CINDY POV
"Opo, okay na 'to." Taas kamay kong sabi habang pinapahinahon si Mama.
"Anong nangyayari?" Sumilip si Sean sa pintuan kaya mabilis akong nagtago sa gilid ng kabinet ko. "Oh, sorry. Nagbibihis ka pala."
"No, hijo. Ayos lang." Ngumiti si Mama habang pinapalapit pa siya kaya lalo akong nailang. "Lumabas ka na diyan. Ipakita mo kay Sean."
"Ayoko." Pagmamatigas ko habang kinakabahan. Hindi ako nagsusuot ng ganitong strapless dress kaya hindi ako makalabas. Feeling ko ang laswa.
"Dali na, Cindy." Madiin na tawag ni Mama kaya napalunok ako. "Pinasalubungan ko kasi siya ng dress from new york pero ang arte." Tinignan niya ko nang matalim. Sumilip kasi ko para makita si Sean na nakatingin lang kay Mama at nakikinig.
"Can I see?" Ngumiti siya at lumapit kaya lalo akong nagtabing.
"Umalis ka nga." Tinignan ko siya nang masama.
"Bagay sa'yo."
"Talaga?" Natigilan ako habang tinitignan siyang tumatango. "Hindi ba masyadong revealing?"
"As if namang isusuot mo 'yan sa labas." Tumawa siya.
"Bakit may problema ba do'n, hijo? I like her to wear that dress tomorrow for our dinner party."
"Po?" Napatingin din siya sa ‘kin. "Hindi ba masyado pong revealing?"
"Well for me it's fine. She looks elegant in that dress, right? Gusto kong makita nila kung gaano kaganda 'tong si Cindy." Umikot si Mama sa ‘kin habang hinahawakan ang magkabilang bewang ko. Napabusangot na lang ako dahil wala akong magawa. "Teka, tawag na ko ng papa mo. See you later."
"Hayaan mo na, bagay naman sa'yo." Turo ni Sean sa dress.
"Bakit kasi kailangan pang nakaganito ko? Tapos bigla ka pang tumatawa diyan. May nakakatawa ba?" Mataray kong tingin sa kanya. Humarap ako sa malaking salamin habang tinitignan ang bawat detalye nitong sparkling blue dress na bigay ni Mama. "Okay lang sana 'to kung hindi ganito kaiksi at hindi strapless."
"Basta ko pants at long sleeves lang." Pang-aasar niya pa kaya napairap na lang ako. "Teka! Ayan ka na naman! Nagbibihis ka na naman sa harapan ko!" Taranta niyang sigaw na ikinatawa ko.
"OA, hindi ako nagbibihis. Inaabot ko lang 'tong zipper. Assuming ka namang masyado."
"Ah, talaga." Lumapit siya sabay hawak sa kamay kong nasa likuran. "Ako na, ibababa ko ba?" Ngumisi siya sa reflection niya sa salamin habang nakatitig sa ‘kin. Kinabahan akong bigla habang papalakas ang t***k nitong puso ko.
Hinawak niya ang isang kamay niya sa bewang ko habang ang isa naman ay nakahawak sa zipper. Hindi ko maalis ang titig sa mga mata niya. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Lalo pa siyang yumuko at pinantay ang mukha niya sa ‘kin.
"Ahm, salamat." Napalayo ako nang maramdaman kong nababa niya na ang zipper sa likuran ko. Nakatitig lang siya sa ‘kin habang magkaharap na kami kaya napalunok ako nang malalim. "Sean, magbibihis na ko."
Umabante siya kaya mabilis akong napasandal sa salamin. Mas nilapit niya pa ang mukha niya sa ‘kin habang seryoso lang ang pagtitig. I feel butterflies in my stomach when he keeps reaching my lips. Ang bigat na nang paghinga ko habang tinitignan lang siya. Sumulyap ako ng tingin sa labi niya at napalunok ako dahil sobrang lapit na no'n.
"Oo na, sinabi ko kay Cindy kanina. Edi kayo na ang mag-usap."
Napalayo agad kaming dalawa sa isa't isa nang marinig sila Mama na papasok. Tinignan ko siya at mukhang nailang din siya sa ginawa niya. Hindi na siya makatingin ngayon sa ‘kin at walang pasabing lumabas na lang ng kwarto ko.
Ayon na, e. Konting konti na lang. Napahilot ako ng nuo habang pilit na umaayos sa harapan nila Mama. Nagbabangayan na naman silang dalawa kaya napailing na lang ako habang pinagmamasdan sila. Mag-aaway lang pala sila rito.
"Cindy? Ahm, may gusto sana kong sabihin sa'yo." Napa-atras ako habang iniisip ang nangyayari. Hindi ba nangyari na 'to? Ang kausap ko ay si Paulo. Bakit si Sean ngayon ang nasa harapan ko?
"Cindy? Kasi.." "Oooppss! Teka lang! Huwag mong sasabihin na kayo rin ni Ella. Nangyari na 'to, e." Pagpigil ko sa kanya habang nag-iisip.
"Bakit ko naman sasabihin na kami ni Ella? Eh, magtatapat nga ako ngayon sa'yo." Bigla niyang ngiti sa ‘kin habang kinukuha ang magkabila kong kamay. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k. Wala na kong makitang iba kung 'di siya lang na nakatayo sa harapan ko at nakangiti sa ‘kin.
"Gusto kita, Cindy. Gusto mo rin ba ko?" Nakangiti niyang tanong habang unti-unting nilalapit ang mukha niya sa ‘kin, na para bang hahalikan niya ko at~~" "Cindy, gumising ka na para makasabay ka sa 'min mag-breakfast."
"Pa naman!" reklamo ko habang bumabangon sa kama.
"Aba, tanghali na." Nagpamewang siya. "Bilisan mo diyan at kakain na." Huling sabi niya habang lumalabas ng kwarto ko.
Pagkalabas niya, sumaldak ulit ako sa kama habang gumugulong. "Bakit parang nanghihinayang akong panaginip lang 'yon? Bakit hindi pa natuloy?" Kinikilig kong bulong habang nagtatalukbong ng kumot.
Sayang, lagi na lang may humahadlang pati ba naman sa panaginip?
Napabuntong hininga ako habang kumukuha ng tuwalya. Nabuhayan lang ako ng dugo nang makitang nagbibihis si Sean sa loob ng CR. Napanganga ko habang mabilis na bumabalik palabas.
"Relax ka lang," bulong ko sabay hawak sa dibdib kong sobra na naman ang kabog. Bakit kasi bukas? Teka? Hindi naman ako namboso saka wala akong nakitang kahit ano. Tama, relax ka lang. Kasalanan niya 'yon kasi hindi siya nagsasara ng pintuan. Tsaka hindi ko naman tinuloy ang pagtingin.
"Nakita ko 'yong katawan niya." Nababaliw kong bulong habang inuumpog ang ulo sa pader.
"Anong ginagawa mo?" Nagulat ako at napatigil nang saluhin niya ang nuo ko. Bumaling ako sa kanya at hindi na naman ako makagalaw. "Way mo ba 'yan pag-bored ka?" Tumawa siya at umiling iling sa ‘kin.
Parang nag-slow motion ang paligid nang maglakad na siya habang nagpupunas ng buhok. Bwisit! Malala na talaga 'to. Halos hindi ko napansin na napanganga pa ko dahil lang sa nakikita ko ngayon. Bigla siyang bumaling ng tingin kaya mabilis akong napatakbo sa loob ng CR.
Shit, ang lakas ng t***k ng puso ko. Ayoko na. Mamamatay na yata ako sa sobrang lakas.
"Ano bang nangyayari sa'yo, Cindy? Umayos ka nga. Si Sean lang 'yon," bulong ko habang naghihilamos sa harapan ng salamin. "Oo nga, si Sean lang 'yon. Pero ang gwapo niya nitong nakakaraang araw, 'di ba? Ang sarap niyang titigan," sabi ng sarili ko sa loob ng salamin.
Sabi na at nababaliw na ko.
Hindi ako sumabay sa pagpasok ng school kasi hindi ko kaya. Tapos kaming dalawa lang sa loob ng kotse. NO. Mamamatay agad ako. Baka hindi ako makahinga sa loob.
"Bakit ba ang weird mo?" Napabalikwas ako nang isara niyang bigla ang locker ko. Bumaling ako sa kanya at gwapong-gwapo na talaga ko sa kanya. Nakakaiyak. "Akala ko pa naman, okay na tayo."
"Akala ko rin," sagot ko habang pinipilit ngumiti. Mabilis ko siyang inalisan doon sa locker at buti na lang may tumawag sa kanya kaya hindi na siya nakasunod.
Hindi ko maiwasang mapatulala na lang lagi. Bakit ang bilis ko namang nahulog sa kanya? Hindi ko naman siya type. Gwapo lang naman siya, mabait, gentleman, laging nandiyan kapag kailangan ko at s**t! I'm doomed!
"Nai-stress na ko, Momoy." Bumaling ako ng tingin kay Momoy na kanina pa nakikipaglaro sa kamay ko. "Teka? Hindi ka pa nga pala kumakain."
Sa sobrang pag-iisip ko kay Sean, ang dami ko nang nakakalimutang gawin. Napabuntong hininga na lang ako habang tumatayo para kumuha ng pagkain ni Momoy. Nang pabalik na ko. Nanlaki na naman ang mga mata ko nang makita si Sean na palapit kay Momoy. Kinakabahan na naman ako. Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko.
"Hello, Momoy!" bati niya sa aso ko at para bang nag-slow motion na naman ang lahat. Pati ang pagbati niya kay Momoy. Parang tuwang tuwa pa siya. Ang ninipis at ang pink pala ng labi niya. Teka? Pinagnanasaan ko na ba siya? Tama na, Cindy! Bad brain! Bad!
Ang hot niya do'n sa sandong suot niya. Ang gwapo-gwapo niyang tignan.
"Anak? Huwag mong kainin 'yan!" Napatalon ako sa gulat sa sigaw ni Mama sabay dura sa dog food na nginunguya ko. s**t! Nababaliw na talaga ako. Teka? Bakit ko kinakain ang dog food?
"Bakit mo kinakain ang dog food?" Bigla niyang bati sa ‘kin. Nababasa niya ba ang nasa isip ko? TEKA! Bawal niyang mabasa ang nasa isip ko. Nakakahiya.
Mabilis akong tumakbo ulit papunta ng kwarto ko sabay talukbong ulit ng kumot.
"Nababaliw na talaga ko."
"Nababaliw ka na sa ‘kin?" Agad akong napabangon at napatingin kay Sean na nakangiti habang papalapit sa ‘kin. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya at, "anak? Anong mukha 'yan? Bigla ka na lang tumakbo." Napailing iling ako habang umaayos. Nagde-day dream ako? At si Sean ang nasa isip ko? Hala! Ano bang nangyayari sa ‘kin ngayon?
Sa mga sumunod pang araw. Hindi na ko nakawala sa pakiramdam na 'to. Bawat araw na dumadaan lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Kahit nakapambahay, school uniform o kahit ano pa 'yan. Gwapong gwapo na ko sa kanya lalo pa kapag ngumiti na siya sa ‘kin.
I never felt this way before kahit na kay Paulo.
Parang mas masarap pa nga siyang titigan kesa sa kinakain ko ngayon. "Nababaliw na talaga ko," bulong ko habang tumatayo. Mas okay na sigurong hindi kami sabay pumapasok ng school.
Pagkalabas ko ng kusina, mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan. Nagsapatos at bwisit na sintas 'yan! "Ako na." Mahinang sabi niya habang lumuluhod sa harapan ko. Naa-attract na talaga ko sa kanya. Hindi ko talaga kayang iwasan ang pagtitig.
"There you go." Tumayo siya at ngumiti sa harapan ko. Kinuha niya ang bag ko at sinukbit 'yon sa kanya. How to unsee this?! Tipong hindi ko siya type at hindi ako laging kinikilig sa kanya.
Parang hindi naman 'to totoo. Naumpog ba 'tong ulo ko? Hindi na ko nakakapag-isip nang matino dahil sa kanya. Lagi pa siyang nakangiti! MYGHAD! Self! Behave!
"Mauna ka na sa taas. May pupuntahan lang ako." Paghinto niya kaya napatingin ako. Nandito na kami agad sa school? Paano ko napunta rito?
"Ayos ka lang ba?" Taas kilay niyang tanong. Nilapit niya pa ang mukha niya sa ‘kin para tignan ako nang maigi kaya napatulala na naman ako. "Hello? Cindy to Earth! Hello?" Kaway niya.
"Ang weird mo talaga," reklamo ni Sean habang sinusukbit na sa ‘kin ang bag ko. "Mauna ka na, ah." Paalam niya pero hindi pa rin ako makagalaw. Habang lumalakad siya papalayo. Nakatitig pa rin ako. Ang gwapo niya kahit nakatalikod.
"Patay. Masama na talaga 'tong nararamdaman ko." Iling ko habang bumabalik na sa katinuan. Wala na kasi siya at hindi ko na maaninag. Lintek na Sean 'yan! Tinamaan ako.
"Ay, nakakaabala ba ko?" Nahiya kong tanong kay Paulo at Ella na nagtatawanan. Napaatras tuloy ako.
"Hindi naman." Naiilang pa rin na sagot sa ‘kin ni Ella.
"Nagpa-practice lang naman kami para sa play." Natatawang sagot sa ‘kin ni Paulo.
"Mukha nga. Sige, dito lang ako huwag niyo kong pansinin." Ngumiti lang ako habang papaupo sa pwesto ko.
"Best? Ayos ka lang? Para kasing may kakaiba sa'yo ngayon?" Biglang lapit sa ‘kin ni Ella.
"Wala, ah. Ano bago sa ‘kin?" sagot ko sabay ngiti.
"Nami-miss na kita." Yumakap pa siya sa ‘kin kaya napatigil ako habang nangingiti.
Nitong nakakaraang araw. Wala naman na kong nararamdamang sakit kapag nakikita ko silang dalawa. Dahil siguro kay Sean kasi pakiramdam ko pang mental na ko pagdating sa kanya.
"Best? Pwede ka bang makausap mamaya?" tanong ni Ella kaya tumango agad ako.
Nang matapos ang klase, sumunod lang ako sa kanya at napatingin kay Paulo na tahimik lang din na naglalakad kasabay namin. Nagpaalam siya nang matapat kami sa field. Ang awkward ng dating.
"Ayos lang ba talaga tayo?" panimula ni Ella habang nauupo sa isang bench.
"Oo naman." Pinilit kong ngumiti ulit sa kanya sabay tapik sa braso niya. "Nami-miss na rin naman kita. Ayos lang talaga ko."
"Alam kong nasaktan kita dahil hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Pero best, maniwala ka man o hindi. Wala akong balak sagutin siya kung hindi ka papayag."
"Ella, gusto mo siya. Gusto ka niya. Hindi mo ko kailangang isipin."
"Pero best friend kita. Ayokong mag-away tayo dahil lang sa lalaki pero nangyari naman na." Yumuko siya kaya napatingin ako kay Paulo.
"Parang dati lang. Nandito tayo habang pinapanood siya." Mahina akong tumawa.
"Sorry talaga." Tumingin siya sa ‘kin kaya bumaling din ako ng tingin sa kanya.
"Ayos lang ako. Saka isa pa, 'di ba magpapakasal na ko." Tumawa ko para maalis ang ilang sa pagitan namin.
"Sure ka? Hindi ba bumalik ang sakit mo?" Nag-aalala niyang tanong kaya napahinto ako.
"Hindi, ayos naman ako." Humawak ako sa dibdib ko sabay tingin sa kanya. "Totoo! Ayos lang ako! Huwag ka ngang ganyan!" Pinanggigilan ko siya sa pisngi na ikinaangal niya agad.
"Cindy, buti naabutan kita. Pinapatawag ka ni Sir Fing sa office." Tumatakbong sabi ni Alessandra. Napahinto tuloy kami ni Ella habang bumabaling sa kanya.
"Ano na namang nagawa ko?"
"Gusto mo samahan kita?" alok ni Ella pero natanaw ko na si Manong Ed kaya umiling na lang ako.
Nagmadali akong tumakbo at napatigil dahil kay Sean. Seryoso lang ang mukha niya at hindi man lang namamansin.
"Pinatawag ka rin ni Sir?" Kinalabit ko siya pero umirap pa siya sa ‘kin habang nagbubuntong hininga. "Sinusungitan mo ba ko?"
"Ms. Buenavista?" tawag ni Sir Fing sa ‘kin kaya inirapan ko na lang si Sean at hinarap si Sir Fing. "Bakit nandito ka pa?"
"Pinatawag niyo raw po ako," sagot ko.
"Hindi kita pinapatawag.*salita niya habang bumabaling kay Sean* Pag-isipan mo mabuti ang contest. Sayang." Huling sabi niya sabay tapik kay Sean na nakatayo lang.
"Ang weird niya talaga," bulong ko habang naiiling.
"Ako ang nagpatawag sa'yo." Seryoso niyang sabi at kinuha pa ang bag ko. Sinukbit niya 'yon sa kanya at inakay ako. Napatingin agad ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"Sean, baka may makakita sa'tin." Pilit akong kumawala sa pagkakahawak niya.
"So what? As if namang umaasa ka pa kay Paulo," salita niya na nagpatigil sa ‘kin sa paglalakad. Muli niya kong binalikan ng tingin at pinaghawak ang mga kamay namin.
"Ahm.."
"May angal ka ba?" Naka seryoso niyang tanong pa rin kaya napakurap kurap pa ko ng mata. Hindi naman ako nagde-day dream, 'di ba? Kasi kung nananaginip lang ako ngayon paki batukan naman ako, oh! "Tara na. Nakikipag plastikan ka na naman kanina." Masungit niyang hila kaya napasunod na lang ako. Puso kalma!
Habang tinititigan ko siya, napapahawak na lang ako nang mahigpit sa blouse ko. Ang gwapo-gwapo niyang tignan habang bumababa ng hagdanan. Totoo ba 'tong nangyayari?
"Bago tayo umuwi. Kumain muna tayo sa labas," salita niya kaya mabilis lang akong tumatango.
Hinila niya ko sa pinaka malapit na kainan at inalalayang umupo. Hindi ako makaangal ngayon sa kanya, ni hindi nga ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya habang umuupo siya sa bakanteng upuan sa harapan ko.
"So? Anong pinag-usapan niyo? Si Paulo na naman?" tanong niya habang pinapatong ang dalawang kamay sa lamesa. Napalunok ako.
Ang sungit niya lagi kapag tungkol kay Paulo ang usapan.
"Alam mo kasi bff kaming dalawa. Kaya hindi ko pwedeng hindi siya pansinin habang buhay," paliwanag ko.
"You're just hurting yourself." Umiling siya habang tumatayo.
Sinundan ko siya ng tingin habang umo-order siya sa counter. Hindi naman na ko nasasaktan. Nandiyan naman siya. "Lalo siyang nagiging gwapo kapag seryoso." Hindi ko mapigilang mapangiting mag-isa.
"Bakit tatawa tawa ka diyan?" Masungit niyang sabi habang binababa ang pagkain.
"Kasi naman nagsusungit ka."
"Hindi ako nagsusungit. Sinasabihan lang kita." Umupo siya sabay abot sa ‘kin ng mga pagkain.
Nagpalumbaba na lang ako. Sira ulong, kupido. Ang galing pumana. Sapol na sapol.
"Bakit ba lagi kang nakatitig nang ganyan sa ‘kin? Nakakatakot ka na, ah," angal niya habang sumusulyap kaya napangiti ako.
"Sean? Anong type mo sa babae?" Wala sa katinuang tanong ko kaya nagulat din ako. Napalaki ko ng mata habang siya naman ay nasamid. Patay! "I mean, napaisip lang ako kung may nagugustuhan ka na sa school." Palusot ko pero huwag mong sasagutin! No! No! Ayokong marinig.
Ngumiti siya sa ‘kin at tumingin kaya napangiti na lang din ako.
"Sa dami nila. Wala akong mapili." Mayabang niyang sagot kaya napangiwi pa ko. "Wala kasi kong type sa babae."
"BAKLA KA?" Gulat kong lapit.
"ULOL!" Gulat niya ring sigaw habang tinatapik ako sa nuo.
"Aray! Sabi mo kasi wala kang type sa babae," paliwanag ko habang nakahawak sa nuong tinapik niya.
"Oh? Himala. 'Di mo ko ginantihan ngayon. Mukhang maganda mood mo, ah." Tumawa siya kaya napahinto rin ako.
"Gusto mo saktan kita?" Bawi ko kunyari para hindi siya makahalata.
"Ikaw naman hindi ka na mabiro!" Natatawa niya pa ring sabi at tinapik pa ko sa braso. Namimihasa na siya agad. Hintayin mong maka move on ako sa nararamdaman ko na 'to. Yari ka.
"Actually, kaya ko sinabing wala akong type..." Muling pagbalik niya sa topic kaya napalapit ulit ako sa lamesa. Tumingin din siya sa ‘kin at lumapit. "Kasi kapag gusto mo ang isang tao. Gusto mo siya. Kahit ano pa ang itsura niya't ugali."
"Paano kapag pangit?"
"Depende."
Sumandal na lang ako sa upuan. Wala namang kwenta lahat ng sagot niya. Paano ko malalaman kung nagkakagusto na rin siya sa ‘kin? Ano 'to, one sided love na naman?
"Bakit mo pala na itanong?" Taka niyang tanong sabay baling ulit sa ‘kin. "May irereto ka ba?" Taas baba niya ng kilay.
"Bakit kita reretuhan? Ano ba kita?" Asar kong titig sa kanya.
"Eto naman, ang moody mo talaga. Tinatanong lang kita." Pang-uuto niya sabay kagat sa burger.
"Magtatanong tanong ka pa diyan! Kita mong mapapangasawa kita tapos nagpapareto ka?!"
"Teka! Relax! Ang sungit mo na naman."
"Bwisit." Inis kong irap sabay kagat na rin ng burger ko. Nakakainit talaga siya ng dugo.
"Ikaw ba, anong gusto mo sa lalaki?" Ngumisi siya sabay patong ng magkabilang siko sa lamesa. "Huwag mong sasabihing basta katulad ni Paulo. Iiwan kita rito."
"Tinatakot mo ba ko?"
"No, sinasabihan lang kita. You should move on."
"Moved on na ko, 'no." Mayabang kong sabi sabay crossed arms. Tumawa siya kaya napataas ako ng kilay. "Totoo 'yon!" asar kong sigaw.
"Ayos lang 'yan, part talaga 'yan ng moving on." Nagmostra pa siya sa hangin.
Hindi na ko kumibo at nagpatuloy na lang sa pagkain. Mukhang wala siyang gusto sa ‘kin. Ako talaga talo rito, e. Ang sakit sa bangs.
"Nagbibiro lang ako kanina. Parang nag-iba na naman ang timplada mo." Tinapik niya ulit ako habang naglalakad kaya napahinto na ko sa paglakad.
"Pwede ba? Huwag kang masanay na tinatapik ako. Kapag ginantihan kita, babaliin ko 'yang buto mo."
"Welcome back, Cindy." Tumawa pa siya at hindi ako sineryoso. Nakakainis!