Nanunuyo ang lalamunan ni Kaira habang nakatingin sa mga mata ni Prinsipe Dronno na sobrang kay ganda at para siyang hinihigop sa kalangitan mismo. Ramdam niya ang matigas nitong katawan nang bumangga siya rito at nanatili itong nakadikit sa binatang alien. Agad kasing humawak ang isang kamay nito sa kanyang likod kaya hindi siya makalayo. Bahagya pa itong nakayuko sa kanya habang nakaangat naman ang kanyang mukha at nasamyo niya ang medyo mainit nitong hininga. “If I want to kiss you, would you let me, Kaira?” Pinoproseso pa ito ng kanyang utak habang kumurap nang marahan. Umawang ang kanyang mga labi, nangangapa ng mga salita kung ano ang dapat na isasagot sa lalaki. “Bakit gusto mo akong halikan?” pabulong na tanong niya. “Dahil gusto kita.” Biglang tumambling ang puso niya sa kan