Napatutop sa kanyang bibig si Kaira sa nasaksihan pagkatingin ni Prinsipe Dronno sa dalaga. Hahakbang sana ito pero pinigilan niya ang babae. “Bitiwan mo siya, Ublli,” ang utos ng prinsipe kaya tumalima ang chamronia. Bumagsak si Marco sa kongkretong sahig at saka muling umungol. Nauna ba naman ang puwit nitong kumonekta sa matigas na sahig na may kasama pang sound effect. Malamang ay nasaktan ito pero parang hindi nito alintana. Nang dahil sa takot ay agad itong lumayo sa kanila nang paatras habang nakaupo sa sahig. “H-halimaw!” sigaw nito. Sunud-sunod ang bulungan at kakaibang tingin ng mga tao kay Ublli. May ibang kumuha ng video pero agad na inagaw ni Easton ang cell phone ng mga ito at binura kaagad. “Kapag may lalabas nito sa social media, lahat ng mukha n’yo ay makikita sa inte