Chapter 5

1415 Words
“Titingnan ko kung meteor nga ba talaga ‘yon,” sagot ni Kaira sa nag-aalalang kaibigan. “Ano? Ang dilim kaya! Paano mo makikita kung meteor nga ba ‘yon o hindi? Sira ka talaga! At hindi ba may radiation ‘yon?” May punto nga naman ang kaibigan pero umilaw na naman nang medyo malamlam sa bahagi ng tubig na iyon. Bumitiw pa siya sa kaibigan. “Dito ka lang. Pupuntahan ko lang.” Hindi na niya pinakinggan ang kaibigang tinatawag siya para pabalikin. Lumusong na siya sa tubig at nag-dive sa ilalim. Tinungo niya ang may ilaw na bagay na bumagsak. Kuryuso talaga siya kung ano ang pinanggalingan ng ilaw na iyon. Nang makalapit na siya rito ay napagtanto niyang hindi pala isang space rock o meteor ang bumagsak kundi ay isang mini-spaceship. Halos kasing-laki ng isang ferry iyon. Sa tingin niya ay pahaba ito na parang sigarilyo at may hugis ulo ng chameleon sa isang dulo. Lumangoy siya nang paitaas upang huminga sandali. Pagkatapos ay sumisid siyang muli habang naging kuryusong-kuryuso at nae-excite sa kanyang nakita. Hindi naman siguro ito isang panaginip. At wish niyang hindi talaga ito isang panaginip. Gusto niya talagang malaman kung totoo ngang may alien at hindi lang ito isang military experiment katulad ng mga bali-balita sa ibang bansa. Ilang saglit pa ay namatay na ang malamlam na ilaw at wala siyang nakikita ngayon. Kaya naisipan niyang lumangoy ulit paitaas para makahinga. Ngunit pagkasisid niyang muli ay nakita niyang may lumabas na tila isang bula at nasa loob niyon ay isang porma ng tao. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa nakita at napamaang pa siya. Tuloy ay nakainom siya ng tubig at dali-dali siyang lumangoy papunta sa ibabaw ng tubig. Napahinga pa siya nang malalim at napaubo habang nagte-treading. Naramdaman pa niyang tila vina-vacuum siya pailalim ng tubig. Nataranta tuloy siya at pinilit na lumangoy papalayo ngunit mas malakas ang enerhiyang humigop sa kanya at tuluyan na siyang naipasok sa loob ng bula na iyon. Napaupo siya sa sahig ng bula na tila kristal sa kanyang pandama at paningin. She thought she’d drowned. She took a deep breath and panted. Nang mapaangat siya ng tingin ay sumalubong sa kanya ang isang tila naka-boots na mga paa. Gawa iyon ng tila kristal. Makintab na asul na roba na may mga diamante na sobrang dami at isang napakagandang puting mukha na may pinakaasul na mga mata na noon pa niya nakikita. Napamaang pa siya nang magsalita ang guwapong nilalang. “Ikaw ba ang prinsesa sa mundong ito?” Her heart just skipped a beat and raced at the sound of his deep but sexy voice. Napalunok naman si Kaira. Ang magandang nilalang ay isa palang lalaking tila nasa late twenties nito na may mahabang asul na buhok. Ang isang tuhod nito ay lumuhod para halos magkapantay sila nito ng paningin. Pero napababa naman ito ng paningin mula sa kanyang mukha patungo sa kanyang dibdib, tiyan at mga hita. Ganoon pa man ay hindi siya natatakot dito kundi ay naging kuryuso pa siya. Balewala sa kanya ang two-piece na suot habang nakatingin ito sa kanya nang may kakaibang lagkit at pagpuri sa nakikita. Bumuka ang kanyang mga labi. “Bakit ka naghahanap ng prinsesa? Ano itong kinalalagyan natin? At sino ka?” Tumayong muli ang lalaking may kakaibang kaanyuan kaysa sa normal na tao. “Ublli, ikubli mo ang sasakyan natin at maghanap tayo ng matutuluyan,” sabi nitong nakatingala sa itaas. Naramdaman pa ng dalaga na gumalaw ulit ang bula na parang kristal at saka ibinangga nito ang isang bahagi nitong nasa likuran ng lalaking nakatayo at unti-unti ay nasaksihan niyang nawawala sa kanyang paningin ang pahabang spaceship. Or capsule? Whatever! Nakamaang na naman siya dahil sa nasaksihan. Napatingin siya sa kanilang paligid pero parang kristal lang ang bulang kinaroroonan nila. Pagkatapos ay naramdaman din niyang gumalaw ito sa tubig. “K-kung kailangan mo ng matutuluyan, nasa malapit lang ang bahay ng kaibigan ko at siguro ay puwede kayo roon,” ang suhestiyon na lang niya. Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinabi niya. Sa isang normal na tao, siguro ay dapat na natatakot na siya rito. Pero paano ba naman siya matatakot sa isang napakaguwapong tingnan na nilalang? Sa katunayan nga ay nais niyang titigan lang ito nang titigan dahil sa sobrang guwapo. Pero sana nga naman ay hindi siya naglalaway at magmumukha talaga siyang ewan. Napatingin sa kanyang muli ang guwapong nilalang. “Kaibigan mo? At siya ang prinsesa sa mundo ninyo?” Napatawa pa siya rito nang marahan. Bakit ba palaging prinsesa ang hinahanap nito? Nao-offend na ako, ah! Napatiim-bagang pa siya pagkatapos. “Walang prinsesa sa amin, okay? Nasa England ‘yon o sa ibang bansa ng Europe. Sana doon ka nag-landing at naghanap, ano? At hindi rito sa Pilipinas!” inis na aniya rito. Napakurap-kurap ito. Well, that was quite a relief. Kanina pa kasi nakadilat ang mga mata nito. Hindi man lang niya napansing kumurap. “Your vital signs are not normal,” anitong napalingon sa isang bahagi kung saan may holographic computer screen na nagpapakita sa kanyang vital signs. Napamaang pa siya dahil dito. Tumayo siya at nakapamaywang. Aba, marunong din palang mag-Ingles? “Hoy! Sa mga sandaling ito, sino ba ang magkakaroon ng normal na vital signs?” asik niyang nakasimangot. Itinuro pa nito ang bahaging iyon ng holographic computer at kahit paano ay nakita niyang hindi naka-red at naka-blink iyon, ‘di katulad ng sa kanya kanina. Pagkatapos ay itinuro nito ang sarili. “Sa ‘kin, normal,” maiksing anito. “Aba! Antipatiko! Malay ko ba kung totoo ‘yang ipinakita mo?” Umirap pa siya saka napalingon sa labas. Nakikita na niya si Alice na naghihintay sa kanya sa dalampasigan at kasama na nito ngayon ang mag-asawang caretakers. Mukhang tinawag nito ang mga iyon dahil hindi pa siya nakabalik. “Itigil mo na nga anumang sasakyang ito sa dalampasigan at palabasin mo na ako,” utos pa niya rito. Saan kaya ng lupalop ng mundo galing ito? Talaga kayang hindi lang ito Amerikanong may experiment ng alien technology? Pero in fairness, magaling siyang mag-Filipino. Napatingin ito sa kanya ang lalaki mula ulo hanggang paa at pabalik naman. Saka bigla na lang siya nitong hinawakan sa kamay na biglang nagpasikdo sa puso niya. “Iluwa mo na kami, Ublli,” ang utos pa nito sa sinasakyan nila. Iluwa? ani isipan ng dalaga na nandilat ang mga mata. Kinain ba ako kanina? Ang alam ko lang ay hinigop—s**t! Kaninong tiyan kami napapaloob? Muli siyang napatingin sa paligid. Wala namang mga bituka o kahit anumang lamang-loob. Ang linis-linis nga na parang bolang crystal na napakalaki ang kinaroroonan nila ng lalaking may asul na buhok. Ilang sandali lang ay parang may kung anong malakas na enerhiyang tumulak sa kanila palabas. Niyakap siya ng lalaki na ikinabigla niya. Naikulong siya sa malalakas nitong bisig. Ang enerhiyang iyon ay halos kapareho ng siyang humigop sa kanya kanina para maipasok siya sa bula na ito. Bumagsak ang lalaki sa buhanginan kasama siya at nakapaibabaw siya rito. Ramdam na ramdam niya ang matigas nitong katawan at nagkatitigan silang dalawa. Parang hinihigop siya ng asul na mga mata nitong parang naging luminous sa mga sandaling ito at siyang nagpasikdo ng kanyang puso. Pagkalingon pa niya sa bula ay nakita niyang pumorma iyon ng isang puting halimaw. May isang malaking mata sa gitna ng ulo nito, may bibig at parang hugis ng napakalaking puting iguana. Napakiling pa siya sandali ng ulo. No. Not really iguana. A chameleon maybe? Pero isa lang ang mata? Nandilat pa ang kanyang mga mata. Lalo na’t ngumisi ito sa kanya. s**t! Nagta-transform ang nilalang na ito at nasa loob kami ng tiyan niya kanina? Napamaang siyang nakatitig sa kakaibang nilalang. “Kaira!” tawag sa kanya ng kaibigan na lumapit sa kanya at sa lalaki. Kasunod nito ang mag-asawang Lucing at Nick. Napatingin siya sa kaibigan at saka sa lalaking nakahiga pa rin sa buhangin at siya ay nakapatong dito. Marahan itong tumagilid para makakalas na siya mula rito. O kaya ay mas mainam sabihing para makakalas na ito mula sa kanya. Kanina pa pala siya nakapatong dito habang inaanalisa na isang halimaw pala ang humigop at lumulon sa kanya kanina. No! Hindi ako kinain. Hindi ako kinain ng halimaw na ito! sigaw ng isip niya na parang nagwawala. Bigla na lang siyang tila nahilo at ilang sandali pa ay dumilim na ang kanyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD