapait akong napangiti. Tinanggal ko ang hawak niya sa braso ko at pumunta na ko ng cashier. Palihim ko siyang pinagmasdan habang lumalabas siya ng pintuan. May binulungan siya sa labas kaya kinabahan ako. "Two hundred ninety lang po."  "Sorry, eto." Napabalik ako sa ulirat. Mukhang dito ko dapat kainin 'to sa loob dahil baka masayang lang.  Napabuntong hininga na lang ako habang nauupo sa isang gilid. Nandoon pa rin siya sa labas at nakangisi pa habang nakatitig sa 'kin. Ang totoo, lumabas ako dahil nag-aalala ko kay Sean tapos ako pala ang mapapahamak. @cindybeatrix: Nasaan ka ba? Kain tayo? Sent. Online siya kaya nakahinga ko nang maluwag. "Mag-reply ka... Mag-reply ka..." Halos ilapit ko na ang screen nang makita kong nagta-type na siya. @seansanchez: Bukas na ko uuwi. Nandito ko sa bahay. Patay na talaga. Napahilamos ako ng mukha habang tumitingin ulit sa labas ng conveniece store. Nandoon pa rin sila at parang inaabangan nila kong lumabas. Bakit kasi hindi ko siya matandaan? @cindybeatrix: Kapag hindi na ko nakauwi. Pakisabi na lang na pinabayaan mo ko. @seansanchez: What?! Asan ka ba? Hindi na ko nakapag-reply dahil pumasok na ang isa sa kanila. Ngumisi pa siya sa 'kin bago umupo malapit sa pwesto ko. Napapikit na lang ako nang madiin habang nagtitimpi. "Tayo," madiin niyang bulong. Napansin ko agad ang kutsilyong hawak niya kaya sumunod na lang ako habang nangingiti sa nangyayari. "Dahan-dahan lang." Umakbay siya sa 'kin. "I told you!" Parang gago niyang sigaw kaya napa-irap ako.  "Hindi ko nga kayo kilala." Ubos pasensiya ko ng sabi habang lumalakad.  Nang makarating na kami sa isang madilim na eskinita. Tumawa sila na para bang nanalo na sila sa 'kin. Napangisi na lang ako habang naiiling. "Makakaganti na rin ako sa wakas!" Hinawakan nila ang braso ko habang naglalabas naman siya ng kutsilyo. "Ang tagal naman. Gumanti ka na para makauwi na ko." Asar kong irap. "Ric, gaganti ka lang ba? Paano kapag nagsumbong 'to? Tapusin mo na."  "Eh, kung ikaw ang tapusin ko?" Seryoso ko siyang tinignan na ikinatawa niya kaya nakitawa rin ako. Mabilis kong binawi ang pagtawa ko sabay hila sa braso niya. Nilagay ko ang binti ko sa likuran ng hita niya para itumba siya agad. "Pakialamero." Inis kong tingin sa kanya.  Mas lalo ko pang diniinan ang pagkaka-apak sa leeg niya habang bumabaling ng tingin sa dalawang natira. "Hay, ang easy niya. Basic judo pa lang 'yon." Ngumisi ko. "Pakawalan mo siya!"  "Bakit natatakot ka?" Binali ko muna ang braso niya bago ko bitawan. Natawa ko dahil umaatras na silang dalawa. "Come here." Nag-mostra ko at nagtatakbo naman sila. Sinayang lang nila ang oras ko. Nag-drama pa ko kay Sean para lang sa wala. Umupo ako sa tabi ng lalaki na napabagsak ko habang tinitignan siyang namimilipit sa sakit. "Tsk. Sa susunod, hindi ka na sisikatan ng araw."   @seansanchez: Nasaan ka ba? Kanina pa kita hinahanap. "Hello?" Napangiti ako nang tumawag si Sean kaya nagsimula na kong lumakad palayo. "Ngayon ka tatawag kung kailan pauwi na ko. Oo, ayos lang naman ako. Hindi nga." Ang dami niyang sinasabi kaya pinatay ko na lang agad 'yon. Pagkauwi ko ng bahay, naabutan ko siyang nakapamewang sa harapan ng gate namin. Seryoso ang mukha at mukhang naaasar sa sinabi ko kanina.  "Bakit kasi lumalabas ka ng gabi?" panimula niya. "Dapat kasi nagpapaalam ka." Balik ko sa kanya. "Kasalanan ko pa ngayon kapag napahamak ka? Ikaw 'tong hindi nag-iingat."  "Bakit kasi iiwan mo kong mag-isa?" "Wow, ngayon gusto mo na kong kasama? Naghihimala ka yata?" Tinawanan niya ko. Napansin ko 'yong dugo sa kamay ko kaya nagmadali na kong pumasok. Hinugasan ko agad 'yon habang nakasunod lang siya sa 'kin at nagdidiwara. Bakit may dugo? Hindi ko naman siya nasugatan kanina. Hindi kaya?!  "Teka! Saan ka ba pupunta?!" angal niya pa pero pinagsarahan ko na siya ng kwarto. Mabilis akong naghubad ng damit habang umiikot sa harapan ng salamin. "Wala naman akong sugat." Nakahinga ko nang maluwag. Akala ko bumalik na naman ang sakit ko. Hindi na dapat maulit pa 'yon. "Oh! s**t!" sigaw ni Sean nang makapasok siya kaya napasigaw din ako sabay tabing ng kumot. "Napakamanyak mo talaga!" "Wala akong nakita!"  "Anong wala?! Lumayas ka nga!" "Kinakausap pa kasi kita!" "Paano mo nabuksan 'yang pintuan ko?!" Inis kong sigaw habang nagdadamit. Nakatalikod lang siya at pinakita pa talaga sa 'kin 'yong extra keys namin.  "Tapos ka na ba?" "Oo," bulong ko habang nagbubuntong hininga. "Ikaw pa talaga ang namula?" Mataray kong tingin sa mukha niya. Imbis na mainis ako, natatawa pa ko sa itsura niya. "Bakit kasi bigla-bigla ka na lang naghuhubad?" "Kwarto ko 'to. Ikaw 'tong pasok ng pasok." "Wala pa nga akong pinapasok," bulong niya kaya mabilis ko siyang pinalo sa balikat.  "Narinig ko 'yon!" "Nagbibiro lang ako." "Pervert." Umirap ako sabay upo sa kama. "Bakit ba nandito ka?" Bumaling ulit ako sa kanya. Nakatitig lang siya na para bang nagpipigil ng tawa kaya napataas ako ng kilay. "Sexy ka rin pala." Tumango tango siya habang nag-iisip.  "Lumabas ka na." Pagtitimpi ko. "Ikaw na nga 'tong pinupuri. Ayaw mo pa? Palalabasin mo ko kung kailan nandito na ko. Ang layo kaya ng bahay namin dito. Halos makipag karera pa ko sa ibang sasakyan." "May dala kang sasakyan?" Napatingin ako sa kanya. Tumango lang siya na parang bata kaya napangiti ako. "Gala tayo," aya ko sabay ngisi. "Pinauwi mo ko tapos aalis din tayo. Ano ba talagang trip mo?" "Turuan mo kong mag-drive." "Baliw! Ikaw na lang. Gabi na." "Okay, pahiram ng susi." "Ayoko nga. Masyado ingat ko do'n sa kotse ko tapos dadaplisan mo lang." "Napakadamot mo naman! Babayaran ko kapag nagasgasan ko!" "Ayoko." Tinignan ko siya nang masama. "Oo na, halika na." Walang magawa niyang sabi habang tumatayo kaya napangiti ako.  "Wow... Lexus RC F." Napaawang ako ng labi habang nakatitig lang sa kotse niya.  "Aba, may alam ka rin pala sa sasakyan?" Tumingin siya sa 'kin at tumango tango lang ako. "Eto ang paborito ko sa lahat." Mayabang niyang sabi habang sumasandal do'n. "Paanong 'yan ang paborito mo? May iba ka pang sasakyan?" Tumango siya kaya napabaling agad ako sa kanya. "Ang luho mo naman." "Hindi 'to luho, investment ang tawag dito." "Ang dami mong hilig." "Ikaw ba anong hilig mo?" Bumaling siya sa 'kin habang papasok ng lexus niya. Napaisip tuloy ako. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko alam kung ano ang hilig ko. "Saka na lang kita tuturuan. Gumala na lang tayo." Ngumisi siya. "Wala ka lang tiwala sa 'kin." Umirap ako. "Marunong naman na kong mag-drive kaso lang.." "Kaso?" "Wala." Ngumiti ako sabay tingin na lang sa ibang direction. "May kaibigan din ako dati. Mahilig din siya sa sasakyan." "Magkakasundo kami."  "Sigurado 'yon." Sumulyap ako sa kanya na nakangiti lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD