“Talaga bang alien ka?” Paikot-ikot si Easton sa kinatatayuan ni Prinsipe Dronno. Bumisita lang itong bigla—na naman—sa hapong iyon. Papagabi na. Nakakuros naman ang binti ng nakaupong kasintahan nitong si Alice sa sofa sa loob ng bahay ni Kaira. Nakasuot ito ngayon ng isang damit na hanggang hita lang ang haba. Pinanonood lang nito ang ginagawa ng kasintahan. Siya naman ay nakasuot ngayon ng board shorts at sando samantalang ang kumakausap sa kanya ay naka-jeans ng punit-punit na pinaresan ng berdeng polo shirt. “Ilang ulit mo bang itanong ‘yan sa ‘kin? Hindi magbabago ang sagot ko.” Parang nababato na siya rito at ikinuros ang mga braso na nakatayo nang patagilid, sa harap ni Alice. Napatawa pa ang nerd na kasintahan ni Alice. “I’m just amazed everytime I see you. Nasaan nga pala si