Kanina pa hindi mapakali si Kaira. Parang nag-iinit ang batok niya dahil tila may nakatitig sa kanya na mga mata kanina pa. Kaya kahit sa activity nila ngayon ay hindi siya makapag-concentrate. Napamulat pa siya ng mga mata nang marahan at halos mapalundag na lang siya nang makita ang chamronia ni Prinsipe Dronno sa harap niya. Buti na lang ay nakapagpigil pa siya at saka pinandilatan si Ublli. “Ano’ng ginagawa mo rito?” pabulong niyang sita sa chamronia. Sinulyapan niya ang mga kasamahang nakapokus lang sa ginagawa nila, pati na sina Disha at Alice. Ngumisi lang si Ublli nang hindi sumagot. Pagkatapos ay umalis ito upang ikutin at tingnan ang ibang mga kababaihan na alam niyang nakapikit ang mga mata dahil sa meditation nga nila sa mga sandaling ito. Napalingon pa siya sa bintana. Doon