bc

Destined for the Alien Prince (Taglish)

book_age18+
917
FOLLOW
2.1K
READ
fated
goodgirl
royalty/noble
sweet
Writing Challenge
non-hunman lead
city
high-tech world
another world
supernatural
like
intro-logo
Blurb

(Romance, Steamy/SPG/R18+, Scifi-Fantasy)

Paano kung wala talaga ang soulmate or twin flame mo sa mundo na ‘to?

~~~

Dahil sa isang pagsalakay, pinatakas si Prinsipe Dronno mula sa planetang Pleretath. Hindi niya inasahang mapadpad siya sa isang planetang may maraming kababaihan—at basta na lang nagkaroon ng atraksyon sa isa sa mga ito.

Si Kaira na loveless since birth ay napamahal sa isang alien na mula sa ibang universe. Subalit ayaw niyang aminin ito dahil batid niyang literal na magkaiba ang kanilang mundo at anumang oras ay babalik din ito sa sariling planeta. At isa pa, may Prinsesa Shaenatta na raw itong naghihintay roon at magpapakasal na ang mga ito alang-alang sa kapayapaan ng Pleretath…

(Special thanks to AnneNing for the cover)

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sa Krawoxus Universe, ang Pleretath ay isang hindi umiinog na planeta habang umiikot sa aksis nito kung kaya ay maliwanag (dayside) ang kalahating parte at madilim (nightside) sa kabila. Ang pinakamataas na temperatura ng planeta ay nasa 22 degrees Celsius at ang pinakababa na nairehistro ay nasa –15 degrees. Sa maliwanag na bahagi, ang Slufaithus, masagana ito sa mga halaman at iba pang tanim na pinagkukunan ng pagkain ng mga nakatira dito. Abanse rin ang kanilang teknolohiya. Subalit ang madilim na bahagi ng planeta, ang Weitthera, ay mas abanse sa pagdaan ng panahon nang dahil sa lokasyon nito. Gawa sa siyensiya ang lahat ng kanilang mga mapagkukunan lalo na sa pagkain, base sa mga ninakaw nilang mga halaman sa Slufaithus noon. Kung kaya naman ay mas malakas ang Weitthera kaysa Slufaithus. Sa loob ng mahabang panahon ay magkahiwalay ang dalawang panig na ito nang dahil sa dalawang kaharian. Ngunit nagkaroon din ng kasunduan sa wakas ang dalawang pinuno ng Slufaithus at Weitthera na manirahan na sila nang mapayapa at matiwasay. Kunsabagay, kapwa ayaw naman na ng dalawang kaharian na mag-ubusan ng lahi gayong iisa lang ang tinitirhan nilang planeta. At dahil dito ay napagkasunduan din nila ang pag-iisang-dibdib upang magiging buo na at magkakaisa ang mga Pleretathian. Isa lang ito sa naisip na paraan ni Prinsesa Shaenatta dahil mas malakas naman talaga ang hukbo at teknolohiya ni Prinsipe Dronno at mayroon pa itong malalakas na kaalyansa na nasa ibang planeta. Bukod pa rito ay may gusto rin naman siya sa prinsipe. Hindi na masama lalo na para sa kanya ang pag-iisa ng kanilang dalawang kaharian. Kasalukuyang naghahanda ang mga Pleretathian sa kasalan nina Prinsipe Dronno at Prinsesa Shaenatta. Abala ang ilang Pleretathian sa pagbibigay kulay sa asul na planeta. Gamit ang kanilang teknolihiya para gumawa ng iba’t ibang kulay ng light pillars kung saan ang ice crystals sa atmospera ay binigyang liwanag at ginawang makulay ang kapaligiran sa buong palaging madilim sanang bahagi ng planeta. Kulay-ginto, rosas, kahel, asul, berde, puti at pula ang nagbigay-liwanag sa Weitthera na sadya namang ikinatutuwa ng mga ordinaryong Pleretathian na nakatira doon. Samantala, ang ibang Pleretathian ay binigyang buhay ang buong palasyo sa pamamagitan ng iba’t ibang 5D at holographic images ng mga bulaklak na nakahilera upang maging isang pasilyo na lalakaran ng ikakasal. Iyon ay mula sa bukana ng pintuang-bayan ng palasyo hanggang sa loob ng bulwagan, tuloy-tuloy sa isang malaki at malawak na entablado kung nasaan ang tronong kristal ng prinsipe. Ang kongkretong entablado ay gawa sa kumikislap na mapusyaw na bughaw na marmol at may malapad na isang dosenang hagdan at may dalawang tagabantay sa apat na sulok nito. Sa tabi naman ng may mahabang sandalan na trono ay isa pang trono na kristal din na pinalamutian ng mga pulang mamahaling maliit na bato sa bawat sulok nito. Ito ang magiging upuan ng prinsesa kapag natapos na ang seremonya ng kanilang kasal. Sobrang napakalalaki ng palasyo na gawa sa dramon, ang pinakamatibay na puting bato sa buong planeta. Itinayo ang palasyo nang may kalahating milenya na ang nakalilipas, sa panahon pa ng lolo ng lolo ng prinsipe. Namatay sa sagupaan ng dalawang kaharian ng Pleretath ang mga ninuno at kamag-anak ng prinsipe, katulad ng sa prinsesa. Nasa limampung metro mula sa sahig ang kisame at may nililok doon na circular geometric design gawa sa iba’t ibang kulay at klase ng mamahaling mga bato na sa Pleretath lang matatagpuan. Kung kaya naman ay sadyang magandang tingnan ang halo-halong kulay ng berde, asul, lila, kahel, pula, rosas, abo at puti kapag napagmamasdan. Ang mga matatayog at malalaking pabilog na haligi ay nakahilera sa kaliwa’t kanan mula sa magkabilang panig ng entabladong kinaroroonan ng trono. Sa isang silid ng malaking palasyo ay binibihisan ng kanyang mga dama at tagapangalaga si Prinsesa Shaenatta. Suot nito ngayon ang isang tradisyonal na damit pangkasal ng taga-Slufaithus. Kulay itim ang suot nitong damit na napakahaba, kumikinang at bakat na bakat ang katawan ng prinsesa. Iniladlad ang bawat anggulo ng alindog nito. Napangiti ito nang napatingin ang prinsesa sa repleksyon sa isang malaking kristal na kasing-linaw ng salamin. Naayos na rin ng mga dama ang kanyang makeup at hairdo. Maliban dito ay nakatuntong din ang maliit na korona sa ulo nito. Ito ay gawa sa iba’t ibang mamahaling bato at diamante na kumikislap sa bawat galaw ng prinsesa. Makikita ang magandang ngiti sa mapupulang labi ng prinsesa, tanda na napakasaya niyang dumating na ang araw na mapapasakanya ang prinsipe ng Weitthera na matagal-tagal na rin niyang gusto. Siguro ay pasalamat siyang wala na kapwa ang mga magulang nila na malamang ay tututol sa pangyayaring ito kung buhay pa. Samantalang seryosong nakatitig si Prinsipe Dronno sa kanyang sarili sa malinaw na kristal pagkatapos siyang mabihisan ng kanyang sariling mga dama. Tradisyonal na suot naman iyon ng pangkasal ng taga-Weitthera, isang asul na makintab ang kulay na roba. Sa laylayan ng mahabang manggas at ibabang bahagi ng roba ay may naka-adornong kumikinang na mga diamante. Nakaayos na rin ang mahaba niyang asul na buhok na lampas balikat gamit ang hair ornaments na may mamahaling mga bato na sa Pleretath lang din matatagpuan. Ilang saglit pa siyang tumitig sa sarili nang unti-unting lumitaw sa tabi ng kanyang mukha sa salamin ang mukha ng kanyang alagang si Ublli. Kamukha ito ng isang chameleon pero kasing-puti ito ng niyebe at may isang mata ito sa gitna ng noo. Ngumisi pa sa kanya si Ublli. Nanlaki na lang ang asul niyang mga mata dahil bigla lang itong sumulpot doon. Pagkatapos ay napailing na lang siya rito. “Palagi mo talaga akong ginugulat, Ublli!” nasabi pa niya. Naghagikhikan ang kanyang mga dama. Ilang beses na rin itong nakatisod ng mga dama o kaya ay ibang mga Pleretathian dahil hindi ito agad na nakikita. Nanggugulat din ito sa halos lahat ng oras. Iyon ang natural nitong ugali. “Prinsipe Dronno, maghihintay ako sa trono mo,” ngising sabi pa ng kanyang alagang si Ublli na marunong magsalita ng kanilang lengguwahe. “Bahala ka nga,” matabang namang tugon niya sa alaga. Nakita pa niyang lumundag na lang ito sa sahig at mabilis itong tumakbo palabas ng kanyang malaking silid. Makakapal ang kristal na dingding na may malaking bintana sa isang bahagi nito kung saan tanaw ang makukulay na ice crystals na tumanglaw sa buong Weitthera. Sa kanang bahagi naman niya naroroon ang malaking kama niya na kasya ang kalahating dosenang Pleretathian. Makapal ang mattress nitong may berdeng kubrekama at unan. Mga sampung hakbang mula roon ay nandoon ang kanyang sariling bihisan at banyo. Samantalang sa kaliwang bahagi niya ay nandoon ang isang sekretong daanan kung kailangan niyang tumakas mula sa mga kalaban. Ilang saglit ang lumipas ay biglang pumasok ang nagmamadaling heneral ng kanyang buong armada na si Ebradus na nasa trenta anyos lamang ang hitsura. Luntian ang kulay ng uniporme nitong may makapal na kapa at suot nito ang isang itim na botas at may laser gun na nakalagay sa kanang hita nito. Mukhang may hindi magandang balita ito ayon sa ekspresyon ng hitsura ng guwapo pero mabagsik na mandirigma. Humarap siya rito habang hinintay itong tumigil nang apat na hakbang mula sa kanya, ayon sa kanilang batas. “Bakit ka naparito sa silid ko, Heneral Ebradus?” nakasimangot niyang usisa. “Nahuli ng radar natin ang paparating na isang hindi-kilalang armada, Prinsipe Dronno… at hindi sila ang kaalyansa ng Pleretath,” balita pa nito sa malalim na boses. Umawang ang mga labi niya sa narinig at bigla siyang kinabahan. Napakuyom pa siya ng mga palad habang tumatakbo na ang kanyang isip. Tinitimbang-timbang niya ang mangyayari. Pero ikakasal siya ngayon at baka naman ay nagkakamali lang si Heneral Ebradus?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
417.9K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Stubborn Love

read
100.2K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.5K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
168.9K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

OSCAR

read
236.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook