“I’m so sorry, Alice! I’m so sorry, loves!” madamdaming hinging-despensa ni Easton at saka hinalikan sa labi si Alice… este si Ublli. Nahulog ang panga ni Kaira nang dahil dito. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Easton na iba ang hinalikan niya. “E-Easton, hindi ka ba… I mean, anong oras ka ba umalis sa bahay mo?” agaw niya sa atensyon nito samantalang pinahiran ni Alice ang labi gamit ang likod-kamay nito nang dalawang beses. Nakasimangot pa ang chamronia na napasulyap sa matangkad, guwapo ngunit walang ka-muscle-muscle na lalaki. Hindi naman ito patpatin pero wala lang talagang masels. May one-length style na buhok ito na medyo kulot. “Kanina pang umaga dahil may maaga akong meeting sa opisina at dumaan ako rito para bumili ng regalo para kay Alice. Nag-away kasi kami ng loves